Chapter 55: Ruined Friendship

1683 Words
Pagbalik kinabukasan sa school ay sinigurado kong malinaw sa lahat kung ano ang relasyon na mayroon kami ni Jared. At dahil alam ko na hindi siya makikipag-usap ng maayos na kami lang, ginawa ko iyon sa mismong araw ng championship game nila. Dahilan para matalo sila. Nakita ng lahat kung paano siya lumuhod sa harap ko at nagmakaawa pero hindi ko rin pinairal ang awa. Hindi pwede. Hindi ko siya gusto. Sinisi ako ng buong school namin sa pagkatalo. Kung anu-anong tinawag sa akin. Manggagamit lang. Malandi. Wala raw isang salita. Pokpok. Hitad. Nagsisi sila na hinangaan ako. At kung anu-ano pang masasakit pakinggan pero nanindigan pa rin ako. Wala kaming relasyon. Hindi kami kailanman nagkaroon nito. “I'm sorry for everything, Jared. Hindi talaga kita gusto at alam mo naman iyan. Huwag mong ipilit. Huwag mo akong pagmukhaing masama sa lahat. Ikaw ang gumawa niyan kaya pagdusahan mo. Mananatiling kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Makakahanap ka rin naman ng iba.” Ang komosyon na iyon ay sumira hindi lang sa reputasyon ko kundi sa pangalan ko. At least, malaman man ni Daddy o tawagan man siya ng principal namin ay hindi na tungkol sa cutting classes at bisyo ang reklamo nila sa akin. Iba na. Bagay na hindi naman nangyari kaya nakakapagtaka. “Hilary, please give me a chance—” “Sorry Jared, I'm really sorry. Hindi ko talaga mapipilit ang sarili ko. Sorry.” Ilang buwan niya akong halos ay araw-araw na ginugulo. Hinahabol. Kung anu-anong mga pautot ang ginagawa para makuha lang ang atensyon ko, pero never akong bumigay. Lahat ng pinapabigay niya sa akin gamit ang ibang estudyante ay hindi ko tinatanggap kahit na simpleng letter lang iyon at bulaklak. Ang pangyayaring iyon ay nagbigay din ng lamat sa relasyon namin ni Josefa bilang mag-bestfriend. Nagalit siya sa akin. Sobrang galit na galit. “Hindi mo siya kailangang ipahiya. Sana hinintay mo na lang na matapos ang game nila, Hilary. Anong klase kang tao? Ang sama ng ugali mo!” Naiintindihan ko naman si Josefa. Siguro nga ay mali ako, pero iyon na lang kasi ang pagkakataon ko dahil ayaw niya akong harapin at kausapin. “Pwede mo naman siyang kausapin ng matino na kayong dalawa lang.” “Josefa, sinubukan ko iyon kaso—” “Tinulungan ka na nga niya, ganyan pa ang ginawa mo sa kanya?” “Hindi ko siya pinilit. Ikaw naman ang nag-suggest na ganun ang gawin ko!” Hindi ko na rin mapigilan ang bugso ng galit ko. Oo na mali na ako dito, pero kasalanan din ng pinsan niya. “Wala kang utang na loob! Hindi na kita kilala. Ang layo mo na sa dati!” Tumakbo na siya palayo bago pa ako muling makapagpaliwanag ng side. “Josefa! Sandali lang—” Sinubukan ko siyang habulin pero agad akong pinigilan ni Shanael. “Hayaan mo na muna siya, Hilary. Sa ngayon ay hindi kayo magkaka-ayos dahil pareho kayong galit. Intindihin mo na lang din sana ang sama ng loob niya. Magiging maayos din iyon. Hindi ka naman noon kayang tiisin.” Hindi iyon nangyari. Ilang buwan din ang lumipas. Tuluyan siyang lumayo. Dumistansya na parang ni minsan sa buhay niya ay hindi niya ako nakilala. Nakikita kong kasama niya si Glyzel at Shanael sa cafe, okay naman ang treatment niya sa kanila pero oras na lumapit ako siya na ang kusang iiwas at pipiliin na humiwalay sa barkada. “Hindi pa siguro naghihilom ang sugat ng pagtatampo niya, Hilary. Hayaan mo na lang muna.” si Glyzel nang i-open ko ang sama ng loob. “Ang tagal na. Sabihin na lang sana niya kung bibitaw na rin ako para naman hindi ako mukhang tanga na hinahabol siya. Sa huli iiwasan lang.” “Naku, ang sarap niyong pag-untugin. Sobrang tatag ng friendship niyo tapos si Jared lang pala ang sisira.” si Shanael halos ayaw ng magbigay ng comment sa away namin ni Josefa. Inilihim ko rin sa kanila ang tagong relasyon namin ni Chaeus. Wala akong lakas ng loob na umamin lalo pa at galit si Josefa. Madadagdagan lalo ang sama ng loob niya sa akin. Hindi niya pa rin ako kinibo kahit na panay ang lapit at habol ko sa kanya. Siya ang umiiwas hanggang sa matapos ang taong ng bilang grade 10 kami at sumapit na ang bakasyon. “Hindi pa rin kayo okay ni Josefa?” Umiling ako. Hindi iyon lingid sa kaalaman niya. Sinabi ko ang lahat ng nnagyari sa kanya, kahit ang away. “Para akong maysakit na nilalayuan.” Nasa labas kami ngayon ni Chaeus. Nagagawa naming mag-date nang hindi obvious. Ang akala ng parents namin ay bonding lang iyon. Coffee shop at dalampasigan lang ang madalas naming puntahang dalawa. At ngayon ay nasa coffee shop kami. Na-ispatan ko si Josefa na pumasok dito. Alam kong nakita niya ako, kami, saglit pa nga kaming nagkatitigan pero nagpanggap siyang hindi ako kilala. Favorite cafe namin ito ni Josefa since grade 7. Kada bakasyon namin ay palagi kaming tambay dito. “Ayaw niya pa rin akong pansinin. Alam naman niyang wala akong gusto sa pinsan niya. Ang mali ko lang ay pumayag ako sa setup.” “Hayaan mo na, baka kailangan niya lang ng space. Malay mo bigla ka na lang niyang lapitan at kausapin ulit.” Ipinagkibit-balikat ko iyon dahil deep down in my bones, nalulungkot ako. Nawawalan ng pag-asa na baka hindi na iyon mangyari. Baka ako lang ang nag-iisip ng ganun at hindi na siya. “Siguro, hindi na lang din ako aasa. Baka masaktan lang ako sa kanya.” Natapos ang resto ni Chaeus. Nasa kalagitnaan ang bakasyon namin sa school nang mag-set up siya ng date ng blessing at ribbon cutting para sa main day opening nito. Invited kaming lahat, maging si Azalea at Dad ay umattend din ng araw na iyon. “Congratulations, hijo. Sana umani ka ng marami sa branch na ito.” si Dad na proud na proud kay Chaeus. “Thanks po, Tito.” “I am so proud of you, Zacchaeus.” si Azalea na pure ang tuwa sa mata, proud na proud sa achievement ng anak. “Si Lailani ba hindi pupunta?” Napag-usapan na namin ang part na ito ni Chaeus. Imposible na hindi kasi mabanggit ang babae na okay lang naman sa akin. Alam ko naman kung ano ang magiging stand ko dito. Mula ng maging kami rin ay nawalan na ako ng balita sa babae. Tinanggal na ako nito sa friend list niya kaya di ko na ma-stalk ang mga ganap niya sa buhay. But mali siya, gumawa ako ng dummy account at nananatili niyang friend iyon kaya may access pa rin. Okay naman siya I guess. Nasa ibang bansa pa rin. Nakakapagpost na ng mga pictures ng mga gala niya. May mga times na nagseselos ako pero wala naman akong magawa. Kagaya na lang ngayong araw. Nabanggit siya pero di ibig sabihin ay siya na ang bida at ako ang kontrabida. “Nasa ibang bansa pa rin siya, Mom.” “Wala siyang planong umuwi? Opening ng resto mo. Kahit saglit sana to show her support man lang.” Hindi na doon sumagot si Chaeus at hinarap na ang dumating na kakilala. “Tsk, hindi naman siya kailangan dito.” bulong ko na tanging ako lang ang nakakarinig, hindi ako pwedeng magalit. Magtataka silang lahat. Maging ang mga hindi ko kilalang kaibigan ni Chaeus at first time kong makita ay naroon para suportahan siya. Panay lang ang ngiti sa akin ni Vaughn nang makita ako ulit nito. Hindi na siya gulat na gulat gaya noong unang pagkikita namin. “Hi, Hilary. How are you?” pagbati niya na nakuha pang lumapit sa akin. Nasa may gilid ako at nagmamasid. “Hmmn, I'm good. Ikaw ba?” “Ayos lang din naman. Hindi mo ini-invite ang mga friends mo?” Kunot nok ko siyang tiningnan. Paano niya nalaman ang mga friends ko? Ah, malamang nasabi ni Chaeus dito. “I did, I think they are late. Mga paimportante ang mga iyon eh.” nilakipan ko pa ng mahinang tawa. Tumawa lang din ito. Sinabayan ako. “Sumbong kita sa kanila.” “Ayos lang, di naman sila maniniwala sa'yo.” pagpatol kong humahagikhik. Muli lang siyang tumawa na para bang close kami nito. Siya namang pagapsok ni Glyzel at Shanael. Hindi ko na talaga inaasahang pupunta si Josefa, pero mali ako. Huli lang siyang pumasok bitbit ang gifts na sure akong pinaghatian nilang tatlo. “Hilary!” tawag ni Shanael sa akin at patakbong lumapit sila ni Glyzel. Nang makita si Vaughn na kaharap ko ay agad na huminhin si Shanael. “Sorry were late, pinilit pa naming sumama dito ang bestfriend mo eh.” walang filter na turan ni Shanael. “Ayos lang. Hindi naman kayo masyadong important visitors.” “Hala! Ang sama ng ugali mo ah?” Ilang beses niya akong sinenyasan na ipakilala siya kay Vaughn pero bago ko pa iyon magawa ay umalis na ito. Ganun na lang ang irap na natanggap ko kay Shanael na parang slow ako. “I-reto mo ako sa kanya. Hindi mo man lang talaga ako pinakilala eh!” “Hoy mahiya ka nga! Pasmado na naman ang bibig mo. Huwag kang gumawa dito ng eskandalo, aba.” si Glyzel na hinila pabiro ang buhok ni Shanael, maarte na itong nag-react. “Aray ko ha? Bitawan mo ako!” “Wow, ang OA mo Shanael.” Hindi ko sila pinansin. Naagaw na ang atensyon ko ng deretsong paglapit ni Josefa kay Chaeus para ibigay ang regalo. Pagkatapos noon ay lumabas na rin agad ito. Ni hindi siya lumingon sa banda namin o kahit ang tumikim ng handa. Gusto ko siyang habulin pero hinayaan ko na lang. Malamang ay hindi pa rin niya ako papansinin. Mapapagod lang ako kung gagawin ko man iyon. “Don't worry. Tutulungan namin kayong mag-ayos sa sunod na pasukan.” si Shanael ng mapuna ako. “Ayos lang, sanay naman na ako sa kanya.” iwas ko ng tingin sa kanilang dalawa ni Glyzel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD