Chapter 41: Unang Halik

1614 Words
Lumipas pa ang mga araw hanggang sa naging buwan na ang bilang noon. Pinili kong huwag na lang siyang pansinin na hindi kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman. Nalibang ako sa bagong batch ng mga manliligaw. Suportado ako dito ng mga kaibigan. Nang sumapit ang araw ng mga puso at magkaroon ng okasyon sa school namin ng araw na iyon ay ang dami kong natanggap na bouquet at box ng chocolates. “Ang famous ah? Pahingi naman kahit na isa.” pagbibiro ni Shanael habang nakatingin sa mga iyon na nakalagay lang naman sa aking upuan. Sa dami ay halos wala na akong mauupuan. “Pumili ka na, kung alin diyan ang gusto mo.” sakay ko na malakas lang ikinatawa ng gaga. To be honest ay hindi lang ako ang maraming natanggap. Mayroon din sila. Pati nga si Glyzel kaya naman panay ang sulyap ng class adviser namin sa pwesto nito kahit na mayroong klase. I could tell from his eyes ang selos na nadarama. “Utang na loob Hilary, huwag mong itatapon ang mga iyan. Please appreciate the effort ng mga nagbigay.” pangungunang bilin na ni Josefa. “Oo na, iuuwi ko na sa bahay ang lahat ng iyan.” sagot kong bahagyang lumapit sa kanya para bumulong. “Doon ko na lang sila itatapon para safe at walang makakakita.” Nakaani na ako ng malakas na hampas sa likod. “Huwag! Itago mo at ilagay mo sa flower base. Dagdag amoy din at pabango iyan sa kwarto.” Nagkibit lang ako ng balikat matapos tumawa. Wala naman na silang alam sa mga gagawin ko. Huwag ko lamang aminin at sabihin sa kanila. “Sige,” sagot kong sininop na ang mga iyon para ilagay sa isang tabi at nang makaupo na ako. Gaya ng gusto ng mga kaibigan ay iniuwi ko ang mga bulaklak sa bahay. Para akong christmas tree pagpasok ng pintuan dahil sa mga iyon. Iba pa ang dala ng driver naming nasa likuran ko. Malapad ang ngiti ko pagpasok pa lang ng pinto. Ngunit agad din iyong napawi nang makita si Chaeus. Nagulat din siya sa pagdating ko dito. Maaga iyon sa usual na pag-uwi ko ng bahay eh. “Hi, Chaeus! Happy Valentine's Day.” taos pa sa pusong bati ko, baka lang kausapin niya na ako. Mula sa mukha ko ay lumipat ang mga mata niya sa mga dala ko. Nakita ko kung paano mas dumilim at lumamig ang mga titig niya. Hindi ko sure kung kakarating niya lang ng bahay o paalis pa lamang siya. Ang mahalaga ay naabutan siya. “Ah, bigay ng mga suitors ko. Ang dami ano?” proud na sambit ko, wala lang. Gusto ko lang ibida sa kanya. Masama ba iyon? “Iba talaga kapag famous ka sa school mo. Maraming—” Hindi ko na naman natapos iyon dahil tuloy-tuloy na siyang lumabas ng bahay. Nilagpasan lamang akong muli. Kagaya ng hangin. Hindi niya nakita. Ano bang problema ng Tukmol na iyon sa akin? Nakatikwas ang kilay na sinundan siya ng tingin. “Tsk, hindi man lang siya bumati pabalik. Di ‘wag kung ayaw mong mamansin! Hindi kita pinipilit.” Pamartsa na akong dumeretso sa kwarto. Sira na naman ang mood ko dahil sa Tukmol na iyon. Hindi na ako nakatiis. Sinabi ko na kay Josefa. “As in Girl, parang hindi niya ako nakita kahit na nagtama naman ang mata naming dalawa. Ano ba ako? Hangin? Ang kapal ng mukha niya sa part na ako na ang bumati tapos ay deneadma lamang.!” himutok ko habang kausap ito thru videocall. May pag-ikot pa ako ng mata. Asar na asar. “Baka naman he is having a bad day, Hilary.” “Bad day? Buwan na kaya ang lumipas. Bad day pa rin? Araw-araw bad day siya?” patuloy kong nanggagalaiti na. “Mula ng bumalik siya ang cold na ng treatment niya. Samantalang bago naman siya umalis ay okay kami. Nakikipagkulitan siya!” “Huwag mo na lang pansinin. Ganyan daw kapag tumatanda na. Bugnutin at saka sensitive.” “Sensitive? Saan? Hindi ko naman siya inasar na at saka anong nakakabuwisit sa akin? Binati ko lang naman siya. Aba para akong hangin itrato.” “Baka may away lang sila ng fiancee niya—” “Anong kinalaman ko doon? Bakit ako nasali? Ang labo niya. Sabihin niya kung may problema siya! Gagawin niya pa akong manghuhula. Palayasin ko siya dito sa bahay eh. Ano? Ako pa ang aalis?” “Gaga ka! Ang dami mo na agad sinabi. Galit ka lang kaya ka ganyan kung mag-react. Huwag mo na lang siyang pansinin. Hayaan mo na. Tapos!” Pagkatapos ng usap namin ni Josefa ay hindi pa rin ako kumalma. Iyon ang nag-trigger sa akin para e-chat na sa unang pagkakataon si Lailani. Hilary: Ano bang problema niyang fiancé mo? Hindi ko naman inaano pero kung e-trato ako ay hangin. Pagsabihan mo nga iyan. Kung ayaw na niyang makita ang pagmumukha ko, magpakasal na kayo para makaalis na siya sa pamamahay namin! Siguro dahil sa sobrang pissed ako kaya ko ito nasabi. Sa kanya ko naibaling ang lahat ng inis. At ang mas lalong nagpasagad sa buto ko ng galit ay ng i-seen lang ako ng babae at hindi pinansin. “Ano bang problema ng dalawang iyon? Hindi ko naman inaano! Ini-stress nila ang beauty ko.” hila ko sa pinto ng fridge para kumuha ng tubig. Tuloy-tuloy ko iyong ininom at muling bumalik ng silid. Nasa labas si Daddy at Azalea. Probably, they are having their Valentine's date. Sana pala pumayag na lang akong gumala kasama ang pinsan ni Josefa na panay ang aya sa akin kanina. Kung alam ko lang na maaasar ako dito sa bahay, pinili ko na sanang lumabas na lamang. “Hay naku!” bulong-bulong ko pabalik ng silid. Nagmukmok lang ako doon matapos kumain ng dinner. Inaaya akong lumabas nina Shanael at Josefa, tinanggihan ko iyon. Alam kong may date sila at ayokong maging third wheel ng mga gaga. Si Glyzel naman ay alam na kung sino ang date. Wala rin akong maaasahan sa babaeng iyon. “Bakit kasi bukas pa ang party sa school? Sana ngayon na lang nang may napaglilibangan ako.” Nahiga na ako at inayos na ang sarili sa kama. Plano kong itulog na lang ang lahat. Malapit na akong makatulog ng pumukaw sa diwa ko ang umingit pabukas na pinto ng silid dahilan para maalimpungatan ako. Kumunot na ang kilay ko pero hindi ako nagdilat ng mga mata. Baka si Daddy lang iyon at tsini-tsek kung narito ako. Lumapit pa sa akin ang mga yabag. Hanggang sa yumundo ang gilid ng kama ko. I swear halos himatayin ako nang maamoy at umalingasaw ang pamilyar na pabango sa kabuohan ng silid ko. Si Chaeus ang narito, siguradong-sigurado ako! Pero sandali, anong ginagawa niya sa silid ko? Akala ko ba ay galit siya sa akin? Bakit narito siya ngayon? Para mag-sorry? “T-Tulog ka na?” unang salitang sinabi niya gamit ang mababa at malungkot niyang tinig. Sa mga sandaling iyon ay parang gusto ko ng idilat ang mata at yakapin siya. Kaso, ayoko! Hindi pa rin nawawala ang galit at tampo ko. “Pasensiya ka na, Hilary kung bigla na lang naging malamig ang pakikitungo ko sa'yo. Kasalanan ko.” Sa boses niya parang lasing siya o nakakainom. Napatunayan pa iyon ng maamoy ko ang alak. “Sinubukan ko namang pigilan ang sarili ko. Heto nga at dumistansya pa ako sa'yo kahit labag sa loob ko, pero wala pa ‘ring nangyari. Ganun pa rin ang nararamdaman ko. Ni katiting ay walang nagbago. Mas naging malalim pa iyon ngayon.” Ano bang pinagsasabi ng Tukmol na ito? Hindi na lang deretsuhin. Ang dami pang paliguy-ligoy. “Alam kong mali. Magkapatid tayo. I mean dapat na kapatid lang ang turing ko sa'yo pero hindi ko alam kung bakit mas higit pa doon ang gusto ko.” Ha? Ano raw? “Oo, aaminin ko sa'yo na kagaya mo. Pareho lang ang nararamdaman natin sa bawat isa. Pero kasi hindi pwede. Pamilya tayo. Isang pamilya tayo. Kahit gusto kita at gusto mo ako. Hindi pa rin pwede. Hindi pa rin pwede na magmahalan tayo na lalagpas sa pagiging magkapatid, Hilary.” Jusko! Totoo ba itong pinagsasabi ni Zacchaeus? Teka lang naman! Para akong kakapusin sa hininga. Hindi ko napaghandaan ang pasabog. Umaamin ba siya ng nararamdaman niya? Paano iyon nangyari? Gusto niya na rin ako? Is this even real? Hindi lang basta ako nag-iimagine? Baka naman guni-guni ko lang at nananaginip? “Anong gagawin natin ngayon, Hilary? Tulungan mo naman akong mag-decide kung ano. Sobrang naguguluhan na ako. Nahihirapan na rin akong umiwas. Gusto kong bumalik na tayo sa dati.” narinig ko ang ginawa mahina niyang pagsinghot. Umiiyak siya? Seryoso ba talaga ang Tukmol? Mariin ko pang ipinikit ang mata sa halip na idilat iyon at komprontahin siya. Hindi ko rin alam ang mararamdaman. Matutuwa ba ako? Dapat akong matuwa dahil nalinawan na rin ako kung bakit niya ako iniiwasan. Pero bakit ganun? Bakit may kirot at sakit sa puso ko sa ginawa niyang pag-amin? Akala ko, kapag nagustuhan niya rin ako ay magiging sobrang saya sa pakiramdam. Hindi pala. Nagkakamali ako. Salungat pala iyon. “Huwag kang mag-alala. Magpapaka-Kuya pa rin ako sa'yo. Wala eh, iyon ang kapalaran natin. Wala naman tayong magagawa para baguhin.” Gumalaw ang kama. Akala ko ay aalis na siya pero naramdaman ko ang pagdukwang niya palapit. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglapat ng malambot, mainit at lasang alak niyang labi sa bibig ko. Nanigas ako. Hindi malaman ang tamang reaction sa unang halik mula sa lalakeng gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD