Chapter 3

1428 Words
Anim na buwan ang matuling lumipas at medyo gabay na ni Elyssa ang pamumuhay sa Maynila. Kasalukuyan siyang nagtatarabaho sa factory na pinapasukan ng pinsan niyang si Marra, ang nag-iisang taong nilapitan niya pagkatapos takasan ang insidente na halos gabi-gabi ay dumadalaw sa panaginip niya. Walang alam ang tatay niya pati ang lola niya sa nangyari sa kanya. Pero bilang assurance sa mga ito ay kinontak ito ni Marra tatlong buwan matapos siyang tumakas. Halos mabaliw ang mga ito sa pag-aalala kung anong nangyari sa kanya ngunit hindi niya sinabi sa mga ito ang totoo. Humingi lamang siya ng tawad dahil hindi nakapagpaalam nang maayos sa mga ito. Si Marra rin ang sumagap ng balita tungkol sa nangyaring insidente. Umuwi ito ng Antique isang linggo pagkatapos ang sorpresang pagdating niya nang Maynila, upang makibalita. Saka lamang siya nakahinga nang maluwang dahil buhay pa ang lalaking muntikan ng gumahasa sa kanya, pero hanggang ngayon ay nanatili itong naka-coma. At magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa nalalaman kung sino ang may sala na siyang ipinagpasalamat niya, pero ang konsensya niya ay umabot na hanggang langit. Hindi pa nakakalimutan ni Issay ang gulat ng pinsan, nang bigla niya itong tawagan dahil nagpapasundo siya sa terminal ng bus noong araw na lumuwas siya ng Maynila. Saka lamang niya ipinaliwanag dito ang nangyari nang magkita na sila sa bus station. Naiintindihan siya ng pinsan kaya tinulungan siya nitong makapasok sa trabaho kahit araw-araw ay inaatake ng kaba ang dibdib niya baka makilala siya at bigla na lang siyang damputin ng mga pulis dahil sa ginawang krimen. Pero anim na buwan ang matuling lumipas ay unti-unti nang guminhawa ang pakiramdam ni Issay. Naging masaya na rin siya sa trabaho niya kahit minsan ay nakakaramdam ng hungkag dahil sa pananabik sa Tatay at lola niya. At lalo na kay Jevy. Anim na buwan na rin silang hindi nagkikita nito. At dahil nagpalit siya ng simcard ay hindi niya agad ito na kontak. Nagkaroon lamang sila ng komunikasyon isang buwan ang lumipas mula nang lumuwas siya ng Maynila. Hindi akalain ni Issay na galit pala sa kanya si Jevy dahil hindi niya ito sinipot noong gabing nangyari ang insidente. Iyon ang gabing dapat sana ay magpapaalam ito dahil pupunta ito ng Baguio dahil papasok sa PMA dahil tulad ng ama nito ay gusto rin nitong maging pulis. Pero dahil sa nangyari sa kanya nang gabing iyon ay hindi na sila nagkausap ng kasintahan. Inisip nitong sinadya niyang hindi ito siputin. Ngunit nang ipinaliwanag niya rito ang totoong dahilan ay nagulat ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Pero wala itong maikomento tungkol sa pagkatao ng lalaking muntikan nang gumahasa sa kanya. Bumalik sa kasalukuyan ang pag-isip ni Issay nang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niyang binigay din ng pinsan. Kakapasok pa lang niya sa loob ng factory na pinapasukan at hindi pa siya nakapag-punch in sa bio dahil may ilang minuto pa bago ang oras ng in niya. Mabilis niyang kinuha sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Lumawak ang ngiti niya nang mabasa kung sino ang nag-text. Si Jevy! "Good morning, my life. I missed you!" Malapad ang ngiti niya habang binabasa ang message ni Jevy lalo na nang mabasa ang endearment na ginamit nito. Dati ay ayaw niyang may endearment sila ni Jevy, pero mapilit ang kasintahan kaya't nakasanayan na niya. Bago pa makapag-reply si Issay ay nag-appear na sa screen ng phone niya ang mukha ni Jevy. He is calling! Napailing siya at tahimik na ngumiti. Hindi talaga ito makatiis. Bago sagutin ang tawag ay naglakad muna siya papuntang recreation area dahil sa sobrang ingay ng ibang trabahante na nasa locker. Saka lamang niya sinagot ang tawag nito nang makarating siya sa recreation area dahil medyo tahimik na roon. "Hey! You called," masayang bungad niya. "Nagtataka lang kasi ako," kaagad na sagot nito. Nangunot ang noo ni Issay dahil sa sinabi ng kasintahan. "Ha, Bakit?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili. Did I do something wrong? "Ang liit lang kasi ng utak ko, paano ka kaya nagkasya rito? Hindi ka na kasi maalis sa isip ko at nakakulong ka na yata rito!" Nasa boses nito ang panunudyo nang magsalita ito. Namilipit sa kilig si Issay dahil sa hugot ng kasintahan. Alam niyang luma na ang banat nito pero kinikilig pa rin siya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang ngiting nais kumawala. Lalo na at may ilang empleyado na rin ang naroon sa recreational area na nagpapalipas din ng oras. Baka kung ano pa'ng isipin ng mga ito kapag nakita siyang nangingiting mag-isa. Kahit sagad hanggang buto na ang kilig na naramdaman ay pinigil niya ang sarili bago magsalita. "Puro ka kalokohan, eh," aniya. Pero sa kaibuturan ng puso niya ay kinikilig naman siya sa mga pick-up lines nito. "Hindi kalokohan 'yon, my life!" walang bahid ng biro ang boses nito. "Kahit kailan ay hindi ako makikipaglokohan sa'yo. Alam mo namang ikaw ang oxygen ko 'di ba? Kapag wala ka, hindi ako makahinga," dagdag ulit nito. Lalong napangiti ang dalaga. This time she couldn't contain her happiness swelling inside. She doesn't care if someone sees her smiling out of nowhere. "At ikaw naman ang inspirasyon ko kaya pilit kong kinakaya ang hamon ng buhay, Jev," madamdaming sagot niya. Narinig niya ang paghugot nito nang malalim na buntong-hininga. Para bang nahihirapan itong wala siya sa tabi nito. "At nang dahil sa'yo, nagbago ang pangarap ko sa buhay. Para kang mabangong bulaklak sa hardin na nagbibigay ng sigla sa bawat umaga, punong-puno ng kulay at nagpapawala ng stress sa buhay." "Woahh... Ang lalim no'n, ah," pagbibiro niya. Naninikip kasi ang dibdib niya dahil puno ng bahid ng katotohanan ang boses nito habang nagsasalita. And she is missing him so much that it makes her heart aches. Her longings for Jevy grows as she hear those words. Those words that comforting her that everything will be okay. And then day will come that they will finally see each other, she's planning on visiting him. "Kasing lalim ng pagmamahal ko sa'yo, my life," seryosong saad nito. Marahan siyang tumikhim nang may bumikig sa lalamunan niya dahil tagos sa puso niya ang sinabi ni Jevy. She missed him already. Kaya bago pa siya mag-break down ay nagpaalam na siya rito dahil kailangan niya na ring mag-in sa trabaho. "Okay, I'll call you later when you're free, okay, my life?" pagpapaalam ng binata. "Okay, bye. Kailangan ko nang mag-in. Ayaw kong ma-late," mabilis na paalam din ni Issay. "Sige, my life. Bye! I love you!" Napangiti siya nang malapad. "I love you, too!" marahang sagot niya saka tuluyang pinutol ang tawag. Dumiretso siya sa banyo pagkatapos ang tawag na iyon upang mag-retouch nang mabilis saka bumalik sa locker upang ilagay ang gamit. Pagkatapos ay mabilis siyang nag-in sa biometric fingerprint at kaagad na dumiretso sa area niya. Naka-assign siya sa quality control department kung saan si Marra ang supervisor niya. Pero ngayong umaga ay nakatoka siyang mag-steam ng ilang damit na masiyadong lukot bago ito ipasa sa packaging area. Hindi na siya nagreklamo at kaagad na nag-umpisang magtrabaho. Abala siya sa pag-i-steam nang biglang sumagi sa isip niya ang kasintahan at ang matatamis na salita nito nang kinausap siya nito. Hindi niya napansing nakangiti na pala siyang mag-isa habang nakatitig sa kawalan. "A penny for your thoughts? Baka kasi masunog na ang ini-steam mo sa pagngingiti-ngiti mo riyan!" Kaagad na natigilan si Issay nang marinig ang malamig at buong-buong tinig na animo'y musika sa kanyang pandinig. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses na labis niyang pinagsisihan. Sa biglaang pagharap niya sa kung sinuman ang nagsalita ay natabig niya ang hose ng steamer at muntik na iyong mahulog sa ulo niya. Mabuti na lang at maagap ang lalaki. Mabilis nitong nasalo agad ang hawakan ng umuusok pang steaming iron. Bumilis ang tahip ng puso ni Issay nang maramdaman ang magkalapit na katawan nila ng estrangherong lalaki. Sa sobrang lapit ng katawan nila sa isa't isa ay langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng pabango nito na kahit matapang ay hindi masakit sa ilong. Nang umakyat ang tingin niya sa mukha nito ay nangunot ang noo niya dahil nakasuot ito ng shades. Pero hindi maikakaila ni Issay na kahit naka-shades ito ay hindi nito maitago ang angking kaguwapuhan na halatang-halata sa makinis nitong pisngi na medyo namumula, at matangos na ilong na siyang pinatungan ng kanyang shades. Tulala siyang napatitig sa bahagyang nakabukang labi nito. Why is it so inviting? "So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" Bigla ay ngiting-ngiti salita ng estranghero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD