Napaangat na ang mukha ni Azalea sa mga sinabi ko. Gulat na gulat ang mukha niya na para bang hindi niya ini-expect na kayang sabihin ko iyon.
“Ah, hindi mo ba nakita? Friend ko kasi si Lailani.” sandal ko na sa counter, hinihintay na ibigay niya sa akin ang plate ng mga macarons. “Na-curious kasi ako anong nangyari kay Lailani noong narinig ko ang sinabi ni Daddy kanina kaya—”
“Ano pang nakita mo bukod doon? May mga about ba doon sa third party ng misunderstanding, Hilary?”
Wait lang, hindi ba sila friend? Bakit tinatanong niya sa akin ito? Meaning hindi niya nakita ang shared post.
“Wala naman. About importance lang ng relasyon like trust, effort. Tagal ng relasyon nila. Pagmo-move on at iba pa. You should stalk her, makikita mo lahat.” suggestion ko na dahil ayoko ng mag-explain pa ng mga nakita rito.
Hindi siya kumibo. Kinuha ko na ang plato ng mga macarons sa counter matapos ilagay sa ilalim ng kili-kili ang ilang lata ng soda. Nilingon ko ulit siya bago tuluyang umalis dito.
“Thanks nga pala, dito.” taas ko sa plato para ipakita iyon sa kanya.
Ngumiti lang siya. Tumango at sinandal na ang likod sa counter.
“Nagulo ko pa yata ang isip niya.”
Habang nakababad ang katawan sa pool at nasa langit ang mga mata ay pinag-isipan kong mabuti ang mga narinig. Ganundin ang mga shared post ni Lailani. Ang cryptic lahat nito. Pinagtagpi-tagpi ko pero ang hirap makuha kung ano ang ibig sabihin noon. Dumilim na lang at lahat ay hindi ko pa rin nabigyan ng linaw ang tungkol sa misunderstanding at lagay ng relasyon ni Lailani at Chaeus.
“Bahala nga silang dalawa. Matanda naman na sila. Bakit ko ba sila iniisip? Kailangan ko pa bang problemahin? Ano naman kung may gusot at away sila? Hindi naman siguro ako ang dahilan noon. Sobrang imposible.”
Ang plano kong pagsasabi kay Jared na tigilan na namin ang set up date ay hindi natuloy lang sa pagbabalik ng klase namin. Dini-deadma ko na nga lang ang mga text at tawag niya. Ayoko rin kasi siyang ipahiya sa marami. Dapat ay sasabihin ko rin iyon noong umaga kaso nga lang ay may flowers na dala ang loko. Tapos nakita pa iyon ng ibang school mate namin. Ini-assume tuloy nila na kami na. Sa labas lang kami nagde-date at ngayon lang niya dinala ito sa school. Nasa usapan namin na walang ibang makakaalam. Kami lang dapat. Bagay na sobrang ikinainis ko dahil wala ito sa kung anong napag-usapan namin.
“Jared namna, bakit kailangan mo pang ipakita sa marami? Akala ko ba ay nagkasundo na tayong sa labas lang magaganap ang lahat? Ano ito? Sumira ka naman sa usapan natin!” hindi maitago sa boses ko ang inis.
Nahuhulaan ko na ang ginagawa niya. Parang gusto niyang sabihin sa lahat na kami kahit na hindi naman. At lalo akong nagagalit dahil doon. Alam niya na wala akong gusto sa kanya. Baka gusto niyang mapahiya. Pasalamat siyang iniisip ko pa si Josefa, kung hindi ginawa ko na ito.
“Anong masama sa ginawa ko?” harap niya sa akin na para bang cool iyong tingnan. Isang bagay na lalong nagpairita pa sa akin. “Wala naman ah? Hindi ko rin naman sinabing—”
“Kahit na, Jared. Brinoadcast mo pa rin sa kanila. Ipinakita mo sa halos lahat ng student dito na close tayo. Ang linaw ng kasunduan natin di ba? Alin doon ang di mo maintindihan?”
“Hilary—”
“Ano ito? May pa-flowers ka pa oh!”
Winagayway ko na ang bouquet sa harapan niya. Gusto ko ng ihampas ito sa mukha niya sa sobrang inis ko.
“Sa tingin mo ay ano ang iisipin ng marami? Hindi mo pa rin makita ang point ko kung bakit ako naiinis ha?”
Umamba siyang hahawakan ako sa braso pero mabilis ko iyong inilayo.
“Listen, Jared, nag-assume na ang marami sa school mates natin na may relasyon tayo kahit na wala!” tinaasan ko na siya dito ng boses.
Nakakainis!
Lunes na lunes ay pinapakulo niya ang dugo ko. Wala siyang kwentang kausap. Sana hindi na lang talaga ako pumayag sa kalokohang setup na ito.
Nasa likod kaming dalawa ng school at nag-uusap. Tinawag ko siya at kinaladkad dito after ng lunch para linawin ang lahat. Tapos ito lang ang sasabihin niya? Mangangatwiran pa?
“Big deal ba iyon sa'yo? E ’di sabihin mong set up lang ang lahat, Hilary.”
“Jared—”
“Ipinakita ko sa'yo ang maaabot ng effort ko, pero bakit di mo man lang ma-appreciate iyon? Wala ba talaga? Hindi mo ako makakayang gustuhin pabalik? Eh, naglolokohan pala tayo!”
What? Alam niya naman ang main reason ko. Bakit ganito ang reaction niya? Hindi ko siya pinilit gawin ito!
Hay naku, ang sakit niya sa bangs! Mali talaga ang desisyon ko. Mali! Sana hindi ako nagpadala sa galit.
“Una pa lang ay sinabi ko na sa'yo—” napa-paused na ako sa sasabihin, hindi ko need mag-explain sa kanya. “Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo. Alam mo na simula pa lang ay gagamitin lang kita. Malinaw iyon sa'yo. Ini-explain na ng pinsan mo.”
Salubong na ang mg kilay ko. Kulang na lang ay magbuhol ang mga iyon. Tumikwas ang gilid ng labi niya. Pikon na ngumisi, halatang napahiya.
“You know what, Jared? Let's stop. Itigil na natin ang kalokohang ito!”
Pamartsa ko siyang iniwan. Wala akong panahon na makipaglokohan. Ngunit agad na napa-preno ang mga paa ko sa malakas niyang isinigaw.
“Thank you, Hilary! Sobrang saya ko dahil sinagot mo na ako. Sa araw na ito ay official na ang relasyon natin!”
What? Is he out of his mind?
Mabilis ko siyang nilingon upang makita lang ang mga school mates namin na naroon at nagsisigawan.
Na-set up niya ba ako? Plinano niya ito? Bwisit siya ah! Anong ginagawa niya? Ano ito? Anong sinasabi niyang kami na? Hindi kami. Hindi ko siya gusto! Gago siya! Not gonna happen!
“Pagsabihan mo iyang si Jared, Josefa ah. Sumisira siya sa usapan. Tama ba iyong ginawa niya? Nag-take advantage siya sa akin! Ginamit niya ang mga school mates natin para hindi ako makatanggi.” galaiting wika ko na hinihingal. Kulang na lang ay pulbusin ang bulaklak na bigay niya.
Dangan lang at hindi ko pwedeng gawin. Ako ang lalabas na masama sa mata ng marami. Ayoko namang pag-ugatan ng tsismis sa buong campus ng kung anu-ano. Jared is a captain of the basketball team in our school. Famous siya sa campus at marami ‘ring nagkakagusto kaya naman ang mga girl na school mates namin ay naiinggit at nagseselos na sa akin sa biglaang announcement.
“Kumalma ka muna, Hilary. Baka naman gino-goodtime ka lamang.”
“No, Josefa! Out of place na ang pang-aasar niya kung nang-aasar lang siya!” patuloy na himutok ko.
Gusto ko ng maglupasay to bent out my anger. Gigil na gigil na naman ako. I felt humiliated at the moment.
“Tama bang i-announce niya sa lahat ang pagsagot ko kuno sa kanya? He knows na wala akong gusto. Hindi ako attracted sa kanya. Ang plastic niyang pinsan mo. Akala ko ba ay willing siyang tulungan ako? Ang bait niya lang noong una. Sinabi niya pang willing siyang maghintay at tanggapin kung anuman ang maging desisyon ko, tapos ano itong ginawa niya? He took advantage. Dinala niya pa dito!”
Akma kong ihahampas ang bouquet kaso lang ay pinigilan ako ni Shanael. Ilang beses itong umiling, nakikiusap.
“Don't do that. Masisira ang image mo sa campus, Hilary. Pagdating mo na lang sa bahay saka mo sunugin.”
Ano naman kung masira iyon? Wala akong pakialam! Galit na galit ako.
“I'll try to talk to him, later. Sorry, baka kasi lalo siyang na-fall sa'yo at ayaw ka ng pakawalan. Ako na ang bahala.”
Napasigaw na lang ako sa sobrang frustration. Gusto kong ihampas iyon sa pagmumukha ni Jared kung may pagkakataon lang ako. Ihampas iyon hanggang sa masira pati ang mukha niya. Ang kapal niyang i-blackmail ang isang Hilary El Fuente. Humanda siya! Pagbabayaran niya ang lahat!
Nang mag-uwian ay hinanap ko ang lalake, gusto kong turuan siya ng leksyon. Hindi ako papayag na basta na lang niya ganituhin. Subalit, di ko naabutan. Umalis na raw ang team nito para mag-practice bilang paghahanda sa nalalapit na tournament.
“Tawagan mo na lang siya mamaya. Kilig na naman iyon oras na malaman niyang hinahanap mo siya, Hilary.” sagot sa akin ng napagtanungan ko.
Kilig my foot!
Kilig na kilig rin ang laman ko sa kanya. In fact nanginginig ang buong kalamnan ko sa pagmumukha niyang gusto kong basagin at hambalusin.
Mahigpit ang hawak sa bulaklak nang lumabas ako ng campus. Hindi ko na hinintay ang mga kaibigan na naiwan ko kanina sa classroom. Malamang ay nauna na rin silang umuwi. Alam nilang susugurin ko si Jared eh, ayaw nilang madamay sa kahihiyan. Kulang na lang ay magngalit ang mga ngipin ko dahil hindi ko pa rin matanggap ang pekeng relasyon na na-anunsyo. Buong buhay ko ay never akong papayag na maagrabyado ng isang kagaya niya. Humanda talaga siya!
“Humanda sa akin ang lalakeng iyon!”
Mabilis na namang napa-preno ang mga paa ko. Halos magkaroon din ako ng mini-heart attack nang makita ang pmailyar na bulto ng katawan na nakasandal sa labas ng pintuan ng naghihintay naming sasakyan.
Si Chaeus.
Nasapo ko na ang dibdib. Makikita sa mukha ko na sobrang nagulat talaga.
Teka lang naman, isa-isa lang naman ang panggugulat sa akin Tadhana. Aatakehin ako sa puso ng wala sa oras. Highblood na nga ako kay Jared buong araw, tapos dumagdag pa ito?
Umayos siya ng tindig ng makita ako.
Kailan kaya siya nakabalik ng bansa?