PART 5

654 Words
"Jonel, tingnan mo muna si Juliana," nababahalang ani Rose sa binata. Akmang tatakbo na siya. "Rose?!" Pero pigil ni Juliana sa kanya, takot na takot ito sa nangyari. Buti na lang ay may isang nagmalasakit na agad tumawag ng mga tanod na siyang nagpakalma sa kaguluhan. "Saan ka pupunta?" "Saglit lang. May kakausapin lang ako," sagot niya dahil tingin niya ay ligtas muna sa ngayon si Juliana. Nailayo niya ito sa kapahamakan kaya pwede na muna niya itong iwanan. Dali-daling inihakbang niya ang mga paa palabas ng malawak na bakuran ng bahay. Hinabol niya ang paalis na babaeng nakabelong itim, gusto niya itong makausap. May bagay siyang nais mabigyang linaw. At sigurado siyang malamang ay masasagot ito ng babaeng naka-belo ng itim. "Miss!" Tawag niya nang makalabas sa bahay at nakita niya ang naglalakad na babae. Hindi pa ito nakakalayo. "Sandali lang!" Dahil hindi yata siya narinig ng babae ay tuloy-tuloy ito sa paglalakad. Binilisan niya pa ang paghakbang para maabutan ito. Lakad-takbo siya, kailangang maabutan niya ito at makausap para sa kaligtasan ng kanyang kaibigan. "Miss, sandali lang po!" Pakiusap niya nang nasa likuran siya na nito. "Puwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tumigil naman ito at hinarap siya. Ngumiti siya rito, pilit na ngiti dahil ang totoo ay kahit hindi maaninag ang mukha niyo ay medyo nakakatakot ang babae. Para itong isang mangkukulama sa mga napapanood niya sa mga TV na horror movie. Ang seryoso ng mukha ng babae na hinagod siya ng tingin dahilan para mapalunok siya. "Miss, ano 'yong sinasabi mo na sumpa!?... K-kanina?! Alam mo 'yong tungkol sa diary?" Gayunman ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa nang ma-relax niya ang sarili. Sinabi niya sa sarili niya na wala siyang dapat ikatakot sa babae. Tumango ang babae, na lalong ikinakaba niya. Parang lumaki ang ulo niya sa pakiramdam niya. Gosh! "Nasa loob na kayo ng sumpa na magkaibigan," ta's wika ng babae. Napakunot noo siya, dumadagundong ang matinding kaba sa dibdib niya. "A-ano pong sumpa?!" "Ang diary na hinawakan ng kaibigan mo ay may sumpa! Sumpa na ginawa ng nagsulat at nagmamay-ari nito! Mamatay rin ang kaibigan mo tulad nang nangyari sa pinsan niya! Kung ano ang mababasa mo sa diary, 'yon ang mangyayari sa kanya!" Umawang ang mga labi niya. Kinilabutan ang buo niyang katawan sa narinig. Kung gano'n tama ang naisip niya tungkol sa diary. "Pero kaya mo 'yong labanan!" Hinawakan siya nito sa braso. "Pwede mong pigilin ang sumpa! Nailigtas mo na ang kaibigan mo sa unang pagkakataon! May apat ka pang dapat lampasan!" Napakislot siya. Malamig kasi ang palad ng babae. Napakalamig. "Sa panglimang beses na mailigtas mo sa kamatayan ang kaibigan mo, mapuputol na ang sumpa at mawawala na ang diary. Subalit kung tulad ka rin ng iba na mabibigo, magpapatuloy ang sumpa at madami pang magbubuwis ng buhay na magkakaibigan!" Umalis na ang babae, hindi na niya napigilan, dahil natulala na siya at nahintakutan sa mga nalaman niya. Sunod tingin na lang siya sa babae. Ang dami pa sanang nais niyang itanong sa babae pero para na siyang nasemento sa kanyang kinatatayuan. Hindi na siya makagalaw. Natigagal siya ng husto. At kahit wala na sa paningin niya ang babae ay nakatanaw pa rin siya sa direksyon na iyon. Wala pa rin siyang kagalaw-galaw, tanging ang isipan lang niya sa ngayon ang umaandar. Kung gano'n, nasa kamay niya ngayon ang buhay ni Juliana? Gosh! Hindi totoo ito! Panaginip lang 'to! At dahil nasa malalim siyang pag-iisip ay hindi niya namalayang papalapit si Juliana. "Nasa'n 'yong diary?" tanong ni Juliana na pumukaw sa kanya. Seryoso ang mukha ng kaibigan nang lingunin niya ito. "Na-naniniwala ka na sa 'kin?" at sa wakas nagawa na rin niyang sabihin. Naigalaw na rin niya ang sarili na kanina'y parang nabato. Nagkatitigan muna silang magkaibigan. Pagkuwa'y tumango si Juliana. "P-pa'no kung-- kung hindi mo ako mailigtas, Rose?" at garalgal na tanong ni Juliana. Kitang-kita na sa kanya ang matinding takot............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD