Chapter 39: Binasted ako

1696 Words
Isinipa-sipa ko pa ang dalawang paa hanggang sa matanggal na ang suot kong itim na sapatos. Patuloy na bumagsak ang luha ko dahil sa hiya. Pinanood lang nila akong tatlo. Hindi nila ako nilapitan para patahanin or kahit na damayan. Dumurog pa iyon sa puso ko. Siguro ay tinakwil na nila ako at ikinakahiya na rin nilang kaibigan. Ang lahat ng iyon ay hindi ko naman intensyon. “OMG!” maya-maya ay bulalas ni Glyzel, agad na tinakpan pa ang bibig na parang di makapaniwala habang ang mga mata nito ay nakalapat sa akin. “Kung ganun ay totoo talaga ang lahat ng iyon? Walang halong biro o sasabihing prank lang?” Sobrang late ng reaction ng gaga pero hindi ko makuhang matawa sa kanya. Nadudurog ang puso ko sa ginawang panghuhulog ni Josefa. Naturingan ko pa siyang bestfriend. Higit pa nga na mas pinagkakatiwalaan ko siya at mahal kumpara sa dalawang kaibigan namin tapos ganito lang ang gagawin niya sa akin? Ihuhulog? Ipapahiya? Sana pinagtakpan na lang niya ako. “Kaya pala todo rin ang explanation mo sa akin Hilary noong nagkita tayo sa tuktok ng bundok. May kasalanan ka pala at nilalamon ng guilt.” dugtong pa nitong paniguradong nakadagdag sa mga kasalanan ko sa dalawa naming kaibigan. Pumalahaw pa ako ng iyak. Bwisit talaga! Paano pa ako magpapaliwanag ngayon sa dalawa? Wala na. Sirang-sira na ako. Nilakasan ko pa ang iyak dahil siguradong mas magagalit ang dalawa sa pagsisinungaling na ginawa ko noon. Pambihira naman Glyzel, pati ba naman iyon ay kailangan mo pang sabihin sa kanila? I hate you na, Girl! Detalyadong-detalyado to the point na agad mahuhulaan nila. Bakit nangyayari ito sa akin? “Nag-mountain climbing kayo ni Chaeus?!” duet na tanong ni Shanael at Josefa na tila may napagtanto sa mga ikinikilos kong kakaiba noon. Isinubsob ko na ang mukha sa dalawang palad. Hindi alintana kung marumi iyon o ano. Itinago ko sa kanilang dalawa ang hitsurang sobrang guilty. Ngayong alam na nila, paano ko pa iyon pabubulaanan? Paano pa tatanggi sa kasalanan? “Kailan nangyari iyon, Glyzel?” additional na tanong ni Shanael, nag-iimbistiga na ang tono. Ang kaibigang madaldal na hindi mapigil ang bibig ay detalyado pang sinabi ang lahat sa kanila ng nasaksihan niya sa bundok. Hindi talaga siya pwedeng pagsabihan ng sekreto. Hindi niya iyon kayang itago. Pasalamat siyang wala akong alas na mabubunot laban sa kanya. Hindi lang iyon, siya mismo ang nagsabing nangyari raw iyon kinabukasan matapos ko silang tanggihan na tumambay sa bahay. Ayon domoble pa ang galit ni Shanael at Josefa sa akin nang dahil sa kanya. “Ah? At nagawa mo pa talagang magsinungaling sa amin, Hilary. Akala ko ba aalis siya ng bansa? Eh iyong about sa pagpunta ng relatives niyo? Kasinungalingan lang din ba ang lahat ng iyon?” dismayadong turan ni Shanael, umiiling-iling. “Malamang. Nagawa niya ngang umakyat ng bundok nang hindi natin alam. Malamang, walang relatives na involved. Alibi lang iyon ni Hilary.” sulsol ni Josefa na ang tabang na ng tono. Parang naumid na ang dila ko sa loob ng bibig ko. Wala na akong maisip na ipapalusot. Wala naman na talaga akong magiging lusot. Dalawa silang nakatuklas. Hindi lang iyon. Pinatunayan pa ang lahat ng iyon ni Glyzel kaya sinungaling ang labas ko. Ini-angat ko ang luhaang mukha at pinakita sa kanila. Pinagsalikop ko na ang dalawang palad ready ng humingi ng tawad. I can't lose them. Hindi ko kayang mawala ang mga kaibigan ko sa ganitong paraan. Ako na ang magpapakumbaba. “I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya ang lahat. Gaya niyo lang din akong na-attract sa kanya. I mean nagkagusto sa kanya. Sinubukan kong pigilan, wala. Hindi ko kayang makipaglaban sa aking sariling nararamdaman.” luhaan ang mga matang sambit ko, totoo naman iyon. Hindi ako nagbibiro o gumagawa ng kwento ngayon. “Hindi ko rin intensyong magsinungaling sa inyo. Hiningi lang iyon ng pagkakataon. Patawarin niyo—” “Ang tanong diyan ay kung gusto ka rin ba ni Chaeus?” tuloy ni Shanael, lalo akong humikbi. Grabe! Alam naman nilang nasasaktan na ako pero bakit parang iyong sugat ko nilalagyan pa nila ng asin para lalong mas maging mahapdi pa. “Hindi nga eh. Alam mo ang sinabi ni Chaeus noon?” tanong ni Josefa na nang-aasar na ang tono, parang masaya pa itong one sided lang din ako. “Huwag ko na lang daw pansinin kasi lasing. Imagine that? Umamin ka. Tandang-tanda mo ang lahat tapos pagkakamalan kang lasing?” “Ang sakit noon, basted ka pero hindi derekta.” Umalingawngaw na ang malakas nilang tawanan na dinadala ng ihip ng hangin. Sumasabay iyon sa ingay ng mga along humahalik sa dalampasigan. Tuwang-tuwa pa sila sa pagiging miserable ng buhay ko. Nasisiyahang nabasted ako ni Tukmol. “Tapos pagseselosin mo pa si Chaeus? Ang lakas ng loob mo ha? Hindi ka naman pala niya gusto. Pagselosin mo siya kung gusto ka niya. Jusmiyo, Hilary masyado kang delulu. Gumising ka nga!” Inulan pa ako ng kung anu-anong pang-aasar. Wala akong naging sagot doon kung hindi ang irapan sila. Sa halip na tumigil ang luha ko ay hindi. Sobrang nafru-frustrate ako sa kanila. Parang gusto ko tuloy gawin ang lahat mahulog lang si Chaeus sa akin, isasampal ko ito sa kanila. Kaso ay paano ko gagawin? Alangang maghubad ako sa harapan niya makuha lamang siya di ba? “Tumayo ka na diyan. Para kang batang umiyak. Mukha kang sinabunutan at sinaktan pero hindi naman. Wala kaming masamang ginawa sa'yo. Ang sagwa ng hitsura mo. Mukha ka sobrang kawawa.” si Josefa na tinuro pa ako bago pinagtawanan. “Tingnan mong mabuti ang sarili mo sa salamin mamaya. Welcome na lang sa club ng mga may crush sa stepbrother mo, pero walang kahit karampot na pag-asang mapansin!” Inilahad nilang dalawa ni Shanael ang kamay sa akin. Hindi na ako nag-inarte pa. Agad ko iyong tinanggap at tumayo na ako sa tulong nila. Mga abnormal. Pinaiyak lang ako at pinagmukhang kawawa. Aamuin din naman pala ako pagkatapos. “Gaga, masyado mo namang dinibdib ang lahat. Ang drama natin sa part na naglupasay ka pa.” si Shanael na tinulungan akong magpagpag ng mga buhanging dumikit sa suot kong palda. Pinunasan naman ni Josefa ang nanlilimahid kong mukha gamit ang panyo niya. Pigil na pigil na mapangisi habang ginagawa niya iyon. “Parang hindi mo naman kami kilalang tatlo. Oo, mapang-asar kami at ayaw naming pinagsisinungalingan pero alam mo naman kung gaano ka namin kamahal, Hilary.” “Oo nga, ang bilis mo namang sindakin! Akala ko ba ang tapang? Walang inaatrasan? Ano ito?” Ngumuso na ako. Kainis ah, napaiyak nila ako ng walang kahirap-hirap. Akala ko talaga galit sila. “Paano, si Glyzel sinabi pang—” “Bakit? Totoo namang nakita ko kayo sa tuktok ng bundok. Hindi lang ako gumagawa ng kwento.” pagputol nito sa akin na halos umabot na ang ngisi sa magkabilang tainga niya, proud pa siya. “Hindi ba at sinabi ko sa'yong secret lang natin iyon? Paano pa naging secret iyong sinabi mo na? Nangako ka pa. Hindi mo naman din tinupad.” “Pasensiya na. Hindi ko na iyon naisip kanina. Gulatin mo ba naman kami sa rebelasyong may gusto ka kay Chaeus. Malamang mapapa-react talaga ako nang wala sa oras. Saka kusang lumabas na lang iyon sa bibig ko. Sorry na...” Piniling ismiran ko lang siya. Hindi na sumagot pa. “Tandaan niyo, Girls. Kailanman ay walang lihim na hindi nabubunyag kaya huwag ng magtago. Huwag ng maglihim dahil anumang tago niyo ay lalabas pa rin. Aalingasaw pa rin ang baho niyo.” si Josefa na parang walang nangyaring sagutan kung makapagsalita, balewala na lang ang lahat. Ganun namin kadali naayos ang simpleng gusot. “Pero Hilary, dito tayo sa seryosong usapan. May fiancee na si Chaeus. Nakalimutan mo na?” akbay ni Shanael sa akin, ayos ng pangaral ah. “Sinasabi ko lang na kahit anong gawin natin ay mananatiling one sided tayo sa stepbrother mo.” “Oo na, alam ko naman iyon. Hindi ko naman pinipilit na magustuhan niya ako pabalik.” “Alam mo? Pero bakit gusto mong pagselosin?” Natameme ako. Siguro dahil asyumera lang ako? “Sinasabi ko sa'yo Girl, ang kumplikado ng bagay na papasukin mo in case lang. Buti sana kung hindi magiging involve ang parents niyo dito at age gap lang ang ilalaban natin. Kaso ay hindi. Iba ang case niyo. Napaka-kumplikado, Hilary.” dagdag pa ni Josefa sa mga litanya ni Shanael. “Oo na, hindi ko na ipipilit. Salamat, Girls.” Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik ng campus. Malapit ng magsimula ang afternoon class. Hindi namin namalayang lumipas ang oras. Naubos lang iyon sa pambu-bully nila sa akin. “At saka baka ikapahamak mo pa iyon, Girl.” worried na dagdag ni Shanael. “Bakit naman ako mapapahamak doon?” “In case na magustuhan ka rin ni Chaeus, pabalik. Syempre, hihiwalayan niya ang fiancee niya para sa'yo. Alangan namang dalawa kayo? Hindi siya pwedeng mamangka sa dalawang ilog tiyak na maiipit siya sa nag-uumpugang bato.” matalinhaga nitong paliwanag na di ko ma-gets. “Hindi lang iyon ang problema nila, Girl.” si Josefa naman iyon. “Paano nila e-explain sa parents nila ang magiging relasyon? Buti sana kung hindi sila kasal. At saka, tiyak pag-uusapan ng mga tao ang pamilya niyo lalo at kasal sila.” “Tama nga si Josefa, kasal sila. Paano naman kayo lalagay sa tahimik at magpapakasal noon? Hindi iyon pwede. Kahit sabihin na magkaiba kayo ng apelyido. Nakikita mo na complications?” Tumango ako. Oo na, ang linaw-linaw noon. “Ang dami niyo namang sinabi, eh wala ngang gusto sa akin iyon. Binasted niya kaya ako.” “See? Hindi talaga siya lasing noon, Girls! Tanda niyang binasted siya eh. Dapat maang-maangan iyan ngayon. Ipaglalaban niyang hindi maalala.” Nakatanggap ako ng pabirong sabunot sa tatlo. Hindi naman iyon masakit kaya ikinatawa ko lang. Tama sila, napaka-kumplikado. In case lang na gustuhin ako pabalik ni Chaeus, walang maayos na future ang naghihintay sa amin. Batid ko na anuman ang mangyari. Hahadlangan kami ni Azalea at Daddy. Paghihiwalayin kami ni Tukmol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD