Kinabukasan, bagama't puyat pa sa hangover ng party ay napilitan pa rin akong bumangon. Ito ang araw ng usapan namin ni Chaeus na pupunta ng bundok para mag-date camping. Ang paalam ko kay Daddy ay kasama ko ang mga kaibigan kaya pinayagan ako, pero ang totoo noon ay si Chaeus lang ang kasama ko dito. Ginawa ko lang alibi ang mga ito. At dahil busy din naman sila ni Azalea sa mga bagay-bagay ay hindi naging mahirap para sa amin ang makaalis. Overnight doon ang plano namin.
“Chaeus, wala ba ditong gumagalang mabangis na mga hayop sa gabi?” tanong ko habang nililibot ang mata sa paligid. Kakarating lang namin dito. Medyo worried ako though hindi lang naman kami ang naroroon. May ibang mga tao pa. “I mean baboy ramo or ibang mga ligaw na hayop?”
Bundok ang lugar kaya hindi malabo. Marami ‘ring nagtatayugang mga puno kaya naman hindi maalis sa isip ko ang mga napapanood sa movies. Iyong tipong magca-camping ang mga bida tapos in the middle of the night ay bigla na lamang may sumasalakay na mga hayop.
“Wala pa namang napapabalita. Saka hindi mo naman kailangang matakot dahil kasama mo ang boyfriend mo.”
Pinatulis ko ang nguso sa sinabi niya. Medyo kinikilig na naman. Oo nga naman kasama ko siya. Kaso hindi pa rin mawala sa isip ko ang mag-alala.
“Alam mo naman na first time kong matutulog sa ganitong lugar kaya medyo nag-aalala ako. Mamaya baka paggising natin ay sira na ang tent.”
Pagak ng natawa si Chaeus. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko o dahil sa sobrang wild ng imagination ko?
“Bakit naman masisira?” nakita ko kung paano niya pigiling mapangisi. “Impossible iyang mga iniisip mo, Hilary. At isa pa marami tayo dito.”
Hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinabi niya. Kahit pa marami kami, ano ang laban namin sa mabangis na hayop? Wala. Umiling ako. Parang gusto ko ng pagsisihan na pumayag akong sumama dito. Masyado lang akong na-hype ng idea na dito kami matutulog. Hindi ko naisip ang mga ganitong circumstances. Tinitigan niya ako pero nag-iwas ako ng mga mata. Alam kong nababasa na niya ang pagkabahala sa aking mukha.
Sa mga sandaling iyon ay inaayos niya ng lagay sa loob ng tent namin ang aming mga gamit. Mataman ko siyang pinagmamasdan. Halos mga couple ang naroon. Nasa plano na ang magpalipas dito ngayong gabi. Karamihan sa kanila ay halos nasa edad na ni Chaeus. Iilan lang ang mga matanda na o buong pamilya.
“Worried ka pa rin ba, Hilary?”
Dapit-hapon na iyon, malapit ng magpaalam ang haring araw sa lupa. Sumisilip na ang mga huling sinag nito na nagtatago sa makapal na mga ulap na nasa himpapawid.
“Medyo,” tugon kong nilingon siya.
Nakaupo ako sa harapan ng tent at pinapanood ang galaw ng mga tao sa paligid. Hindi derektang nasa lupa ang mga tent. Nakalagay iyon sa parang kama na yari sa kawayan. Napag-alaman ko na ganun ang ginawa para in case daw na umulan ay hindi mababasa ang nasa loob. Narinig ko lang sa ilang mga couple na matamang nag-uusap kanina.
“Hmmn, sabihin mo lang para kung sakaling natatakot ka pwede naman tayong bumaba maya-maya. Doon na lang tayo humanap ng lodging inn.”
Halos mabali na ang leeg ko para lang makita siya sa likuran ko. Iba ang tono ng boses niya. Malungkot iyon. Alam kong gusto niyang dito kami magpalipas ng gabi kagaya ng napagkasunduan bago pa pumunta.
“Para mawala na ang pag-alala mo.”
Mag-stargazing ang tanging goal namin kaya rin kami nagkasundong pumunta dito. Kung bababa kami at hahanap ng lodging inn, paano namin makikita ang mga bituin? Nagdala pa siya ng binacular para raw makita namin ng mas maliwanag ang bituin. Game na game naman ako doon, kaya lang hindi ko naman alam na malayo pala ito at bundok na talaga.
Oo nga may mga karatig na tent pero malayo. Hindi naman siya tabi-tabi or I mean dikit-dikit. Ilang dipa ang layo na ayon sa iba ay para may privacy.
“What do you think, Hilary?” muling tanong niya ng hindi ako umimik.
“Dito na lang—”
“Huwag na. Halatang napipilitan ka lang na sumang-ayon.” putol nito sa akin na may himig ng pagtatampo.
Ngumisi na ako. Tumayo na rin sa pagkakaupo upang harapin na siya.
“Dito na nga, pumapayag na ako.”
Hindi pa rin siya nagsalita. Nanatili ang mata niya sa araw na unti-unting namamaalam. Sumindi ang mga ilaw sa paligid na nagmistulang christmas light. Nagliwanag ang paligid pero hindi iyon lubusan. Masasabi ko na iba pa rin ang liwanag ng bombilya.
“Chaeus? Are you ignoring me?”
Aba, gusto pa atang mag-away kami.
“Hay naku—ano ba? Bitawan mo nga ako!” irit ko nang bigla na lang siyang mangyakap mula sa aking likuran at walang kahirap-hirap na buhatin ako. “Hoy Chaeus? Ibaba mo ako! Ano ba? Nakakahiya! Hindi mo ako ibababa?”
Nagbingi-bingihan lang ang Tukmol. Binuhat niya ako papasok ng tent para lang pahiga kaming bumagsak. Nag-echo ang boses ko sa pagtawa ng pabiro ko siyang sampalin pero sa huli ay niyakap din ang katawan niya.
“Ganyan nga Baby, tumawa ka. Ang seryoso mo masyado kanina. Isa pa ay isang gabi lang naman tayo dito. Bababa rin tayo bukas ng tanghali.”
“Oo na, pumayag na nga ako di ba? Wala naman na akong reklamo pa.”
Bago kumain ng dinner na si Chaeus mismo ang nagluto ay nagkasundo kami na parehong i-turned off ang phone. Hindi sa ayaw na maistorbo pero parang ganun na nga rin iyon.
“Gusto ko itong ulit-ulitin, Chaeus.”
Tapos na kaming kumain at nakaupo na sa harap ng tent. May space dito para gawing tambayan ng campers. Gabi na. Tuluyan nang kumagat ang dilim. Animo ay parang kumot sa dami ang mga bituin na nasa langit. Walang patid din ang kinang noon. Idagdag pa ang malaking buwan, ang manipis na mga ulap na patuloy lang na inililipad at dumadaan. Habang nakatingin doon ay hindi ko tuloy mapigilan ang sariling mapatanong kung gaano ba kalaki ang mundo? Seryosong bilog ba talaga ito?
“Hindi ka ba nilalamig?” paanas na bulong ni Chaeus sa aking tainga.
Hindi ko mapigilan na manayo ang balahibo sa init ng kanyang hininga.
“Paano naman ako lalamigin? Bukod sa mahigpit na mga yakap mo ay balot na balot din tayo ng kumot?”
Mahina siyang natawa. Nakaupo siya tapos nakaupo rin ako sa harap niya. Pasandal sa matipuno niyang dibdib. Nakayakap siya sa akin habang may kumot sa aming nakabalot. Habang yakap niya ay tila pakiramdam ko ang lahat ng pagsubok ay kaya naming lagpasan at walang makakapigil.
“Malay ko bang tumatagos pa rin ang lamig ng simoy ng hangin sa kumot at yakap ko? Nahihiya ka lang magsabi.” natatawang sagot niya.
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko na sa dilim ng gabi ay alam kong hindi niya mapapansin. Noong una ay medyo awkward ang position namin pero di nagtagal ay nasanay na rin ako. Idagdag pa ang init ng katawan niyang parang sinasalin sa akin at panangga sa lamig ng gabi.
“Chaeus? Niloloko mo ba ako?”
Matapos umirap ay tumingala na ako sa kanya para silipin ang mukha niya.
“Paanong niloloko? Hindi ah!”
Pinilit kong hulihin ang mga mata niya na bigla na lang naging mailap. Parang may itinatago iyon sa akin.
“Ayos ng pwesto, Hilary. Sa langit ka tumingin at panoorin ang mga bituin. Huwag kang tumitig sa mukha ko.”
“Bakit naman? Mas gusto ko pa ‘ring panoorin ang mukha mo. Masama?”
Nakita ko kung paano siya lumunok ng laway at basain ang nanuyong manipis na labi. Hindi ko na napigilan ang sarili. Inabot ko na ang bibig niya para lang mahalikan. Ilang minuto siyang na-estatwa sa ginawa ko. Nakatingin sa akin ang mga matang puno ng pag-aalangan. Nananantiya.
“Hilary—”
“Anong klaseng reaction iyan?” hilaw akong tumawa dahil nakita ko lang namang disappointed siya sa ginawa ko. “Tell me, may nagbabawal bang halikan kita sa lips? Sino ba? Ang ex mo ba ha?” malakas ang loob kong tanong na umayos na doon ng upo.
Paiyak na ako. Pinapahiya niya ako.
Magkaharap na kami ngayon. Ang ginawa kong iyon ang naging dahilan para mahubad na sa akin ang kumot. Walang pag-aalinlangan na niyakap ko na ang sarili nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Nang makita ni Chaeus iyon ay natataranta ng lumapit siya sa akin para lang muli akong yakapin at lagyan ng kumot.
“Ang lamig, Hilary—”
Hindi na natapos ni Chaeus ang mga sasabihin pa sana dahil nagkusa na ang mga braso ko na umalikon sa leeg niya at hinila siya palapit sa akin. Hindi naman siya pumalag o dahil sa gulat kaya hindi na niya nagawang magreklamo. Walang pagdadalawang-isip na muli kong inabot ang malambot niyang labi. Kinagat-kagat ko iyon pero nanatili siyang walang reaction. Ni hindi niya iyon ginantihan. Naramdaman ko pa na medyo lumayo siya. Halata ang pagtutol sa patuloy kong ginagawa. Hanggang sa pinutol na niya ang paghalik kong ginagawa sa pamamagitan ng marahang pagtulak sa akin.
“Hilary, this is not necessary to—”
“Bakit ayaw mong magpahalik? Bad breath ba ako kaya ayaw mo? Oo na, hindi na ako magaling at hindi rin expert.” puno na ng pagtatampo ang aking boses.
Medyo napahiya ako sa reaction niya. Halatang ayaw niya sa ginawa ko. Kaya siguro hindi rin siya gumaganti. Pero bakit? Ano namang mali doon? Ginagawa naman niya ito sa akin dati ah? Bakit ngayon na mas malaya kami at legal na ako ay sak naman siya magiging metikuluso. Ang labo!
“Baby, hindi naman sa ayaw kong magpahalik—”
“Alam kong ayaw mo! Tingnan mo nga? Tinulak mo ako. Sige, hindi na kita pipilitin. Napakadamot mo! Kiss lang naman. Bahala ka na nga diyan!”