Kinabukasan ay hinintay ni Dwight na bumaba si Donessa. Nang sa wakas ay bumaba na ito ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Hanep at kaya niyang magtiyaga ngayon. "Good morning, baby! Kumain ka na. Nagluto ako para sa'yo. Ang tagal mo kasing bumaba kaya nauna na akong kumain," saad niya pero hindi siya tinugon nito. Tinapunan lamang siya ng malamig na tingin at binawi rin kaagad. Parang nagpapa-hard to get. "Aalis lang ako," dagdag niya. Muli ay tinapunan lang siya nito ng tingin at nagpatuloy na sa pagpasok sa kusina. Siya namang pagtunog ng mobile phone niya. Tiningnan niya ang screen at napangiti nang makita ang pangalan ni Honey. "Tsk!" Napatingin siya kay Donessa at nagtaka na naroon pa ito sa puwesto nito habang nakahalukipkip at nakatingin sa kanya. Bihis na bihis kas