HILARY EL FUENTE POV
Habang kumakain ng agahan ay panay ang sulyap ko sa bakanteng upuan ni Tukmol. Nagtataka ako na himala yatang hindi siya sumabay. Wala ‘ring empty plate and utensil na nakalagay kaya paniguradong mas maaga itong umalis ng bahay. Gusto ko sanang tanungin si Azalea. Wala lang, curious lang naman ako kung nasaan ang anak niya. Subalit nagdalawang-isip ako dahil baka isipin niyang magkasundo na talaga kami nito.
“Pasok na ako sa school, Dad.” paalam ko matapos kumain, sinakbat ko na ang bag.
“Sige, mag-iingat ka Hilary.”
Sinulyapan ko lang si Azalea na tumango lang sa akin. Nagkibit-balikat ako. Naglakad na palabas. Paglabas ng bahay ay naabutan ko ang driver namin na matamang naghihintay sa akin. Nang makita niya ang pagdating ko ay ngumiti na. Kanina habang kumakain ay naiimagine ko na baka hinihintay ako sa labas ni Chaeus. Iyon ang rason kaya nagmadali akong kumain. Kaso wala. Nabigo lang ako. Literal na umasa muli sa wala.
“Ang weird naman. Parang di na yata ako sanay na hindi makita ang Tukmol na iyon araw-araw.” bulong kong panay tanong sa nararamdaman.
Hanggang marating ang school ay siya pa rin ang laman ng isipan ko. Naka-ilang scroll ako sa social media account niya. Hindi siya online or baka naka-off lang ang status niya. Ilang beses rin akong nag-type ng message pero di ko sinend. Baka mas lalong lumaki lang ang ulo ng Tukmol.
“Bahala nga siya kung ayaw niyang magpakita. Siya rin naman ang makaka-miss sa akin. Baka busy lang din siya sa site. Imposible naman na kay Lailani dahil wala ang babae sa bansa eh.”
Pilit ko siyang iwinaglit sa isipan dahil hindi ko magawang makapag-concentrate sa klase ko. Hindi nagtagal ay nagawa ko iyon sa tulong din ng mga kaibigan. At para tuluyang mawala siya ay binanggit ko na sa mga kaibigan ang plano ko sa school mate na nagbigay ng flowers sa akin.
“Ulitin mo nga kung ano ang sinabi mo, Hilary. Hindi ba ako nabibingi lang?” si Josefa na sobrang apektado agad sa nilahad kong plano.
Nasa cafe kami dahil kasalukuyang lunch break. Panay ang sulyap ng school mate ko na nagbigay ng flowers sa table namin. Nakikita ko iyon sa gilid ng aking mga mata. Syempre, nagpapa-cute pa akong lalo. Tapos ang galaw ko ay mahinhin.
“Kailangan ko pa bang ulitin? Ang linaw naman ng sabi ko na makikipag-date ako doon sa guy.”
“Naku, ngayon pa lang ay tigilan mo na iyan.” badtrip na sagot nito, kaunti na lang at iisipin ko na crush ni Josefa iyong guy kaya siya tutol.
“Oo nga, mahirap iyan Hilary. Huwag mo na lang ituloy. Huwag ka ng kumuha ng sakit ng ulo at problema mo.” si Glyzel na halatang tutol din sa kung anong plano ko. What's wrong with them? Apektadong-apektado naman sila sa gagawin ko. “Paglalaruan mo ang damdamin niya tapos—”
“Huwag niyo agad husgahan. Hindi ko pa nga sinusubukan. Malay niyo naman ma-develop ako. Gwapo naman siya. Mukha ‘ring malinis at mabango. Kumbaga hindi mahirap mahalin.” lakas loob na sagot ko, I am just stating the fact. Grabe sila sa akin. “Saka bata pa naman kami.”
Walang komento si Shanael na salit-salitan lang ang tingin sa amin. Mukha itong walang gana sa buhay niya. Hindi ko alam anong problema niya. Hinahayaan niya lang kaming maging maingay. Nakakapanibago rin siya. Lahat ata kami ay may problemang dala-dala. At si Glyzel lang ang wala.
“Kahit na bata pa kayo kung hindi naman talaga siya ang gusto mo. Let's say hindi ka ma-develop sa kanya? Anong next mangyayari? Papalalimin mo lang ang nararamdaman niya sa'yo tapos iiwan mo. Wala kang puso kung ganun. Hindi mo kailangang mangdamay ng ibang tao para lang e-justify mo na maganda ka at gustuhin ka.” patuloy ni Josefa na hindi ko mahulaan kung saan nanggaling ang naging mga hugot niya.
Napakunot na ang noo ko. Hindi na gusto ang mga sinasabi ni Josefa. Madali naman akong kausap kung aaminin niya sa aking crush niya iyon. Willing naman akong magparaya sa kanya. Kung si Shanael ay walang gana, itong si Josefa naman ay parang napipikon sa lahat ng sinabi ko.
“Oo nga, huwag kang manggamit ng ibang tao, Hilary. Masama iyon. May tinatawag na karma. Kung hindi mo siya gusto, e ‘di sabihin mo hindi. Ganun lang kadali. Pangit kung maglalaro ka tapos ang madadamay ay isang inosente.” si Glyzel na sinasang-ayunan palagi si Josefa.
Ibinaba ko na ang basong hawak. Hinarap na ang dalawa na parang biglang naging kontrabida sa lahat ng plano ko at gustong gawin sa buhay ko.
“Girls, bakit malalaman ba niya ang totoong nararamdaman ko? Hindi naman ‘di ba? Unless may isa na magsabi sa inyo sa kanya.” maarteng turan ko, dati-rati kapag ganito ang topic namin sasamahan pa nila akong magplano. “At saka gusto ko lang namang subukan iyon. In case na hindi kami mag-work, nandiyan naman palagi ang tinatawag nilang break up. Ganun lang iyon kadali. Huwag niyong gawing kumplikado ang lahat at sobrang big deal. Nakapagsabi na rin ako sa pamilya ko na ipapakilala ko iyong guy.”
Padabog ng tumayo si Josefa. Sa ingay noon ay nagawa na niyang makuha ang atensyon ng iba. Napatingin na sila sa table na inuukupa namin.
“Stop this nonsense now, Hilary will you? Alam ko kung sino talaga ang gusto mo. Kaya tigilan mo!”
Nanuyo ang lalamunan ko nang sabihin niya ito. Sunod-sunod tuloy akong napalunok ng laway.
Sandali lang, huwag niyang sabihin na ihuhulog niya ako ngayon? Ilalantad niya ang ginawa kong pag-amin sa club sa aking stepbrother?
“What do you mean, Josefa dela Quia?” banggit ko sa buo niyang pangalan na ginagawa ko lang oras na galit ako at nauubos na ang pasensiya.
Nagsukatan kami ng tinging dalawa. Puno ng panghahamon ang mga mata ko. Subukan niya lang talaga na ipahiya ako at ilabas ang secret ko. For sure, dito matatapos ang friendship namin na malapit ng maabot ang isang dekada.
“Girl? Anong ginagawa mo? Maupo ka nga!” hila dito ni Glyzel na luminga-linga sa paligid namin.
Agad naman itong naupo, ngunit hindi nagpatalo. Sinalubong niya ang matalim na titig sa kanya.
“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Gusto niyo bang magsabunutan? Pwes huwag dito.”
Tumayo na si Shanael at parehas kaming hinila ni Josefa palabas ng cafeteria. At dahil pareho na hindi namin napaghandaan iyon. Walang hirap na nahatak niya kami patungo sa tabi ng dagat. Sa tambayan naming apat. Nakasunod lang sa amin ang tahimik na si Glyzel. Nag-aalala na ito.
“Ayan! Oh, ngayon kayo magsabunutan!” bitaw sa amin ni Shanael at humalukipkip ito na umaktong referee namin. “Ano pang hinihintay niyo? Go!”
“Sabihin mo na lang kasi sa akin kung may gusto ka sa guy na iyon. Hindi iyong nagkakaganito—”
“Nakalimutan mo na ba? Pinsang-buo ko siya!”
Natameme ako sa sinagot ni Josefa. Pinsan niya ba iyon? Bakit hindi ko alam? So kaya siya galit. Nakita kong napahawak sa bibig si Shanael at Glyzel na mukhang hindi rin nila kilala ang lalake.
“I know the real reason why you are doing this.” english niya pa na muntik ko ng ika-ikot ng mata.
“Alam mo? Sige nga, anong dahilan ko?!”
Alam kong gaga ako, pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at hinamon si Josefa.
“Para pagselosin ang Kuya Chaeus mo!” pasabog niya nang bomba na hindi ko inaasahan ngayon.
Salit-salitan ang naging tingin ni Shanael at Glyzel sa akin. Nanghina na ako doon. Hindi ko naman suka't akalain na totoong sasabihin niya.
“Pagselon si Chaeus? Sandali lang, Girls. Hindi ko na masundan kung ano ang ugat ng away niyo.” si Shanael na hinilot-hilot pa ang sentido niya.
“Oo nga naman?” si Glyzel na halatang clueless pa rin ng mga sandaling iyon. “Bakit niya naman pagseselosin ang stepbrother niya? It's not like they are having some—” nanlalaki ang matang tigilan ito, hinarap na ako. Gulat na gulat pa rin.
“J-Josefa, ano bang pinagsasabi mo diyan?” sinubukan kong umaktong wala akong alam.
“Huwag mo ng e-deny, Hilary. Alam kong hindi mo nakalimutan ang gabing iyon. Alam kong naalala mo ang lahat. Nagpapanggap ka lang na wala dahil nahihiya ka sa mga pinagsasabi mo noon.”
Hindi ko na alam ang isasagot ko. Nahuli na ako. Wala na akong ligtas kung hindi ang mag-explain.
“Girls, sorry kung hindi ko sinabi sa inyo ito dahil gusto kong pagtakpan si Hilary. Pero hindi na tama ang ginagawa niya. Gagamit pa siya ng—”
“So you are telling us now that Hilary likes her stepbrother? Inamin niya ba iyon?” putol ni Shanael sa iba pang sasabihin ni Josefa.
“Oo, Shanael dinig na dinig ko. Hilary admitted her feelings gamit ang bibig niya. Habang lasing ay sinabi niyang may gusto siya kay Chaeus. ”
Sa mga sandaling iyon ay para ng papanawan ako ng ulirat. Buko na ako. Alam na ng tropa ko ang sekretong gusto kong ibaon na lang sa limot.
“Sandali lang, sandali lang! Grabe ang pasabog.” react ni Shanael na humawak pa sa dibdib niya na parang aatakehin siya sa puso sa nalaman. “Hilary? Tama ba ang mga sinasabi ni—”
Walang choice. Mabilis na akong napalupasay sa buhanginan. Walang pakundangan na umatungal ng iyak. Iyon na lang ang tanging magagawa ko.
“Nakakainis ka, Josefa! Bakit mo pa sinabi iyon? Sana sinabi mo na lang na pinsan mo iyong lalake. Willing naman akong hindi gawin ang plano eh! Bakit kailangang ipahiya mo ako sa mga kaibigan natin?! Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit?!”