Chapter 40: Low Energy

1697 Words
Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong ng about kay Chaeus. Hindi ko kasi ito nakikita sa breakfast at ganundin sa dinner. Bagay na imposibleng mangyari dahil kilala ko ang ugali ni Chaeus. Kung busy lang ito sa site, makikita ko pa rin sana. Unless nagtatago siya para magpa-miss sa akin. Ganun na lang ang gulat ko sa sagot ni Azalea. “Hindi mo alam na umalis siya ng bansa, Hilary?” puno ng pagtatakang balik-tanong ni Azalea. Umiling ako, magtatanong ba ako sa kanila kung alam kong umalis ang Tukmol? Ang bungol talaga. Magandang babae nga, kaso mukhang walang utak. Hindi niya ginagamit ang common sense. “Nagpaalam sa amin na susundan niya raw si Lailani. Isang araw after niyang umalis ng bansa. Hindi ko alam kung may pinag-awayan sila kaya hindi mapalagay ang Kuya Chaeus mo at sinundan na lang ito para suyuin. Niloko ko ngang magpakasal na sila para magkasama na.” Tumango-tango lang ako. Itinuloy ang pagkain. Medyo kampante na sa nalaman. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Sumunod lang pala siya sa fiancee niya. Kaya pala hindi ko siya nakikita ay wala sa bansa. Hindi siya nagtatago. Wait lang? Ano pang sinabi ni Azalea? Sinabihan niya si Chaeus na magpakasal na sila ni Lailani? Nahihibang na ba siya? Bakit siya nagmamadali? Hindi ko sure kung naging visible ang emotion ko sa mukha ng pagkadismaya nang dahil doon. Sa palagay ko ay hindi naman. Hindi siya nag-react. “Tutal ayaw na rin naman niyang mahiwalay sa babae, maanong bumuo na sila ng pamilya. Mali ba ako ng hilingin iyon sa kanila, Mateo?” hingi pa nito ng opinyon kay Daddy na tahimik lang na kumakain. Tumango lang ito bilang sagot. “Gusto kong magkaroon na rin ng apo. Pang-alis stress.” Tumahimik ako. Anong ikokomento ko? Dapat lang talaga na mag-asawa na ang Tukmol na iyon? Hindi ko ma-imagine na may batang iiyak-iyak sa loob ng bahay namin. Tapos ay kamukha pa ni Lailani. Buti sana kung kay Chaeus magmamana. Hindi ko na iyon ikakairita pa. Iwinaglit ko iyon sa isipan. Ayokong sirain nito ang magandang gising ko. Hindi ako papayag! “Kailan ang uwi niya?” “Naku, iyon ang hindi ko alam. Bakit? Na-miss mo na ba agad kabangayan dito ang Kuya Chaeus?” Kuya Chaeus my ass! Ayaw niya kayang patawag ng Kuya. Sabihin ko kaya iyon kay Azalea ngayon? Ano kayang magiging reaction niya? Wag na nga! Baka kailangan ko pang mag-explain ng dahilan. Hilaw akong ngumiti. Nasapul niya na kasi ang nararamdaman ko. Parang ganun na nga. Medyo miss ko na ang pang-aasar sa akin ng Tukmol. Pero syempre, hinding-hindi ko iyon aaminin. “Medyo?” patanong kong sagot. Sa patuloy na paglipas ng mga araw ay sobrang naiinip ako. Parang hindi na ako sanay na wala si Chaeus sa paningin ko. Sumidhi pa iyon lalo na ng maging isang Linggo at hindi pa siya bumabalik. Maraming negative thoughts ang lumalamon sa isipan ko na hindi masabi sa mga kaibigan. Baka kasi mamaya ay lihim na nila akong husgahan. “Bakit palagi ka na lang lantang dahon, Hilary?” “Oo nga, ilang araw ko na ’ring napapansin. May masakit ba sa'yo ha? Nawalan ka na ng sigla.” Ilan lang ito sa mga puna ng mga kaibigan ko, masyado yatang obvious ang nararamdaman ko. “May problema ka ba sa bahay niyo? Si Chaeus?” Alam na alam talaga ni Josefa kung paano kunin ang atensyon ko. Ang keyword nito? Si Tukmol. “Wala naman.” tamad na hinalo-halo ko ng straw ang loob ng fruit tea na order at nasa table na. “Eh, bakit ganyan ang hitsura mo? Lifeless?” Umiling ako. Tinatamad na mag-explain. Weekend iyon at nagkayayaan kaming mag-stroll sa mall. Nakahalumbaba ako. Sobrang bored ang hitsura. “Sabihin mo na sa amin. Makikinig kami.” kumbinsi pa ni Shanael na mukhang ayaw akong tigilan. At bilang masunuring kaibigan. Sinabi ko na ang gumugulo sa akin at nagpapahina ng energy ko. “You mean wala sa bahay niyo si Chaeus?” si Josefa na di na nagulat. Tumango lang ako. “Tapos, sinundan niya ang fiancee niya—” Tumayo na ako. Nang-iinis ba sila? Inuulit lang nila kung ano iyong sinabi ko. Parang mga sira! “Oh? Saan ka na pupunta?” “Uwi na tayo.” “Ha? Halos kakarating lang natin dito, Hilary!” si Glyzel na halos noon lang nagkaroon ng time. “Ano naman? Wala na akong ganang maglakad. Kung gusto niyo maiwan na lang kayo dito. Ayos lang na ako lang ang mag-isang uuwi. Sige na.” Wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako. Ipipilit ko pa rin naman ang gusto ko eh. “Tawagan mo kami kapag nasa bahay ka na!” kuro na saad nila matapos akong pasakayin. Tumango lang ako. Panay ang scroll sa hawak na cellphone. Ewan ko ba. Sana hindi na lang ako umalis ng bahay. Akala ko ay mae-entertain ako ng pagpunta namin ng mall, hindi rin naman pala. “Diyan na lang po ako sa tabi.” ngiti ko sa driver ng taxi matapos na abutan siya ng pamasahe. Pagkababa ay mabagal na akong humakbang patungo sa gate ng bahay. Bitbit ang fruit tea na unti-unting nawalan na ng lamig. Ibababad ko na lang ang katawan sa pool. Baka sakali na mabago ang mood ko kapag ginawa ito. Bago ako tuluyang makapasok ng pinto ng bahay ay natigilan ako ng may tumigil na taxi sa harap. Halos mabali na ang leeg ko upang tingnan kung sino ang lulan noon. Kulang na lang ay tumalon ang puso ko sa tuwa nang makita ang pamilyar na maleta. Kay Chaeus lang naman iyon. Umayos ako ng tayo. Hindi muna ako pumasok ng bahay. “Chaeus!” taas ko na ng kamay matapos niyang pumasok ng gate, natigilan siya sa paghakbang. Hindi pa ako nakuntento doon. Sinalubong ko na siya habang halos mapunit na ang ngiti sa labi. “Bakit ngayon ka lang? Kumusta ang bakasyon—” Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin nang bigla na lang niya akong lagpasan. Ni hindi siya ngumiti sa akin. Iba ang hitsura niya ngayon. Para siyang puyat na puyat. Nanlalaki ang mga eyebag tapos mukha pa siyang pumayat. “Hoy teka lang!” habol ko sa kanya. Patakbo ko siyang inunahan. Dumipa pa ako sa harap niya para harangan siya sa paglalakad. “Hindi mo ako babatiin pabalik? Hindi mo ba ako nakita? What's wrong with you? Noong huling usap natin ay okay naman tayo ah? Galit ka pa rin ba na tinawag kitang Kuya Chaeus—” “Pagod ako sa biyahe Hilary, tumabi ka diyan.” Kulang na lang ay mahulog ang panga ko. Ang lamig ng boses niya. Wala ‘ring kagana-gana. “Ano bang nangyari sa bakasyon mo?” Iyon lang ang naisip kong dahilan kung bakit siya ganito. Hindi kaya may naging away sila ni Lailani at ito ang nagpapahina sa kanya ngayon? Bakit? “Huwag mo na muna akong kausapin. Hindi mo ba nakikitang kailangan ko ng pahinga? Pagod ako.” Unti-unti na akong tumabi upang bigyan siya ng daan. Ang layo niya talaga sa Chaeus na kilala kong napakaraming energy at hindi nauubusan. “S-Sorry...” Nilagpasan niya na ako. Sinundan lang siya ng aking mga mata. Iniisip pa rin anong problema. “Tanungin ko kaya si Lailani? Umamin kaya?” Buong araw noon ay naging okupado ang isip ko ng nasaksihan sa mood ni Chaeus. Ilang beses akong sumubok na kausapin siya through chat. Kaya lang binubura at binubura ko lang din iyon sa huli. Nagdadalawang-isip. Ganundin din ang ginawa ko sa inbox ni Lailani. Nagcompose ako ng mahabang text. Puro katanungan iyon na sa huli ay binura ko lang din at hindi ko naman sinend. “Padaanin ko na kaya kay Azalea? Baka sakali na may alam siya. Ano naman ang approach na gagawin ko ng hindi ako lalabas na pakialamera?” Hays! Marahas na ginulo ko na ang buhok. Kanina pa ako nag-iisip pero parang hindi lahat effective. Pagdating ng dinner ay hindi sumabay sa amin si Chaeus, hoping ako na sasabay siya dahil may empty plate, utensils at glass sa pwesto niya. Ngunit tapos na lang kami at lahat, ni anino niya ay hindi nagpakita. Malamang, nagpapahinga pa. Hindi na ako nakampante noon. After kumain ay lakas-loob ng tinungo ko ang silid niya. Hindi ako mapakali. Hindi sa nag-aalala. Curious lang ako. “Chaeus? Are you inside? Hindi ka ba gutom?” magaang katok ko sa pintuan, “Hello? Tulog ka ba? Pwede na ba tayong mag-usap na dalawa?” Akmang kakatok ako ulit ng mapansin ako ng maid na may kinuha malapit lang sa pwesto ko. “Wala diyan ang Kuya Chaeus mo, Hilary. Umalis.” Mabilis akong bumaling sa kanya. “Umalis? Ulit? Saan siya pumunta? Alam mo?” Nagkibit lang ng balikat ito. Alam ko na ang sagot doon. Hindi niya alam or wala talaga siyang alam. “Hindi naman siya nagpapaalam kapag aalis—” Itinaas ko ang kamay para patigilin siya. Alam ko namang hindi niya alam pero baka ‘pag sumagot siya ng pabalagbag sa akin ay masamain ko pa. “It's okay. You don't need to answer.” Pamartsa na akong umalis patungo ng silid ko. Sa mga ginagawa ng Tukmol na iyon ay lalo lang akong nacu-curious kung ano ang problema niya. Breakfast kinabukasan ay nalaman ko mula kay Azalea na maaga itong umalis patungo ng site. Hindi naman ako nagtatanong, pero sinabi niya. “Nagkita na ba kayo ng Kuya Chaeus mo?” Hindi ko alam kung iiling o tatango ba ako. “Hmmn, kahapon pagdating niya. Sa may gate.” sagot kong naiwan sa bibig ang aking kutsara. Sa mga sandaling iyon ay nag-iisip ako ng dahilan para komprontahin sana si Azalea. Kaso wala naman akong maisip. Sa huli nanahimik na lang. “Ahh...” react nitong sumulyap na kay Daddy. Nagtuloy-tuloy iyon. Tipong kahit nakabalik na siya ng bansa ay hindi rin kami halos magkita. Mailap siya. Palagi siyang wala. Kung di lang dahil sa resto niya ay iisipin kong iniiwasan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD