Sa pagsisimula ng panibagong taon namin sa pag-aaral ay hindi nagbago ang trato sa akin ni Josefa. Naging hangin pa rin ako. Dinadaanan at hindi niya nakikita. Masakit iyon dahil expected ko na napatawad na niya ako after ng bakasyon, pero hindi.
“Josefa, let's talk—”
Iwinaglit niya ang kamay kong inihawak sa kanya. Galit akong hinarap. Nanlilisik ang mga mata.
“Anong kailangan nating pag-usapan? Wala. Our friendship is over, Hilary.”
“Josefa?”
“What?”
“Ang unfair mo! Kasalanan ko ba na hindi ko magustuhan ang pinsan mo? Bakit ginaganyan mo ako? Hindi ba at ikaw naman ang nag-suggest nito sa akin di ba? Pinagbigyan lang kita. Sinikap ko naman eh. Ang siste hindi ko mapilit ang aking sarili!”
Kailangan ko ng ilabas ang lahat. Ilang buwan ko na rin kinimkim iyon kaya kailangan niya ‘ring malaman.
“Dahil lang doon itatapon mo ang relasyon natin bilang magkaibigan?” puno na ng pait ang boses ko.
Naiiyak na ako. Kaunting tulak pa at babaha na ang luha ko. Wala akong pakialam sa mga nakakakita. Gusto kong magkaayos na kami. Pagod na akong sumama ang loob. Nasa may hallway kami patungo ng classroom.
“Oo, hindi naman ito mahirap gawin.”
Nadurog ang puso ko sa sinagot niya. Ang best friend ko, ang taong labis na pinagkatiwalaan ko magagalit lang sa akin dahil sa mababaw na dahilan? Ang unfair talaga. Bakit hindi niya ako maintindihan? Akala ko okay lang sa akin ang ganito kami nito. Hindi pala. Ako ang tipo ng taong mapagmahal. Lalo kapag pinakitaan ako ng ayos.
“Josefa...” nahihikbi ko ng sambit.
Walang emosyon ang mga mata niya akong tiningnan. Kapagdaka ay binangga upang tuluyang lagpasan. Bumagsak na ang mga luha ko habang sinusundan siya ng tingin.
“Tara na, Hilary.” si Glyzel na alam kong nakita ang mga pangyayari.
Kahit anong subok ko, kahit anong pilit ko wala pa rin. Hindi pa rin iyon umubra. Sobrang laki ng galit niya to the point na parang nakapatay ako.
“Baka kailangan pa niya ng mas mahabang time, Hilary. Hindi pa ito ang tamang oras para sa inyo.”
Suminghot ako at humakbang na rin. Pasunod kay Glyzel. Masama ang loob. Umagang-umaga kaya iyon.
“Haba na ng oras na binigay ko sa kanya. Halos apat na buwan na...” puno ng pagtatampong bulong ko, patuloy na sumasama ang loob. “Hindi niya ako maintindihan. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman ko siguro dahil hindi pa niya danas.”
Ang supposedly masayang first day ko ay naging super sad day sa akin. Akala ko kasi magkakabati na kami ni Josefa para makapagsimulang muli.
“Bakit ganyan ang hitsura mo? Hindi maipinta?” unang tanong ni Chaeus pagsundo niya sa akin kinahapunan.
Siya rin ang naghatid sa akin kanina na ni-request ni Daddy dahil may lakad sila ng family driver namin.
“Si Josefa kasi, ayaw pa rin akong kausapin. Hindi pa maka-move on.” sumbong ko, nahihikbi na doon.
Padabog kong ibinato ang bag sa likod at nakabusangot na pumasok. Sinundan ng tingin ni Chaeus iyon.
“Ako na nga ang nagpapakumbaba ayaw pa rin niya. Bahala nga siya. Pagod na akong suyuin siya. Kung ayaw niya e ‘di huwag. Tapusin na lang namin ang pagkakaibigan! Iyon ang gusto niya? Pagbibigyan ko!”
Humalukipkip pa ako pagkasuot ng seatbelt. Naiinis pa rin sa kaibigan. Ang lakas niyang makasira ng mood.
“Sabi ko naman sa'yong hayaan mo na muna. Pasasaan ba at muli ka niyang kakausapin. Maghintay ka lang. Huwag mong madaliin lahat.”
Hindi ako umimik. Naramdaman ko na kinuha niya ang isang palad ko upang hawakan. Agad napawi ang inis na nakabalandra sa mukha ko sa ginawa niya, napalitan iyon ng ngiti. Ganun lang ako kabilis pasayahin.
“Ayan, smile na. Hindi bagay sa'yo kapag nakabusangot ka eh. Mukha ka lang batang nagta-trantrums.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Hinila na ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan. Nang-aasar na naman ito!
“Eh ‘di balikan mo iyong ex-fiancee mo at paniguradong hindi iyon mukhang batang nagta-trantrums.”
Pagak siyang tumawa. Dumukwang palapit at sinubukan akong yakapin. Itinulak ko siya. Dumagdag pa siya sa inis ko ngayong araw. Oo na, bata pa ako pero nakakapikon na sabihin niya iyon. Ang pangit ng dating sa akin ah.
“Sorry na. Tatahimik na ako. Bigyan na lang kita ng yakap. Halika na rito.”
“Tigilan mo nga ako, Chaeus! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Lumayo ka kung ayaw mong masaktan kita!”
“Grabe naman ang tantrums—este ang mood swings niyan. Sorry na...”
Hindi ko siya pinansin. Mataray na inirapan pa rin. Halos mamuti na ang mata sa kanyang panay ang ikot.
“Hindi pa ba tayo aalis? Sabihin mo lang para mag-commute na ako.”
Itinikom niya ang bibig at umayos ng upo. Binuhay na ang makina ng kotse. Wala pala siya eh. Tiklop siya pagdating sa mga pagbabanta ko!
“Saan mo ba gustong kumain? Kain muna tayo ng merienda bago umuwi.”
Hindi ako umimik. Pamilyar na siya sa ugali kong ito. Sanay na sanay na.
“Hilary?”
Wala pa rin akong reaction. Matapos niya akong pikunin. Susuyuin niya? Ang pangit ng ugali niyang ganito!
“Hays, sinusumpong na naman ang baby ko. Patawarin mo na ako.”
Parang binuhusan ng tubig ang inis ko sa kanya. Naglaho iyon na parang bula. Ganun kabilis iyon humupa kapag naglalambing na siya sa akin.
“Baby?”
Kinikilig na napaharap na ako sa labas ng bintana. Inihawak ko pa sa salamin ang kamay ko na kunwari may tinitingnan ako sa nadaanan namin pero ang totoo, kilig na kilig ako na parang maiihi na sa undies ko. Ayoko lang iyong ipakita sa kanya.
Ano ba iyan, Hilary? Ang rupok mo!
Napapikit pa ako nang humaplos na sa likod ng ulo ko ang kamay niya habang ang isa ay nasa manibela. Isa sa paraan niya ng paglalambing. Nakuha na nito ang atensyon ko.
“Alam kong hindi mo naman ako kayang tiisin. Harap ka na sa akin please at kausapin mo na ako.”
Namimilog ang mga matang hinarap ko siya. Tinikwasan pa siya ng kilay. Uto-uto na, ganun ko siya kamahal.
“Baby mo mukha mo!”
Inihinto niya sa tabi ng kalsada ang sasakyan. Bagay na ipinagtaka ko na.
“Bakit mo inihinto—”
Humarap siya sa akin at pinalamlam ang mga mata. Nakikiusap na iyon. Binasa pa niya ang labi gamit ang dila niya. Jusmiyo! He looks damn sexy!
“Bati mo na ako? Hindi ka na inis?”
Potek! Bakit ganito siya? Ang weird niyang mag-baby talk at his age!
“Sagot na baby ko. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ka nagsasalita. Gusto mo ba iyon? Sige dito na lang tayo hanggang gumabi. Ikaw din.”
Ano? Hindi kami aalis dito? Seryoso?
Sumandal siya sa bintana paharap sa akin. Mataman akong tinitigan. Iyong mga titig na para na akong tinutunaw. Para akong ice cream na tinutunaw ng matinding sikat ng araw sa langit.
“Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Tara na! Gutom na ako.” kumbinsi ko sa kanya pero di man lang siya gumalaw, nakatitig pa rin ang mga mata sa akin. Kumibot-kibot ang labi niya, parang natatawa na. “Chaeus? Ano ba? Parang shunga!”
“Hmmn, kinikilig ka ‘no? You're blushing at this moment, baby.”
Ipinadyak ko na ang mga paa ko at sinubsob na sa palad ko ang mukha. Alam kong namumula ako. Tama na naman ang sinasabi niya. Hay naku! Wala na talag akong mailihim dito.
“I really want to see you this way, everyday Hilary. Pure. Innocent. Assurance na hindi nawawala ang malalang pagkagusto mo sa akin.”
Hindi na ako pumalag nang yakapin niya ako. Naghuramentado sa kaba at kilig ang puso ko sa ginawa niya. Ganunpaman ay sanay na ako. Sanay na ang katawang lupa ko na para bang normal na lang ang lahat ng ito.
“Uh-oh, we need to hurry, Baby. Baka sumabog na ang puso mo sa kilig.” bitaw nito sa akin, bumaling na sa manibela para patakbuhin ang kotse.
Tumikwas ang gilid ng labi ko. Hindi lang naman ako ang kinakabahan. Siya rin kaya. Grabe ang pintig ng puso niya. Sobrang lakas ng kalabog at bilis. Akala niya ay di ko ramdam ang mabilis na t***k ng puso niya? He is also into me. Hindi lang ako. Baka nga mas lamang pa siya eh!
“Oo nga, bilisan mong magmaneho at baka pareho tayong sumabog dito.”
Nilingon niya ako gamit ang gilid ng mata. Nahulaan agad ang point ko. Sabay kaming malakas na napatawa. Tuluyang nawala na ang inis ko dito. Ganun naman palagi. Madalas na binu-bully niya ako. Tapos ay susuyuin. Ewan ba bakit tuwang-tuwa pa siya kapag napipikon na ako sa kanya. Kasiyahan na yata niya iyon.
“Saan ba tayo?” magaang tanong niya na ginagap ang isang kamay ko.
“Saan pa ba? Doon tayo sa restaurant mo. Doon ako mas comfortable.”
“Bakit doon na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa? Ayaw mo bang sa—”
“Gusto kong kumain ng creme brulee ngayon. Stress kasi ako kay Josefa.”
“Sige.”
Wala na akong naging balita pa kay Lailani mula noong opening ng resto. O baka dahil pinili kong huwag na lang e-bring up ang tungkol sa kanya. Ayoko na lang siyang pag-usapan. Lagi na lang masisira ang mood ko oras na magbukas ako ng topic dito.
Kung minsan ay naririnig ko mula sa pag-uusap ni Chaeus at Azalea na bumalik daw ito ng ibang bansa. Hindi ko na rin pinili pang e-stalk siya. Sayang ang precious time ko, aba!
“Na-miss ko ng tumambay sa may dagat, Baby.” maya-maya ay wika ni Chaeus habang palapit na sa resto. “Kailan tayo ulit tatambay doon?”
Namiss ko rin iyon. Hindi kasi namin madalas na magawa na dahil sa busy siya sa resto. Kung hindi naman ay ako ang busy at wala ako sa mood.
“Gusto mo mamaya? Pakainin mo lang ako ng creme brulee tapos punta na tayo para manood ng sunset.”
“Sige.”