"Totoo ba, Papa? Pati ang factory ay ipapamahala niyo na sa'kin? Pa, naman! Hayaan niyo namang ma-enjoy ko pa ang kabataan ko. Bata pa ako. I'm only twenty two-" naputol ang iba pang sasabihin ni Louie nang magsalita ang ama.
"Yes. That's it!" nakapamaywang na wika nito. "Twenty-two ka na. Dapat marunong ka nang humawak ng negosyo ng pamilya. You need to train seriously. Hindi 'yong puro kalokohan lang ang nasa isip mo!" pangaral pa nito.
Louie just rolled his eyes. He knows. Once his father decides, it will be done, and no one can bend it.
Wala rin siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito na pamahalaan ang factory na naiwang negosyo ng ama nito.
His brows furrowed. At the age of twenty-two, his life is already stressful. He is one of the hottest bachelors in town, and girls flock around him. Iyon pa lang ay nagpapa-stress na sa kanya.
Well, he can't stop that. He got looks, money, and charm that make women swoon over him.
"I'm serious with my life, Papa," kapagkuwan ay saad niya. Umupo siya sa swivel chair at pinaikot-ikot iyon. "I'm already handling the Partas Group, why need the factory? Paano naman ang studies ko, Pa? I'm a graduating student this year. I need time for my studies!" angal niya.
He doesn't want to handle the factory. Del Rio Group is already enough for Louie. The garment factory should be at his brother's hand; he can take it well.
"It's the same, son. After you graduate from college, you are still handling our company. And I'm there to guide you. I'm sure you can handle it well!"
Louie heave a deep sighed. Wala na talaga siyang kawala sa gusto ng ama. Seems like he can't have a lustful night everyday. Lihim siyang napaasik.
"Besides, my son, all the member of the board agreed that you will be the President. Alam nilang kaya mo nang pamahalaan ang kumpanya kahit sa edad mong 'yan!" muling pahayag ng kanyang ama.
"But how about, Kuya Dexon?" tukoy niya sa nakakatandang kapatid na kasalukuyang presidente ng Lines factory. "'Di ba siya ang namamahala sa factory?"
Nagdilim ang mukha ng papa niya dahil sa tanong niya.
"Sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang mamamahala sa factory! And that's final!" Mataginting na wika nito na nagpatahimik sa kanya.
Tahimik siyang nakinig ng muli itong magsalita.
"You will travel to the Visayas to visit our factory branch before you finally take over. Get ready—your secretary has already packed your things. You'll leave this afternoon," huling wika nito saka tuluyan siyang iniwan.
Wala sa sariling tumango si Louie sa sinabi ng ama at napatulalang nakatitig sa labas ng building.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya ang gustong pamahalain ng kanyang ama sa factory. His brother love that company. At ayaw niyang agawin dito ang posisyon nito dahil lalo lang iyong magbibigay ng lamat sa relasyon nilang magkapatid na ngayon ay hindi na maayos.
Pinilit niya ang sariling tumayo kahit mabigat ang katawan dahil sa sinabi ng ama. Tinawagan niya ang secretary kung handa na ang kakailanganin niya. Nang sumang-ayon ito ay nagpasalamat siya saka inihanda na rin ang sarili.
Kinahapunan ay nagbiyahe siya patungong Visayas upang bisitahin ang branch nila tulad ng sabi ng kanyang ama.
Nagpahatid lang siya sa chopper ng kumpanya dahil mag ba-bus lang siya pabalik. Mas sanay siyang mag-commute kapag may bussiness trip na pinupuntahan.
Hindi rin naman nagtagal si Louie sa branch, dahil kailangan din niyang bumalik kaagad kinagabihan. Nagpatawag lang siya ng meeting sa manager at nagpakilala sa mga ito tulad ng sabi ng kanyang ama upang maging pamilyar ang mga ito sa kanya.
Nasa Caticlan, Aklan nakabase ang branch nila at hindi iyon kalayuan sa Del Rio bus station. Ang bus station na pag-aari ng kompanya nila.
Nang makarating ay mabilis siyang sumakay sa Del Rio bus na papuntang Maynila dahil paalis na ito.
Nakahinga siya ng maluwag ng bakante ang paborito niyang spot. The second to the last row of seat. Dali-dali siyang naglakad papunta sa dulo kahit umaandar ang bus.
May nakaupo na sa upuang malapit sa bintana at nakasiksik ito sa kinauupuan nito kaya hindi na niya ito pinansin. Tahimik siyang naupo sa tabi nito kahit gusto niyang pakiusapan ito na magpalit sila ng upuan.
Marahil ay naramdaman nito na may umupo sa tabi nito kaya nag-angat ito ng tingin sa kanya.
Louie held his breath when he looked at her. Magulo ang buhok nito at namumutla ang mukha pero bakas sa mukha ang takot at sindak.
"Are you okay, miss?" tahimik na tanong niya.
May konting liwanag sa loob ng bus kaya kitang-kita niya ang mukha nito.
Hindi niya maiwasang mapatitig dito. Puno man iyon ng takot ay kitang-kita pa rin ang kagandahan niyon. Maganda ang hubog ng pisngi nito. Ang labi kahit maputla ay perpekto ang pagkahulma.
Hindi siya nito sinagot at lalo lang napasiksik sa kinauupuan nito na para bang takot na takot.
Walang nagawa si Louie kundi ang tahimik na pagmasdan ang kabuuan ng katabi.
Nakasuot ito ng itim na dress pero kitang-kita niya na medyo butas butas na iyon. At hindi nakaligtas sa kanya ang amoy nito. Padapya man iyon ay tukoy pa rin niya kung ano 'yon.
"Dugo?"