Lumapad na ang ngiti niya sa labi nang magsimula akong maglakad palapit sa kanya. Na-miss ko siya. Hindi ko iyon maitatanggi. Kung wala nga lang kami sa labas, baka nayakap ko na siya upang mapawi lang iyon. Ngunit dahil nasa public place kami at may issue pa akong kailangang resolbahin kaya kailangang magpigil.
Ang dami ‘ring mata sa paligid.
“Long time no see, Hilary. Kumusta ka na?”
Shit! Kahit ang boses niya namiss ko.
Ilang hakbang na lang at tuluyan na akong nakalapit sa kanya ng huminto ako. Hindi alam ang mararamdaman kung nalulungkot ba ako o ano. Basta ang gumugulo sa utak ko nang mga sandaling iyon ay kung kakaripas ba ako ng takbo pabalik sa loob ng campus o magpapatuloy na lumapit.
“H-Hi...” parang ayaw halos lumabas ng boses ko sa nanuyong lalamunan.
Agad napawi ang mga ngiti niya ng mabaling ang tingin sa kung anong hawak ko. Noong una ay hindi ko pa agad makuha at maipaliwanag ang pagdilim ng kanyang mga mata. Nang ma-realize kong dahil iyon sa bouquet ay awtomatiko kong bigla na lang itinago iyon sa likuran. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang ginawa.
“Ahm...may nagbigay—”
Hindi ko matapos-tapos ang nais na sabihin. Nauutal ko. Kabado na rito. Feeling ko ay nahuli ako ni Chaeus na nangangaliwa at sobrang guilty ako. Ilang beses ko pang ibinuka ang bibig, gusto kong mag-explain pero ang hirap gawin. Madali lang isipin.
Nanatili ang mata niya sa akin na parang naghihintay ng explanation.
Langya naman, sa lahat talaga ng araw ay bakit ngayon pa siya umuwi? Hindi ko tuloy napaghandaan lahat!
“Chaeus, you see?” ipinakita ko ang bulaklak, wala akong planong itago sa kanya lahat. “I mean ang bouquet na ito ay wala lang. Bigay lang sa—”
Bago ko iyon matapos ay may isang grupo student na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Tatlo sila. Hindi ko sila kilala pero familiar sa akin ang mukha nila. Tinapik pa ng isa ang likod ko upang kunin ang atensyon. Wow! Feeling close? Ni hindi ko nga sila matandaan. Astig! Bigla ko silang nilingon. Kaklase ni Jared, natatandaan ko sila kanina.
“Hindi ka ba manonood ng basketball practice ng boyfriend mo?” makapal ang mukhang usisa ng isa, ngumiti pa sa akin para lamang ipakita ang gilagid niya. “Sa may plaza lang iyon. Papunta kami. Gusto mong sumama? You know, moral support kumbaga.”
Napangiwi na ako pero sinigurado ko na hindi nila iyon makikita. Moral support? Ayoko nga, baka ingudngod ko pa ang pagmumukha ng Jared na iyon sa court oras na pumunta ako at sumama. Magkakasala pa ako.
“Mauna na kayo, s-susunod ako.”
Kinailangan ko itong sabihin para lumayas na sila. Pambihira naman!
“Sure?” friendly na ngiti niya, “Sige ah, ipagre-reserve ka namin ng uupuan. Hanapin mo na lang kami mamaya.”
Umalis na rin sila after sabihin iyon. Sinundan na sila ng aking mga mata. Mukhang kalat na kalat na talaga ang balitang girlfriend na ako ni Jared.
“May lakad ka pa pala ngayon, Hilary. Ipapasundo na lang kita mamaya sa driver. Tumawag ka na lang kapag tapos ng manood ng practice.” si Chaeus na mabilis pumasok sa loob.
Saglit akong na-estatwa. Patuloy na umaalingawngaw sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Nang buhayin niya ang makina ng sasakyan ay mabilis akong tumakbo papuntang unahan. Malakas na kinatok ang pintuan sa side ng passenger seat. Jusmiyo!
Seryoso ba siya? Iiwan niya ako dito?
“Buksan mo ito Chaeus. Wala akong lakad. Sasabay na akong umuwi!”
Prenting ibinaba niya ang salamin ng bintana. Parang wala lang ang lahat.
“Huwag ka ng magpanggap. Narinig ko ang lahat. Manonood ka pa ng basketball practice ng boyfriend mo.”
Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako or what but I'm pissed off now. Huwag na lang niya sanang dagdagan. Hindi siya nakakatuwa.
“Hindi nga ako manonood! Anong gagawin ko doon? Buksan mo ito. Ayaw mo? Sige. Babasagin ko ito. Tingnan mo!” alboroto ko na bigla na lang dumambot ng bato at ini-amba.
“Hoy! Bitawan mo iyan, Hilary. Ito na. Bubuksan ko na. Sisirain mo pa ha!”
Takot pala siya eh. Bubuksan din naman pala ang dami pang salita.
Tagumpay ang ngising pumasok na ako sa loob ng sasakyan matapos na bitawan ang tipak ng batong hawak.
“Kailan ka pa ba umuwi?” magaang tanong ko matapos magsuot ng seatbelt, pinaandar niya na ang kotse. “Akala ko ba ay magtatagal ka pa doon sabi ni Azalea? Kumusta naman ang pakiramdam ni Lailani ngayon?”
Hindi siya sumagot na parang walang narinig. Aba, bingi-bingihan ang gago! Sinusubukan talagang e-deadma ako.
“Naaksidente raw si Lailani? Anong klase? Alam mo Chaeus, hindi ako naniniwalang aksidente ang nangyari upon checking her social media.”
Still, no response. Para akong hangin.
“Chaeus?”
Sinusukat talaga ang pasensya ko.
“Bakit ang tahimik mo? Hindi mo ba ako naririnig? Tinatanong kita ah!”
Humarap na ako sa kanya. Ready na siyang guluhin sa pagmamaneho. Ilang beses na magkakasunod siyang bumuntong-hininga at malalim iyon.
“I stalk her account. Ang dami-dami niyang depressing shared post. Iyon ba ang dahilan ng accident, Chaeus?”
Wala pa rin. Ang lamig ng mga sulyap niya. Halatang ayaw akong kausap.
Ano na namang dahilan nito?
Kanina lang ay parang excited siyang makita ako. Ah, is he jealous ba?
Kinilig na ang puso ko isipin lang ito.
“Fine. Kung ayaw mong sumagot e ‘di huwag. Concern stepsister mo lang naman ako. Nagtatanong lang din.”
Nananantiya ang sulyap na ginawad niya sa akin. Saglit lamang din iyon. Agad niyang ibinalik ito sa kalsada.
“Hilary...”
“Hmmn?”
“Sabihin mo sa akin, kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend? Alam ba iyan ng Daddy mo? May basbas?”
Nakagat ko na doon ang labi ko. I need to do that para di ako mapairit.
Nagseselos nga ang Tukmol! And this feel damned so good. Nakakakilig!
“Akala ko ba ay ako ang gusto mo? Ang bilis namang maka-move on.” halos pabulong lang ang pagkakasabi niya nito pero malinaw na narinig ko.
OMG!
Confirmed, nagseselos nga siya!
Bilang ganti sa pangde-deadma niya ay hindi ko rin siya pinansin. Hindi niya sinagot ang tanong ko tapos gusto niyang sagutin ko tanong niya? Manigas siya diyan. Wala rin akong narinig. Lasapin niya ang ganti ko!
“Sa kanya ba galing iyan?”
Dito pa lang ay alam ko ang tinutukoy niya ng sumulyap sa kandungan ko.
“Ang pangit niyang pumili ng flowers. Walang taste. Ang boring. Pambata.”
Aba malamang, halos isa o dalawang taon lang ang tanda nito sa akin.
“Huhulaan ko. Hindi rin iyon gwapo.”
Aba at nanlait pa talaga si Tukmol. May hitsura naman si Jared, kaso nga lang hindi pasa sa paningin ko.
“Sana man lang ay nagpa-impressed siya sa maayos na flowers. Bata rin siguro. Kaedad mo? Kaklase mo ba?”
Manigas kang Tukmol ka. Wala ka ‘ring makukuhang sagot. Deneadma mo ako knaina? Deadma ka rin ngayon. Tikman mo ang ganti ko.
“Ang bilis mo agad makahanap. Hindi mo man lang ako hinintay umuwi.”
Anong konek noon? Gulo niya kaya.
Gusto ko ng malakas na humalakhak. Ang bitter ng tono niya. Siya ang nauna, ginaya ko lang naman iyon. Humalukipkip ako, wala pa ‘ring plano na sagutin ang mga tanong niya.
“Saan na naman tayo pupunta, Chaeus?” napaangat na ang pwet ko sa upuan at panaka-nakang sumilip sa labas ng bintana. “Hindi na naman ito ang daan pauwi sa bahay—”
“Let's talk. Linawin mo sa akin lahat.”
Ano raw?
Kung maka-demand ang Tukmol na ito akala mo naman ay boyfriend ko. Wow! Hindi nga rin niya malinaw sa akin ang totoong problema nila ng fiancee tapos magde-demand siya? Pinapatawa niya ako nang malakas.
“In exchange, I'll tell you everything about my relationship with Lailani.”
“I'm not interested anymore sa inyo. Let's go home.” bored na sagot ko, which is totoo. Ayokong malaman.
Hindi pa rin siya natinag sa kabila ng sinabi ko. Dinala niya pa rin ako sa planong lugar na pagdadalhan niya. Sa tabi lang naman iyon ng dagat na pinuntahan namin noon para manood ng meteor shower. Ang nostalgic ah!
“Bumaba ka na.” utos niya matapos ihinto ng sasakyan sa dating parking.
Kung noon ay wala ditong katao-tao, ngayon ay dagsa iyon. Pasyalan pala ang lugar na ito kapag maliwanag pa.
“Ayoko nga. Sinabi ko sa'yo kanina na umuwi na tayo. Hindi ka nakikinig.”
“Sige na, Hilary. Bumaba ka na.”
“Ayoko nga, sabi!” nanlilisik ang natang angil ko na humarap na sa kanya, “Pwede naman tayong mag-usap dito. Bakit pa ako bababa? Dito mo na lang sabihin ang mga gusto mong sabihin. Pabababain mo pa ako. Gusto ko ng umuwi. Wala na akong lakas. Nagugutom at pagod din ako. Mahirap bang intindihin?”
Sinubukan kong mag-drama. Ngunit hindi siya epektibo. Walang silbi lang. Hindi iyon kinagat ni Chaeus. Alam yata niyang technique ko lang iyon.
“Please Hilary, I'm begging you. Baba na. Gusto kong linisin ang pangalan ko sa isipan mo. Sige na, please...”
Sino ba kasing dumumi? Saka anong lilinisin niya sa pangalan niya? Hindi naman iyon na-damaged. Lines ko dapat iyon dahil na-misunderstood.
“Kaya ikaw din. Linisin mo rin ang pangalan mo. Sabihin mo ang totoo.”
Nak's, maka-demand ang Tukmol daig pa ang boyfriend na nahuli ako.
“Wala akong kailangang—”
“Marami, Hilary. Marami.”
Sa kabila ng pagmamatigas ko ay nagawa pa rin niya akong mailabas ng sasakyan. Binuhat niya lang naman ako kahit nagpupumiglas at dinala na sa may dalampasigan. Kinailangan kong magkumahog na tumayo dahil kung hindi ay baka nabasa na ang sapatos na suot ko ng tubig-alat dahil abot na ito ng mga alon.