"Who are you?" kinakabahang tanong ni Issay sa lalaking kaharap nang mapagtantong hindi niya ito kilala.
Mabilis siyang napaatras nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa batuhan at naglakad palapit sa kanya. Naliwanagan ng sinag ng buwan ang mukha nito kaya't malinaw sa kanya na hindi nga ito si Jevy.
Kahit nanginginig ang kamay sa klase ng pagkangisi nito sa kanya ay hindi niya iyon pinahalata. Pilit niyang nilalabanan ang takot at taas noo itong hinarap.
Lalong naging malapad ang pagkangisi ng lalaki habang unti-unting itong humakbang palapit sa dalaga.
"Tama nga ang sabi ni Jevy. You're a beauty!" mala-demonyong wika nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Nakadama ng takot si Issay dahil sa uri ng titig ng estrangherong lalaki. Pilit niyang inihakbang ang paa paatras habang papalapit ito sa kanya. Hindi niya ito kilala pero kilala nito ang kasintahan niya. Gayunman ay hindi siya maaring magtiwala rito, lalo na sa uri ng mga tingin nito.
"Huwag kang lalapit!" pasigaw niyang pigil sa lalaki nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib niya dala ng matinding takot.
Hindi siya pinakinggan ng lalaki at nagpatuloy ito sa paghakbang. Hayok na hayok siya nitong tinititigan at anumang oras ay akma siyang susunggabin na parang gutom na gutom na leon.
Issay felt the urge to run, so she did what she thinks what is right. Nang medyo malapit na ito sa kanya ay malakas niyang sinipa ang sentro ng p*********i nito at kaagad na tumakbo pabalik sa kalsada bago pa siya nito maabutan.
Narinig pa niyang napamura ito sa sakit.
"Damn it!" galit na hiyaw nito. Pilit siya nitong hinabol kahit paika-ika ang katawan nito.
Dahil medyo may heels ang suot niyang sandalyas ay nahirapan siya sa pagtakbo. Nangilabot siya nang naabutan siya ng lalaki at kaagad na hinatak pabalik sa dalampasigan. Pasalya siya nitong tinulak sa buhanginan.
"You little prick!" galit na bulyaw nito at walang pakundangang tinadyakan siya sa baywang na ikinaigik niya.
Malakas siyang napasinghap dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin sa baga. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng tadyak nito.
Kahit nanginginig sa takot ay pinilit niya ang sariling bumangon. Hindi siya makakapayag na pagsamantalahan siya ng demonyong lalaking 'to.
Ngunit bago siya tuluyang makatayo ay isang malakas na tadyak muli ang pinakawalan nito na halos nagpawala sa ulirat niya. Muli siyang napahiga. Namilipit sa sakit na iniwasan niya ang nakausling matulis na batong muntikan ng tumama sa pisngi niya.
Nang halos hindi na siya makatayo ay kaagad siyang kinubabawan ng lalaki. Mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay niya kaya hindi siya nakawala.
Nagpumiglas si Elyssa at pilit itong nilabanan kahit sa nanghihinang katawan.
"Bitiwan mo 'ko!" namamaos na sigaw niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot. Pero naroon ang kagustuhang lumaban.
"No, sweetie girl! You will be mine tonight!" nakangising sagot nito.
Lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kamay niya. Pilit siya nitong hinalikan pero kontodo iwas ang mukha niya. She don't want this man to taste any inch of her.
"Huwag ka ng lumaban, Elyssa! Wala ka ng kawala!" mala-demonyong wika ng lalaki.
Bumaba ang labi ng estranghero sa leeg niya at dinilaan ang makinis na balat niya. Wala siyang nagawa kundi ang tahimik na lumuha habang pilit na sinasaliksik sa isip kung ano ang dapat gawin upang takasan ito. She needs to calm down to think of a plan.
She can fight. She knows it. Lumaki siyang tinuruan ng kanyang ama na lumaban. Kailangan niya lang ipunin ang lakas niya.
Kahit nandidiri at nagugulumihan sa ginagawa ng lalaki sa katawan niya ay pilit niya iyong ininda upang magtagumpayan ang plano.
Hindi siya makakapayag na mauwi sa ganito ang iniingat-ingatan niyang p********e. Hindi siya papayag na sa kamay ng demonyong lalaking 'to masisira ang buhay niya.
Nang medyo nakabawi ng lakas ay kinapa niya ang batong nasa tabi niya. Malambot ang pagkakapit ng bato sa buhangin kaya sigurado siyang mahuhugot niya iyon.
Binitawan ng lalaki ang dalawang kamay niya bagama't nakadagan pa rin sa kanya ang mabigat na katawan nito. Siguro ay naisip nitong nagpapaubaya na siya dahil hindi na siya lumalaban.
Pasimple niyang hinugot ang matulis na bato habang abala ito sa paghalik sa leeg niya na hindi niya iniiwas. Hinayaan niya ito sa kung ano ang gusto nitong gawin sa katawan niya upang mapaniwala itong hindi na niya kayang lumaban.
Nang bumaba ang labi nito patungo sa dibdib niya ay saka niya malakas na ipinukpok sa ulo nito ang bato ng dalawang beses at malakas itong itinulak upang makawala rito.
Dahil sa sugat sa ulo na natamo ay hindi kaagad ito nakatayo. Malakas niya itong tinadyakan sa tagiliran at gamit ang sandalyas ay ilang beses niya itong inapakan sa dibdib.
Duguan na ang mukha nito sanhi ng sugat nito sa ulo at napapubo na rin ito ng dugo ngunit hindi pa rin siya tumitigil.
Parang may kung anong sumanib na pwersa sa kanya na gawin iyon sa lalaki para lang mailigtas niya ang sarili.
Nang halos hindi na ito makalaban ay tinakbo niya ang pouch na natapon kanina dahil sa pagpupumiglas at kaagad na dinampot.
Akma na siyang hahakbang ngunit sa paglingon niya ay nasa likuran na niya muli ang lalaki at nakangisi sa kanya habang ang dugo sa sugat nito ay dumadaloy sa pisngi nito.
"You think you can get away from me, Elyssa?"
Nahindik ang dalaga sa hitsura nito. Ngunit hindi siya nagpatinag. Bago pa siya nito mahawakan ay inunahan niya itong suntukin sa mukha at inundayan ng sipa sa sikmura. Hindi ito nakahuma. Nagawa nga nitong tumayo subalit nanghihina ito dahil sa sugat nito.
Hindi nakaramdam ng awa si Issay habang bayolenteng sinasaktan ang lalaki.
Umikot siya at muling malakas na sinipa sa mukha ang lalaki dahilan upang tuluyan itong matumba. Tumama ang ulo nito sa batuhan na malapit sa dalampasigan.
Hindi pa siya nakuntento ay lumuhod siya sa tagiliran nito at hinampas ng ilang beses ang ulo nito sa batuhan. Lupaypay na ito ng kanyang tinigilan.
Saka siya biglang natauhan at nasindak sa nagawa. She looked terrified. Scared as she look at what she'd done.
"Oh my God! What have I done?" natutulirong wika niya. Hindi makapaniwala sa nagawa.
Kaagad na sumalakay ang takot sa dibdib niya at 'di alam kung anong gagawin habang pinagmamasdan ang walang malay nitong katawan. halos umugong na sa lakas ang pagkabog ng dibdib niya.
"Did I kill him? Did I really... Ano'ng gagawin ko?" Takot na takot na tanong niya sa sarili habang nakatulalang nakatingin sa katawan ng lalaki. "Paano ko na matatakasan 'to? Paano kung malaman nila ang ginawa ko? Paano na ako?" naiiyak na tanong niya sa sarili.
"Hindi ko naman ginusto 'to eh! I'm sorry!"
Sa sobrang takot at pangamba sa maaring hatol sa kanya ay kaagad niyang nilisan ang lugar at tinakasan ang nagawang krimen. Wala na siyang ibang naisip kundi iligtas ang sarili sa anumang maaring ihatol sa kanya. Wala na siyang ibang naisip kundi ang ilayo ang sarili sa lugar na kinalakhan.