PART 4

697 Words
Luminga-linga sa paligid si Rose. Nandito na ulit sila sa lamayan ng kaibigan. Sumama na lang siya dahil ayaw naman paawat sa kanya ang kaibigan. At ikinawit niya ang isang kamay sa braso ni Juliana nang makita ang hinahanap ng kanyang mga mata. Sa isang banda ng lamayan. Makikita roon ang mga kalalakihang nagsusugal kahit pagabi pa lamang. Kahit konti palang ang tao. Dumagundong ang puso niya. Sila na kaya ang tinutukoy ng diary na mag-aaway? God! "Juliana, buti dumating ka na. Mag-isa lang ako rito na kamag-anak." Bungad sa kanila ni Jonel na agad kinuha ang bitbit ni Juliana. "Bakit 'asan ang iba? At 'asan sina Tita?" Ang tinutukoy ni Juliana ay ang iba pa nilang pinsan at ang mga magulang ng namatay. "Nag-uwian muna 'yong iba para bumawi ng tulog. Sina Tita nasa kusina," sagot ng binata. Pagkuwa'y nginitian siya nito at tinanguan bilang pagbati. Tipid na ngiti lang ang tinugon niya sa binata. Hindi niya talaga kasi maiwaglit sa isipan niya ang pangamba gawa ng nabasa niya sa diary. Panaka-naka ang pagsulyap niya sa mga nagsusugal. Nang biglang may sumagi sa kanyang isipan. "Juliana? Jonel? Magkaanu-ano kayo?" tanong niya sa dalawa na pinaglipat-ang tingin, crosfinger siya... sana.. sana.. "Magpinsan," / "Magpinsan kami," pero halos sabay na sagot ng dalawa. Natigagal siya. "Diyos ko!" at naibulalas niya sa isipan niya. Natutop niya ang dibdib na lalong lumakas ang kabog. Walang duda sina Juliana at Jonel ang tinutukoy sa diary. Tapos ay napalingon siya sa mga lalaking nagsusugal. Kailangan niyang kumilos. Wala na siyang sinayang na sandali. Nilapitan niya ang mga nagsusugal. Tinawag siya ni Juliana pero hindi niya na pinansin ang kaibigan. Mas mahalaga na mapaalis niya ang mga nagsusugal. Dahil sa tingin niya ay mangyayari nga ang nakasulat sa diary! Maang na sumunod sa kanya sina Juliana at Jonel. "Mga manong, guguluhin ko po muna kayo sa pagsusugal, ha? Itigil niyo po muna sandali, pwede po ba?" lakas-loob niyang pakiusap sa mga nagsusugal nang makalapit siya sa mga ito. "Ano bang pinagsasabi mo! Eh, talo na ako! Kailangan kong bumawi!" kaso ay binulywan siya ng isang lalaking mukhang sanggano. "Oo nga naman! Tigil na muna!" kantyaw naman ng isa. Ngising-ngisi ito dahil ito ang sineswerte sa kanilang laro. "Rose, anong ginagawa mo?" bulong ni Juliana sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso. "Juliana, mangyayari ang nakasulat sa diary! Masasaksak ka!" No choice kundi ang sabihin niya ang dahilan niya sa kaibigan. Subalit hinila lang siya ni Juliana palayo sa mga nagsusugal. "Rose?! Please, tama na! Tama na ang diary diary mong nalalaman! Hindi ka na nakakatuwa!" "Pero Juliana, natatakot lang ako para sa'yo! Sabi sa diary, masasaksak ka! Mag-aaway sila--" Tinuro niya ang mga nagsusugal subalit laking takot niya nang makitang nangyayari na pala ang tinutukoy niya kaya napa-pause siya sa sinasabi. BLAAG! -Tunog ng lamesang monobloc na inihataw ng isang lalaki, kasunod ang kaguluhan. Nagbugbugan na ang dalawang lalaki. Dumami ang tao pero walang nagtangkang umawat. Maliban kay Juliana. "Tama na po! Mahiya kayo sa patay!" "Juliana, 'wag kang lumapit!" Pigil niya sa kaibigan pero hindi ito nagpapigil. Nataranta na siya nang makita niyang umawat na rin si Jonel. Tama nga ang kutob niya! Si Jonel ang pinsang ililigtas ni Juliana na nakasulat sa diary! "Pigilan mo ang mangyayari." Biglang boses babae sa tabi niya. Napaigtad siya. Isang babaeng nakatalukbong ng belong itim ang ngayon ay nasa tabi na niya. "Kalabanin mo ang nakasulat. Ito lang ang paraan para mailigtas mo sa sumpa ang iyong kaibigan!" Napamata siya sa estrangherang babae. "Tama na po! Tama na po!" sigaw ni Juliana na nagpabalik ng tingin niya sa kinaroroonan ng mga nagkakagulo. Paglingon niya sa babaeng nakabelo ay wala na ito. Parang naglahong parang bula ang babae. Lalong naguluhan siya na luminga-linga sa paligid, kaso ay hindi na niya talaga makita ang babaeng iyon. At gulong-gulo man ang isipin niya ay sinunod na lang niya ang utos ng babae. Naghanap siya ng kahoy na panghampas saka lakas-loob na lumapit sa nagkakagulo. Naging mailap ang mata niya. Sa pagkakataong kanyang inaantay bago pa man masaksak si Juliana dahil ililigtas nito si Jonel ay inundayan na niya ng malakas na hampas ang lalaking makakasaksak sana sa kaibigan..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD