PART 6

621 Words
Pilit na pinakalma ni Rose si Juliana. Nanginginig kasi ito sa takot. Malapit na sila sa bahay na kanilang tinutuluyan na magkaibigan. Iniuwi na niya ito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaibigan doon sa lamayan. Matindi ang pag-alala ni Jamaica dahil sa nalaman sa diary. "R-rose, ipangako mo sa 'kin na ililigtas mo ako kahit na anong mangyari. Ayoko pang mamatay!" nagsusumamo na tinig ni Juliana habang papasok na sila sa gate. Napatingin siya sa kaibigan at kahit hindi siya sigurado kung maililigtas niya nga ito ay tumango siya. Dahil kahit naman 'di siya sigurado ay pinapangako niyang gagawin niya ang lahat mailigtas lang si Juliana. Oo, desidido siyang tulungan ito na maputol ang sumpa na hindi sinasdyang kumapit sa kanila. Pero paano kung hindi siya magtagumpay? Natatakot din siya! "Juliana, may itatanong ako. Nasa'n 'yung kaibigan ng pinsan mo na kasama nito noong namatay?" "Na-nasa kulungan. Dahil ayun sa pag-iimbestiga ng pulis ay siya raw ang pumatay sa pinsan ko!" "God!" sambit niya na natutop dahan-dahan ang bibig. Kinilabutan kasi siya sa mabilis na pumasok sa isip niya. Bigla siyang niyakap ni Juliana at nag-iiyak na naman sa kanya. Siya naman ay saglit na natulala sa naisip na pwedeng mangyari. Kung tama ang kanyang hinala, kung sakali pala ay 'siya' ang papatay kay Juliana sa bandang huli. Kung hindi niya mapuputol ang sumpa! Jusko! "Halika na sa loob! Nandoon ang diary!" pagkuwa'y tarantang sabi niya. Hawak-hawak niya ang isang kamay ni Juliana. Sa kabila ng lahat ay nagpapakatatag siya. Walang mangyayari kung panghihinaan siya ng loob ngayon. Dapat niyang gawin ang lahat para hindi mangyari na papatayin niya ang kaibigan niya. Hindi niya kakayanin 'yon! Hila-hila niya si Juliana na pumasok hanggang kuwarto. Kapit kamay sila. Agad hinagilap niya ang nakakalibot na diary. Ang ikinagulat niya ay agad itong tinungo ni Juliana at binuklat nang makita nila, inunahan siya ng kaibigan! "Bakit gano'n? Bakit wala akong mabasa?" pero mayamaya pa'y hestirekal ni Juliana na tumingin sa kanya. At totoo 'yon dahil sa paningin ni Juliana ay blangko ang diary. Walang nakasulat na kahit ano. Takang lumapit siya sa kaibigan at awang ang mga labi niyang kinuha sa kamay ni Juliana ang diary. Hindi pa man niya binubuklat ay nagbukas na ang mga pahina nito ng kusa. Nagulat silang magkaibigan. Napahawak si Juliana sa kanya. At anong pagtataka niya dahil meron naman siyang nababasa. Kabaliktaran sa sinabi ni Juliana na walang nakasulat doon. AUGUST 31,--- DEAR DIARY, AKO SI EILYN REBATO. NAILIBING NA ANG PINSAN KO. MAKAKAPAHINGA NA RIN SIYA NG MAAYOS AT AKALA KO TAPOS NA ANG PROBLEMA. HINDI PA PALA DAHIL TUMAWAG ANG BOYFRIEND KONG SI ARNOLD. MAY SAKIT DAW AT NAKIUSAP NA DALAWIN KO SIYA SA KANILA. KAYA LANG 'DI NA AKO NAKAPUNTA DAHIL NAAKSIDENTE ANG SINAKYAN KONG BUS... Nabitawan niya ang diary pagkatapos niyang mabasa iyon saka napaurong siya ng ilang hakbang. "Rose? M-may nabasa ka?!" Kaya naman mas tumindi pa ang takot na nararamdaman ni Juliana. Tumingin siya kay Juliana. Bumilis ang kanyang paghinga. Dalawang araw mula ngayon, mangyayari ang nakasulat! "Rose, please sabihin mo! Anong nabasa mo?! Anong mangyayari sa 'kin?! Sabihin mo!" hiyaw ni Juliana sa kanya, niyugyog siya nito sa balikat at umiyak. Gusto niyang sagutin ito pero hindi niya magawang magsalita. Parang may bumara sa lalamunan niya. "Rose, ano ba?! Sumagot ka?!" bulyaw pa ni Juliana sa kanya. Pinagpapawisan na ito ng malapot. "J-juliana, s-sa sabado! M-ma-aaksidente ka!" Sa wakas ay naisatinig din niya. Pero para siyang nanghina. Napabuga siya ng hangin sa bunganga niya. Hindi na niya alam kung anong kanyang iisipin. Habang si Juliana ay napahagulhol na ito ng iyak at nanlupaypay na itong napaupo sa gilid ng kanilang kama. Ito man ay parang nawalan ng lakas..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD