Chapter 36: Falling in love

1658 Words
ZACCHAEUS PARKENSON POV Mababaw pa ang gabi pero malamig na ang ihip ng hangin. Bukas ang pintuan ng aking kotse habang matulin ang takbo. Nakalabas doon ang kamay ko upang kalmahin pa ang sarili. Sumakto namang walang gaanong traffic sa gabing ito kung kaya naman ilang minutong drive lang ay nakarating na ako sa bar na tambayan ko dati. Minsan na lang ako kung lumabas at pumunta sa mga ganitong lugar. Kung kinakailangan na lang. At sa gabing ito, naramdaman ko na kailangan ko ito. Bukod sa busy ako sa pinapatayong restaurant ay hindi na rin ako mahilig na lumabas-labas. Di gaya noong kabataan ko na palaging ang gala. “Good evening, Sir. It's been a while.” bati sa akin ng guard na magaang tinanguan ko lang. Dere-deretso akong pumasok sa loob. Dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang mga tao. High end ang bar na ito. Pricey ang mga bilihin pero cozy. Safe rin ang mga customer. Malayo ang bar na ito sa bar na pinupuntahan nina Hilary. Natigilan na ang mga paa ko sa paghakbang. Damn, Chaeus! Bakit mo ba naiisip ang batang iyon ngayon? Tanggalin mo nga ang pag-alala sa kanya! Maingat na isinilid ko ang susi ng sasakyan sa bulsa. Isinama ko na rin ang dalawang kamay. Tinalunton ko ang daan patungo sa room kung saan ako hinihintay ng tinawagan kong kasama na iinom sa gabing ito. Buti hindi siya tumanggi. Actually, never naman siyang tumanggi sa akin. “Dude, akala ko ba ay busy ka? Himala na may time ka yata sa gabing ito. Hindi lang iyon ah? Ikaw pa talaga ang naunang mag-aya.” bungad ni Vaughn, pagkabukas ko pa lang sa pintuan at makita niya ako. Umaapaw na ang pang-aalaska. Isa siya sa dayuhang matalik kong kaibigan na piniling dito na tumira dahil dito rin pinanganak. Middle school pa lang ay kakilala ko na siya at mula noon ay hindi na rin kami mapaghiwalay. Magkaiba man ng daang tinahak sa college, hindi pa rin kami nawalan ng communication. Kagaya ko siyang pumunta rin sa bansa ng ama pero hindi siya nagtagal doon. Bumalik siya dito sa Pilipinas at dito na siya nagtayo ng business. Siya rin ang nagpayo sa akin na ganun na lang din ang gawin ko. Agad ko namang kinagat ang proposal niya lalo pa at sinabi niyang tutulungan ako na makahanap ng ibang investors. Hindi lang iyon, isa siya sa nag-offer na mag-iinvest sa branch ng restaurant kong pinapatayo. At dahil gusto ko rin na makasama ang fiancee ko, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa desisyon ko. “Kumusta, Vaughn?” tanong ko na nakipag-fist bump sa kanya sa halip sumagot sa patutsada. “As you can see, mabuti pa ako sa ayos.” Tinanggap ko ang shot glass ng favorite naming liquor na inabot niya sa akin. Inilapag niya ang hawak na phone at hinarap ako. Isang tuloy na nilagok ko na iyon bago pa ako tuluyang maupo. “Kahit busy ako, kailangan ko ‘ring mag-unwind. Ayaw mo ba? Matagal mo na itong hinihiling ah?” Humagalpak lang ito ng tawa. Umiling-iling pa matapos na tanggapin ang empty glass ko. “Talaga ba, Dude?” hamon nitong halata sa mukha na hindi naniniwala sa naging alibi ko. As usual, nasa VIP room kami ng bar. Ilang taon na rin magmula ng pinili naming dito pumuwesto. Hindi na kami komportable sa ingay sa labas. Dala na rin siguro ng nadadagdagan naming mga edad. Graduate na kami sa maingay na music. Sa mga sigawan ng mga nakakainom at mga sumasayaw. Kung noon ay gustong-gusto namin iyon, ngayon ay hindi na. Parang sasabog na ang ulo namin. “Ano pa bang ibang magiging dahilan ko?” “Aba malay ko. Sabihin mo na sa akin Dude, kung ano ang problema mo para mapag-usapan natin. Huwag mong solohin at masyadong dibdibin.” Umayos na ito ng upo. Dume-kwatro pa habang hinihintay ang pagsasabi ko ng totoo. Masyado rin yatang naging obvious ang pag-aaya ko dito. Sabagay, minsan lang talaga akong mag-aya eh. Kapag natataong may problema. Ganunpaman ay hindi ko iyon aaminin sa kanya ngayon. Hangga't maaari ay sasarilinin ko na lang muna ang lahat. “Wala, Dude.” mariing iling ko, kilala ko siya baka pagtawanan niya lang ako oras na mag-open. Oo madalas na binibigyan niya ako ng pangaral, pero ayokong ipaalam ang bagay na ito sa kanya. “Come on, Dude. Tayong dalawa lang ang narito. Sa tingin mo magagawa kong ilabas ang baho—” Napabuga ako ng hangin matapos na damputin ang bote ng alak at magsalin dito ng panibago. Naging dahilan din iyon para matigilan siya. “Slow down naman, Dude!” Nilagok ko na iyon habang pinapanood niya ako. Ilang ulit ko pa iyong ginawa. Baka kapag medyo nalasing ako ay magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaibigan ang lahat ng gumugulo. Nagdadalawang isip ako. Nag-aalangan pa rin. “Pinapatawa mo ako, Chaeus. Ganyan ba? Ganyan ba ang walang problema? Sige kung ayaw mo—” “Dude, favor naman oh!” harap ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya, noon lang ako humingi ng favor. Madalas na ako ang palaging nagbibigay. Napakamot na siya sa ulo. Lalo pang naguluhan. “Suntukin mo nga ako sa panga. Malakas dapat. Isa lang. Iyong tipong mahihimasmasan ako at magigising sa katotohanan. Sige na, Vaughn...” Sa sinabi ko ay mas lalong na-intriga si Vaughn. Humawak siya sa mukha at tahimik nilaro-laro ang ilang mga tubo ng buhok sa kanyang pisngi. Unti-unting lumapad ang kanyang pagngisi. Dito pa lang ay alam niyang may problema nga ako. At napatunayan niyang hindi siya nagkakamali. “Seryoso ka na diyan? Baka kapag ginawa ko iyon matanggal ang magandang set ng ngipin mo.” Ngipin? Si Hilary na naman ang naiisip ko! “Oo. Seryoso ako. Suntukin mo na ako.” umang ko pa sa mukha sa kanya, ready na sa suntok niya. Ikinuyom niya ang kamao. Hinipan-hipan iyon. “Joke lang. Kaya ko bang gawin iyon sa'yo? Dude, you know what? It's not you.” sagot niya na kinuha na ang tagay niya at inilapit sa bibig ngunit hindi niya rin naman iyon ininom. “Ano ba talagang problema? Sobrang weird mo ngayon.” Muli akong nagsalin ng alak sa shot glass. Ginawa ko ng tubig iyon pero hindi pa rin ako tamaan. “Hindi ko nga rin alam. Sobrang nawe-weirduhan ako sa nararamdaman ko. Hindi dapat ganito—” “Ang nararamdaman mo ba para kay Lailani ang problema? Break up with her. Ganun lang kadali. Mabilis ka namang makakuha ng iba. Iyon nga lang, matagal kayo para masasaktan ka rin.” Muntik ko na siyang masapak sa sinabi. “Gago ka ba? Sinabi ko bang siya ang problema?” paasik na tanong ko na ibinagsak ang baso sa center table, hindi pa rin siya natakot sa akin. “Ako ang may problema at wala iyon sa kanya.” “Ah? Hindi ba siya?” panghuhuli niya sa akin para sabihin ko na ang totoo. “Kung ganun Dude ay may ibang babae na gumugulo sa nararamdaman mo?” ngumisi pa ito ng malawak, halatang hindi na mahintay ang sagot ko. “Sino? Maganda?” “Huwag mong tarantaduhin ang utak ko, Vaugh!” “Paano ko tinatarantado—sandali, huwag mong sabihin na naisip mo talagang hiwalayan ang fiancee mo dahil lang sa bagong nagugustuhan?” Umiling ako. Kapagdaka ay tumango. Ang labo ko ba? Ganun talaga kapag problemado. Nagpalitan na kami ng tagay na dalawa. Tinuloy ang inuman. “Hindi naman sa ganun. Sobrang kumplikado lang ng lahat Dude. Paano ko ba sasabihin sa'yo ang lahat ng ito nang hindi mo ako hinuhusgahan?” Pinagtaasan ako ng kilay ni Vaughn ng marinig ang huli kong sinabi. Alam ko sobrang malikot ang isip niya kaya hindi na ako magtataka sa takbo ng utak niya. Mukhang ganun naman ang dating. Ilang sandali pa ay makahulugan itong ngumisi. “Ayaw mong husgahan kita? Bakit? Iyong babae bang gusto mong ipalit kay Lailani ay isang—” sadyang tumigil siya, lumaki pa ang mga ngisi. “I mean, mababang uri ba ang trabaho niya to the point na aayawan siya ng Mommy mo at baka itakwil ka? O maganda ang trabaho niya kaya lang mas matanda sa'yo? You know what I mean. Make it clear naman, Dude, sabihin mo na. Huwag mo naman akong gawing manghuhula.” Sa galaw pa lang niya at pananalita, nahuhulaan ko na ang ibig niyang iparating. Tarantado talaga ang isang ito. Ganun ang tingin sa akin. “Dude, naiintindihan kita. Love is blind. Kapag nagmahal ka dapat kaya mo ‘ring tanggapin—” “Hayop ka! Ano bang iniisip mo?” bunghalit ko na ng tawa sa pagiging seryoso bigla ng mukha niya. “Wala, Dude—” “Ano nga? Baka nandiyan ka naman sa theory mo na matanda ang gusto ko. Tigilan mo, Vaughn!” Sabay na kaming nagkatawanan. Dati, noong nag-aaral pa kami ay na-issue ako sa Teacher namin na matandang dalaga. Kumalat sa buong campus na may relasyon kami kaya naman daw mataas ang grades ko palagi sa subject niya. At hindi iyon totoo pero nahusgahan na nila ako. At paniguradong kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ngayon at gumugulo. Panghuhusga na naman ang aabutin sa kanya. “I won't judge you, Dude. Sabihin mo na.” Kaya lang wala akong ibang choice. Kailangang ilabas ko keysa bigla na lamang akong sumabog. “Alam kong huhusgahan mo pa rin ako Dude, pero sige na. Heto na sasabihin ko na. Wala naman akong ibang option na kausapin. Ikaw lang.” Umayos siya ng upo. Mapungay na ang mata na halatang nagsisimula na ‘ring malasing sa alak. “What should I do, Vaughn? Naguguluhan ako sa nararamdaman.” parang kakapusin ng hingang tanong ko sa kaibigan na nakatitig lang sa akin. “I think I'm falling in love for my stepsister.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD