Nanlambot na ang dalawang tuhod ko sa narinig. Parang na-blangko bigla ang utak ko at ayaw na nitong mag-function. Hiniling ko rin naman na magustuhan niya ako, pero hindi naman iyong ganitong tipo ang bilis.
Ano iyon? Sobrang lakas ko sa itaas at nagkaroon ako agad ng answered prayer? Ganun ako kalakas kay Lord?
Teka lang naman. Hinay-hinay naman ang revelation ay hindi ko pa ma-take.
Baka mamaya imagination ko lang ang lahat ng ito. Nakakahiya, Hilary!
So iyong pagiging assumera ko ay di pala masama, kasi nag-manifest agad. Dapat masaya ako dahil iyong nararamdaman ko para sa Tukmol ay nasuklian. Kaso, paano ba maging masaya? Kahit naman pareho kami ng nadarama, hindi rin kami pwede. Kasal ang parents namin. Oras na malaman nila ito, baka atakehin sila. Oo, masama akong anak. Pasaway. Pero never sumagi sa isip kong aabot sa ganito. Sabi ko dati ay aagawin ko ang atensyon ng anak ni Azalea para makaganti ako sa pang-aagaw niya sa akin kay Daddy pero ‘di ko naman intended pati ang puso nito ay dala.
“Hilary, sandali lang!” sigaw nitong kinukuha na ang buong atensyon ko.
Nang umikot ako para sana harapin siya at patahimikin dahil naririndi Ako sa boses niya ay bigla na lang akong natumba tuluyang napaupo. Pasugod siyang lumapit, nag-aalala ang mata.
Langya naman, Hilary! Ayon na eh, mukha ka ng fierce tapos bigla kang matutumba. Nagmukha kang lampa!
Hindi ko na tinanggihan ng alalayan niya akong tumayo. Parang jelly ace pa rin sa lambot ang mga binti ko. Hindi naman dapat ganito. Mukha tuloy akong na-surprise. Totoo rin naman iyon. Ikinakaila ko lang.
“Ayos ka lang?”
Siraulo talaga ang Tukmol na ito. Sa tingin niya ba magiging maayos ako? Kailan lang noong umamin ako na gusto ko siya. Tapos heto siya, bigla na lang din aamin sa nararamdaman? Ano bang gusto niyang reaction ko?
“Hilary?” pitik niya ng daliri malapit sa mukha ko, paano nakatitig lang ako. “Tinatanong kita. Ayos ka lang ba?”
Tumango ako. Iniiwas na ang mukha.
“O-Oo naman. Natapilok lang ako.”
Nang iika-ika akong humakbang ay walang pag-aalinlangan niya akong binuhat. Maingay na pumiglas ako.
“Ibaba mo ako! Kaya kong lumakad.”
“Stay still. You may have sprained your ankle. Huwag mo ng palalain.”
Ang gaga ko talaga! Bakit sinabi ko pa kasing natapilok ako? Sa dami ng pwedeng i-rason. Iyon pa ang naisip.
Mariing kinagat ko na lang at labi at pikit-matang ikinapit ang isang braso sa leeg niya. Hindi rin naman niya ako ibababa kahit ulit-ulitin ko sa kanya.
Walanghiya ka, Hilary! Nasaan na ang tapang mo ngayon? Lakas pa ng loob mo kaninang magtanong. Tapos ng sagutin ka bigla kang titiklop na lang.
Ini-upo niya ako sa hood ng kotse. Kinuha niya ang bitbit kong heels at inilagay iyon sa loob ng sasakyan. Pagbalik niya ay pa-squat siyang naupo upang e-check ang paa ko.
“Sabihin mo sa akin kung masakit.” ikot-ikot niya sa mga paa ko, tangay sa bibig ng cellphone para ilawan. “Ano? Masakit ba? Sabihin mo na para madala kita ng hospital. Baka ilibing ako ng buhay ni Tito kapag nalaman niyang kasalanan ko ito.”
“Hindi masakit.”
“Are you sure? Iyong totoo, Hilary.”
“Oo nga, hindi masakit.”
Mapanuri na ang mga mata niyang tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko pa rin lubos maisip na totoo ang mga sinabi niya. Baka mamaya niloloko niya lang ako. Gino-good time. Saka alam ko namang hindi pa rin kami pwede kahit na umamin siya sa akin. Useless lang din ang lahat.
Nilingon ko siya nang maupo sa tabi ko. Deretso lang ang tingin niya sa dagat. Kapagdaka ay tumaas iyon sa malawak na langit. Lalong na-depina ang pagiging magandang lalake niya sa aking mata nang gawin niya iyon. Malinaw kong nakita ang panga niya.
“Paano iyon nangyari, Chaeus?” halos bulong lang ang pagkakabanggit ko noon kaya hindi ko alam kung narinig niya ba ako o hindi. Wala lang. Gusto kong malaman. Tutal matanda siya sa akin kaya baka may specific siyang explanation. “What I mean is seryoso ka ba talagang gusto mo ako? Anong nagustuhan mo sa akin? Masama ang ugali ko. Spoiled brat.”
Aminado rin ako. Totoo naman iyon. Alam kong alam na alam niya iyon.
“I just wondered about it lang.”
Napaiwas na ako ng tingin nang lingunin niya ako. Ewan ko ba. Hindi ko na kayang tagalan ang paninitig niya. Sinundan ko ng hilaw na tawa.
“Huwag mo nga akong pinagloloko. Think about it. Baka sinasabi mo lang ito dahil nabo-bother ka or guilty ka sa ginawa kong pag-amin sa'yo. Baka napipilitan ka na sabihin iyon dahil alam mong may gusto ako sa'yo.”
Huminga ako ng malalim, nilalamon na naman ng lungkot ang sistema.
“You don't have to reciprocate what I feel, Chaeus. I'm not urging you to do that. To make me happy. Like I said before, ang nararamdaman ko ay pwedeng magbago anytime. Bata pa ako. Marami pa akong makikilala.”
Nanatili siyang tahimik. Deretso na rin ang tingin ko sa langit. Ang ganda ng scenery. Romantic to be honest. Baka kaya siya biglang napaamin. Nakatulong ang tahimik na paligid. Mali ito eh. Hindi dapat iyon ganito.
“Kung anuman ang nararamdaman ko, pabayaan mo lang ako. Hindi mo kailangang magpanggap. Hindi mo—”
“The meteor shower is starting!”
Naitakip ko ang dalawang kamay sa bibig nang makitang totoo nga ang sinasabi niya. Nagsimulang mapuno ng meteor shower ang kalangitan. Sunod-sunod iyon. Sobrang visible sa paningin ng mga nakakapanood nito.
“Gosh, oo nga sobrang dami nga nila Chaeus!” tuwang-tuwa ko ng bulalas.
Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong phenomenon. Sobrang appreciated ko ito na dahil kay Tukmol kaya ito nangyari. Sure ako na babaunin ko ang mga sandaling ito hanggang sa pagtanda.
“Let's take some pictures of them now, Chaeus!” mungkahi ko pang inilabas na ang aking cellphone.
Hindi naman nagreklamo si Chaeus. Napaka-supportive nito. Ang ilan pa nga sa mga pictures ay siya mismo ang kumuha. May mga shot rin na magkasama kaming dalawa. Papayag ba naman akong wala? Nakalimutan ko ng hintayin ang sagot niya sa mga katanungan ko. Pinawi na noon ang lungkot ko kanina.
Aaminin ko, sobrang na-enjoy ko ang tanawin. Bagong experience ika nga. At ang masaya pa ay kasama ko s’ya.
“Pwede ko bang i-post ang mga ito sa social media, Chaeus? Parang ang gandang gawing display photo nito.” tanong ko habang nakatitig sa mga kuha naming larawang dalawa.
Nasa hood pa rin kami ng kotse. Nakaupo. Bumaba lang ako kanina para kunan din siya ng picture. Hindi naman niya ako inawat kahit na apak. Sa katunayan, binigay niya sa akin ang suot niyang medyas. Hindi ko na tinanggihan. Nilalamig ako eh. Iyong shoes nga dapat kaso tinanggihan ko. Nakakahiya naman kung iyon.
“Ikaw, kung gusto mo.” umusod siya palapit para makisilip dito. “Pero dapat handa kang e-explain kung kailan iyan, saan at sino ang kasama mo sa mga taong makakakita nito.”
Tumango ako. Hindi ko kailangang magsinungaling. Bakit kasalanan ko ba na makita ito? Saka hindi naman mahirap sabihin na siya ang kasama ko. Hindi naman siguro magagalit si Lailani kapag nakita niya ito. Saka future sister in law niya naman ako. Huwag nga siyang nag-iinarte. Baka sabihin ko sa kanyang umamin sa akin ang Tukmol. Hindi pa matuloy ang kasal nila ng dahil doon.
“Okay, gusto ko sanang gawing profile iyong kasama kita kaso wag na. Baka may masabi pa ang fiancee mo. Ito na lang na mag-isa ako. Tapos ilagay ko na lang sa stories ko itong short video ng meteor shower.”
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang ginawa niyang malalim na paghinga.
“Ayaw mo bang magpalit ng picture? Ang ganda kaya ng kuha mo dito.”
Umiling siya.
“Huwag na. Saka na lang.”
Gusto ko sanang magpalit din siya para couple kami. Kabaliwan kong hindi na rin naman niya pinatulan pa. Hindi na rin kami nagtagal doon. Bukod sa mas lumamig ang hangin ay anong oras na rin. Mag-uumaga na. Ako na mismo ang nag-aya dahil mukhang wala pang plano si Chaeus na umalis. Gusto pa yatang panoorin ang sunrise. Eh, uwing-uwi na ako. Subukan niya lang na bumoses.
“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Hilary. Hindi ko rin alam kung bakit at paano iyon nangyari. I'm not saying those things just because you admitted how much you like me.”
Naudlot ang mga kamay ko sa gagawin sanang pagsusuot ko ng seatbelt. Nakabaling na ang tingin niya sa akin pero hindi ko siya magawang lingunin. Natatakot ako.
“Hindi naman porket gusto mo ako at gusto kita ay kailangan na nating magkaroon ng relasyon. Una sa lahat ay bawal. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko. I won't take any advantage of you. Huwag rin sanang magbago ang pakikitungo mo dahil lang alam mong gusto rin kita. Let's stay as step-siblings.”
Napatiim-bagang na ako. Kung iyon pala ang gusto niya e di sana hindi na lang niya inamin ang nararamdaman niya sa akin. Pinabayaan na lang niya. Sarap niyang sampalin ng heels ko! Binigyan niya ako ng kaunting pag-asa, tapos wala rin naman pala. Binawi rin niya iyong saya ko kanina. Sana sinarili na lang niya di ba? Para naman siyang hindi nag-grade two!
“Okay.” matabang at malamig na sagot ko, akala mo hahabulin kita? “Iisipin ko na lang din na wala akong narinig. Hindi mo rin ako hinalikan at ang lahat ng nangyari ay panaginip.”
Narinig ko siyang pekeng umubo. Hindi na rin umapela sa sinabi ko. Binuhay na ang makina ng sasakyan. At paharurot na pinaalis sa lugar.
Huh!
Akala mo ikaw lang ang may kayang gumamit ng ganyang line? Ako rin. Aamin-amin ka pa tapos wala ka rin naman palang ibang plano sa atin.