Ilang minutong natulala si Vaughn sa sinabi ko. Walang reaction ang mata niyang nakatutok. Maya-maya ay mabilis siyang napaahon sa upuan. Kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. Si Hilary. Naroon siya noong kinasal sina Mommy at ang ama ni Hilary. Kaya naman hindi na rin ako magtataka kung bakit ganito ang reaction niya.
“Anong sinabi mo, Dude?!” madiin subalit hindi malakas ang pagkakabigkas niya sa katanungan.
Umiling ako. Ayoko ng ulitin pa ang mga sinabi ko. Dinampot ko na ang bote ng alak gamit ang kamay na medyo nanginginig. Walang humpay na tinungga ko ito. Kung ganito ang reaction ni Vaughn, paano pa kaya ang reaction ni Mommy at Tito oras na malaman nila ang totoo? Hindi lamang iyon. Si Hilary pa ang isa sa mga iniisip ko.
Oo, umamin siya sa akin. Sinabi niyang gusto niya ako. Pero hindi naman niya hiniling na gustuhin ko pabalik. Ayoko rin namang ang isipin niya ay sinasamantala ko ang nararamdaman niya. Hangga't maaari ay ayaw kong ipaalam iyon sa kanya. Paniguradong magkakagulo kaming lahat. Knowing Hilary, baka ipilit niya pa kami kahit na alam naman hindi pu-puwede. Hindi iyon malabo.
“Dude, seryoso ka? Ang bata pa noon. Menor de edad. Dude naman, kapain mo nga ang satili mo! Ang daming ibang babae diyan bakit siya pa?” problemadong tanong ni Vaughn na nag-aalala.
Umiling ako. Lalo pang bumigat ang pakiramdam. Hindi ko rin alam. Kaya nga kinakausap ko siya. Humihingi ng payo at opinyon niya dahil gulo na rin ang utak ko. Sa halip na maliwanagan ay mas lalo pa iyong gumugulo. Binabagabag ang isipan.
“Pamilya kayo. Kapatid dapat ang turing mo sa kanya at hindi iba. Nakakabatang kapatid, Dude. Nakalimutan mo na ba iyon? Ganun lang dapat ang magiging treatment mo sa kanya.” dagdag nito na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.
Anong dapat kong gawin? Iyon ang kailangan kong marinig sa kanya. Oo naroon na tayo sa mga sinabi niya, pero ano bang magagawa ko? Sobrang alipin ako ng sarili kong damdamin.
“Ako na ang magsasabi sa'yo, Chaeus. Gulo ang papasukin mo oras na ituloy mo at palaguin pa nang husto iyang nararamdaman mo. Sobrang laking gulo. Hindi lang sa pamilya mo pero sa ibang tao. Itigil mo na iyan ngayon pa lang!”
Paano? Paano ko iyon gagawin?
Napahilamos na ako sa mukha. Mas nagulo pa.
“Paano mo sasabihin sa Mommy mo ang lahat? Sa ama ni Hilary? At mismong kay Hilary ha?”
Hindi ko rin alam. Parang matutuliro na ang utak ko. Wala namang problema sana as long as hindi ko aminin ang nararamdaman ko. Pero ito kasing si Hilary, parang sinasadyang hinahamon ang haba ng pasensiya ako! Parang hinihimok niya na magalit ako. Okay naman kami eh. Kaso nga lang hindi ko alam bakit bigla siyang nagsabi ng ganun.
“Mag-isip kang mabuti, Dude! Sa inyong dalawa ay ikaw ang matanda at may alam ng tama at mali.”
Kaya ayokong sabihin din kay Vaughn na umamin si Hilary sa akin. Baka kung ano pang akusasyon ang iparatang niya na hindi naman totoo.
“Ikaw ang dumistansya sa kanya. Baka kasi iyan ang nararamdaman mo dahil naiwan kayong magkasama.” hinuha pa niyang sa problema ko.
“Hindi rin, Dude. Madalas akong nasa site ng resto at lumabas. Halos hindi na ako umuuwi.”
“Ganun naman pala, pero bakit Dude?”
Muli akong umiling. Nagbukas na ng panibagong bote ng alak na hindi ko namalayang naubos na.
“Makinig kang mabuti, Dude. Baka naguguluhan ka lang kasi wala dito sa bansa ang fiancee mo. Hindi mo talaga gusto ang stepsister mo.” giit niya sa problemadong tono, biglang nawala ang kalasingan niya. Pabalik-balik na ang naging lakad niya sa kabuohan ng VIP room na kinaroroonan. “Come on, Dude. Take a vacation. Sundan mo ang fiancee mo. Spend some time with her. Do it! This is the only solution I can think of now.”
Alam ko naman kung saan ilulugar ang sarili. Wala nga akong planong e-entertain ang mabilis na t***k ng puso ko tuwing kasama ko si Hilary eh. Na-trigger lang ako ngayon dahil sa sinabi ni Hilary sa dinner na about sa pagbo-boyfriend. Bata pa siya para pumasok sa isang relasyon. Masyadong mapusok din ang mga nasa edad nila. Hula ko nga na ginagawa niya ito para palabasin ang tunay na kulay ko. Para pagselosin niya ako. Kung iyon mismo ang pakay niya ay masasabi kong nagtagumpay siya. Tumalab ito sa akin.
“Vaughn, calm down—”
“Paano ako kakalma? Kilala kita, Chaeus. Kilala ko ang tunay mong kulay pagdating sa pag-ibig.”
“Walang aalis. Hindi ako aalis ng bansa. Bakit ako aalis? Mawawala rin ito. Na-attached lang—”
“Makinig ka sa akin. Umalis ka. Magbakasyon ka bukas na bukas din.” pagputol niya sa akin na may sariling desisyon. Inilahad niya ang palad sa akin. Nakikiusap na ang tono ng boses nito. “Come on, Dude. Ibigay mo sa akin ang cellphone mo at ako mismo ngayon ang magbo-book ng flight mo. Dude, pakiusap. Kilabutan ka naman!”
Pagak akong natawa. Siraulo ito. Sa tingin niya ba ay makakaya kong gawin iyon kay Hilary? Nasa tamang katinuan pa naman ako. Hindi pa ako nahihibang. Kaya ko pa ‘ring e-kontrol ang sarili. Ano bang pinagsasabi ng kolokoy na ito?
“Tigilan mo nga ako, Vaughn. Kilala ko ang sarili ko. Hindi ko gagawin sa kanya ang iniisip mo. Ikaw ang kumalma. Mas problemado ka pa sa akin ah?”
Ipinagpatuloy na namin ang pag-inom. Patuloy akong kinumbinsi ni Vaughn na sundan si Lailani. At dahil sobrang convincing ang mga sinasabi ng gago kaya bago matapos ang inuman namin ay pumayag ako sa gusto niya para matigil na siya.
“Dude, siguraduhin mong aalis ka bukas. Don't cancel your flight. Mag-rason ka na lang sa mga magulang mo na hindi mo kayang malayo kay Lailani. Maiintindihan ka naman nila, Dude.”
“Oo na Vaughn, huwag ka ng paulit-ulit.”
Pag-uwi ko ng bahay ay tinawagan ko si Lailani. Nagtaka ito sa boses kong nakakainom. Ilang ulit na sinubukan kong maging sweet sa kanya.
“Talaga? Miss mo na ako agad? Halika dito.”
“Huwag mo akong hamunin, baka bukas na bukas din ay puntahan kita diyan. Sige ka!”
“I loved that idea, Chaeus. Miss na kita, sobra.”
See? Okay kami. Naroon pa rin ang sparks. Pero kada isasara ko na ang mata ay ang mukha ni Hilary ang aking malinaw na doon ay nakikita.
“Pambihira naman, Zacchaeus! Tumanda ka na at lahat, ngayon ka pa talaga nagkakaganyan.” kastigo ko sa sariling hindi magkaayos ng higa.
Sa bandang huli ay bumangon ako. Kinuha ang maleta at nagsimulang maglagay ng mga gamit.
“Baka tama si Vaughn. Baka kailangan ko lang na makasama si Lailani. I need to spend time with her para mabawasan ang pag-iisip ko kay Hilary.”
Tandang-tanda ko pa ang araw na unang beses kong nakita si Hilary. Two years ago na iyon. Kasal ni Mommy sa Daddy niya. She is pretty cute on that day kahit na mukhang masungit. Halatang masama ang mood at alam ko kung bakit. Narinig ko ang sagutan nilang mag-ama.
“You don't love me, Dad! Sarili mo lang ang mahal mo. Hindi pa nabubulok si Mom pinalitan mo na!”
“Anak, ini-explain ko na sa'yo ang—”
“Hindi mo ako tinanong. Sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo na ako mahal, Daddy! I hate you!”
“Hilary—”
Tumakbo siya papalayo habang umaatungal ng iyak. Medyo nanikip ang dibdib ko ng makita ito.
“I hate you so much, Daddy! I hate you!”
Ganun pa man ang ay hindi nabago ng magaspang niyang ugali ang pagkakaroon ng magandang mukha kahit na bata pa. Gwapo rin naman si Tito kaya hindi na ako magtataka. Mapula at mugto ang mga mata niya habang nakasuot ng gown. Isa siya sa mga abay na wala namang ginawa. Ayaw niya kasing tumayo noong turn na niya at hindi rin siya mapilit ng ama. Masama ang tingin niya sa lahat. Sa mga bisitang pumunta. Lalo na kay Mommy at sa akin. Punong-puno ng paninisi.
“What are you doing here? Nag-iisa ka dito.”
Nasa reception na kami. Nanatili siya sa labas. Kanina may mga kasama siyang sa tingin ko ay kaibigan ngunit nang magpaalam na sila ay wala na siyang makausap pa. Sinundan ko siya dito.
“Bakit ayaw mong pumasok sa loob? Hindi ka pa kumakain. Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang sabayan kitang kumain sa loob?” super friendly pa rin ang tono ng boses ko sa kanya.
Nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan ako.
“I don't talk to strangers!”
Pinilit kong tumawa. Pati ang boses niya cute.
“We are not strangers anymore. Pamilya na—”
“Lolo mo pamilya mo! Hindi ko kayo matatanggap. Hinding-hindi ko tatawaging Mommy ang Azalea na iyan. Malandi siya. Mang-aagaw! Mana ka sa kanya dahil anak ka niya. Huwag mo nga akong kausapin! Ayokong makipag-usap sa kagaya mong malnourished na kawayan! Pangit ka! Payatot!”
Iyon ang kauna-unahang nainsulto ako buong buhay ko. Kahit naman ganun ang katawan ko dati ay magandang lalake pa rin ako, sabi ni Mom. Mabuti na nga lang at nagkalaman na ngayon.
“Masama na talaga ang ugali niya. Mabuti nga ngayon at medyo nagbago-bago na.” bulong kong mahinang natawa sa dumaang alaala na iyon.
Hindi ko lubos maisip na aabot ako sa puntong ito. Sa puntong mahuhulog ako sa patibong ng kagandahan niya. Ang imposible pero nangyari.
“Chaeus? Tama ba ang narinig ko?” si Mommy.
Maaga silang gumising at ako naman ay hindi na nakatulog. Inabangan ko sila ni Tito na bumaba para sabihin ang pagsunod ngayon kay Lailani.
“Ilang araw lang naman akong mawawala, Mom.”
“Okay. Take your time. Separation anxiety iyan.”
Ngumiti lang ako at bahagyang tumango.
“Magpakasal na kayong dalawa.” tukso niya, mas lumapad ang ngiti. “Mag-asawa ka na, Chaeus.”