Chapter 60: Legal Age

1703 Words
Napahawak ako sa dibdib at halos lumuwa ang mga mata. Ilang beses kong kinusot-kusot iyon na kulang na lang ay mahulog sa lupa nang makita kung sino ang katagpo ni Josefa. Si Vaughn lang naman iyon. Kaibigan ni Chaeus. Hindi lang iyon. Ang mas nakakagulantang ay nag-kiss sa lips ang dalawa na naging dahilan upang magkumahog na akong lumapit sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala. “A-Anong ginagawa niyong dalawa dito?!” bulalas kong salitan silang itinuro ng daliri, magkasabay silang napalingon. “Anong ibig sabihin ng ginawa mo kay Josefa, Vaughn?” “H-Hilary?” hindi makapaniwalang duet nilang tanong na para bang nakakita ng multo sa katauhan ko. “Anong ginagawa mo dito?” “Ako nga!” mataray kong sagot na nameywang pa doon, ibinaling na ang tingin kay Vaughn. Hindi pinansin ang katanungan ni Josefa. “Tinatanong kita Vaughn. Anong ibig sabihin ng ginawa mo kanina sa best friend ko?” Aha! Kaya ba makulit na kinuha niya ang phone number nito sa akin noon? Ito ba ang purpose niya? Bet si Josefa? “Wala akong masamang—” “Hinalikan mo siya sa lips. Kitang-kita iyon ng dalawa kong mata! Ano ang ibig sabihin noon? Bakit hindi ka makasagot? Iyon ang tinatanong ko sa'yo na kailangan mong sagutin!” Namumutla at kinakabahan na akong nilapitan ni Josefa. Paano malakas na ang boses ko at nakakaagaw na ng atensyon sa ibang customer doon. “Hilary, let me explain. Halika dito at tayong dalawa ang mag-usap. Mali—” “Bitawan mo ako Josefa, hindi ikaw ang kinakausap ko, Si Vaughn!” waglit ko sa kamay niya na pilit kumawala. “Siya ang kausap ko at hindi ikaw. Hindi niya ba alam na grooming at child abuse ang ginagawa niya—” “Boyfriend ko siya Hilary!” malakas niyang sigaw na ikina-atras ko ng bahagya, “Kaya pwede ba huwag kang mag-eskandalo? Hindi child abuse at grooming iyon.” dilat niya ng mata, nagngangalit na ang ngipin. “Ano? Boyfriend mo ang lalaking ito?” baling ko kay Josefa na pulang-pula na ang buong mukha. Hindi naman siya mukhang nagagalit. “Kailan pa?” Gusto ko ng matawa sa reaction niya. Dalang-dala siya sa acting ko. Hindi niya alam ay ginagawa ko ito para magkaroon siya ng utang na loob sa akin. Kapag nangyari iyon ay wala siyang ibang choice kung hindi ang makipag-ayos at makipagbati sa akin. “Ah ganun? Kailangang malaman ito ni Shanael at Glyzel. May boyfriend ka na tapos wala kaming malay...” Kinuha ko na ang cellphone sa bag, umakto na parang tatawagan ang dalawang kaibigan pa namin. Mas lalo siyang mahihiya oras na ito ay malaman ng dalawa. Kilala ko siya. Ayaw niya ng ganitong pinapahiya siya. Pero wala akong ibang option. Hindi nga ako nagkamali sa plano. “No, please. Magagalit sila kapag—” “So, anong gagawin mo ngayon para tumahimik ako? Anong pabor ang mabibigay mo? Will you attend my 18th birthday tomorrow in exchange na mananahimik ako? Or else, I—” “Oo na, sige na. Pupunta na ako. Huwag mo lang sabihin sa kanila.” Teng! Bingo. “Are you sure, Josefa? Hindi ka na pwedeng magback-out ha? Hindi ka pa nakakasukat ng gown na isusuot.” “Ako na ang bahala doon. Sige na, alis na. Huwag mo na akong guluhin ngayong araw. Magkita tayo bukas.” Kulang na lang ay ipagtulakan ako para lang umalis na sa lugar na iyon. Just like that, ay nagkabati kami ng best friend ko na itinakwil ako noon. “Paano mo napapayag na pumunta si Josefa? Seryoso ba? Bati na kayo?” pang-ilang ulit ng tanong ni Glyzel, sunod ito nang sunod pa sa akin. Bakas sa boses niya na hindi pa rin makapaniwalang magiging okay kami isang araw bago ang birthday ko. “Basta, siya iyong nakipag-ayos. At saka hindi ba kayo masaya na okay na kami? Birthday gift niya raw ito.” Nagdududa ang mga mata ni Shanael nang lingunin ko. Malakas ang kutob ng babaeng ito eh. Mahirap guyuhin. Ganunpaman ay wala naman akong plano na ihulog si Josefa gaya ng napag-usapan namin. Kahit pilitin nila ako ay hinding-hindi rin ako aamin. “Imposible iyang sinasabi mo, Hilary. Sabihin mo na sa amin ang nangyari. Kulang na lang kaya ay lumuhod na kami ni Glyzel sa kanya last time para lang magmakaawang pumunta siya pero ganun na lang ang pagtanggi niya. Sure akong may nangyari eh.” Kinagabihan ito bago ang birthday ko at magtungo sila sa bahay para lang makibalita dahil sinabi kong si Josefa ay pupunta at nagawan ko ng paraan. “Malay ko sa sinasabi niyo? Hindi rin ba pwedeng magbago ang isip niya?” pagtataray ko sa kanila, bahala sila kung magdududa sila. “Kayo ha? May lihim ba kayong galit kay Josefa? Sa halip na maging masaya kayo na okay na kami, nagdududa pa kayo. Sige, isumbong ko kayo sa kanya.” “Seryoso ka talaga? Walang ibang nangyari para mapapayag mo siya?” muling hirit ni Glyzel na lumapit pa sa akin para lang siyasatin ang mukha. “Wala nga. Tingin niyo bla-blackmail ko siya? Ano namang gagamitin ko?” pahaging ko para hindi na sila sa akin magduda pa, hindi kami matatapos e. “Lumayo ka nga sa akin Glyzel. Ang lapit ng mukha mo. Nakakaduling.” “For example mga secrets niya?” “Alam niyong hindi iyon o-obra sa kanya. At saka alam niyo rin lahat ng sekreto niya na alam ko. Alam niyo Girls, impossible ang iniisip niyo.” “Sabagay nga naman,” sang-ayon ni Glyzel na nahiga pa sa aking kama. “Ano kaya ang nagpabago sa isip ni Josefa? Tandang-tanda ko talaga na ayaw niya talaga, hindi ba Shanael?” “Exactly. Grabe kaya ang iling niya.” tugon naman ni Shanael na kunot ang noong nag-iisip pa rin ng dahilan. Tuluyang nanahimik ang dalawa after ng ilang minuto. Lihim ako napangiti. Hindi na ako kinulit ng dalawa. Kung sakali na itinuloy pa nila iyon ay baka sakaling inamin ko rin sa kanila ang tunay na dahilan bakit nagbago ang isip ni Josefa. Well, karapatan nilang malaman iyon. Kaibigan namin sila. Nga lang ay nangako ako kay Josefa. “Hayaan niyo na, at least buo tayo sa araw ng birthday ko. Ayaw niyo ba?” “Anong ayaw? Gusto namin iyon!” sabay na nilang sagot sa akin. Naging simple lang ang pagdiriwang ng 18th birthday ko. Hindi kailngan na maging bongga iyon kahit pa sinabi ni Daddy na kaya niyang ibigay iyon. Typical na traditional debut lang ito. May program at mayroong highlight. Ginanap iyon sa malaking clubhouse sa loob ng subdivision. Knowing Dad, invited ang lahat ng bigatin niyang mga friends kahit na hindi naman siya ang may pa-party at ako. Hindi naman ako doon nag-reklamo. Ang mahalaga ay ang mairaos lang ito nang matiwasay at saka memorable. Kagaya ng unang napagkasunduan. Si Daddy ang first dance at last dance ko. Walang nagawa doon si Chaeus o kahit na ako. Pinagbigyan ko na kasi minsan lang naman itong mangyari. Nagawa rin naman akong isayaw ni Chaeus, iyon nga lang ay saglit lang dahil mayroong oras. Siya rin ang escort ko. Si Daddy ang nag-decide. Syempre, tututol pa ba ako roon? “Daddy? Wala ka na bang ibang makuha? Ayoko sa kanya!” kunwari ay acting ko nang malamang si Chaeus ang magiging escort dito. Kailangan ko iyong gawin. Ayon na rin kay Chaeus para hindi maghinala. Iyon talaga dapat ang reaction ko. “Hilary, what's wrong with your Kuya Chaeus? Akala ko ba okay na kayo? Do you still hate him?” nag-aalala na tanong ni Azalea sa reaction ko. Oh goodness. Ang hirap naman nito. I don't hate him, duh! Kung alam niyo lang kung gaano ko siya kamahal ay baka maitakwil niyo na ako ngayon. “Not I hate him, but still. Ayoko siyang maging escort. Ang boring noon—” “That's enough, Hilary! Dalaga ka na. Ayusin mo na ang asta ng ugali mo. Hindi ka na bata para mag-tantrums.” Nagbuhol ang kilay ko sa salitang iyon. Ayokong sinasabihan nito eh! “But Daddy, hindi ba pwedeng ako ang mamili? May kilala ako at—” “No. Si Chaeus ang escort. Period.” Tahimik lang si Chaeus nagmamasid. Nakaupo sa may gilid. Sa mga sulyap niya ay alam ko sa loob-loob niya ay tinatawanan niya na ako. Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil noong maiwan na lang kamin ay ganun na lang ang lakas ng mga tawa niya. “Ang galing ng acting, kaunti pa at maniniwala na akong you hate me that much, Baby.” ngisi niya sa akin. Mabilis akong tumayo at tinawid ang distansya namin. Sobra ang higpit ang yakap na ibinigay ko sa kanya. “Sorry—” Mabilis akong napakalas ng biglang pumasok si Azalea ng silid na iyon. Napansin nito ang pamumula ng mukha ko dahil sa matinding hiya. Big day iyon. Araw na ng birthday ko. “Chaeus? Stop teasing, Hilary.” “Hindi ko siya binu-bully, Mom.” “Hindi? Eh bakit namumula ang mukha niya? Malamang ginagalit mo na naman!” akusa pa nito sa kanya. “Hindi ah.” “Huwag na kayong mag-away please lang. Tapusin niyo muna ang araw na ito. Ako na ang nakikiusap sa inyo.” Umalis na ito matapos kunin ang purse na naiwang dalhin kanina. Makahulugan kaming nagkatinginan. Maya-maya pa ay sabay ng natawa. Lumapit na siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Sinuklian ko ito. “Muntik na...” kabadong sambit ko. Naging sobrang matagumpay ang pagdiriwang ng birthday ko. After the program ay nagsimula ng mag-party ang mga invited ko sa pangunguna ni Shanael, Glyzel at Josefa. Nakangiti ko silang pinagmasdan. Matapos magpalit ng komportableng damit ay nakihalubilo na rin ako sa kanila. Sinulit namin ang gabing iyon at hindi rin naman ako pinigilan pa ni Daddy. “Forever young, I want to be forever young!” malakas na sabay namin sa kanta habang tumatalong umiindak. Tanaw na tanaw ko si Chaeus sa tabi kasama si Vaughn. Si Daddy at Azalea na pumapalaklak pa. Pinagmamasdan kami. Pinapanood. Tahimik silang nakikisalo sa sayang nararanasan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD