Chapter 53: Alipin ng pag-ibig

1653 Words
“Gusto mo bang mapasma ang mga paa ko ha?!” bulyaw ko sa kanya ng ilang hakbang na doon ang tinalon. Kamuntikan pang ma-out of balance ako sa pagmamadaling makatakas. Pinandilatan ko siya ng mata. Tipong kung nakakamatay ay kanina pa siya nakabulagta. Sa halip na matakot ay malakas na tumawa lang ito. Hindi alintana ang mga taong naroon at panaka-naka kaming tinitiningnan. Agaw pansin siguro sa kanila ang suot namin o baka dahil sa hindi pamilyar sa lugar na iyon ang mukha namin. Noon ko lang nakita na hindi lang basta malawak na parang iyon. May mga kabahayan pala sa palibot, na hindi ko nagawang punahin noong magpunta kami ni Chaeus ng unang beses dito sa lugar. Para siyang maliit na village lang pero maraming bahay. “Plano mo pa talagang pabahuin ang mga paa ko!” akusa ko na patuloy sa pag-irap, palabas ko lang iyon lahat. Ang totoo niyan ay gustong-gusto kong naririto kami. Nabawasan ang pagkairitang nasa katawan ko kanina. “Sorry na, grabe ka naman kung sumigaw. Hindi ka naman nabasa—” “Dapat pa akong magpasalamat na hindi nabasa? Iba ka rin eh! Tukmol!” Napalis ang ngisi niya. Ayaw niya na sinasabihan ko siya ng Tukmol eh. Siguro ay nalaman niya ang meaning noon kaya ganito na lang mag-react. Tama nga ang hinala ko sa sunod niyang sinabi. Chaeus finds out kung ano ang meaning ng salitang Tukmol. “Hilary, listen to me. I'm not a bird. Huwag mo akong gawing ibon.” Pinigilan kong mapahagalpak. Dito pa lang ay bawi na ako sa inis sa kanya. At para maitago iyon ay mabilis ko siyang tinalikuran, suot pa rin ang mapagpanggap kong inis sa kanya. “Saan ka pupunta? Huwag mo akong talikuran. Nag-uusap pa tayo! Hilary!” Manigas ka diyan. Ikaw naman ang iinisin ko. Tingnan natin kung hindi ka mapikon sa akin. Akala mo ikaw lang. “Uuwi na. Maiwan ka ditong mag-isa.” sagot kong hindi siya nililingon. Humakbang na ako pabalik ng kotse. Ang totoo niyan ay masyado na rin akong naiilang sa mga titig ng mga hindi kilalang tao na naroon sa may dalampasigan. Mukha naman akong normal na tao, pero iba ang mga tingin nila. Wala naman akong makita na panghuhusga, pero iba pa rin iyon. Nakita ko ang anino ni Chaeus sa likuran ko. Sinusundan niya na ako. Mali. Hinahabol na ako ng Tukmol. Bago ko mahawakan ang pintuan ng kotse para buksan ay agad nagawa na niyang hawakan ako sa braso. “Mamaya na. Ang aga-aga pa. Dito na lang muna tayo.” nakikiusap na iyon. Mabilis akong humarap sa kanya. Handa na siyang sigawan pero hindi ko iyon magawa sa pakiusap ng mga matang halata ang sobrang pagod. Saan kaya siya napagod? Sa biyahe? Halatang wala pa siyang tulog. Bakit kasi sa akin siya unang dumeretso? Sana sa bahay muna upang matulog. “Please? Maaga pa naman. Hindi pa nga lumulubog ang araw. Hindi mo ba nakikita? Ang taas pa niya oh.” Lumambot na roon ang kalooban ko. Actually, hindi ko pa naman talaga gustong umuwi. Gusto ko lang umalis sa crowded na dalampasigan. Para kasi kaming alien kung tingnan ng mga mata ng mga taong naroroon. “Hindi mo ba ako na-miss man lang, Hilary?” paglalambing niya na alam niyang isa ito sa mga kahinaan ko. Napalunok na ako ng laway. Isa ito sa kahinaan ko eh. Ang gamitan niya nito. Alam na alam niyang bibigay ako but not this time. Hindi ko siya pagbibigyan at patototohanan iyon. “Bakit naman kita mami-miss? Ilang araw ka lang namang nawala. Hindi ko nga alam na wala ka sa bansa.” sagot kong mabilis umirap sa kanya. Lumakas ang kalabog ng puso ko. Para na akong mahihimatay habang nakikipagtitigan sa kanya. Tanong lang iyon pero sobra na ang epekto. “Kasi ako sobrang na-miss kita.” Pambihira naman! Specialty niya ba ang galitin ako tapos ay papakiligin? Ganito ba ako kabilis na paamuin? Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na matanggi iyon dahil ramdam ko ang pag-ahon ng lahat ng dugo patungo ng mukha ko. Muli akong tumalikod para itago ito. “Huwag mo nga akong binibilog—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang maramdamang umalikon na ang dalawang braso ni Chaeus sa katawan ko. Nanigas na ako. Hindi alam ang tamang reaction sa ginawa niya. Binibigyan niya lang naman ako ng back hug at ang awkward na nito. Ano ba dapat ang maging reaction ko dito? Para akong ina-asthma na unti na langat mauubusan na ng hininga. “Chaeus...” nanghihinang tawag ko sa pangalan niya, pambihira naman oh! Bakit ba ang sweet niya? Bakit ba kahit ginagalit niya ako ay bumabawi siya? Lalo pa tuloy akong nahuhulog! “Yes, Hilary?” paanas at mahinang tanong niya sa puno ng aking tainga. Kinilabutan na ako sa ginawa niya. Gusto ko ng kumalas at magtatakbo papasok ng loob ng kotse. Nahihiya na sa nararamdaman lalo at parang lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay biglang nagsitayuan. Ipokrita ako kung hindi ko aaminin sa sarili na namiss ko siya at ipipilit ko na hindi. Sobrang na-miss ko siya. Ayoko lang iyon aminin at ipakita. Kinakabahan ako. Natatakot sa magiging resulta. “What is it baby?” patuloy niya. Parang bigla na lang may sariling buhay na hinawakan ng kamay ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin. Pumalag ka, Hilary. Ano ba?Subalit hindi ako pumalag. Hindi ko inalis ang mahigpit niyang yakap. Sa halip ay umikot ako paharap sa kanya at mapagpaubayang niyakap na siya. “Oo na, aamin ko ng na-miss din kita.” parang baliw na pag-amin ko roon. Base sa reaction ng katawan niya ay nagulat siya sa sinabi ko. Nanigas din siya at ilang minutong hindi nakaimik. Hindi lang pala ako ang may reaction at nararamdaman na ganun. Siya rin. “Oh? Naputulan ka ba ng dila?” silip ko sa mukha niya kasi tumahimik, gusto ko lang pagaanin ang paligid. Napapahiya na ako eh. Kailangan ko na pagtakpan iyon. “Akala ko ba ay gusto mo ‘ring marinig ang totoong sagot sa nararamdaman ko?” Nahawa na yata ako ng kakapalan ng mukha. Lumakas na rin kasi ang loob ko na aminin ngayon ang totoo. Malapad siyang ngumiti. Sa sobrang lapad noon ay halos magbago ang mukha niya sa paningin ko. Nahigit ko na ang hininga sa hindi ko inaasahang pagdampi ng mainit niyang labi sa noo ko. Napalunok ako ng sunod-sunod lalo ng malanghap ko ang pamilyar na amoy ng pabango niya. Nanunuot iyo sa butas ng ilong. Jusmiyo ka, Hilary, sigurado ka ba sa pinapasok mo ngayon? Hindi mo pa nga naayos ang problema kay Jared. Heto ka na naman at gumagawa ng panibagong problemang iisipin mo. “I'm sorry, I'm just...happy, Hilary. Hindi ko ma-contain ang sarili.” ani Chaeus na muli akong niyakap nang mahigpit na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas, nagcha-charge. Nanatili kami ng ilang segundo sa ganung pwesto. Motionless. Hindi ako nagreklamo, gustong-gusto ko nga ang yakap niya. Hindi gaanong mahigpit pero puno ng peace na para bang ang lahat ng problema ay kaya kong lagpasan basta kasama ko lang siya. Basta nariyan siya para sa akin. “Now, tell me. Anong kwento sa likod ng mga bulaklak na dala-dala mo?” Magkatabing nakaupo na kami sa hood ng kotse. Malayang tinatanaw ang malayong dalampasigan kung saan ay unti-unting nababawasan ang mga taong nakatambay kanina. Papalubog na ang araw ng mga sandaling iyon pero parang wala pa kaming planong unalis sa lugar. Mainit ang naging halik ng mga sinag nitong tumatama sa balat namin. “Bigay sa akin ni Jared.” maikling sagot ko, parang hindi pa ako ready na sabihin sa kanya ang totoo eh. “Siya ba ang tinutukoy na boyfriend mo noong school mate mo kanina?” alanganin niyang tanong, base iyon sa tono kaya ito ang nasabi ko. Nilingon ko na siya. Puno ng lungkot ang boses niya. Damang-dama iyon. “Correction, Chaeus. He is not my boyfriend. Masasabing delusional boyfriend dahil patay na patay sa akin. Iyon ang tamang term doon.” Nilingon niya na rin ako. Balot na ng pang-aasar ang kanyang mga mata. Dapat talaga hindi ko na lang sinabi. Ibu-bully na naman ako ng Tukmol. “Totoo nga. Delusional. Binasted ko siya tapos ang pinalabas niya sa mga nakakakita ay sinagot ko raw siya.” ikot pa ng mga mata ko sa kawalan, “Sinong matinong tao ang gagawa noon? Gusto niya akong i-blackmail.” “Gago iyon ah! Blina-blackmail ka? Ituro mo sa akin nang maturuan ng leksyon. Masyado siyang obsessed.” Tumango ako. Ang sarap sa feeling na may napaglalabasan ako nito. Iba ang feeling kumpara sa mga kaibigan ko. Hindi ko ma-explain kung paano. “Oo, ang kapal ng mukha. Sabi niya ay willing daw siyang maghintay sa desisyon ko kahit na matagal at ano. Ang animal, humahanap lang pala ng pagkakataong i-blackmail niya ako.” “Bakit ba kayo umabot sa point na iyon? May dahilan din siguro siya.” Wala na naman akong ibang option kung hindi ang sabihin sa kanya ang lahat para ma-gets niya saan ako galing. Nakakahiya man, pero need iyon. Kwenento ko kung paano kami humantong sa set up date na siya mismo ang naging ugat. Mataman lang siyang nakinig. Ni hindi siya dito nagkomento hanggang matapos ako. “I'm sorry, Hilary. Nang dahil pala sa akin kaya kailangan mong pagdaanan ang mga bagay na iyon. Don't worry, ngayong narito na ako ay hindi na. Tutulungan kitang sindakin ang lalakeng iyon. Sisiguraduhin kong lalayuan ka niya. Magiging totoo na rin ako sa anong nararamdaman ko. Promise ko iyon. Maniwala ka lang.” Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Tumango-tango. Sang-ayon na. Alam kong malaking kalokohan pero hindi ko na kayang pigilan pa ngayon ang totoong nararamdaman ko sa kanya dahil alipin na ako ng pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD