Chapter 35: Malabong mangyari

1662 Words
Umiling si Azalea kay Chaeus. Sumisenyas na wag ng magsalita pa at itikom na lamang ang bibig. Agad naman niyang sinunod ang ina. Tumungo siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain kahit na alam kong marami pa siyang nais na sabihin. Ngunit ilang saglit lang iyon. Muli na naman itong nag-angat ng tingin, sa hitsura ay halatang tahimik na umuusok ang ilong sa inis sa ina. “Listen to me now, Mateo. Hayaan mong gawin ng anak mo ang gusto. Huwag mong pigilan. Hayaan mong ma-experience niya ang mga bagay na tulad niyan for the first time.” malambing na wika ni Azalea na makahulugang ngumiti kay Dad. Hindi niya pinansin ang anak na kung makatingin ay parang sasabog na bomba. Grabe naman ang panlilisik ng mga mata. Mukhang galit na galit. Mapang-asar na umangat ang gilid ng labi ko. Alam kong nakita niya iyon dahil malakas kong narinig ang pagbuntong-hininga niya. Gusto ko tuloy mas lalo siyang asarin. Lalo siyang galitin. “Nakalimutan mo na ba noon na ganyang edad tayo nagsimulang magligawan? Hindi ba?” Napawi ang ngisi ko. Okay na sana ang advice ni Azalea kay Dad eh, kaso nga lang ay bigla niya pang isiningit ang love story nila ni Dad. Ang insensitive naman talaga ng babaeng ito! Alam naman niyang nasasaktan ako kada babanggitin niya ang kwento nila ni Daddy dahil feeling ko ay si Mommy ang third wheel na inagaw si Daddy sa kanya tapos ang lakas pa ng loob niyang sabihin. Tumabang ang lasa ng kinakain ko. Kung gaano niya ako pinasaya kanina ngayon ay ganun na lang ang inis ko sa kanya. Doble-doble pa nga. “Tama ka diyan Azalea. Ganyang edad nga tayo noon.” sang-ayon ni Daddy na halos kumislap ang mga mata, isa pa ito si Daddy parang wala ako dito kung magsalita. Kaya ako nagagalit eh! Paglingon ko kay Chaeus ay nakita kong siya naman ang naka-angat ang gilid ng labi. Aba, at nakakuha pa ng pang-asar ang Tukmol na ito. Inirapan ko siya habang hindi nakatingin sina Daddy at Azalea sa akin. Hindi ako apektado ‘no! Ibinaling ko na ulit ang atensyon sa pagkain. Mukhang mahirap ngang kalimutan ang first love. I mean, makakalimutan pero may mga certain times na babalik-balikan mo pa rin. “Sige na, Hilary. Payag na si Daddy sa gusto mong mangyari. Basta alam mo naman ang limitasyon ko sa pagkakaroon mo ng maagang karelasyon.” Inayos ko ang hitsura na masayang nag-angat ng mukha. Unang dumapo iyon kay Chaeus na sobrang pissed off sa desisyon ni Daddy base sa itsura ng kanyang mukha. Ngumisi ako sa kanya na parang sinasabing ako na ang nagtagumpay. Nakita ko kung paano gumalaw-galaw ang panga niya. Hindi lang iyon napansin ng mga kaharap. “Thank you, Dad sa pagbibigay ng permission. Huwag kang mag-alala, study first pa rin naman ako. Hindi rin ako lalagpas sa limitasyon mo.” To be honest, hindi ko naman kailangang gawin pa ito. Buhay ko ito at ako ang magde-decide. Gusto ko lang talagang ipamukha ito sa Tukmol. Wala lang. Ang sarap lang makita na sobrang frustration ang nakalarawan sa mukha niya. “Pwede mong ipakilala siya sa akin para mabigyan ko rin ng mga pangaral na maghinay-hinay lang.” Tumango ako kahit na hindi ko gaanong na-gets ang sinabi niya. Tuwang-tuwa ang kalooban ko sa reaction ni Tukmol, parang problemado. Bakit? Sa tingin niya ba ay mag-e-stay ako sa kanya? Ano siya? Gaya ng sinabi ko, maraming lalake. At naisip kong e-target ay iyong nagbigay sa akin ng flowers. Gwapo rin naman. Mukhang malinis. “Oh? Chaeus? Tapos ka na agad?” Napabalik ako sa realidad matapos ng plano. “Oo, Mom. Busog na ako. Good night.” Paalis na si Chaeus ng dining area nang lingunin ko. Hindi ko mahulaan ang kahulugan ng tingin niya. Alam ko may pinapaabot ito. Nagkibit lang ako ng balikat. Wala akong pakialam sa kanya. Pagpasok ko ng room ay saka ko pa lang binasa ang notes ng flowers. Medyo kinilig naman ako. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng flowers, pero ewan ko sobrang appreciated ko. Matapos guntingin ang dulo ng tangkay nito ay inilagay ko na iyon sa flower base. Ipinatong sa vanity kung saan matatanaw habang nakahiga. “Sana inipon ko pala ang mga flowers ko noon at hindi ko pinagtatapon.” bulong kong nahiga na. Pagalaw-galaw ang mga paa ko habang nakahiga at nakapako ang mata sa flowers na nasisilagan ng ilaw mula sa lamp shape. Feeling ko ang gaan ng gabing ito. Nagkukumahog akong napabangon nang biglang bumukas ang pintuan ng aking silid. “Sino ba iyan? Hindi marunong—” Naputol ang sasabihin ko at naguluhan pa ako nang makitang si Chaeus iyon. Madilim ang mukha na parang may ginawa akong kasalanan. “Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” agad baba ko sa kama, ni hindi ko na sinuot ang tsinelas. “Labas! Hindi ka dapat basta pumapasok dito—” Sumikdo ang kaba sa dibdib ko nang ilapat niya ang pintuan. Biglang nangatog ang tuhod ko. Para akong matutumba sa sobrang panghihina. Subalit saglit lang iyon. Kailangang ipakita ko sa kanya na hindi ako natatakot at saka mahina. “Bingi ka na naman?” pameywang ko na para ipakita na ako pa rin ang batas dito sa silid ko. Nagliwanag ang buong paligid nang buksan niya ang ilaw. Aba ang kapal ng mukha. Hindi niya ba nakitang patulog na ako? Nakahiga na kaya ako. “Let's talk.” maikling sambit niya na prenting walang paalam na naupo na sa gilid ng kama. “Alis diyan! Sinabi ko bang maupo ka diyan?” gigil na react ko at mabilis siyang itinulak paalis dito. Siguro dahil hindi niya inaasahan at okay lang sa akin na maupo siya dito gaya noon. Well, not this time. Maghihigpit na ako. Bawal na siyang maupo. “Makatulak ka naman. Hindi naman ako hihiga.” himutok niyang tumayo at bahagyang hinimas ang pang-upo, masakit siguro ang bagsak niya. “Off limits ka sa kama. Bakit ka ba narito? Ano na naman ang kailangang pag-uusapan natin?” tanong kong humalukipkip at medyo umatras upang bigyan siya ng distansya, baka hilahin na naman ako nito. I've learn my lesson. Distance. “Kailangan bang sabihin mo iyon sa dinner?” “Alin na naman doon ang problema mo? Iyon bang about sa pakikipagrelasyon ko? Bakit? Dapat ba sa breakfast ko iyon babanggitin?” pamimilosopo ko, pumunta siya dito para doon? “Hilary, you must be kidding—” “Bakit? Ano namang problema mo dito? Hindi porket umamin ako sayo na gusto kita ay hindi na ako pwedeng magkagusto sa ibang lalake.” “It's not what I mean, Hilary. Masyado ka pang bata. Huwag mong madaliin ang lahat ng bagay.” Pagak akong natawa. Bakit ba ang hilig niyang makialam sa mga desisyon ko sa buhay? Sino ba siya sa akala niya? Hindi ko naman siya kapatid! “Parte ba ito ng pagre-rebelde mo? Tell me.” “Anong sinasabi mo Chaeus? Pagre-rebelde? Tumino na ako. Nagbago na ako. Nagsasabi lang ako para naman kahit makita niyo akong may kasamang lalake isang araw ay hindi kayo mag-freaked out at less explanation na rin.” “Ano?” Ano bang iniisip niya? Bumabalik ako ulit sa dati? Hindi niya makuha ang point ng mga ginagawa ko. “Fine, sasabihin ko na ang totoo. Nakatanggap ako ng flowers today sa isa sa mga schoolmate ko and I thought I should give him a chance.” Bahagyang napaawang ang bibig niya. Gulat na gulat ang Tukmol eh maganda naman ako. “Ayon!” turo ko pa sa mga bulaklak at baka isipin niyang gawa-gawa ko na naman ang lahat, “You can read the notes kung nagdududa ka sa akin.” Wala pa rin siyang naging imik. Tila nasa proseso pa ang buong isipan niya ng aking mga sinabi. “Sorry, Kuya Chaeus ah? Mukhang naguguluhan lang ako noong sa club kaya napaamin sa'yo.” Kung nagulat siya kanina. Doble pa sa gulat na gulat ang nakalarawan sa mukha niya ngayon. Bigla ko ba namang tawaging Kuya. “Ano? Kuya Chaeus? Tinawag mo akong—” “Oo, hindi ka naman siguro bingi?” pambabara ko, halos maging visible na ang gilagid ko sa pagngisi. Puno ng pagtitimpi na nanlake na ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala. Ewan ko kung natutuwa ba siya o ano. Napahawak pa siya sa bibig habang sa aking mukha ay titig na titig. “Hilary—” “Lumabas ka na, Kuya Chaeus.” pagputol ko, gusto ko na siyang umalis ngayon ng silid. “Matutulog na ako. May pasok pa bukas.” Pamartsa akong lumapit sa kanya at walang pakundangan na itinulak siya patungo ng pinto. Hindi naman ako nahirapan dahil sumunod siya. “Tigilan mo iyan. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Huwag mo nga akong tawaging Kuya. Chaeus na lang. Hindi kita kapatid!” kaagad na apela niya. “Ha? Ang gulo mo naman! Akala ko ba magkapatid tayo? Bakit ayaw mong tawagin kitang Kuya—” “Matulog ka na. Good night!” Bago pa ako muling makapagsalita ay mabilis na siyang naglaho sa aking harapan. Naiwan akong nakatayo sa bukas na pintuan ng aking silid. “Tulog na! Isara mo na ang pinto!” lingon nito makaraan ang ilang mga hakbang papalayo. Kung gaano ako kaligaya kanina habang inaasar siya ay siya namang lungkot ko pagkasarado. Pabagsak na nahiga ako sa kama. Tumihaya at tumitig na sa kisame ng silid. To be honest, nagpapanggap lang ako. Hindi ko naman talaga gusto na gamitin ang school mate ko. Sinabi ko lang iyon sa kanya para ipamukha na kaya kong magkagusto sa ibang lalake. Subalit ang totoo, siya pa rin naman ang gusto ko. Hindi man lang nabawasan ng kahit kaunti iyon. Sa halip nga ay parang mas yumabong pa dahil sa ginagawa niya. Nag-a-assume ang sarili kong gusto niya rin ako kahit na alam ko namang malabong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD