Pilit na binabalewala ni Donessa ang nararamdaman sa pagkakadikit ng mga katawan nila ni Dwight. Masyado na siyang marupok para magpadala pa sa mga matatamis na salita ng binata. Bawat hakbang ng kabayo ay pakiramdam niya'y isang torture sa kanya. At mukhang sinasadya pa ng damuho na bagalan ang pagpapatakbo ng kabayo. Dapat pala sa likuran na lang siya nito sumampa kanina. Pero baka bibilisan naman nito ang pagpapatakbo at malamang yayakap siya rito para kumapit e 'di didikit pa ang malulusog niyang dibdib sa likod nito. Ang suwerte naman nito. Wala talaga siyang lusot dahil alam niya ang galaw nito ngayon. Tuso man ang matsing, naluluko pa rin. "Baka naman gusto mong bilisan sa pagpatakbo riyan. Nilalamig na ako," reklamo niya dahil parang feeling nito ay nasa parke sila sa sobrang bag