Chapter 59: Blessing in Disguise

1694 Words
Nagawa naming maitago ni Chaeus ang relasyon sa lahat hanggang sa makatungtong ako ng grade 12. Hindi rin alam iyon kahit ng isa sa mga kaibigan ko. Ni hindi sumagi sa isipan kong i-open up iyon sa kanila. Naging lowkey lang kami nito. Hindi naman sa natatakot akong mahusgahan, ayoko lang gumawa ng problema at ma-stress sa sasabihin ng iba sa bawal naming relasyon ni Chaeus. Literal na kaming dalawa lang ang nakakaalam ng lahat ng mga iyon. “Okay lang ba sa'yo Hilary na ganito lang tayo? Hindi natin kayang maging proud at ipakita sa iba kung anong klaseng relasyon mayroon tayo?” To be honest, ilang beses sumagi ito sa isip ko. Naiinggit ako kay Glyzel na kahit na bawal ang relasyon nila ay sobrang proud pa rin ng dalawa. Hindi namin pwedeng gawin iyon ni Chaeus, unless nasa loob kami ng room at walang ibang makakakita. “Ayos lang naman, naniniwala ako n isang araw ay pu-pwede na rin tayo.” Malabo at hindi ko alam kung kailan pero pinanghahawakan ko pa rin ito. “I'm sorry Baby, ipinanganak tayo sa malayo ang agwat ng edad. Kung sakali na halos magka-edad lang tayo ay baka nahanap kita agad. Nauna kitang mahanap at ipinakilala kay Mommy bago pa siya magpasyang magpakasal sa Daddy mo.” Nakakalungkot kung iisipin. Mabigat sa dibdib, pero wala kaming magawa. “Huwag mo na ngang isipin iyon. Ang mahalaga naman ay tayo ngayon.” Sinabi ko lang ito bilang pampalubag ng loob. Kung iisipin ay pwede nga na ganun na lang sana ang nangyari. “Huwag kang mag-alala, ilalaban pa rin natin ito hanggang sa dulo.” Sa unang anniversary namin bilang magkarelasyon ay pasimple kaming pumuslit ni Chaeus na magkaroon ng date. Matagumpay naming nairaos iyon. Sobrang memorable at masaya. Muntik pa nga sana kaming mabuko ni Azalea, mabuti na lang tinanggap nito ang naging palusot namin dito. “May party na pinuntahan si Hilary, Mom. Nag-text. Nagpasundo sa akin. Bilang kapatid ay sinundo ko siya.” narinig kong palusot ni Chaeus ng tanungin siya saan kami nanggaling. Halos ay inumaga na kami nito sa labas. Hindi naman kami sobrang uminom. Tumambay lang kami sa may dalampasigan na nagkataong may event. Fiesta pala sa bayan na nakakasakop sa maliit na village. “Sure? Baka naman kinokonsinti mo iyang si Hilary sa mga kalokohan? Sinasabi ko sa'yo Chaeus, ikaw din ang malalagot sa Tito Mateo mo!” “No, Mommy. Kapag may kalokohan siyang ginawa. Sasabihin ko agad. Ako mismo ang magsusumbong.” “That's good, maging totoong kapatid ka sa kanya kahit hindi magkadugo.” Gusto kong tumawa sa sagot niya. Sa harap ng ina akala mo sinong banal. “Tatandaan ko, Mom.” Oo, umaakto kaming magkapatid ni Chaeus sa harap ni Daddy pero kapag kaming dalawa na lang ay hindi na. Lumalabas na ang pagiging clingy namin sa bawat isa. Ni minsan ay hindi kami pinagdudahan ng mga magulang na may kung anong kalokohang namamagitan. Siguro dahil ang laki ng tiwala nila sa aming dalawa o malaki ang tiwala nila kay Chaeus na nasa ang pag-iisip nito. Paminsan-minsan ay napag-uusapan pa rin namin si Lailani, di na madalas pero dumarating na nababanggit ito. “Cool off muna kami ngayon, Mom.” Isang araw ay natatandaan ko na sinabi ni Chaeus iyon kay Azalea. Lagi kasi itong nangungulit na kumusta na ang status ng dalawa. Kung nagkabalikan na raw ba sila. “Hindi niyo pa rin naaayos ang gusot? Ano ba talagang nangyari sa inyo?” “Hindi pa kami parehong ready, Mom. Nasa ibang bansa na rin siya nakatira, doon siya na-destino ng parents niya.” “Then why don't you go after her?” taas nito ng tono na hindi gusto ang naging sagot ni Chaeus, “Muli mo siyang suyuin. Ilang taon ka na rin Chaeus ngayong taon. Akala ko pa naman ay magkakaapo na kami...” “Mom? Huwag mo akong madaliin. Anong gagawin ko kung busy siya? Hindi ko rin naman pwedeng pilitin.” Napagkasunduan namin ni Chaeus na saka kami aamin sa kanila once tapos na akong mag-aral. Oo, naroon na sa sobrang magagalit sila sa amin. Sino ba namang matutuwa? Karapatan din nila iyon lalo na at kasal sila ni Dad which made Chaeus and me a legal step-siblings. Kaya lang wala naman kaming magagawa sa nararamdaman namin upang itigil iyon. Sobrang hirap lang gawin nito. “Oo na. Sige na. Pero anak seryoso, bakit hindi ka na lang manligaw ng iba? Marami naman sigurong babae na magkakagusto sa'yo hindi ba?” Hindi sumagot si Chaeus. Sumulyap lang siya sa akin. Medyo umiling na. “Sabagay. Kung mahal mo talaga si Lailani, nakahanda kang maghintay. Ganun talaga ang wagas at totoo.” Nasa huling taon na lang rin kami sa Senior High, hindi pa rin kami bati ni Josefa. Ewan ko. Bakit ang lalim ng galit niya sa akin. Hindi namag ganun kalala ang ginawa ko noon kay Jared. For sure nakalimutan na ito ng lalake. Dapat nga ako ang magalit dahil sa tinalikuran niya ako. Ini-endure ko ang lahat ng iyon. Hinayaan ko na lang. Naniniwala akong hindi magtatagal ay magkakabati rin kami. Bahala siya. Siya rin ang magsisisi kapag nasa college na kami dahil hindi na kami noon magkaklase. Wala na rin akong balita kay Jared, graduate na kasi ito. Sabi nila, marami raw itong naging babae. I made him playboy na alam kong hindi totoo. Napaka-imposible. Ginusto niyang maging ganun siya. “Anong gusto mong gift para sa 18th birthday mo, Baby? Isang Linggo na lang at nasa legal age ka na rin.” excited na tanong sa akin ni Chaeus. Maliit akong ngumiti. Kung excited siya ay excited na rin ako sobra. “Anything. Lahat naman ng galing sa'yo iniingatan ko. Alam mo iyan.” Totoo iyon. Ultimong balat ng unang chocolates na binigay niya, tinatago ko. Ganun ako ka-sentimental value. Nasa labas kami ni Chaeus. Nasa loob kami ng sinehan, to be exact. Weekend ngayon. Nagpaalam ako kay Daddy na may gagawin sa bahay ng isa sa mga classmate. Di naman ako pinagbawalan at pinagdudahan. “Sige, ako na ang bahala.” anitong hinalikan pa ang tuktok ng ulo ko. “Aside sa pagiging last dance ko sa 18th celebration. Gusto sana kitang maging first dance, kaso ay alam mo namang si Daddy ang kukuha ng spot na iyon. Mahirap makipagtalo di ba?” “Ayos lang iyon, hayaan mo na. Ang mahalaga ay ako ang first kiss mo.” Malakas ko na siyang hinampas sa balikat. Napadaing siya sa sakit na alam ko namang nagbibiro lamang. “Kung maka-broadcast ka naman! May makarinig sa'yo, tingnan mo.” irap ko na nag-iinit na ang pisngi. “Sino namang makakarinig?” bulong niya sa akin kaya napahagikhik ako. “Malay natin? Mabuti ng mag-ingat. Sabi nga nila sa kasabihan ay may tainga raw ang lupa at may pakpak naman ang mga balita. Ang weird di ba? Hindi ko nga rin iyon ma-gets.” “Oo na, sorry na Baby. Hindi ko na uuliting magsalita ng mga ganun.” Naging abala ako ng mga sumunod na araw bilang paghahanda na sa nalalapit kong debut. Sumakto sa sembreak ang birthday celebration ko kaya naman hindi ako nahirapan sa paghahanda at nagpapasalamat pa dito. Nariyan pa na tinutulungan ako ni Azalea at ng dalawa kong kaibigan. Hindi rin nawawala dito si Chaeus. “Sa tingin niyo pupunta ba si Josefa?” alanganing tanong ko kay Shanael at Glyzel na kasama kong mag-fitting ng mga gown na gagamitin ko sa debut. Sinabay na rin nila ang mag-fitting. “Basta bigyan mo lang ng invitation para mas mapursigeng pumunta.” magaang utos lamang ni Shanael. “Kasali siya sa 18 candles.” medyo problemadong tugon ko. “Oh? Iyon naman pala. Pupunta iyon makokonsensiya siya kapag hindi.” si Glyzel na lumapit na rin sa amin. “Hindi lang iyon ang iniisip ko. Ito pa, kailangan niya ‘ring mag-fitting ng gown. Alangang iba ang suot niya?” “Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala ni Glyzel sa part na iyon.” si Shanael, parang siguradong-sigurado. “Maaasahan ko ba iyan ha? Baka mamaya ay hindi niyo naman siya mapilit? Sasama lang ang loob ko sa araw ng birthday ko. Ayoko namang umasang pupunta siya tapos ay hindi naman pala.” pagnguso ko pa doon. “We will do our best.” duet na turan nilang dalawa na pinaniwalaan ko. Parang blessing in disguise. Isang araw bago ang birthday ko habang kukunin sana namin ni Chaeus ang mga gown na gagamitin sa shop ay hindi inaasahang aksidente kong nakita si Josefa na dumaan sa harap. Malapad ang ngiti niya habang tumatalon-talon na naglalakad. Halata ang excitement sa mukha at sa bawat galaw niya. At dahil marites ako na kagaya rin nila ay walang paalam kay Chaeus na sinundan ko si Josefa. Buti na lang at busy sa likod ng sasakyan si Chaeus, inaayos ang mga gown na kinuha namin dito. Saan kaya ngayon ang punta niya? Sinigurado ko na maingat ang bawat galaw ko. Hindi niya mahahalata na may sumusunod sa kanya. Sumakto pa na busy siya sa hawak na phone. “Malapit na ako, nasaan ka na?” May katagpo siya dito? Na-curious pa ako doon. Bukod sa ang tingkad ng mga ngiti niya ay halatang mahalaga ang taong kakatagpuin niya ngayon. “Sige, papunta na. Nariyan ka na ba?” Sumakay siya ng bus. Mabuti na lang at may dala akong bag kaya naroon ang wallet ko. Lumulan din ako at sa likod naupo. Hindi ko pinansin ang cellphone na kanina pa naghuhuramentado sa tawag ni Chaeus. Hindi ko inalis ang tingin sa likuran ni Josefa para hindi siya mawala sa paningin ko. Zacchaeus: Saan ka pa pumunta? Aalis na tayo. Mabilis akong nagtipa ng reply dito. Hilary: Una ka na sa bahay. May kailangan lang akong puntahan. Babalik din ako agad. Tatawagan kita mamaya. Zacchaeus: Nasaan ka ba? Duda ako sa'yo Hilary. Hindi ko na siya ni-replyan pa dahil bumaba na rin si Josefa sa bus stop. Nagmamadali ko siyang sinundan. Nagtungo siya sa isang restaurant. “Ano ito? Totoo ba itong nakikita ko?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD