Hindi alam ni Dwight kung gaano na katagal siyang nakatitig sa ceiling ng kanyang silid. Para siyang tanga na nakangiti habang malinaw pa rin na nakikita niya ang mukha ng babaeng nakabangga niya kanina lang.
Pagkabigay niya ng ID nito ay umuwi na rin siya. Hindi na siya tumuloy sa usapan nila ng mga kaibigan niya. Bukod sa tinamad na siya ay mas gusto niya na munang isipin ang magandang babaeng nakabanggaan niya sa bar. Kahit umiiyak ito ay lalo lamang siyang nahuhumaling dito. Sounds cliché pero ayaw niya itong makitang umiiyak. Sa kanya na lang sana ito para hindi na umiyak pa.
Donessa Salvatore . . .
Paulit-ulit sa isip niya ang pangalan nito. Minsan niya na ring nakita ang mukha nito sa nga tabloid at magazines pero nakalilimutan niya dahil sa dami ng babaeng nakapaligid at nauugnay sa kanya. Ang ilan pa nga ay mga kilala ring personalidad sa media.
“So, you are not an ordinary girl, huh?”
Napapailing siya sa pagkatuklas. She’s making a name on pages yet she’s still humble. Ni hindi pa niya kaagad na-recognized ang mukha nito kung hindi niya pa inukalkal ang pangalan nito sa social media
“Magkikita pa tayo,” determinadong saad niya sa sarili. Hindi dahil sa pamilyar nitong apilyedo kung ‘di dahil malakas ang kutob niya na magkikita pa sila. At kung ano ang gusto niya ay ginagawa niya. His instinct never failed ever since. Masaya niyang binalik-balikan sa isip ang napakaganda nitong mukha. Kahit hilam sa luha ang mga mata ay hindi nabawasan ang angking ganda nito. Nakabibighani talaga. Hindi nakasasawang pagmasdan. He heaved a deep breath as he is disappointed.
He don’t know what hits him and he just can’t help himself from admiring her. Kaya nang matulog siya sa gabing iyon ay hindi niya inasahan na mapananaginipan si Donessa. Hindi sa normal na panaginip kung hindi sa malikot niyang panaginip. In his wild and wet dreams!
“Damn! You’re beautiful, Donessa!”
“I know, babe.” Nagulat si Dwight nang marinig ang malamyos na sagot sa kanya nito. Ang sarap sa tainga ng boses ni Donessa.
“F*ck! You’re so tight. Ah!”
“Of course, babe. I’m a virgin,” sagot pa nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.
“D*mn! Moan for me please . . . Ugh!”
“Stop it! Bastos ka!” galit ang mukha nito at mabilis na bumangon sa kama ko. Nagtataka naman ako at nanghihinayang.
“Sh*t naman! Sobrang nag-iinit na ako, eh! Nanginginig na ang mga kalamnan ko sa pagkakadikit ng mga balat natin.”
“Gumising ka nga! Pare-pareho lang kayong mga lalaki! Mga manloloko!” sigaw nito at halatang galit ang anyo.
Napabalikwas bigla ng bangon sa kama niya si Dwight. Nakatulala siya habang inaalala ang napanaginipan.
“Argh! Ano bang panaginip ‘yon?” Napasabunot na lang siya sa magulo niyang buhok at dumiretso na sa banyo para maligo. Gusto niyang alisin sa isip niya ang kakaibang panaginip na iyon. Nakahihiya at sa estranghera pa talaga. “Nakakahiya! I am having a wild dream with a stranger, seriously?”
Pagkalabas niya ng banyo ay siya namang pagtunog ng kanyang aparato sa ibabaw ng bedside table. Mabilis niya iyong dinampot at ang kanyang mommy pala.
“Yeah! I have a flight in Philippines tommorow. Bye, Ma! Love you.” Pinutol na niya ang tawag at magpapahinga pa siya dahil palagay niya ay antok na antok siya. Saglit siyang natigilan nang mapagtanto ang usapan nila ng kanyang ina.
What the? Bukas na pala ang flight ko.
Excited na bumaba na ng eroplano si Dwight.
At last!
Nakatapak na ulit siya sa bansang Malaita din naman sa kanyang puso. Hinanap niya ang mga taong siyang sadya niya sa banyagang lugar. As expected, ang dalawang magkapatid ang sumalubong sa kanya.
“At bakit na naman nakabusangot ang maganda kong pinsan?” Natawa siya nang mahina sa nakikitang anyo ni Georgina. Masaya niyang nilapitan at niyakap nang mahigpit ang dalawa. He really missed them a lot.
“Georgina, baby! Could you please smile for me?” wika niya sa maganda niyang pinsan pero tinaasan lang siya ng kilay. Ang taray talaga nito. Pasalamat ito at mahal niya. Para sa kanya, ang pinsang si Georgina ang mahalagang babae bukod sa kanyang ina at mga kamag-anak sa New Jersey. Maliban do’n ay wala na. Girls are just toys for him. Hindi na niya ito kinulit pa dahil mukhang hindi ito natutuwa sa kanyang pagdating.
Pagkarating naman sa tutuluyan niya ay saglit lang na nagkausap ang mga ito dahil pinapagpahinga na siya ni Georgina. Hindi niya alam kung atat lang itong umuwi o nababanas sa pagmumukha niya.
“Hatid ko na kayo,” saad niya nang pauwi na ang mga ito. Sa Red Planet Hotel siya tumuloy at may kalayuan pa sa inuuwian ng mga pinsan niya. Tumanggi si Georgina at sinabing magpahinga na lang siya. Nalaman niya ring sa pamilya Salvatore nakatira ang mga ito.
Salvatore? Pilit niya namang inaalala ang pamilyar na apelyidong iyon.
Sorry, but I have a short-term memory when it comes to my flings. Flings? Parang wala naman akong flings na alam ko ang apelyido. Pangalan lang ang alam ko sa kanila. Hmm . . . think, think.
Usually kasi, pangalan lang talaga ang alam niya sa mga nakauulayaw niya at mga nakikilala. They just come and go. Ganoon naman sa America, too liberated, unlike here in Philippines.
Dalawang linggo pa siyang nanatili sa Pilipinas at sa loob ng mga panahong iyon ay nakilala niya ang tinitirhan ng mga pinsan niya. Nakadama naman siya ng ginhawa dahil sa pinapakitang kabaitan ng pamilya. Lalo na at nalaman niyang si DM Salvatore na hinahangaan niyang artist ay doon niya lang pala makikita. Thanks to his cousin Georgina.
Bukod sa drag racing at babae ay hobby niya rin ang pagluluto at arts. Kaya kahit sa pagluluto ay artistic din siya. Hindi nga lang siya magaling gumuhit. Weird but it’s true.
Hindi siya mas’yadong nakapagliwaliw dahil kailangan na niyang bumalik kaagad sa New Jersey. Ngayong pabalik na siya ay kasama niya na ang mga pinsan. Magbabakasyon lang ang mga ito at para makilala na ng mga ito ang pamilya sa side ng mama nila Georgina. Hindi pa kasi kilala ng mga kamag-anak nila ang dalawang pinsan.
“Don’t be upset, Georgina. Bakasyon lang naman ‘to,” wika niya at ginagap ang kamay ng pinsan. Para kasing labag pa sa loob nito ang pagsama sa Georgin
“I’m not! Just don’t annoy me,” anito. Well, mataray lang si Georgina kay Dwight dahil clingy kasi siyang tao. Pero kahit nagsusungit ito ay maganda pa rin. Nasa magagandang lahi talaga sila.
Kailangang magandang lahi rin ang makukuha niya kapag magkakalat na siya ng susunod na henerasyon niya. It must be Mclorey’s clan.