Mabilis na lumipas ang isang Linggo. Kung noon ay may karampot na chance na magkita kami ni Chaeus sa loob ng bahay. Ngayon ay halos wala na. Hindi ko na siya maabutan. Iyong tipong kahit anino niya ay parang nagtatago sa akin. Marahil ay iniiwasan niya ako. Iyon ang unang sumilid sa isip ko ng ilang araw na di siya makita. Iniiwasan niya at ang dahilan ay ang pag-amin na ginawa ko. Hindi ko naman siya masisisi. Siya ang matanda kaya siya na ang dumi-distansya sa aming dalawa. Kung para sa akin ay wala lang naman iyon. Kinalimutan ko agad. Baka sa kanya ay hindi. Masyado niyang dinibdib. Hindi pa rin siya maka-move on sa kaganapang iyon.
“Masyado siyang affected. Todo kung umiwas sa akin. Akala mo naman may sakit na nakakahawa.” bulong-bulong ko habang mag-isa na naman sa hapag, Friday na iyon pero nag-iisa pa rin ako. “Akala ko ba ay kakalimutan niyang narinig? Ano ito? Bakit hindi niya pa ako kayang harapin?”
Pinalagpas ko na lang iyon at hindi na pinalaki pa. Kasalanan ko rin naman bakit siya naging ganito.
“Nagpapaka-busy na naman siya kay Lailani. Hindi niya ba alam na naghihintay ako? Maging civil naman siya sa akin. Hindi iyong ganito.”
Bitter na naman ako sa fiancee niya. Kahit wala siyang kasalanan ay nag-iinit pa rin ang dugo ko sa kanya. Ewan ko ba, dala siguro iyon ng selos. Palagi siyang nasisingit sa isipan ko para e-hate.
“Hindi na niya ginagawa iyong pangako niya kay Dad na babantayan niya akong mabuti. Puro lang siya pangako at salita. Hindi ko siya makasabay kumain. Hinahayaan niya akong laging mag-solo.” paglalabas ko pa ng sama ng loob, wala ng gana.
Ang kaibigan ko namang si Josefa ay piniling magpanggap na kunwari ay wala siyang narinig. Lihim na ipinagpapasalamat ko sa ginawa niya. Bukod sa hindi ko na kailangang mag-explain sa ibang kaibigan ay taas-noo pa rin akong haharap sa kanila. Nang mag-resume ang class namin at tanungin niya ako kung may mga natatandaan ba sa nangyari ng gabing iyon, pinanindigan ko ang sinabing wala. Ito din siguro ang rason niya.
Of course, useless lang din naman kung sasabihin niya pa tapos sa huli wala naman akong maalala.
“May ginawa ba akong nakakahiya, Josefa?” subok kong tanungin siya, baka tuksuhin ako.
Umiling ito matapos akong titigan. Basa ko sa mga mata niya na medyo nag-aalangan siya.
“Wala naman. Bukod sa naglupasay ka sa lupa.”
Namilog na ang mga mata ko upang umaktong sobrang nagulat ako sa sinabi niyang ginawa ko.
“Totoo? Hindi mo ako gino-good time?”
“Oo nga, nakakahiya ka. Kinailangan ka pang alalayan ng stepbrother mo papuntang kotse.” sa pagbigkas nito ay parang iniha-highlight niya kung ano ba dapat si Chaeus sa aking buhay.
“Luh? Seryoso? Gosh, Girl wala akong maalala. As in blangko. Sobrang nasobrahan ako ng inom.”
“Patay-lasing ka eh. Sobra-sobra ang ininom mo. Wala ka talagang maaalala sa lagay mong iyon.”
Ngumisi lang ako. Hindi na pinag-ukulan pa ng pansin ang mga sinabi niya. Bago pumasok ay ipinangako ko sa sariling papanindigan ko na lang ang kasinungalingan keysa naman mapahiya. At heto na nga, naging sinungaling akong bigla.
“Jusko, huwag ka ng iinom ng ganun sa sunod. Mabuti na lang kasama mo ako saka si Chaeus.”
“Hindi na talaga, Josefa. Sobrang sakit noon ng ulo ko paggising. Ayoko na ulit ma-experience.”
Nasa cafeteria na kami noon. Sa malas ay kami pa talaga ang nauna. Ganunpaman ang reaction ni Josefa, alam kong may kakaiba sa tingin niya. Nag-aalangan lang siyang banggitin sa akin dahil nga sabi ko ay wala akong kahit anong maalala.
“Weh? Seryoso ka diyan, Hilary? Hindi ka na ulit iinom ng alak? Baka sabi mo lang iyan ngayon.” si Shanael na bigla na lang sumulpot sa gilid namin.
“Hindi na nga.” irap ko sa kanya, nakuwento na siguro ni Josefa ang mga ginawa ko doon sa bar sa babaeng ito kaya ganito ang reaction niya. “Si Glyzel nasaan?” pag-iiba ko ng aming usapan.
Tama na ang tungkol doon. Baka madulas pa ako at masabi ko na lang bigla ang about kay Chaeus.
“Nasa classroom na. Busog daw siya eh. Ayaw ng pumunta dito. Doon na lang daw tayo magkita.”
“Sus, baka umiiwas lang iyong ma-intriga.” si Josefa na parang may kung anong alam dito.
Hanggang sa natapos ang Linggong iyon na ni minsan ay hindi ni Josefa binanggit sa akin ang kabaliwang ginawa ko at ang pag-amin ko noon. Ganunpaman ay napapansin ko siyang madalas na nakatulalang nakatitig sa akin na para bang may nais siyang sabihin. Hindi niya lang masabi.
“Hilary, bilisan mo na. Aalis na tayo!” malakas na sigaw ni Chaeus mula sa labas ng aking kwarto.
Wednesday ng hapon iyon at nagkataong wala kaming pasok sa school ng araw na ito. Sabi lang naman sa announcement ay Teacher's Day.
“Sandali lang naman! Hindi pa ako nagsusuklay. Hindi mo naman sinabi sa akin na maaga tayong aalis para magsundo. Eh, ‘di sana maaga akong—”
Wala ngang pasok pero ang siste, nakatulog naman ako sandali. Tapos nang magising ay ilang minuto na lang at kailangan na pala naming umalis ng bahay para hindi abutin ng matinding baha at agos ng traffic sa aming dadaanan.
“Ang dami mong sinasabi. Nag-text ako sa'yo kung anong oras tayo aalis ngayon. Imposible na hindi mo nabasa iyon. Tama na iyang dahilan mo! Lumabas ka na diyan. Sa kotse ka na magsuklay!”
Malay ko bang may text siya? Saka wala rin naman akong natatanggap. Baka sinasabi lang niya iyon para hindi mapahiya sa nakakarinig. Napakasungit niya naman. Inaano ko ba siya?
“Wala akong natanggap dahil kung mayroon ay malamang ay hindi na ako umidlip. Nag-ayos—”
Hindi ko pa man tapos ang sasabihin ay narinig ko na ang pag-alis ng mga yapak niya sa labas.
Hay naku, forda nag-walk out na ang Tukmol.
“Tsk, ngayon na nga lang kami magkikita ni hindi pa niya na ako hinintay na matapos at lumabas!”
Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na rin ako. Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang abutan si Chaeus sa labas na pasandal ang tayo sa gilid ng sasakyan. Nakahalukipkip ang Tukmol. Saglit ko siyang pinasadahan ng tingin. Kunot ang noo ko ng makitang ang laki ng pinayat nito. Haggard ang mukha. Halata ‘ring problemado.
Ano bang ginagawa niya sa sarili niya? Hindi ba siya kumakain para mamayat na lang ng bigla? Pinapabayaan ba siya ni Lailani na pumayat?
“Sakay na. Ano pang hinihintay mo?” masungit niyang utos na ikinaikot lang ng aking mga mata.
Habang patungo kami sa airport ay hindi ko mapigil ang sariling punahin ang mga pagbabago sa kanyang hitsura. Malaki talaga ang ibinagsak ng katawan niya. Malalim din ang kanyang mga mata at sobrang lumaki ang mga eyebags niya. Halatang hindi makatulog o palagi siyang puyat. Humpak rin ang magkabilang pisngi. Hindi ako naniniwala sa rason na dahil iyon sa trabaho.
“Huwag mo akong titigan. Baka matunaw ako.” saway niyang may halong pag-aasar ang tono.
“Bakit ka naman matutunaw? Hindi ka naman yelo. Saka hindi kita tinitingnan para tunawin. Sinusuri ko ang hitsura mo dahil parang ilang taon ang nadagdag sa edad mo. Ano bang mga pinaggagawa mo sa sarili mo Chaeus? Iniisip mo pa rin ba hanggang ngayon ang ginawa kong—”
“Stop, Hilary! Hindi iyon ang dahilan ng stress ko kung hindi ang pinapagawa kong resto sa site.”
Medyo napahiya na naman ako sa pagiging assuming. Bakit kasi iyon ang naiisip ko?
“Bakit? Anong nangyari?”
Kumamot muna ito sa ulo bago nagsalita.
“Tinakbuhan lang naman ng contractors tangay ang halos kalahati ng nakalaang budget ko dito.”
Oh? So iyon ang pinagkakaabalahan niya at hindi ang tungkol sa sinabi ko sa kanya? Nakakahiya!
“Hindi naman problema ang pera kung kailangan niya. Pwede naman siyang magsabi sa akin. Ang nagpalaki ng problema ay iyong hindi niya pala pagbibigay ng sweldo sa mga trabahante. Ayon, akala ng iba wala akong binigay na budget. Tigil trabaho tuloy sila ng ilang araw. Grabe ang stress na binibigay niya sa akin.” iling-iling pa nito, halatang hindi makapaniwala sa nangyari.
“Anong balita? Nahanap mo?”
“Oo, kaso nakalabas na ng bansa.”
Bahagya akong natahimik. Problema nga iyon lalo na at expected na kung kailan ang tapos.
“Hanap ka na lang ng ibang hahawak.” suggestion ko na hindi ko alam kung makakatulong ba iyon.
“Ano pa nga ba? Napaka-hassle. Sabayan pa ng pagiging abnormal ng ugali ni Lailani. Talaga naman! Hindi niya ako maintindihan. Akala mo ay palaging niloloko at pinagsisinungalingan.” bahagyang pinalo pa niya ang hawak na manibela.
Hmmn, nagkaka-problema sila ng fiancee niya? Why? Dapat ko na ba iyong ipagdiwang ngayon?
Gagi ka talaga, Hilary!
Sa tingin mo ay papasa ka na sa kanya in case na maghiwalay? Magkapatid pa rin kayo ni Tukmol!
“Hindi niya maintindihang busy nga ako sa site. Kung anu-anong akusasyon ang binabato niya. May time pa ba akong mambabae sa problema ko? Ayaw niya namang puntahan ako sa site.” himutok nitong halatang malalim na ang galit.
Hindi na ako nagkomento. Anong sasabihin ko? I-advice ko na makipaghiwalay na siya? Huwag. Baka isipin ni Chaues na I'm still into him. Dapat ipakita ko sa kanyang naka-move on ako kaagad. Iyong tipong lalabas na pagkakamali lang ang mga sinabibko. Hindi ako doon naging seryoso.
“Sa halip na tulungan niya akong gumaan ang pakiramdam. Isa pa siya sa nagpapabigat ng lahat.” dugtong niyang lumalim pa ang hinga.
“Para ka namang bago, Chaeus. Matagal ka na sa relasyon, alam mo dapat na kasama na iyan.” dinaan ko na lang sa biro iyon kahit ang gusto ko talagang sabihin sa kanya ay makipaghiwalay na.