CHAPTER VII XIAN'S POINT OF VIEW Ang pagkakamali kong iyon nang nalasing si James ang siyang naging susi para lalo kong maintindihan ang palasak ng sinasabi ng karamihan na ang straight ay straight... dapat silang hinahayaang mapunta sa babae. Kung ang bakla nagmahal ng straight hindi lang yaman ang aagos mula sa kanila kundi kasama na ang tone-toneladang luha. Kung nagmahal ka ng straight kailangan mong panindigan na hinding-hindi ka magseselos sa babae dahil kahit anong mangyari, sa babae parin ang kahahantungan ng isang tunay na lalaki. Iwasan ding papiliin ang straight sa pagitan ng babae at ng isang bakla dahil baka mas masakit sa'yong tanggapin na hindi ikaw na bakla ang pipiliin. Maaring kailangan ka ng tunay na lalaki ngunit hindi ikaw ang nakapagbibigay sa kaniya ng tunay na lig