PART 7

772 Words
Muling sinulyapan ni Juliana ang kanilang wallclock sa kwarto. Alas tres pa pala ng hapon. Masyadong mabagal para sa kanilang magkaibigan ngayon ang takbo ng oras dahil nagkukulong sila sa kuwarto dahil AUGUST 31 na ngayon. Ang araw na nakasulat sa Diary! Laging nasa paanan niya si Rose, binabantayan siya. Yakap nito ang unan habang natutulog. Habang siya ay yakap ang dalawang tuhod at parang tinatambol ang puso niya sa sobrang takot. 'Yung feeling na parang inaantay niya na si kamatayan na dumating at bigla na lang pipigtasin ang kanyang leeg, kaya takot na takot siya. Sino ba naman kasi ang hindi! The f**k! Bakit ba kasi nangyari ito sa kanila na magkaibigan?! Sinubsob niya ang ulo sa tuhod at pumikit. "Diyos ko tulungan niyo po ako! Ayoko pa pong mamatay!" at taimtim na usal niya. Napakislot siya nang biglang nag-vibrate ang cell phone niya sa kanyang tabi. Si Arnold na ang tumatawag! Ang kanyang nobyo! Tulad ng nakasulat sa diary! s**t! "R-rose?" humihingi ng saklolong tinig niya sa kaibigan sabay kalabit. Kukurap-kurap si Rose nang siya'y magising gawa ng pagkalabit ni Juliana sa kanya at napatingin siya sa cell phone na nagri-ring nang ituro iyon ng kaibigan niya. "Ito na 'yung nakasulat sa diary, Juliana!" wika niya na labis-labis na rin ang nerbyos. Kanina pa nila inaantay ang tawag na iyon. "No!" hiyaw sunod hikbi ni Juliana. Umusod ito. Nilayuan nito ang cell phone. Nahihintakutan ito sa sariling cell phone. Dahan-dahan na kinuha niya ang aparato. Nakatitig siya kay Juliana na sinagot iyon. "H-hello?" /Rose, si Juliana? Pwede bang makausap?/ -anang nasa kabilang linya. Nabosesan niya agad ng binata. At nahalata niya rin na may dinaramdam ito tulad ng nakasulat sa diary dahil malat ang boses. "A-andito siya Arnold. Nakahiga siya k-kasi nilalagnat siya. O-oo nilalagnat siya!" Iyon ang biglang naisip niya na idahilan. Ang unahan niya ang dapat sasabihin ni Arnold. Bahala na! Tumango naman siy Juliana sa pagsang-ayon. Tahimik lang itong nakikinig. Pero kitang-kita pa rin niya ang matinding takot nito. /Gano'n ba? Parehas pala kami na may sakit. Kumusta siya, Rose?/ -nag-aalalang tanong ng binata. Nakaramdam siya ng guilt. Pero hindi dapat mangyari ang nakasulat! Kaya dapat niya itong panindigan! "O-okay naman siya. Kaya h'wag kang mag-alala," utal niyang sagot, atubiling pinatay na niya ang phone at patilapon na binaba sa kutson nilang kama. "Rose, anong sabi niya?" usisa agad ni Juliana na nangangatal. "Nag-alala siya sa 'yo. Pinatay ko agad ang tawag dahil nakukonsensya ako! Ang importante naman ay 'di ka dapat pumunta ngayon sa kanila para hindi mangyari ang nakasulat sa diary. Pwede naman siguro bukas!" "Kung gano'n ligtas na ako?!" nakahiga ng maluwag si Juliana. Hindi siya umimik, hindi niya masagot ang kaibigan. Tiningnan niya ang orasan, madami pang oras ang nalalabi, madami pang pwedeng mangyari. Sunod niyang tiningnan ang diary na hinayaan na lang nilang nakalapag sa sahig. "What if sunugin na lang natin 'yan?" untag na wika ni Juliana sa kanya. Nakatingin din ito sa diary. Napaisip siya. Good idea! Pero sa huli, isang bahagi ng utak niya ang hindi sumang-ayon. "Paano kung lalo ka lang mapahamak?" anya kay Juliana. "Dahil kung epektibo ang pagsunog sa diary dapat nagawa na iyon ng iba pang naging biktima, hindi ba?" Naihilamos ni Juliana ang dalawang palad sa sariling mukha. "Tama ka!" at anito na muling naglandas ang mga luha nito sa pisngi. "May siyam na oras pa. Kung mgkukulong ka rito sa kuwarto at walang nangyaring masama sa 'yo mapuputol na natin ang sumpa sa araw na 'to, Juliana, kaya magpakatatag ka. Maghintay muna tayo." suhistyon niya na lumapit sa kaibigan at niyakap ng maluwang. Bahagyang tumango si Juliana. Pinapaubaya na lang nito ang lahat kay Rose, dahil sa ngayon hawak na ni Rose ang buhay nito. Kung sana kasi hindi na lang ito ang unang humawak non sa Diary. Pinagsisisihan nito ang sandaling iyon. Lumipas ang ilang oras... Alas singko... Alas sais... Nanatili lang silang dalawa sa loob ng kuwarto, parehas na tikom ang mga bibig dahil walang gustong umimik. Subalit nang sumapit ang alas syite ay biglang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan silang magkaibigan. Nagulat sila parehas at kinutuban ng hindi maganda. "Baka 'yung may-ari ng bahay?" pampalubag-loob niya kay Juliana dahil naiiyak na naman ang dalaga. Agad bumaba siya sa kama at isang sulyap muna siya kay Juliana bago lumabas ng kwarto. Napabuga siya ng hangin nang nasa tapat na siya ng pintuan. Nagbilang muna siya ng tatlo sa isip bago nagdesisyong buksan iyon. At halos lumuwa ang dalawang mata niya nang makita ang taong nasa likod ng pintuan. "A-arnold?! Anong ginagawa mo dito?!" sindak na naibulalalas niya sa hindi inasahang bisita.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD