Chapter 8: Apple of the eye

1550 Words
Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao? “Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.” Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa loob ay hindi ko pa rin siya kakausapin. Buo na ang desisyon ko. Ititikom ko ang bibig. Ang inaasahan kong panenermon niya sa walk out na ginawa ko kanina ay hindi nangyari. Buong biyahe namin ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Panaka-nakang ingay ng sasakyan. Batid kong panay ang sulyap ni Chaeus sa akin. Sa halip na pansinin ito ay deneadma ko lang din. Maging si Azalea ay hindi nagtangkang buksan ang bibig niya upang i-comfort ako o kausapin si Daddy. Literal na wala na talagang nagsalita. Pabor naman iyon sa akin. Hindi ko na kailangang magbingi-bingihan pa sa mga sasabihin niya. Pagkahintong-pagkahinto ng sasakyan ay agad na akong bumaba. Walang lingon-likod na nauna ng pumasok ng bahay. Hindi ko binigyan ng pansin ang bawat bati sa akin ng nakakasalubong na mga maid. Dere-dereto akong nagtungo ng kwarto. Paglapat pa lang ng dahon ng pinto ay agad na akong umiyak. Sa sobrang sama iyon ng loob. Ibinato nang marahas ang school bag sa kama. Doon ko na ibinuhos ang frustration ko. Hindi naman sumasama ang loob ko sa gagawin nilang pag-alis ng magkasama ni Azalea. Ang nagpasama noon ay iyong pamamahiya niya sa akin kanina. Kung ayos niya sanang pinaliwanag hindi naman ako ngayon magre-react ng ganito. At ang nakadagdag pa ay ang katotohanang si Chaeus ang inatasan niyang tumingin sa akin. Paniguradong masisira ang bawat araw ko dito. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha habang nagpapalit ng damit kahit pa ilang beses ko na iyong pinalis. Iyon ang simbolo ng galit ko. Naipon na rin kasi ang sama ng loob ko sa kanya. Idagdag pa dito si Chaeus. Malamang panay sumbong lang din ang gagawin noon kay Daddy habang nasa ibang bansa sila. Hindi man lang naisip ni Daddy na awkward kami. Sana sa mga maid na lang niya ako inihabilin di ba? Mas ayos. Mas matatanggap ko at maiitindihan ko siya. Pero kay Chaeus? Bakit sa kanya? Hanggang sa paghiga ko sa kama ay dala ko ang sama ng loob kay Daddy. Tamang pagkakataon sana iyon para mag-unwind ako kasama ng mga kaibigan, ngunit sa bigat ng aking pakiramdam ay hindi ko na piniling umalis ng bahay kahit kaya ko naman. Baka makagawa lang ako doon ng mga bagay na sa bandang huli ay pagsisisihan ko. Panibagong gulo na isusumbat sa akin ni Daddy. Isa pa wala rin naman akong contact sa kanila. Hindi pa rin sinusuli ni Daddy ang cellphone ko. Nagkulubong ako ng kumot nang marinig ang mga yapak ng tsinelas na papalapit sa aking silid. Malamang si Daddy iyon. Ganun naman palagi ang ginagawa niya kada may away kami. Pupuntahan niya ako sa room at kakausapin ako kahit na hindi naman ako nagsasalita. Hindi rin niya ako kinukulit kahit na alam niyang gising ako. Nang umingit ang pintuan senyales na may nagbukas ay agad ng humarap ako sa kabilang dereksyon. “Hilary, alam kong gising ka pa.” panimula niya na parang tuyo at may gasgas ang tono ng boses. Hindi ako kumibo. “Hindi ako magso-sorry sa mga sinabi ko kanina. Mali ka na basta na lang sagut-sagutin ako.” Yumundo ang gilid ng aking kama. Naupo siya dito pero hindi niya pinilit na tanggalin ko ang kumot. “Here is your phone. Kung may problema ka ay sabihan mo lang ako. Gaya dati ay makokontak mo ako sa phone number ko. You can spend how much money you need habang wala ako. Nilagyan ko na ang bank account mo in case kailangan.” Hindi pa rin ako natinag. Hindi niya ako magagamot ng pera para maging maayos kami. “Huwag sanang maging matigas ang ulo mo kay Chaeus. Hindi magtatagal at magkakasundo rin kayo. My decision is final, Hilary. Huwag kang umasa na kapag gumanyan ka sa akin ay magbabago ito. Kahit na ayaw mo sa kanya ay makakasama mo siya dito habang nasa ibang bansa kami ni Azalea. Period. Ayokong pagbalik namin ng bansa ay may sasalubong sa akin na malaking problema na kagagawan mo. Please, behave. Magbago ka na. Bumalik ka na sa dati.” Pagkasabi niya noon ay hindi na siya nagtagal. Tumayo na siya at agad lumabas ng silid ko. Tuloy-tuloy na umagos ang aking mga luha. Natamaan pa ako doon sa huling sinabi niya. “Pinapabalik mo ako sa dati pero iyong hiling ko sa'yo hindi mo magawang ibigay sa akin, Daddy.” Tandang-tanda ko pa ang bonding na mayroon kami ni Daddy noon. Sobrang close namin. Ang palaging nasa isip niya ay ang best para sa akin. Hindi siya makasarili. Maramot siya pagdating sa sarili. Ang makita niya kaming masaya ni Mommy ay kaligayahan niya na. Nagbago lang talaga iyon ng mawala si Mommy at dumating sa buhay niya si Azalea. Hindi ko iyon magawang tanggapin. Hanggang ang lamat sa relasyon namin ay mas lalong lumaki. Hindi na kami ang gaya ng dati. Nang hindi na ako makahinga sa baha ng luha ay tinanggal ko ang kumot at agad na bumangon. Hinagilap ang cellphone at agad na nag-scroll. “Hilary? Nakuha mo na ang phone mo? Are you coming?” sunod-sunod na tanong ni Josefa sa kabilang linya, sa ingay ng paligid ay halatang nasa kasayahan na ang mga kaibigan. “Halika na. Hindi ka pa late. Hihintayin ka namin dito. Narito lang kaming tatlo sa favorite bar natin.” “Sige, magbibihis lang ako.” Ang sabi ko ay hindi ako lalabas pero iyong sama ng loob ko kay Daddy ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na ito. Pasaway naman ako sa tingin niya, ano pa ang ikinakatakot ko sa kanya. “Bilisan mo Hilary!” narinig kong sigaw ni Shanael. “Isama mo ang apple of the eye namin dito!” biro ni Glyzel na alam ko ang tinutukoy niya. Apple of the eye my foot! Sore eyes ko siya. Matapos magbihis ay nag-apply ako ng make up. Sapat na iyon para medyo magmukha akong matured. Nakasuot ako ng knitted black croptop. Lumabas ang murang hubog ng katawan ko dito. Labas pusod din ito. Hindi ko alintana kahit malamig ang simoy ng hangin sa labas. Ang partner nito ay ang creamy skirt na hanggang kalahati ng hita. Hinayaan kong nakalugay ang bagsak kong buhok na lagpas lang ng balikat. Gusto ko pa sanang kulutin iyon kaso magtatagalan pa ako. Nagsuot din ako ng net stocking bago sinuot ang pangmalakasan kong black boots na hanggang kalahati ng aking binti. Sa get up ko ay walang mag-aakala na wala pa ako sa legal age. Ganito ang pormahan eh. “Walang makakapigil sa akin.” mahinang bulong ko matapos na sipatin ang hitsura sa salamin. Maingat akong lumabas ng silid. Patay na ang mga ilaw at ang tanging liwanag na lang ay ang mga dim light na nagsisilbing magdamag na ilaw. Mahinang umingit ang main door ng hilahin ko iyon upang buksan. Bakit ako dadaan sa bintana? Mamaya mapilayan pa ako. At saka kahit naman may maid na makakita sa akin ay hindi sila nagsusumbong kay Daddy. Ayaw nilang makialam. Binalot ng malamig na simoy ng hangin ang buo kong katawan nang mabuksan ko na iyon. Ngunit agad ko itong nabitawan nang may makitang anino sa labas at parang nakatingin siya sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang walang kahit na anong ingay nang lumapat ang pinto. Unti-unti iyong bumukas at muli kong nakita ang bulto. “Aaaaahhhh!” malakas na sigaw ko sa gulat pero agad kong tinakpan ang bibig ng dalawang palad. What the f**k! Si Chaeus ba iyon? Anong ginagawa niya sa labas ng ganitong oras? Gago ba siya? Gusto niya pa yata akong atakehin sa puso ngayong gabi! Nanginig na ang mga tuhod ko sa takot. Kulang na lang ay mapaupo ako sa pagkagulat sa kanya. “Saan ka pa pupunta ng ganitong oras, Hilary?” malamig ang boses na tanong niya, sinipat na ako mula ulo hanggang paa. Kahit madilim ay kita ko sa mukha niya ang pagkadisgusto sa nakikita. “Ang lamig sa labas tapos ganyan ang suot mo? Alam ba ito ni Tito? Hindi pa sila nakakaalis nagpapasaway ka na agad. Tsk, tsk, tsk!” Gago ba siya? Parang di niya alam na magkaaway kami. Nagkasagutan kami ni Daddy kanina di ba? Hello? Bakit ako magpapaalam sa nakaaway ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD