Chapter 33: Sisigaw ako!

1651 Words
Hindi na rin kami masyadong nagtagal sa resto na binook ni Chaeus upang kumain ng dinner. Bakas na ang sobrang antok sa mukha nina Daddy at Azalea lalo na ng mabusog. Minabuti nilang after ma-serve at makain ang dessert ay nagpasya na kaming umuwi. Kung noon ay marami pang usap tungkol sa mga nangyari, ngayon ay wala na. Hanggang sa sasakyan nga ay hindi na nila napigilang makatulog. Paano ko nasabi iyon? Binasag ng malakas na hilik nila ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang pauwi kami. Magkadikit ang ulo at nakasandal sa bawat isa. Nakita ko iyon ng saglit akong mapasulyap. “Hilary, kunin mo na lang sa aking travelling bag ang mga pasalubong. Ikaw na ang bahala ah?” si Daddy na panay ang hikab, kakapasok lang namin ng pintuan ng bahay at ito agad ang sinabi niya. “Thanks, Dad.” Hinintay ko na may sabihin si Azalea pero hindi iyon nangyari. Dati-rati ito ang unang nagsasabi kung ano ang biniling pasalubong niya sa akin. Mukhang wala yata ngayon o nakalimutan niya. Wala naman akong pakialam. Hindi ko rin naman inaasahan dahil hindi ko rin naman ginagamit ang mga bigay niya. Nasanay lang ako at naninibago sa mga sandaling ito na wala nga. “Good night.” sambit pa ni Daddy na humakbang na patungo ng silid nila, kasabay na ang asawa. “Matulog ka na rin, Hilary.” lingon ni Azalea. Masusi ko silang pinagmasdang lumayo sa akin. For the first time, disappointed ako na wala nga yatang pasalubong sa akin ang madrasta. “Hindi ka pa matutulog?” si Chaeus na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa loob, ini-abot na nito ang susi ng sasakyan sa isa sa mga maid. Nakatulis ang ngusong hinarap ko siya. Akala niya nakalimutan ko na ang nangyari kanina? “Anong pakialam mo kung mamaya pa?” Napawi ang malapad niyang ngiti. Hindi porket kinakausap ko siya kanina sa harap nina Dad ay okay na ulit kami. Sinagad kaya niya ang inis ko kanina, nilang dalawa ng pusit niyang fiancee. “May pasok ka pa bukas—” “Alam ko. Hindi ko iyon nakakalimutan. Huwag kang makialam, kahit naman ma-late ako ay hindi naman ikaw ang pagagalitan.” halos tumarak ang mata kong irap sa kanya, nakikinita ko na naman kasi ang yakapan nilang dalawa kanina ni Lailani. Mataray ko siyang tinalikuran. May pag-ayos pa ng nakalugay na buhok para ipakitang wala ako sa mood na makipaglokohan. Sa halip na mainis ay naulinigan ko ang malutong niyang halakhak. Napa-preno ako sa paglakad papunta ng kwarto. Matalim ang mga matang nilingon siya. Inaasar niya ba ako? Kung oo, ay nagtagumpay nga siya. Asar na asar na naman ako sa kanya. Lalo na ng makitang namumula ang mukha niya sa pagtawa. “Anong nakakatawa?” matabang na tanong kong mas nanlisik pa ang matang nakatitig sa kanya. “Wala, ang sungit mo na naman.” tugon niyang sumenyas na umalis na ako pero abot-tainga pa rin ang ngising nagpakulo sa dugo ko. “Sige na. Lumakad ka na sa kwarto. Matulog ka na.” Wait lang, ayokong biglang maging assuming pero sinadya niya bang ipakita sa akin ang sweetness nila ni Lailani? Bakit naman niya gagawin iyon? Sa pagkakaalam ko wala naman siyang gusto sa akin. Binasted niya nga ako hindi ba? Nagkunwari pa siya, aminadong walang kahit anong narinig. Imposible naman na pinapagselos niya ako di ba? “Tsk, nakakaasar talaga ang mukha mo kahit na tingnan ko pa lang. Ang sarap mong lamukusin.” Bumunghalit pa siya ng tawa na halos maubo na. “Talaga ba? Naaasar ka sa hitsurang ito?” may tonong paghahamon sa tinig na turo sa mukha. “Oo, sobra!” pandidilat ko ng mga mata. “Ah? Naaasar ka pero nakuha mong magustu—” “Ano ba?! Nakakabwisit ka ah!” malakas na sigaw ko para lang putulin ang sasabihin niya. “Hindi mo ba ako titigilan ha?” natataranta na ako. Gunggong talaga ng Tukmol na ito! Plano niya pa talagang e-broadcast ang pag-amin ko? Akala ko ba magpapanggap siyang walang narinig at ang pag-amin ko ay ituturing niya na sinabi habang ako ay natutulog? Bakit binabalikan niya iyon at kulang na lang ay isampal sa pagmumukha ko? “H-Hilary...” Namamasa na ang mga matang sinamaan ko siya ng tingin. Okay lang sana kung kami lang dalawa ang makakarinig. Paano kung magsumbong ang maid na makarinig? Mas ipapahiya niya pa ako? I am so pissed. Kung pwede ko lang siyang sapakin. Kanina ko pa sana iyon ginawa para makaganti. “Sobrang nakakainis ka.” pahikbi kong wika na halos takbuhin na ang distansya ng aking silid. “Hilary? Sorry na.” katok niya sa pintuan after ng ilang minutong makapasok ako, “Gusto lang naman kitang asarin. Hindi ko intensyon na—” “I hate you so much, Chaeus! Leave me alone!” sigaw kong malakas ng umatungal ng iyak. Buong magdamag ay iniyakan ko iyon. Halos wala akong tulog dahil sobrang dinamdam ko. Kahit na anong alo sa sariling tumigil ay walang epekto. Sobrang na-butthurt ako. Siguro dahil alam ko sa aking sarili na kahit na anong gawin ko, kahit anong pilit ko si Lailani pa rin ang babaeng mahal ni Chaeus. Hindi iyon magbabago. Nakadagdag pa iyon sa sobrang frustration ko sa nangyari. “Bata ka pa Hilary, marami pang mangyayari sa buhay mo. Unlike ng dalawang matanda na.” Nakaupo ako sa sahig. Pasandal sa gilid ng kama. Yakap ang dalawang tuhod habang patuloy na umiiyak. Sobrang down na down ako ngayon. “Bakit ba kasi ayaw niyong tumigil ha?” kastigo ko sa mainit na butil ng mga luha. Walang tigil sila sa pagbagsak kahit ilang beses na pinunas. Dati naman kapag nagkakaroon ako ng gusto ay hindi naman ako ganitong umiiyak na agad ‘pag nalaman kong iba ang gusto nila. Nagagawa ko pang tawanan ang mga iyon. Pangako ko sa sarili na sa sunod na magkagusto ako dapat sa lalake na mas gusto ako para hindi naman masakit. “Hindi nga kayo pwede, Hilary. Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo. Sa teacher mo sa Filipino. Gayahin mo na lang si Glyzel. Tingnan mo at masaya siya. Hindi ba at crush mo iyon dati?” Dati iyon. Hindi na ngayon. “Umiyak ka ba, Hilary?” puna ni Daddy habang nasa hapag-kainan kami kinabukasan ng umaga. Unang pagkakataon din ito na pinagbigyan ko silang makasabay mag-agahan. Kung normal na araw lang iyon, kanina pa ako tiyak nasa school. Pumayag lang ako dahil sa pakiusap ni Azalea na maaga na namang nagising. Nagtaka rin ito kung bakit pinagbigyan ko sila na dati-rati ay hindi. “Hindi, Dad.” tugon kong hindi na makatingin ng deretso sa mata niya, takot na mas makita niya. Akala ko rin ay hindi sasabay ang Tukmol kaya pumayag ako. Ang siste, kasabay pala namin ito. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ko. Ibang-iba na ang mga tinging ipinupukol sa akin. Puno iyon ng guilt. Tama iyan. Ma-guilty ka sa ginawa mo sa akin kagabi. Sana ay mas makonsensiya ka pa. Kanina ay panakaw ko siyang sinulyapan habang hindi sa akin nakatingin. Nakita kong malaki ang mga eyebags niya na halatang puyat at gaya ko na hindi gaanong nakatulog kagabi. Malamang dahil sa kausap niya si Lailani. Ano pa nga ba? “Kung ganun ay bakit mugto ang mga mata mo?” Natigilan ako sandali. Nag-iisip ng idadahilan. “Magdamag halos sumakit ang ngipin ko.” sagot kong nilaro-laro na ng kutsara ang pagkain. Understood na sa kanila ang ibig kong sabihin. “Naku, magpa-dental check up ka na sa weekend. Ako na mismo ang magbo-book ng appointment.” mungkahi nito sa tonong puno ng pag-aalala. “Mahirap iyang titiisin mo ang sakit. Baka may nabubulok na sa mga ngipin mo ng di mo alam.” “Sige, Dad.” matamlay na sagot ko. “Mag-absent ka na lang kaya ngayon, Hilary?” out of the blue ay biglang sabat ng Tukmol, gago ba siya? Hindi niya mabasa na nagdadahilan lang ako? “Bilisan mo na. Sasamahan kita sa dentist.” Bida-bida na naman ang paladesisyong Tukmol. “Oo nga, mabuti ng ma-check ka agad Hilary.” segunda ni Azalea na walang malay na ang anak niya ang salarin kung bakit ako nagkakaganito. Mabilis akong nag-angat ng mata. Wala kahit na anong emosyon na tiningnan si Azalea na biglang natigilan sa reaction ko. Lumipat ito kay Chaeus na ngayon ay malikot na ang mga mata. Busy si Daddy sa pagkain kaya naman hindi niya nakikita kung ano ang naging emosyon ko sa sinabi nila. “Suggestion ko lang naman iyon. Kung hindi—” “Hindi pwede.” Tumingin sa akin si Daddy, pagalit ang boses ko e. Chene-check niya lang kung bakit ako nagagalit. “I mean hindi pwede dahil may long quiz kami. Oras na hindi ako makapag-exam. Malaki ang magiging impact noon sa magiging grades ko.” “Okay, sige.” talunang wika ni Chaeus na tinuloy na ang ginagawang pagkain. Hindi pa sila tapos kumain nang magpaalam na akong aalis. Hindi naman na sila nagtanong. Pagkalabas ng pintuan ay napapitlag ako nang maramdaman ang paghablot ng Tukmol sa isa kong braso. Halos patayin ko na siya sa tingin. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” mahina ngunit may diing angil ko habang habol ang hinga. Kung wala lang sa kusina at hindi kami maririnig nina Daddy ay baka malakas na akong sumigaw. Gusto ko na rin siyang sipain sa pagitan ng mga hita gaya ng napapanood sa TV, para lang bitawan ako kaso baka mapasama at hindi na sila magkaanak ni Lailani, ako pa ang sisihin niya. “Ano ba? Bingi ka? Sabing bitawan mo ang braso ko, Chaeus!” nagngangalit ang ngiping waglit ko at pilit na hila pero mas hinigpitan niya pa iyon. “Hindi mo ako bibitawan? Sige, sisigaw ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD