Bago matapos ang araw na iyon ay hindi inaasahan ng lahat ang biglang pagdating ni Lailani. Feeling main character ang babaeta sa event ng dahil sa ginawa niyang pagpasok. Salamat na lang at wala na si Daddy at Azalea dahil sigurado akong mas mauungkat ang nakaraan ng dalawa. Hindi ko sure kung alam ni Daddy na wala na sila, pero si Azalea ay sure ako na alam niya. Nauna na silang umalis kanina dahil sa lakad na kailangan nila umanong puntahan.
“Am I late? I guess, I'm not.”
Abot-tainga ang ngiti nitong inilibot ang mga mata sa kabuohan ng resto. Hindi na ganun karami ang naiwang bisita ni Chaeus. Nakaalis na ang karamihan sa venue kanina pa lang. Ang mga natira na lang ay iyong mga kaibigan ni Chaeus at dating kaklase. Iyong mga investors ay wala na rin. Maaga silang nagpaalam. Ganundin ang mga friends ko na may sariling mga lakad pa raw. Nasa gilid lang ako nakaupo. Tahimik na hinihintay silang matapos na uminom para makauwi.
“Oh? Bakit ganyan ang reaction niyo? Mukhang nakakita na kayo ng multo. Hindi na ako ngayon welcome dito?” puno ng pagdaramdam na tanong ni Lailani na muling lumibot ang mata.
May bitbit itong dalawang paperbags sa kamay. Nakangiti ang labi niya pero halatang may pagod ang mata.
“Uy, si Lailani!”
Isa-isang nagtayuan ang mga iyon at lumapit kay Lailani para batiin na ito. Matapos noon ay nakita na niya si Chaeus na nasa may counter ng restaurant. Abalang kumukuha ito ng pagkain. Dere-deretso siyang lumakad papunta roon. Sinundan siya ng tingin ng grupo ng mga kaibigan nila naupo na. Halatang nagulat sila sa kaniya pero hindi na ipinahalata.
“Sorry, Chaeus kakarating ko lang ng bansa to surprise you kaya late ako.”
Hindi na nakatanggi pa si Chaeus ng yakapin siya ni Lailani at magbeso.
“Hindi ko na pinaalam sa'yo na pauwi ako para hindi ka na maabala dito. Alam ko namang ipipilit mo sa akin na sunduin ako doon sa airport.”
Wow, lakas naman ng fighting spirit this girl. Busy kaya si Chaeus. Hello?
“Thanks sa pagpunta, Lailani.” halos pilit ang boses na sagot ni Chaeus.
“You're welcome. Sa tingin mo ba ay kaya kitang tiisin? Syempre ay hindi. Ang tagal mo kayang pinangarap ito. Tell me, how's the event going? Hindi ko tuloy naabutan ang main investors mo sa business. Di bale, at least narito ako para suportahan ka di ba?”
Hindi ko inalis ang tingin sa kanila. Isang maling hakbang Lailani, lagot ka sa akin. Makikita mo ang ugali ko.
“Ayos lang naman.”
“Here, my gifts.” lahad niya sa harap ni Chaeus ng dala niyang paperbag.
Tiningnan lamang iyon ni Chaeus. Medyo nag-aalangan kung tatangpin. Sa huli ay tinanggap na lang niya ito.
Tsk, ang plastic niya talaga!
Binawi ko ang tingin sa kanila nang bigla ay muli siyang yakapin ni Lailani at dumikit na naman ang labi nito sa isang pisngi. Hindi ko sure if normal ba iyon sa ibang bansa. Dito kasi sa Pilipinas once lang iyong gagawin. Nahagip ng tingin ko ang mabilis na pagtingin sa banda ko na ni Chaeus.
Ayos lang naman ako. Wala naman akong magagawa. Alangan namang sabihin kong bawal dahil sa kanilang nakaraan. E ‘di nabuko na agad kami.
“Nasaan ang kapatid mo? Si Hilary?”
Medyo sumeryoso na ang hilatsa ng mukha ni Chaeus ng magtanong ito.
“Don't worry, may ibibigay lang ako.”
Muling napaangat ang tingin nang marinig na hinahanap ako ng babae. Saktong pag-angat noon ay nakita kong nasa harapan ko na si Lailani.
“Hi there, Hilary. Long time no see. How are you? Bilis mong lumaki ah.”
Tsk, nakkaainsulto ah? Ilang buwan pa lang noong last kaming nagkita.
“Hi, Lailani.” plastic na pagbati ko.
Ngumiti na ako. Hindi ipinakitang sa mga sandaling iyon ay parang nais ko na siyang pulbusin sa mga palad ko.
Kalma ka lang Hilary, kumalma ka!
“Ayos lang naman ako, ikaw ang kumusta na? Laki ng pinayat mo.” tuloy kong nagpawala ng ngiti niya.
Saglit lang iyon. Nakabawi rin agad.
“Here, tanggapin mo. Small gift para sa future sister in law ko.” abot niya na sa akin ng paperbag sa halip na sagutin ang patutsada ko sa kanya.
Nakita kong napaawang ang bibig ni Vaughn. Nahagip iyon ng tingin ko. Saglit lang akong nagulat at natulala. Hindi dahil sa sinabi niya kung hindi sa naging reaction doon ni Vaughn.
“Ayaw mo bang tanggapin? Tingnan mo muna kung ano ang laman. I'm sure na magugustuhan mo. Don't judge the book by its cover ika nga. Alamin mo dapat muna ang laman.”
Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo ako at tinanggap na iyon. Hindi ako nag-iinarte. Wala naman akong paki kung ginto pa ang laman ng regalo niya. Hindi ko rin naman gagamitin. Maiinbak lang din ito sa kwarto ko. Bilang pakitang tao, tatanggapin ko.
“Salamat, my future sister in law ko.” patol ko sa kanya na medyo diniinan iyon, wala na sila ni Chaeus kaya dapat hindi niya na sinasabi iyon. Ang kapal naman ng apog niyang i-claim ito. “Sana ay di ka na nag-abala pa.”
Deep inside ay nanggagalaiti na ako. Natri-trigger niya ang galit ng inner self ko at magmaldita muli sa kanya.
“It's okay. Maliit lang na bagay.”
Bago pa ako muling makapagsalita ay tinalikuran na ako agad ng babae.
Aba, ang bastos! Magsasalita pa ako.
Bumalik siya kung nasaan si Chaeus.
“May natira pa bang pagkain? Gutom ba ako, Chaeus.” anitong nagawang humawak sa isang braso ni Chaeus.
Nag-init na ang mga mata ko sa inis. Para akong napapaso sa nakikita ko. Gusto ko na siyang hilahin papalayo. Sobrang sakit niya sa mga mata. Kung pwede ko lang gawin iyon eh, kanina ko pa sana ito hinila palayo.
“Kuha ka na lang diyan, Lai. Self service na lang. Dadalhin ko pa ito.” nguso niya pa sa kanilang grupo.
“Chaeus naman, ayaw mo man lang akong asikasuhin? Hainan mo ako. Isa rin kaya ako sa mga bisita mo.”
Anong inaarte ba ng babaeng ito? Akala niya may prebelihiyo pa siya?
Pahapyaw na muling tumingin sa banda ko si Chaeus. Humihingi ito ng permit sa akin ng kanyang gagawin. Tumango lang ako, alangan namang umiling ako at pigilan siyang gawin?
“Oo na, sige na maupo ka na.”
Nakaani iyon ng kantyawan mula sa mga kaibigan. Proud na tumawa si Lailani, umiling naman si Chaeus.
“Kailan ba kayo ikakasal?”
Heto na naman ang kinakainis kong usapan. About na naman sa kasal.
“Oo nga, tagal niyo ng plano iyan. Kailan nga ba? Chaeus? Lailani?”
“Sagutin niyo na. Huwag na kayong magpatumpik-tumpik. Aba, galaw.”
“Oo nga, tapos na ang resto at tapos na rin ang project ni Lailani. What's next? Kailan namin maririnig ang wedding bells? Tumatanda na tayo.”
Pilit na tumawa si Chaeus. Hindi na nag-comment pa. Matapos kumain ay nakihalubilo na si Lailani sa group. Bored na bored na ako. Mali, asar na asar na ako at malapit ng sumabog. Mainit na ang mata ko kay Lailani. Naiinis na ako dahil palagi niyang bukambibig ang pangalan ni Chaeus.
Hindi maka-move on Girl? Siya kaya ang nakipag-break kay Chaeus. Tapos ngayon feeling niya sila ay pa rin nito?
“Chaeus, halika na dito!” kaway pa nito, nag-bu-busy'han kasi si Chaeus.
“Hindi ako pwedeng uminom. Kayo na lang. Marami pa akong gagawin.”
“Naku, minsan lang naman ito. Huwag mo kaming tanggihan.”
“Oo nga, pagbigyan mo na kami!” sawsaw pa ng isa sa kanilang grupo.
Sa kakapilit ng mga ito ay walang nagawa si Chaeus kung hindi ang pagbigyan sila para manahimik.
“Sige, kaunti lang. Magmamaneho pa ako pauwi. Kasama ko pa naman si Hilary, baka mapano kami sa daan.”
Lahat sila ay napatingin kung saan ako naka-puwesto. Ngumiti ako. Medyo naiilang sa paninitig nila.
“Anong ginagawa ng driver niyo?”
“Kasama sa lakad nina Mommy.”
Nagsimula na silang uminom. May pa-throwback sa pinagdaanan nila. Noon ko lang nalaman na classmates sila. Mukhang naging mini reunion ang event na iyon. Noong una ay okay lang naman sa akin ang lahat pero hindi naglaon ay nainis na ako. Paano kasi, hindi na umalis si Lailani sa topic patungkol sa nakaraan nila.
Tanga rin ang babaeng ito, matapos niyang makipag-break gaganito siya?
Nang hindi na nakatiis ay tumayo na ako. Lumapit sa may counter para kumuha sana ng maiinom upang kumalma ang umuusbong na galit.
“Nagugutom ka ba?”
Napaigtad ako nang marinig sa likod ko si Chaeus. Halatang nakakainom na ito. Mapungay na ang mga mata.
“Hindi. Nauuhaw lang.”
“Ako na ang kukuha.” presenta nito na hinagilap na ang baso para lagyan.
“Huwag na. Ako na. Bumalik ka na doon.” utos ko sa kanya, baka kasi makahalata ang mga bisita niya.
“Ako na. Nagtatampo ka na eh—”
“Hindi ah. Para kang shunga.”
“Sure?”
“Oo nga, balik na doon.”
“Hindi na ako iinom. Magtitira ako ng pang-uwi.” bulong niya sa akin.
“Anong oras pa ba tayo uuwi?”
Bigla na lang sumulpot si Lailani sa pagitan namin. Inakbayan kami ni Chaeus. Mukhang lasing na rin ito.
“Ang aga pa, bakit nag-aaya ka na?” derektang tanong ni Lailani sa akin.
Iritable kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. Hello? Hindi kami close!
“Hindi ako nag-aaya. Tinatanong ko lang kung anong oras kami uuwi. Magkaiba iyon, Lailani.” urat na patol ko sa babaeng gusto ko ng irapan.
“Hindi iyon magkaiba, Hilary.” tinuro niya ako gamit ang kamay na bagong pedicure, “You simply asking him to go home. Come on, my future sister in law. Minsan lang namang mangyari ito. Huwag kang paladesisyon, okay?”
Napigtas na roon ang pasensiya ko.
Wow!
Sinusubok talaga ng babaeng ito ang haba ng pasensiya ko. Ako pa talaga ang paladesisyon? OMG naman! Ako pa talaga? Siya kaya iyon!