.Chapter VIII Xian's Point of View Mula nang araw na pinagbuhatan niya ako ng kamay, nagbago na ang ikot ng buhay naming dalawa. Kung dati pag-alis ko sa umaga ay inihahanda ko na ang kaniyang pagkain at isusuot, hindi ko na muli pa iyon ginawa pa. Sarili ko lang ang inintindi ko. Sarili ko lang ang inasikaso ko. Gusto kong maramdaman niya ang kaibahan ng wala ako. Higit isang taon ko na din naman siyang pinagsilbihan, isang taong pangangalaga, isang taong pagtitiis. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit na higit pa sa respeto, pasasalamat at maayos na pakikitungo bilang tao. Iyon lang naman ang kailangan ko, iyon lang naman ang hinihintay ko. Masakit sa akin na hindi na gawin ang mga nakasanayan kong gawin para sa kaniya ngunit kailangan kong ipadama sa kaniya na tuluyan na akong nawal