Kulang na lang ay mapunit ang labi ko sa lapad ng ngiti. Halos umaabot ito sa magkabilang tainga ng marinig iyong sabihin niya. Paano ko ba mae-explain sa salita lang ang feeling na para akong nakalutang sa alapaap ng mga sandaling iyon? Kulang ang salitang kinikilig ako at masaya para mailarawan ang totoong kahulugan.
“Oo na, magdadahan-dahan na ako. Grabe! Sobrang ganda naman dito!” pasigaw na sagot ko, nagpaikot-ikot na habang nakadipa. “Ang daming mga bituin sa langit, oh! Tingnan mo sila Chaeus. Ilang milyon kaya ang bilang nila? Mukhang hindi milyon, baka sobra pa sa bilyon. Para silang mga buhay na perlas na nasisinagan ng liwanag ng buwan!” tingala kong hindi na maitago ang kilig at saya sa boses ko ng mga sandaling iyon.
Kung sinabi niya lamang sa akin ng maaga na plano niya pa lang pumunta dito, mas pipiliin ko pang sumama sa kanya patungo dito kasama siya keysa umattend ako ng party sa school. Mahaba pa ang panahong magkasama kami. Sayang!
“What time is the meteor shower, Chaeus?” nilakasan ko ang sigaw dahil nilalamon na iyon ng hangin.
Narinig naman niya iyon dahil nakita ko na sinipat niya ang suot na relo habang patuloy pa rin ang hakbang niya patungo kung nasaan ako. Mataman ko siyang tiningnan. Sinuri ang kanyang hitsura. Naka-jacket din siya, naka-maong pants at rubber shoes. Simple lang ang pormahan.
“Hindi pa ba tayo late?”
Nag-angat ito ng tingin at umiling. Sa ginawa niyang iyon ay parang panandaliang tumigil ang pag-inog ng oras sa aming paligid. Huminto ang ihip ng hangin, maging ang halik ng alon sa naghihintay na tigang na dalampasigan ay hindi ko na narinig. Kahit na madilim at medyo malayo siya ay naaaninag ko pa rin ang gwapo niyang mukha sa tulong ng liwanag ng buwan kahit makulimlim.
Tumigil na ako sa paglalakad para hintayin siya. Kung kanina ay masayang-masaya ako, ngayon ay ‘di ko naman maiwasang malungkot. Bakit? Dahil alam ko sa sarili kong kailanman ay hindi siya pwedeng mapunta sa akin. Hindi ko siya pwedeng angkinin. Hindi ko siya pwedeng maging boyfriend or worst makasama habangbuhay dahil una pa lang ay alam ko naman ng mali ang ipagpatuloy ko siyang ibigin.
“Maya-maya pa naman iyon, Hilary. Huwag kang mainip. Ilang minuto na lang naman ang hihintayin natin.”
Malakas akong humalakhak upang pagtakpan ang paninikip ng dibdib. Bukod sa naiiyak ako sa mga naisip kanina ay lumubog pa ang takong ng suot kong heels. Nang subukan kong hilahin iyon upang tanggalin ay muntikan na akong matumba. Mabuti na lang nasalo ako agad ni Chaeus. Si Chaeus na hindi ko alam kung paano mabilis na nakalapit sa pwesto ko. Sa pagkakatanda ko ay malayo pa siya. Halos dalawang dipa pa iyon.
“Sinabi kong mag-ingat ka!” mariing sigaw niya, hinahabol na ang hininga.
Napanganga ako habang nanlalaki ang mga mata. Iyon lang ang nagawa ko. Hindi dahil sa kilig ng ginawa niya kung hindi dahil iyon sa matinding takot. Akala ko ay katapusan ko na.
“Paano kung hindi kita nasalo? Gusto mo bang mabalian ka ng likod mo?”
Hindi ako nakasagot. Nababalot pa rin ng pagkabigl s isiping paano kung nabali ang leeg ko at hindi lang ang likod? Magiging paralisado ako. Tiyak mapaparusahan din si Chaeus nang malala dahil siya ang nagdala sa akin dito. Nakatitig lang ang mga mata ko sa kanya. Speechless pa rin. Nasa proseso pa ang utak ko sa nangyari.
Napakurap-kurap na ako. Napagtanto na nakakailang ang pwesto namin. Parang bridal style lang naman, iyong part na salo ng groom ang likod ng bride niya. Ganun. Malinaw na tanaw ko ang mabituing langit, bahagyang natatakpan pa ng mukha niya ang buwan.
“C-Chaeus...” nanghihinang tawag ko sa pangalan niya, napalunok ako ulit.
Hindi siya sumagot. Nakatitig pa rin siya sa akin. Naghinang ang mata naming dalawa. Dahil sa dilim ay hindi ko maaninag ang emosyon niyang bumabalot ngayon sa mukha. Maya-maya pa ay unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Sa ginawa niya ay halos maduling na ako. Nang pumikit siya ay mariing ipinikit ko na rin ang mga mata. Kabadong-kabado sa susunod na mga mangyayari.
Ilang segundo lang ang hinintay ko. Lumapat sa ikalawang pagkakataon ang labi niya sa bibig kong medyo nakabuka. Naghihintay na halikan niya. Ang labi niyang malambot, mainit at saka masarap?
Nanigas na ang buong katawan ko na parang estatwa nang maramdaman ang pagdaloy ng nakakapasong sensasyon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin. Para akong nilulunod, inuubusan niya ng hininga. Bilang reaction doin ay mariin nang napahawak ako sa laylayan ng damit kong suot. Hindi maipaliwanag kung nilalamig ba ako o parang lalagnatin sa sobrang init na ng pakiramdam ko.
Anong gagawin ko? Itutulak ko ba?
Ayoko nga!
Ano nga, Hilary? Umayos ka! Hindi naman pwedeng ganito na lang kayo.
Nang magsimula siyang marahang kagat-kagatin ang pang-ibaba kong labi na parang nanunukso at wala na siya sa sarili ay mabilis kong naitukod ang dalawa kong palad sa dibdib niya para bahagyang itulak siya papalayo. Kapos na kapaos na ako ng hininga.
“I'm sorry, Hilary!” bulalas niyang mabilis akong itinayo at binitawan na para bang bigla siyang napaso.
Halata sa mukhang nahimasmasan. Awtomatikong binigyan niya ako ng malaking distansiya. Umatras pa siya na parang malaking kasalanan kapag ‘di ginawa. Matapos mapahilamos ng palad sa mukha niya ay nag-iwas na siya sa akin ng tingin. Problemado niyang ginulo ang likod ng kanyang ulo. Parang estatwa pa rin naman akong nakatayo roon. Walang imik, parang naputulan na ng dila. Hindi alintana ang mas lumamig na hangin.
Sunod-sunod na akong napalunok ng laway. Totoo ba iyong nangyari? Hindi ba ito guni-guni at namamalikmata?
“Hilary, I'm really sorry—”
Itinaas ko ang isang kamay. Naging dahilan iyon upang matigilan siya.
“A-Anong ibig sabihin noon, Chaeus? Bakit mo ako...” hindi ko magawang tapusin pa ang laman ng isipan ko.
Hinipo ko na ng palad ang bibig. Pakiramdam ko ay naroroon pa rin ang labi niya ngayon, nakadikit.
“Gusto mo ba ako?” straightforward na tanong ko, walang kakaba-kaba.
Aba hinalikan niya kaya ako. Subukan lang niyang sabihing hindi at wala siyang katiting na nararamdaman. Makikita niya na paano ako magalit.
Halos mabali naman ang leeg niya sa ginawang biglang paglingon sa akin.
Bakit?
Gulat na gulat iyan?
Natural na tatanungin ko siya. Ano pa ang ibang magiging explanation niya?
Pangalawang beses na ito. Hindi ko na nga sasabihin at ibubulgar na alam ko ang ginawa niya sa aking pagnanakaw ng halik noong tulog ako. Kapag itinanggi niya na gusto niya ako e ‘di sasabihin ko ang totoo. Sasabihin kong alam ko ang ginawa niyang lihim na paghalik sa akin dati.
Gumalaw ang adams apple niya nang sunod-sunod na lumunok ng laway. Itinaas pa ang isang kamay. Medyo hindi na mapalagay ang katawan.
“Let me explain, Hilary—”
“Ano pa bang e-explain mo sa akin? Sasagutin mo lang naman ng oo o hindi ang tanong ko. Mahirap ba iyon? Uulitin ko, Chaeus gusto mo rin ba ako? Kasi kung hindi ay bakit mo ginawa? Bakit mo ako hinalikan?” direct to the point ko ng katanungan.
Makapal na ang mukha sa makapal pero siya ang unang nagpakita ng motibo. Umamin man ako ng una. Subalit wala naman akong ginawang ganito sa kanya. Ni hindi ko nga pinagnasahan ang katawan niya. Umamin ako para ipaalam ang nararamdaman ko. Iyon ang goal ko. Hindi nga ako naghangad ng kapalit. Hindi ko rin siya pinursige na suklian.
“Hindi ka sasagot? Uulitin ko pa ba sa ikatlong pagkakataon ang tanong ko sa'yo?” malungkot na ang tono ko.
Ilang beses niyang ibinuka ang bibig. Akmang sasagot na kaya lang ay halatang may pumipigil sa kanya. Hinintay ko siyang magsalita pero wala. Wala na siyang ibang sinabi.
“W-Wala lang ba iyon? Nadala ka lang ng magandang scenery? Bakit ayaw mo akong sagutin? Ang hirap ba?” puno ng sakit ang tono ng boses ko.
Nang hindi pa rin siya sumagot ay ikinurap-kurap ko na ang mata. Halos maiyak na. Napahiya na naman ako. Sasabihin niya bang hindi sinasadya? Padaskol na hinubad ko ang sandals at tinanggal sa pagkakalubog nito. Binitbit ko na iyon. Hindi alintana ang ilang buhangin na dumikit sa kamay.
“Umuwi na tayo.” matabang na turan ko, madaling tumalikod na sa kanya.
Pamartsa ng humakbang ako palayo. Ngunit ilang hakbang pa lang iyon ay naramdaman ko na ang pagyakap ng dalawang braso ni Chaeus mula sa likod. Dama ko ang panginginig nito.
“Oo, Hilary. Tama ka. G-Gusto rin kita.” paanas niyang sambit, parang nanghihina sa binitawang mga salita.
Siniksik niya ang mukha sa leeg ko. Maya-maya ipinatong na sa balikat ko iyon. Para na akong papanawan ng ulirat. Iba pa rin pala kapag inaamin.
“A-Alam kong namang mali ito. Kahit saang anggulo tingnan ay hindi tama. Pero anong gagawin ko? Mababaliw na ako. Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Ang hirap labanan lalo kapag nagseselos na ako.” patuloy niyang bahaw ang tinig.