Chapter 62: Buhos ng ulan

1682 Words
Marahas na tinanggal ko ang kumot sa katawan. Ipinapakita sa kanya ang frustration ko. Ginawa ko lang naman ito para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Ilang beses ko ng pa-simpleng tinanong ang sarili kung ano ang pumasok sa isip ko para maging ganito kainit sa bagay na ito. Dahil ba malamig ang panahon? O dahil uminom kami ng wine kanina right after ng aming dinner? Hindi naman kami lasing, pero hindi ko alam kung bakit gusto ko ng kiss. Sobrang clingy ko namang girlfriend. “Baby, I'm really sorry. Ayokong isipin mo na kaya kita dinala sa lugar na ito ay para mag-take ako ng advantage sa kahinaan ng katawan mo.” aniyang agad na pinapungay na ang mata. Gamit ang nanliliit na mga mata ay nilingon ko na siya. Actually, nahihiya na ako ngayon hindi ko lang maamin. Nagtatampo pa rin ako kahit humingi na siya ng sorry sa akin. Ang sa akin lang ay pwede naman niyang maayos na e-explain. Tatanggapin ko naman. Hindi niya kailangang bigla na lang manlamig at iparamdam ito sa akin. “Hindi ko naman iniisip iyon ah? Saka wala naman tayong ibang gagawin. Kiss lang naman iyon. Ang damot mo, Chaeus. Hindi mo naman ako mabubuntis agad just by doing that!” Nanlaki ang kanyang mga mata sa huli kong tinuran. Huli na ang lahat ng ma-realize ko ang aking sinabi. Hindi ko naman ito sinasadyang banggitin. Nagiging totoong tao lang din ako. Sa sobrang frustrated ko lang din kaya nasabi ito. Gusto ko sanang bawiin at mag-sorry, pero ayon nasabi ko na. “Hilary—” “What now, Chaeus? Sasabihin mong nagiging childish na naman ako?” “It's not what I mean, Baby...” Nakita ko kung paano siya mapapikit at hilutin ang magkabilang sentido. Base sa reaction niya ay halatang biglang naging problemado sa mga sinabi ko. Nakakakonsensiya tuloy. Mukha nga yatang sumobra ako dito. “Masyado ka pa ‘ring bata para—” “Hindi na ako bata, so stop treating me like one. Eighteen na ako hindi ba? Nag-eighteen na ako, Chaeus!” halukipkip ko pa roon, iritang-irita na. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero mabilis na ang ginawa kong paglayo. Hindi alintana ang lamig ng hangin na nanunuot sa aking buto. Ibang-iba ang lamig ngayon kumpara kanina nang dahil siguro ito sa unti-unti ng paglalim ng gabi. “Bata ka pa rin—” “Sabing hindi na nga ako bata! Ilang beses ko bang uulitin iyon sa'yo? Bingi ka? Ginagalit mo talaga ako?” Kulang na lang ay magbuhol ang kilay ko sa sobrang iritasyon. Hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi niya. “Nakainis ka naman, Chaeus!” gulo ko sa buhok upang ipakitang badtrip na ako. “Madamot kang Tukmol ka!” Malakas siyang humagalpak ng tawa. Napalitan na ng saya ang pag-aalala niya. Saglit na binasag ang tahimik na gabi. Tuwang-tuwa siya sa reaction ko. Sinamaan ko na siya ng tingin. Iyong tipong kahit madilim ay alam kong makikita ang inis ko ngayon. “Baby naman? Inihahalintulad mo na naman ako na kagaya ng isang ibon.” Naaasar na akong tumayo. Umihip pa ang malakas na hangin dahilan para matigilan ako saglit sa paghakbang. Tumaas na ang lahat ng balahibo ko. Nangilabot sa matinding lamig nito. “Saan ka na pupunta, Hilary?” “Matutulog na. Ayoko ng manood ng mga bituin kasama ka. Mag-solo ka dito tutal napakaramot mong tao!” Natitigilan lamang siyang nakatingin. Padabog na akong pumasok sa loob ng tent. Hindi na siya nilingon. Para halik lang naman, ipinagdadamot niya sa girlfriend niya. Ano niya ba ako? Di naman ako ibang tao. Saka kapag siya ang manghahalik di ko naman siya binibigo. Huwag kung ayaw niya. Hindi ko siya pipilitin. Samantalang sa ex niyang si Lailani baka hindi lang halik ang naibigay niya noong sila pa. “Nakakaiyamot naman talaga!” Padapa na akong nahiga pagpasok ng tent. Isinipa-sipa ang dalawang paa. Sinapinan niya ang sahig ng dala naming medyo makapal na panlatag. Mayroon ‘ding foam iyon kay hindi masakit sa katawan. Sinadya kong huwag isara ang pintuan ng tent para makita ng Tukmol ang ginagawa ko. “Hilary?” Hindi ko siya pinansin. Gusto niya ng ganito kami? Pagbibigyan ko siya. “Ito naman hindi na mabiro. Tama na ang pagtatampo sa akin. Lumabas ka na diyan. Samahan mo pa ako dito. Masyado pang maaga para matulog. Alam ko namang hindi ka pa inaantok at alibi mo lang na matutulog ka na.” Hindi ko pa rin siya pinansin. Ni hindi ko nga siya nililingon. Kumibot-kibot na ang bibig ko. Kinuha pa ang baon naming isang kumot sa bag at walang pakundangan na ibinalot iyon sa aking katawan. Nagtalukbong ako. Wala akong panahon para makinig pa sa mga kabulastugan ni Chaeus. “Baby?” Tsk, pakialam ko sa'yo? Kahit pa yata mapaos ka kakatawag sa akin diyan! “Sige, kapag pumasok ako hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo. Gusto mo ba iyon? Huwag mo akong hahamunin at susubukan.” As if naman matatakot ako sa kanya. Eh ‘di gawin niya nang malaman niya ang hinahanap niya. Hindi niya na ako mauuto pang lumabas. Matutulog na ako. Period. End of our conversation. “Aba, talaga yatang sinusubok ang pasensiya ko. Labas na diyan, Hilary. Huwag mo na akong artehan pa. Sige ka, hindi mo masusulit ang gabi.” Umirap ako sa kawalan habang nasa loob pa rin ng blanket, balot na balot pa rin kahit parang hahapuin na dito. Wala akong pakialam kung hindi ko masulit. Kasalanan niya iyon lahat. Naramdaman ko ang mga yabag niya na maingat na pumasok na ng tent. Naupo siya sa may kanang gilid ko. Maya-maya pa ay nabanaag ko na ang madilim niyang imahe at anino. “Baby? Halika na. Tanggalin mo na ang kumot. Sige, di ka makakahinga.” Sinimulan niyang hilahin iyon pero mahigpit ng hawak ko sa laylayan. “Tara na ulit sa labas. Ito naman ang KJ, minsan lang tayong pumunta dito. Sayang naman ang effort natin.” Ayon na nga eh, minsan lang naman kaming pumunta dito ayaw pa niyang sulitin. Siya rin ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito eh! Kung pagbibigyan niya lang ako e di wala naman kaming problema di ba? Tinalikuran ko siya. Humarap ako sa kabilang dereksyon. Humigpit pa ang hawak ko sa laylayan ng kumot at umusog palayo nang subukan niyang hilahin iyon para tanggalin sa akin. “Huwag mo akong kausapin. Tutulog na ako. Mag-isa kang manood—” “Sige na, pagbibigyan na kita sa gusto mo. Ki-kiss na kita pero huwag mong pagsisisihan kapag lumagpas ako—” Mabilis kong tinanggal ang kumot sa katawan. Nagkukumhog na naupo na habang kumikislap ang mata sa saya. “Talaga? Wala ng bawian iyan ha!” Nakita ko kung paano napaawang ang bibig niya sa naging reaction ko. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumayo. Nauntog pa nga ako. “Tayo na diyan at tara na sa labas!” Napapailing na lang siyang tumayo. Hustong labas namin ay siya namang bagsak ng malakas na buhos ng ulan. Bugso ito na may kasamang hangin. Nagtakbuhan papasok sa loob ang mga taong nakatambay gaya namin kanina sa labas ng kanilang mga tent habang umiirit. Napapamura ang ilan. “Umuulan, Hilary!” hila sa akin ni Chaeus papasok sa loob ng tent. Gulantang pa rin sa biglang buhos ng ulan, napaupo na lang ako sa sulok. Niyakap ko na ang dalawang binti. Walang choice si Chaeus kung hindi ang isara ang pintuan ng tent dahil sa pumapasok dito ang ampiyas ng ulan. Lumamig pa ang klima kahit na nasa loob na kami ng tent ay dama pa rin namin ang lamig ng panahon. “Ang malas naman, biglang umulan.” bulong ni Chaeus na marahang inayos ang aming higaan. Parang estatwa pa rin akong nakaupo sa sulok. Panaka-naka ang tingin sa bubong ng tent na sa lakas ng buhos ng ulan feeling ko ay mabubutas iyon. “Hilary, hintayin na lang na ting tumila maya-maya.” Nanatiling tikom ang bibig ko. Parang bigla akong naging ibang tao sa pagiging tahimik ko. Patingin-tingin lang sa kung anong ginagawa niya. “Bakit kaya biglang umulan? Hindi ba at ang dami namang bituin kanina?” Narinig ko noon kay Glyzel na kapag maraming bituin, imposible ang ulan. “Hindi ko nga rin alam eh. Siguro ay hindi naman porket maraming mga bituin sa langit ay hindi na uulan.” Muli kong pinili ang manahimik. Bukod sa wala naman na akong sasabihin ay bothered talaga ako sa lakas ng buhos ng ulan na parang bubutasin ang bubong ng tent namin. Hindi mawala sa isipan ko kung anong mangyayari sa amin oras na mabutas ito. Mababas kami. Saan kaya kami tatakbo para sumilong? “Chaeus, what if mabutas ang tent?” Napabunghalit na ng tawa si Chaeus sa biglang naging katanungan ko. “Imposibleng mangyari ito, Hilary.” “What if nga lang, Chaeus? Saan tayo nito tatakbo? Paano ang mga gamit natin? Mababasa sila. Saka paano tayo makakatulog ng mahimbing?” “Halika nga dito sa tabi ko. Ang dami mo namang iniisip na imposible eh. Kumalma ka lang, Hilary. Walang ganung mangyayari sa iniisip mo.” Pumasok pa sa isip ko iyong mga ligaw na hayop kanina. What if sumalakay sila ngayong umuulan? Hindi ko na maitago ang pag-aalala. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung saan ako tatakbo. Malaki ang bundok at sobrang nakakatakot din sa lugar. “Bilis na. Halika na dito at buburahin ko iyang pag-aalalang patuloy na gumugulo sa'yo.” Parang isang robot na sumunod ako sa gusto niya. Lumapit ako sa kanya. Agad niya akong ikinulong sa knyang mga bidig. Pasandal na inihiga malapit sa dibdib niya. “Huwag ka ng mag-isip ng nonsense, Baby. Ito ang tandaan mo, as long as kasama mo ako, I'll make sure you are safe with me.” deklara niya pang ilang ulit akong hinalikan sa noo. “Sa tingin mo ba ay papayag ako na basta ka mapahamak? Syempre, hindi. Ipahinga mo na iyang utak mo. Sobrang likot. Kung anu-ano na ang naiisip.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD