Nakailang subok pa akong hilahin ang braso sa kanya ngunit sa halip na lumuwag ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya. To the point na humapdi na ang balat ko sa brasong hawak niya. Kung aking ikukumpara ito ay kasing higpit noong gabing pumunta siya ng bar at kaladkarin niya ako palabas. Sa halip na pakinggan ang mga pakiusap ko ay para siyang isang binging aso.
“Hoy! Punyeta naman, Chaeus oh! Nasasaktan na ako!” apela kong patuloy na nagpapatianod sa paghila niya, nakarating na kami sa likod ng bahay. Hindi ko alam ano talaga ang plano niya. “Saan mo ako dadalhin? Late na ako sa school!”
Bigla siyang nahimasmasan sa huling sinabi ko. Blangko ang matang binitawan niya ang braso. Agad kong itinago iyon sa likuran. Nagliliyab pa rin ang mga matang nakitingin sa kanya.
“P-Pasensiya na Hilary—”
“Ano bang problema mo? Sinabi ko ng hindi ako pwedemg mag-absent ngayon. Bingi ka, ba?!”
Sa sobrang sama ng loob ay halos pumiyok ang boses ko. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig ngunit wala naman siyang sinabing kung ano.
“Para kang nasisiraan ng bait naTukmol ka! Bakit mo ako dinala dito sa likod? Para ano? Para mas buwisitin pa? Gusto mo ba talagang bumaba ang grades ko? Alam mong may exam pa kami ah?” halos mapatid na ang ugat ko sa leeg, gusto kong makita niya ang siklab ng aking galit.
Inayos ko ang sakbat ng bag na kulang na lang ay kumalas at mahulog sa katawan ko kanina. Hindi pa rin siya umimik. Maya-maya pa ay agad na napahilamos sa nagpupuyos niyang mukha.
“Diyan ka na nga! Siraulo ka yata! Pasalamat ka at wala akong plano na isumbong ka kay Daddy.”
Tinalikuran ko siya. Hindi na nilingon kahit na ilang beses niya pang tinawag ang pangalan ko.
“Hilary, bakit ganyan ang hitsura mo? Hindi na naman maipinta. Badtrip ka na naman kanino?” si Shanael na himalang mas nauna pa kay Josefa.
“Kanino pa ba? Doon sa kasama ko sa bahay.”
Naupo ito sa aking harap at tinitigan ako ng malalim na parang may nais siyang sabihin.
“Bakit ganyan ka kung makatingin, Shanael?” buhol ang mga kilay na tanong ko.
“Wala. Nevermind. Gusto mo ng hot chocolate?” tayo nitong hindi na ako inusisa pa sa mood.
”Hmmn.”
“Okay, ako na ang kukuha.”
Nagawa ko namang maipasa ang exam. Ilan lang doon ang mali at proud ako sa sarili. Ganun pa man ay hindi pa rin nawala ang curiousity ko kung bakit ako biglang kinaladkad ni Tukmol. Kailangan kong malaman ang dahilan niya.
“Hilary, may nagpapabigay sa'yo.” harang ng isang lalake na nasa one year higher level sa amin sabay abot ng tatlong piraso ng rose.
“Ha? Sino?”
Hindi ito sumagot at mabilis ng tumakbo paalis. Naiwan kaming magkakaibigan na natitigilan.
“Uy, may lihim na tagahanga si Hilary!” tukso ni Josefa, sa paglingon ko sa kanya ay bigla na lang nag-flash sa utak ko ang ginawa kong pag-amin.
Naging malikot ang aking mga mata. Natatakot na mabasa ni Josefa na natatandaan ko ang nangyari kahit sinabing wala akong maalala.
“H-Ha? Ahmm, hindi ko nga alam kung—”
“May kasamang letter, basahin mo kung kanino galing.” sabat ni Glyzel na may ibang kahulugan.
“Oo nga pala, may papel na kasama.” sagot kong medyo nag-aalangan kung babasahin ko iyon.
Malakas na humagalpak si Shanael.
“What's wrong with you, Hilary? Lutang ka. Ano ba talagang nangyari sa bahay niyo kanina ha?” hirit pa nito, dahilan para balingan ako ni Josefa at Glyzel na biglang nabuhay ang dugo ng pagiging marites. “I-share mo na sa amin.”
“Bakit? Anong meron na di namin alam?” si Josefa na naging mapanukso ang mata.
Panay lang ang tingin ni Glyzel. Naghihintay ng magiging sagot ko sa katanungan ng dalawa. Wala tuloy akong option kung hindi ang tumabi sa gilid at sabihin sa kanila ang mga nangyari kaninang umaga. Baka sakali na biglang lumuwag ang nararamdaman ko oras na mailabas ko ito.
“Luh? Seryoso ka? Hinila ka niya?” si Shanael na humalukipkip pa na parang sa kanya nangyari, “Bakit daw ba? Hindi niya sinabi ang rason ng panghihila niya? Parang sira naman si Chaeus. Baka nagkasapi bigla ang stepbrother mo?”
“Ewan ko nga. Parang timang. Naku! Kung hindi lang kasalanan sa magiging asawa niya at baka hindi na sila magkaanak sa hinaharap ay baka binasag ko na ang dalawang balls niya kanina.”
Panay ang irap ko sa kawalan. Nakalimutan ng buklatin ang notes ng bulaklak na hawak ko.
“Baka naman may iba siyang dahilan, Hilary?” si Josefa na ipinagkibit ko lang ng balikat. “At hindi niya lang iyon masabi sa'yo nang deretsa.”
Nagsawa na ang mga gaga na kumbinsihin ang sarili nilang kaya nilang agawin si Chaeus kay Lailani. Mula noong gabi na lumabas kami ni Josefa at umamin ako ay napansin kong hindi na siya gaanong obsessed kay Chaeus. Baka ako ang iniisip niya kaya ganun na lang ang pagpipigil na ginagawa niya. Naku, kahit pumuti ang uwak ay hindi ko aaminin sa kaniya na alam ko ang katangahang pag-amin ko sa Tukmol na iyon. Samantalang si Shanael naman ay gusto pa rin si Chaeus but lately, halatang may iba na itong pinagkakaabalahan. See? Hindi permanent iyon.
Kung nakaya nga nila, kaya ko rin na kalimutan at palitan si Chaeus. Baka kailangan lang na mabaling ang atensyon ko sa ibang lalake.
“Ano namang ibang magiging rason noon? Bet niya lang talagang araw-araw akong asarin.”
Nang hindi na sila mag-react sa huli kong sinabi ay inaya ko na silang lumabas ng gate at umuwi.
“Dad, pwede ba akong magtanong?”
Early dinner iyon dahil maaga silang umuwi ng bahay at sinadya ko talagang sumabay sa kanilang kumain. Ipinagtaka na naman nila ito. Nagbitaw ako ng salitang mula sa gabing iyon ay lagi na akong sasabay sa kanilang kumain. Bagay na sobrang ikinatuwa ni Azalea. Halos umabot sa tainga niya ang malapad na ngiti. Naroon na rin ang haggard na Tukmol na kahit na anong sulyap at pagpapapansin ay hindi ko ito nililingon.
“What is it, Hilary?” tanong ni Daddy matapos na humigop ng sabaw ng nilagang baka.
“Hmmn, tutal ay nabalik ko na ang reputasyon ko sa school namin at tumino-tino na rin ako. Pwede na ba akong magkaroon ng boyfriend?”
Malakas na nasamid si Chaeus. Hindi ko alam kung sa tubig iyon o sa sabaw ng aming ulam. Wala rin naman akong pakialam kahit na malaman ko ito. Hindi ko pa rin siya nilingon. Invisible kaya siya sa paningin ko. Pinangako ko kanina sa sarili na hindi ko na lang siya papansinin at kakausapin.
“Aba, dahan-dahan naman sa pagkain, Chaeus. Mukhang naaalala ka ng fiancee mo ah.” si Azalea na nahagip ng mata ko ang pagbigay ng tubig.
“Thanks, Mom.”
Tinikwasan ko lang sila ng kilay kahit na hindi nila alam na para iyon mismo sa kanilang dalawa.
“Boyfriend ba kamu, Hilary?” ulit ni Daddy.
Tumango ako kahit na parang mangingisay na sa lamig ng boses ngayon ni Daddy. Parang tututol siya sa suggestion ko. Actually, pautot ko lang ang tanong na iyon. Wala akong crush sa school. Gusto ko lang malaman ang reaction ni Chaeus. Bothered ako sa mga ikinikilos niya. Iritable lagi. At saka gusto kong ipamukha sa kanya na kaya kong mabilis na mag-move on o ipakita na hindi lang siya ang lalake. Makakaya ko rin namang humanap ng kagaya ni Lailani sa buhay niya.
“Hindi ba at parang masyado ka pang bata para magkaroon ng boyfriend? Ang mga lalake anak nandiyan lang iyan. Marami lang diyan sa tabi. Hindi mo kailangang magmadali porket ang mga kaibigan mo ay pumasok na sa relasyon. Ang lalake at totoong pag-ibig ay hindi hinahanap. Kusa iyong dumadating sa ating harap, Hilary.”
Medyo nalungkot ako doon. Sapul na sapul kasi ako noong huli at tungkol iyon kay Chaeus. Dinala siya sa harap ko kaso hindi nga lang pwede. Sobrang complicated kapag pinilit ko.
“Unahin mo na muna ang pag-aaral mo, Hilary—”
“Kaya ko namang pagsabayin iyon, Dad. Gusto ko talaga ang lalakeng iyon.” giit kong pahapyaw na sinulyapan na si Chaeus na kanina pa nakatingin sa akin, hindi ko alam kung naaasar ba o ano. “At saka para may inspiration naman ako, Daddy.”
Umiling ito. Sign na hindi siya payag sa gusto ko.
“Pagbigyan mo na si Hilary, Mateo.” si Azalea.
Sa lahat ng pakikialam ni Azalea mula ng maging mag-asawa sila ni Daddy, ito ang pinakagusto ko.
“Mom? Ang bata pa ni Hilary para sa relasyon. Sa tingin niyo ba makakaya niyang e-handle iyon?”
“Ano naman kung bata pa siya, Chaeus? At least maaga siyang matututong bumangon in case na madapa siya.” sagot ni Azalea na ikinatuwa ko pa.
“Still, dapat pag-aaral muna ang inuuna niya Mommy. Huwag niyong kunsintihin. Lalaki ang ulo niyan at baka bumalik pa iyan sa asal niya dati.”
“Okay naman ang grades ko ah? Walang bagsak.” singit ko ng hindi nagustuhan ang pangaral ni Chaeus, pinanliitan na siya ng aking mga mata.
Akala mo naman kung sino siyang banal-banalan. Nakikialam na naman siya sa buhay ko. Anong pinagsasabi niyang lalaki ang ulo ko? Baka siya. Matagal ng lumaki ang ulo niya sa kayabangan! Hindi ko naman pinakialaman ang relasyon nila ni Lailani, kung makialam sa gusto ko napakawagas.
“Saka kapag sinabi kong magiging inspirasyon ko siya. Gagawin ko iyon. Hindi naman ako marunong sumira ng naipangako ko na. Huwag kang epal!”