Ilang minuto ng naghihintay sa amin sina Dad at Azalea nang sapitin namin ang airport ni Chaeus. Nag-ingat man kami na huwag maipit sa traffic pero inabot pa rin kami. Wala kaming nagawa kung hindi ang maghintay na umusad na iyon.
Ayos na sana ang mood ko eh, bumalik na sa dati. Kaso nga lang ay bigla na naman akong nawala sa focus ko nang pagdating namin ng airport ay maabutang kasama nina Dad at Azalea si Lailani.
Akala ko ba hindi pa siya kilala ng mga ito?
Ipapakilala pa lang ni Chaeus, sabi niya kung iyon ang tamang pagkakaintindi ko sa kanya noon.
Bakit mukha na agad silang close?
Sinadya bang paunahin siya ni Chaeus dito para sumalubong? Ang gulo nilang dalawa ah!
At saka akala ko ba ay magkaaway ang dalawa?
Palabas lang bang lahat? Niloloko ako ni Tukmol?
Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? Don't tell me na makakasama siya sa dinner namin?
Hay naku, sira na naman ang gabi ko sa kanya!
“Kasama natin siya sa dinner mamaya?” hindi na nakatiis ay lingon ko kay Chaeus. Hindi ko man banggitin ang pangalan ng fiancee niya ay sure ako na alam niya agad kung sino ang tinutukoy.
Saglit na hindi makasagot si Chaeus. Sinundan na ang mga mata kung kanino ito nakatingin. Nasa labas lang naman ito ng aming sasakyan.
“Hindi, Hilary. Aalis ulit siya ng bansa kaya siya narito. Mamayang mga 9pm ang flight niya.”
“Ah? Okay. Akala ko kasama natin sa dinner.”
Hindi na ako nag-abalang bumaba ng sasakyan. Hindi na rin nagbigay pa ng komento si Chaeus at bumaba na doon upang sumalubong. Minabuti ko na lang na sina Daddy ang hinintay kong lumulan. Matapos ilagay sa likod ang mga dala nila at kumaway kay Lailani ay pumasok na sila. Malapad ang ngiti nila ng makita akong nasa front seat. Bakas sa mukha ni Daddy na na-miss niya ako. Ako rin naman. Hindi na lang talaga ako showy.
“Hi, Hilary? How are you?” masiglang tanong ni Daddy, nilingon ko na siya habang nakangiti na.
That moment, hindi peke ang ngiti ko at pilit. Genuine iyon. Totoong masaya ako ngayon sa pagbabalik nila ng bansa. Walang halong biro. Hindi ko pa rin gusto si Azalea para sa kanya pero may kaunting nagbago sa pananaw ko.
Siguro ay dahil may gusto ako sa anak niya?
Mabilis akonh napailing. Iwinaglit na iyon sa isipan. Hindi dapat ako ma-distract ngayon. Pahapyaw na tiningnan ko lamang si Azalea.
“I'm good, Dad. How's the vacation trip?”
“Kagaya ng dati, nakakapagod pero sulit naman. Ikaw ang kumusta dito? Kayo ng Kuya Chaeus? Sa pinadala niyang mga pictures niyo mukhang unti-unti kayong nagkakasundong magkapatid.”
Noon na lang yata kami nito nag-usap ng matino. Dati, madalas na nagsisigawan kami nito kahit na magkalapit lang naman. Para kaming mga bingi. Galit na galit sa bawat isa. Aaminin ko na-miss ko ang ganitong tone at mode ng pag-uusap namin.
Ngumiti lang ako ulit lalo na nang pumasok na si Azalea. Don't get me wrong. Hindi ako bumababa dahil may nararamdaman ako sa anak niya. Siya ay nakangiti sa akin nang pumasok. Sinuklian ko lang. Wala ng ibang ibig sabihin ang ginawa ko.
“Hmmn, you dazzling gorgeous now Hilary.” puna nitong walang halong anumang biro sa tono, alam ko dahil dama kapag pina-plastic niya ako.
“Thanks. Araw-araw ay palagi naman akong maganda. Para ka namang bago. Walang pinipiling panahon ang kagandahan ko.” malaki ang ulong patol ko sa kanya, walang naramdamang hiya.
Pagak na tumawa lang ito. Napapailing sa akin. Hindi kami okay. Pero ewan ko. Mula ng umalis sila at nakasama ko si Chaeus ay parang unti-unting gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi na gaya noon na sagad hanggang buto ang galit ko.
‘Sorry Mommy, ikaw pa rin ang number one.’
Gusto ko nga sanang idagdag na kamukha ako ng Mommy ko kaya maganda ako. Ayoko lang sirain ang magandang mood ng lahat. Sa sunod na lang. Kapag hiningi ng pagkakataong sabihin ko iyon.
“Tara na, Chaeus!” malakas na sigaw nito sabay baling sa labas ng kotse, “We are starving!”
Hindi ko napansin na naroon pa pala sa labas ang Tukmol at kausap si Lailani na animo ay may sanib na naman ng octopus. Mahigpit ang yakap kay Chaeus na akala mo ay aagawin sa kanya. Nagpapaalam ang dalawa sa bawat isa. Panay ang sulyap nito sa suot na relo at sa kotse namin na naghihintay kay Chaeus. Well, kawawa naman siya. Aalis ulit ng bansa. Malalayo na naman sa fiancé at di alam kailan ito babalik.
“Teka lang, Mom! Give us a few seconds.”
Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa ere. Hindi ko nagustuhan ang pagsagot ni Tukmol sa ina. At dahil umaatake na naman ang pagiging masama ng ugali ko ay walang pasubaling madiin na pinindot ko ang busina ng sasakyan para kunin na ang atensyon niya. Akala mo naman di na sila magkikita ulit. Nagtagumpay akong kunin ang atensyon niya. Gusot ang mukgang nilingon kami ni Chaeus. Masama na ang mga tingin nito. Particular sa akin. Narinig kong tumawa si Dad.
“Mukhang okay na talaga ang samahan niyong dalawa ng Kuya Chaeus mo, Hilary.” komento nitong muli na hindi ko na lamang pinansin.
“Magkikita pa naman sila. Kung magpaalam kala mo naman at dekada ang aabutin bago maulit. Hindi niya inisip na pagod kayo sa biyahe at kailangan niyo na ng pahinga.” magaspang ang boses na himutok ko sabay muli akong bumusina.
Ang totoo niyan, nabubuwisit na talaga ako sa kanila ni Lailani. Ginawa ko lang rason sina Dad. Syempre, para lumabas lang na valid ang lahat.
“Teka lang!” asar ng wika nitong lumingon at masama na ang tinging itinatapon sa akin.
Umangat ang gilid ng labi ko. Nang-aasar pa rin. Akala talaga ng dalawang ito sila lang tao dito. Umusod na ako sa may driver seat. Binuksan ang bintana doon at walang pakundangan nilabas ang ulo. Gusto kong makita nilang naiinis na ako.
“Kanina ka pa maya nang maya, sabihin mo lang kung ilang oras pa kaming maghihintay. We have to go! Pumasok ka na rin kasi sa loob, Lailani!” walang filter na sambit kong sumenyas pa dito, “Hindi pupunta dito si Chaeus dahil nasa labas ka pa. Please do us a favor. Our parents needs to rest. Huwag kang maging sagabal, pwede ba?”
Nanlalaki ang matang tinitigan ako ni Tukmol. Hindi ko siya pinansin. Pakialam ko sa kanya? Si Lailani ang kausap ko. Tumahimik dapat siya!
“Hilary—”
“What? Mali na naman ba ako ng sinabi Chaeus?”
Nagsukatan kami ng tinging dalawa. Asar na asar na naman ako sa kanila. Sumama na lang siya sa pag-alis ni Lailani. Nahiya pa siyang magpaalam.
“Ito na nga, saglit lang.”
Muli niyang hinarap si Lailani na halatang biglang na-speechless sa lantarang pagtataray ko dito. Ipinasok ko na ang ulo sa loob ng kotse at muling bumalik sa pwesto ko kanina. Badtrip na badtrip.
“Chaeus? Ano ba? Hindi pa ka ba diyan tapos? Gutom na kami at pagod pa sa biyahe. Inip na rin si Hilary. Sana kung iyan ang plano mo ay isinama mo ang driver para nagpaiwan ka na muna dito.”
Buti nga, badtrip na rin sa kanya si Azalea. Si Lailani rin sana, pagalitan niya. Hitad iyon eh!
“Nandiyan na, Mom.” anitong muling humalik pa sa fiancee na nagpainit pa ng bunbunan ko.
Pinagmasdan ko siyang humakbang papalapit. Mabigat iyon. Halatang labas sa loob at pikon sa ginawa kong pagbusina nang paulit-ulit at sa pag-istorbo sa kanila ni Azalea. Matalim ang iginawad niyang tingin sa akin pagpasok niya ng kotse. Kibit-balikat kong ikinabit muli ang aking seatbelt. Wala akong pakialam sa banta niya.
“Kung makabusina ka naman Hilary, akala mo ay nagmamadali ka at mayroong emergency.” wika niya na medyo umigting ng bahagya ang panga.
“Nagmamadali naman talaga tayo, Chaeus. Gutom na rin ako. Pagod sila sa biyahe. Tama ang Mommy mo eh, sana isinama na lang natin ang driver para kahit maiwan ka dito ay ayos lang. Wala naman sa planong gagawin mo iyon. Malinaw na magsusundo lang tayo. Magsusundo, Chaeus!” diin sa totoong rason kung bakit kami naroon.
Sa halip na pumatol sa mga sinabi ko ay hindi na siya nagkomento. Pinaandar na lang niya paalis ang sasakyan habang sa labas nito ay malungkot na nakatanaw sa amin si Lailani. Mukhang kawawa habang pinagmamasdan kami papalayo. Habang pinagmamasdan siya sa side mirror ay medyo tinubuan ako ng konsensiya. Parang ang sama ko naman yata sa mga ginawa ko kanina.
“Gaano ba katagal na mawawala si Lailani?” usisa ko, gusto ko lang naman malaman gaano katagal.
“Medyo matagal. Doon muna siya pansamantala.” sinagot pa rin niya ako kahit halatang naaasar.
“Pansamantala lang pala. Hindi pala permanent. Kung magpaalam ka sa kanya, kala mo dekada.”
“Sssh, shut your mouth.” senyas niya sa akin na tumingin ako sa likod, ginawa ko naman iyon at naabutan kong nakapikit na ang mga sinundo.
Alam kong hindi sila tulog, pero tumahimik ako. Baka kung ano pa ang masabi ng Tukmol na ito.
“Okay, sabi mo eh.” tugon kong kinuha na ang cellphone sa bag na kanina pa dagsa ang chat.