Pinagmasdan ko ang paa naming dalawa na dumuduyan habang nakalawit sa hood ng sasakyan. Nakatukod na ang dalawa naming braso sa magkabilang tagiliran.
Ilang beses kong tinanong ang sarili kung kaya ko bang gawin ito? Kung kaya kong panindigan ang desisyon? At kung ano ang sagot ko noong una ay iyon pa rin ang sagot ko ngayon. Kakayanin ko. Kakayanin naming dalawa ni Chaeus nang magkasama.
Binalot pa kami ng katahimikan. Ang tanging maririnig ay ang ingay lang sa paligid na nililikha ng kalikasan. Sigawan ng mga batang walang sawa sa pagtatampisaw sa dalampasigan. Nagpapahabol sa hampas ng alon.
“How about you Chaeus? Anong kwento ng biglaang pag-alis mo?” basag ko sa katahimikan ng hindi siya nililingon, nang makitang hindi niya rin ako tiningnan ay nilingon ko siya. “Totoo bang naaksidente siya?”
Hindi man banggitin ang pangalan ni Lailani ay paniguradong alam niya na kung sino ang tinutukoy ko. Umiling lang ito na sobrang ipinagtaka ko.
“What do you mean?”
Nilingon niya na ako nang mapansin ang pagtitig ko sa mukha niya. Pilit na binabasa ang laman ng isip niya.
“She attempted suicide. Mabuti na lang at napigilan iyon. May nakakita.”
Natutop ko ang bibig. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon. Ganun ba siya kabaliw kay Chaeus? Is that a trap? Bakit niya gagawin iyon? Para mangonsensiya si Chaeus? Bakit naman? Ang labo.
“As in she wants to ends her life through—” hindi ko matuloy ang sunod na sasabihin, hinawakan ko na ang leeg na parang sinasakal para e-demonstrate na lang sa kanya ang gusto kong iparating. “I mean gusto niyang sakalin ang sarili gamit ang lubid? Or mali ang pagkaintindi ko?”
“No, magpapasagasa siya sana.”
OMG!
Kaya rin pala tinawag ni Azalea na aksidente ang nangyari. Noon ko lang din naisip ang sabi nito kay Chaeus.
Sabi na nga ba eh. Sa mga shared post niya pa lang, alam ko na agad na may hindi tama. May mali na roon.
“Why? Because of you or may iba pang dahilan bakit niya gagawin ito?”
Malungkot siyang tumango. Umiwas na ng tingin sa akin. If suicidal ang babaeng iyon dahil sa kanya e ‘di malamang mahihirapan siyang iwan. Saka kaya niya bang bitawan iyon? Ngayon pa lang problemado na ako.
Anong mangyayari sa amin?
Kabit ako ganun? Passed time?
Ano pa bang aasahan mo Hilary? Gusto mo iyan di ba? Tiisin mo!
Nagkamali ba ako ng desisyon?
“Bakit niya naman gagawin iyon?” maang-maangan na tanong ko, gusto kong malaman ang totoong dahilan.
Nakita kong gumalaw ang adams apple niya sa paulit-ulit na paglunok. Parang nahihirapan na siya ngayong mag-decide kung sasabihin ba o hindi. Sabagay, anuman ang desisyon niya ay igagalang ko. Privacy din nila iyon bilang magkarelasyon.
“Because we broke up—”
“You what?!” bulalas kong napalakas at kulang na lang ay mahulog na ako.
“Careful Hilary, mapilayan ka.” mabilis na hawak niya sa beywang ko para hindi ako tuluyang mahulog sa hood.
Parang sasabog ang puso ko. Inalis niya ang kamay sa beywang ko after niyang umubo-ubo. Nilingon niya na akong muli. Malungkot na ang mga matang suot niya ang nasilayan ko.
“We broke up, Hilary.” ulit niya sa dahilan ng pagtatangka ni Lailani.
Umayos na ako ng upo. Hindi ko na kinakaya ang mga rebelasyon niya. Ganun ba siya ka-seryoso sa akin para lang hiwalayan ang fiancee? Oo na, may excitement nga iyon pero nakaka-guilty sa part na baka ako ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
“Ikaw ang nakipag-break? Bakit mo ginawa iyon? Fiancee mo iyon.” labas sa ilong na tugon ko, to be honest ang saya ko sa nalaman ngayon.
“Hindi. Siya.”
Oh? Siya naman pala, tapos sad girl siya? Siya ang may kasalanan noon tapos naisip niyang magpatiwakal? Gaga ba siya? May saltik ang utak!
“Bakit? Sa anong dahilan? Mahal na mahal ka noon di ba? Kaya bakit?”
"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang details. Nakakahiya. Magagalit ka."
Napaisip ako doon. Nakakahiya raw? Magagalit ako? Bakit ako pa rin ang inaalala at hindi ang fiancee niya?
“Pagkatapos?”
“Ayon, siya ang nakipagbreak.”
“Ganun naman pala. Tapos siya pa ang may ganang umaktong ganyan? Nakipag-break siya tapos papaawa? Ang tanga naman niyang babae!”
Alam kong pasmado ang bibig ko sa part na ito, pero ang weird niya ah! Kung ako sa kanya ay hindi ako bibitaw. Hindi ako makikipag-break.
“That's fine. At least, malaya na ako.”
Malaya na, pero ang lungkot naman ng mga mata at boses niya. Alam ko namang nanghihinayang din siya. And I am a bit hurt and jealous. Normal lang naman iyon di ba? Ilang taon din kaya ang relasyon nila. Saka fiancee niya kaya iyon. Meaning kasal na lang ang kulang sa kanila. Pero curious talaga ako kung bakit biglang makikipag-break si Lailani kay Chaeus. Malamang seryoso kung anuman ang rason ng babaetang ito.
“Ayaw mo na ba siyang suyuin?”
Alam kong katangahan na parang ako mismo ang naglalagay ng asin sa sugat sa puso ko kaya nasasaktan, pero gusto kong malaman din iyon.
“Hindi na. Mabuti ng ganito kami. Siya naman ang nag-decide at hindi ako. Pinagbigyan ko lang siya sa kung ano ang gustong mangyari.”
Alam kong ang unfair lang noon kay Lailani pero, mabuti nga siguro ito.
“Alam na ng Mommy mo?”
“Hindi pa. Hindi pa kami nag-uusap.”
Muli kaming binalot ng katahimikan. Nanatili ang mga mata namin sa dagat. Parehong mabigat ang hinga. Wala na akong ibang masabi pa. Ayoko namang sulsulan siya. Baka mamaya ay naguguluhan lang siya.
“Kailan ba kayo nag-break?”
“After ko siyang sundan.”
“Noon bang sinundo natin sina Dad at umalis siya na sinundan mo agad?”
Tumango siya. Kung noon pa iyon e di ang tagal na pala nilang hiwalay. Ilang buwan na ang lumilipas mula noon. Noong gabing hinalikan niya ako ay single na pala ang Tukmol. Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang gawin iyon dahil wala na silang relasyon. Na-gui-guilty pa ako noon bilang isang babae dahil sa kay Lailani. Wala naman na pala sila.
“That's a blessing in disguise, Hilary.”
Nakangiti na siya nang lumingon ako.
“Ha? What do you mean, Chaeus?”
“Pwede na kitang mahalin ng walang pumipigil sa akin. Pwedeng-pwede na, Hilary.”
Napawi ang ngiti ko. Hindi ko alam kung papayag ako sa gusto niya. Masyado pa ring complicated. At saka di ko alam kung okay na ba talaga sa kanyang mawala si Lailani. Baka mamaya kapag pinapili ko siya masaktan lang ako. Baka si Lailani pa rin ang piliin niya kagaya noong dati. Paano naman ako? Sino ang sasandalan ko oras na mangyari ito?
“Hindi ko alam ang isasagot Chaeus, masyadong bata pa ako kaya siguro sobrang naguguluhan ako.” pag-amin ko sa kanya which is true naman.
Dumukwang siya palapit sa akin. Masuyong hinawakan niya ang leeg ko at bahagyang hinila palapit sa mukha niya. Walang hirap na akmang aabutin niya ang labi ko. Tumigil siya nang magtama ang tungki ng ilong namin. Hindi ako tumutol doon bagama't nagulat. Wala ring bakas ng pagsisisi. Nagpaubaya. Nakisabay sa agos kahit pa parang lalabas na sa dibdib ko ang puso sa sobrang lakas ng t***k nito. Hinayaan kong abutin niya ang labi ko para sa isang masuyo at magaang halik.
“Sobrang gusto kita Hilary, na kahit na anong pagsubok ay handa kong labanan makasama ka lang. Alam kong ang hirap paniwalaan pero iyon ang nararamdaman ko. Maniwala ka. Huwag mong pagdudahan ang nararamdaman ko dahil hindi ako magkakaganito kung wala lang ito.”
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero natagpuan ko na lang ang sarili na pumapayag sa set up ng magiging relasyon naming dalawa. Oo, kumplikado iyon. Nakakatakot pero dama ko na pareho naman kaming nakahandang sumugal. Handa na ipaglaban ang lahat.
“Let's try, Chaeus. Subukan natin. Kahit na mahirap. Kahit na bawal. Subukan pa rin nating mahalin ang bawat isa. Malay natin sa dulo ay may himalang mangyari bigla.”
“Oo, let's try, Hilary. Gawin natin ang lahat hanggang sa mag-work ang relasyon na pareho nating ginusto.”
Muli niyang inabot ang labi ko. Hindi ako muling tumanggi. Hinayaan siya.
“I'll promise, gagawin ko ang lahat mag-work lang ang relasyon natin.”
Bilang tugon ay mahigpit ko siyang niyakap matapos na alisin niya ang bibig sa labi ko. Tumango-tango na.
“I will help you, Chaeus.”
Nang dapit-hapong iyon, sa harap ng dalampasigan habang papalubog ang araw ay nagpapaalam sa kalupaan ay naging kami ni Chaeus. Tinanggap ko ang hamon sa magiging relasyon, not minding our complicated situation. Hindi namin inisip si Azalea at si Dad. Saka na lang namin pro-problemahin. Ang tanging mahalaga sa amin ng mga sandaling iyon ay kaming dalawa. Makasarili na kung makasarili, maramot at immoral pero anong magagawa naming dalawa na parehong alipin ng bawal na pag-ibig?
Wala, kundi ang magpadala sa agos. Dahil kapag lalo namin itong pinigilan baka kung saan pa kami dalhin nito.
“Ah, kaya ka pala biglang nawala kanina dahil sinundo mo si Hilary.” bungad ni Azalea pagdating namin.
Yumuko lang ako bilang pagbati. Sa totoo lang ay kabado na baka ngayon pa lang ay mahalata ang kilos namin.
“Sinundo ko siya sa school.”
“Good. Titibay pa ang relasyon niyo bilang magkapatid. I know kailangan mo ng kausap, baka isa si Hilary ang magpapagaan ng pakiramdam mo.”
I guess, alam na ni Azalea na wala na si Lailani at ang kanyang anak.
“Sige na, magpalit na kayo ng damit at kakain na rin tayo ng dinner.”
Bago umalis ay nilingon ko si Chaeus. Ngumiti lang ito sa'kin saka tumango. Iniwan ko na sila. Sobrang guilty ang nararamdaman ko pagpasok ng room. Nilalamon ako nito ng buo.
“Wala akong kasalanan. Siya ang nakipag-break kay Chaeus. Hindi rin ako ang nagsabing maghiwalay sila. Bakit ako magu-guilty? Relax, Hilary.”