Kasalukuyang nag-ienjoy si Donessa sa milktea na in-order niya sa isang café. Nasa break siya ng ilang araw at next week pa ang schedule niya ng pictorial. Kahit papaano ay nakapagliwaliw siya. Unwind. Chilling. Relaxing. Nakahinga rin siya ng payapa. Malaya.
"What the h*ll!"
Napapitlag siya sa narinig. Mukhang may sisira sa pagre-relax niya ngayon.
'Ang bad naman,' aniya sa isip. Paano ay nasa likuran niya lang ito kaya dinig niya ang malakas na mura ng kung sinong balasubas na 'yun. Marahas niyang nilingon sa likod ang kung sino mang malutong na nagmura. And to her surprise, wala naman siyang nakitang balasubas.
Bigla namang tumayo ang taong nakaupo sa mesa sa bandang likuran niya. Palinga-linga ito kapagdaka ay nilingon siya. Bigla siyang naestatwa nang masilayan ito.
'H*ll yeah!' This guy is so d*mn attractive! A headturner indeed.
'Siya nga 'yun!'
Naalala niya ang mukha ng lalaki kahit hindi malinaw noong gabing iyon sa bar. Iyon ang una nilang pagkikita.
Kahit nakakunot-noo ito ay hindi man lang nabawasan ang angking kaguwapuhan ng lalaki. Napatitig siya sa mukha nito na ngayon niya lang ginawa.
His brows are thick with an enticing pair of emerald orb .
'Wow!' hindi niya mapigilang sambit sa kanyang isip. Bumaba ang tingin niya sa ilong nito na sobrang tangos.
'Ang ganda!' bulalas niya sa isip. Bumaba pa ang tingin niya sa mga labi nitong mapupula. Kulay mansanas na sariwa. Napalunok siya dahil doon. Ngayon lang siya humanga ng sobra sa isang lalaki. He also got a perfect jaws.
'Ang lakas ng s*x appeal. Grabe!'Ang tangkad din nito. Attracted pa naman siya sa matatangkad. Gosh!
"Oppa!" hindi niya mapigilang isatinig.
"Are you done, miss?" tanong nito sa kanya. Isa pa ay pati boses nito ay guwapo rin! Ba't ngayon niya lang iyun napansin? Marahil ay dahil umiiyak siya noong una nilang pagtatagoo kaya hindi niya iyon napansin. At mukhang hindi siya nito natandaan.
"Pardon?" aniya na biglang nabalik sa huwesyo. Ganu'n lang ba siya kadali kalimutan? After what Geoffrey did? Naiinis na tuloy siya sa mga lalaki na kagaya ng ex-boyfriend niya.
"You are obviously drooling. But can I spare your time just a moment?" sa halip ay saad nito habang nagpalinga-linga sa paligid. Parang 'di naman maproseso ng utak niya ang sinabi nito. Ang hangin din pala ng isang 'to. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata.
'Sh*t! Makalaglag panty. Those enticing emerald eyes! Nakakahipnotismo.'
"I said can I borrow you for a while?" untag nito. Doon niya lang naintindihan ang sinabi nito. Borrow? Ano siya gamit para hiramin? Pero may naisip siya at since bored siya ay sakyan niya na lang kaya ang trip ng guwapong nilalang na ito kahit na nakakairita ang paraan ng pag-approach nito sa kanya.
'Talaga at hihiramin niya ako? Funny but I'm free now. Why not?' aniya sa isip. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ayaw niya namang masira ang impression nito sa kanya kaya sakyan na niya. Saka parehas naman silang walang mga kasama.
"Sure! What is it?" kunwa ay kaswal lang siya. Congrats naman sa kanya!Hindi siya nautal kahit na palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil bigla ba naman nitong hinawakan ang kanyang kanang kamay.
"Can you act?" anito. Seryoso ba ang lalaking ito sa tanong na 'yun? Pangarap niya nga naman dati 'yon pero mas bumagay siya sa pagrarampa.
"Yup!" medyo naguguhan siya sa tanong ng lalaki. Naghahanap ba ito ng artista? Recruiter ba ito o endorser? Marahil ay hindi siya nito kilala. Sabagay, mukha itong iba ang lahi kaya baka nga hindi siya kilala.
"Okay!" at hinila siya nito palapit pa lalo sa katawan nito at inakbayan. Literal na nanlaki ang kanyang mga mata.
"In return, I'll treat you for dinner," dagdag nito. The typical womanizer moves.
Naiilang na tiningala niya ang estranghero. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na purihin ang lalaki. Wala namang masama dahil malaya na siya at wala siyang karelasyon sa ngayon.
'Sobrang guwapo niya talaga. Sh*t!'
Bigla namang tumunog ang phone nito at sinagot naman nito gamit ang kaliwang kamay habang ang isa pang kamay ay nakaakbay sa kanya. Medyo kinilig siya doon dahil hindi man lang siya nito nilalayo rito kahit na may kausap. Wala yatang pakialam na marinig niya ang kung anumang pag-uusapan nito at ng kausap nito.
'Kalma! Acting lang 'yan okay?' saway niya sa sarili. Marami naman siyang guwapo na nakakasalamuha at manliligaw, pero gusto niya kasi 'yong may thrill. Iyong hindi lantaran ang pagpapakita ng pagkakagusto sa kanya.
"Yes?" sagot ng lalaki sa kabilang linya. Saglit pa siya nitong sinulyapan habang nakikinig sa kausap sa kabilang linya.
"I'm busy, Shantal," anito. Napangiwi siya sa sinabi ng lalaki. Talagang womanizer ang isang 'to. Isa sa mga paasa kaya marami pa rin ang naghahabol.
'Sino kaya 'yun?' tanong sa isip ni Donessa. Busy daw?
'Busy my a*s!' Inismiran niya ito ng palihim. Kung inaakala nito na ganoon lang siya kadaling makuha ay nagkakamali ang estrangherong.
"It's more important than anything else. Bye!" putol nito sa tawag. Napangiwi na lang siya. Naramdaman naman niya ang pagtanggal nito braso nitong nakaakbay sa kanyang balikat. Bahagya pa siyang nakaramdam ng hinayang. Pero bigla naman siya nitong nginitian at inilahad ang kamay saka lang naisipang magpakilala sa kanya.
"Hi, gorgeous! I'm Dwight and you are?" nakangiting pagpapakilala nito. Hinayupak naman at talagang biniyayaan din ng kaguwapuhan. Kung ang mga kapatid niya ay guwapo, ito namang lalaking ito ay naiiba rin ang kaguwapuhan. Basta sa paningin niya ay charming kapag ngumingiti. Alanganin naman na tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. Bahagya pa nitong pinisil ang palad niya at hindi niya iyon inaasahan. Hmm, nagsisimula na itong magparamdam.
"I'm Donessa Salvatore," pagpapakilala niya naman na nagpabura sa malapad nitong ngiti. Now he knew her name.
"Y-you are Donessa Salvatore?" bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Matiim siya nitong tinitigan at parang may pilit na inaalala.
"You heard it right. Why? Do you recognize me?" naaaliw na tanong niya sa binata. Ang natatandaan niya ay nagsalita ito ng Tagalog noong encounter nila kaya bakit hindi na lang niya ito kausapin sa lengguwahe nila?
"I- I think I heard it already. I'm sorry but I have a short term memory loss...sometimes."
Gulat na napatitig si Donessa sa binata. Seryoso ba ang lalaking ito? Sabagay, sa dami ba naman sigurong nauugnay rito ay hindi na nito matatandaan ang ilan lalo na at hindi naman nito madalas nakakausap. What they had is just an encounter accidentally, in a bar.
"Sorry about that, but it's okay," mapang-unawang wika rito. Mukha ngang nagsasabi ito ng totoo. "Anyway, can you speak Tagalog?" Nakita niya'ng nanlaki ang mga mata nito na parang nagulat.
"I do. I mean, oo. Sorry, Filipino ka ba?" anitong hindi alam kung ano ang sasabihin. Bakit naman mukha itong nataranta?
"Oo, Filipino ako. Ikaw ba?" Kaswal na ang pag-uusap nila na parang matagal ng magkakilala, though may kaunting ilangan sa pagitan nila at ramdam niya 'yon.
"Wow! Sorry, hindi ko alam. Hindi kasi halata sa mukha mo dahil mukha kang foreigner," natutuwang komento nito. Parehas pala sila ng iniisip.
"Well, may lahi lang kaming kastila so that explains why. Ikaw rin eh, akala ko foreigner ka," wika niya naman dito. Nakita niya ang maluwang nitong ngiti at nangingislap ang mga mata na halatang naaaliw sa pinag-uusapan nila.
"Phew! Parehas pala tayong may dugong banyaga. Filipino-American nga lang ako," anito naman. Lalo siyang natuwa dahil sa nalaman. At least pala may lahi itong pinoy kaya magkakaintindihan sila. Pero biglang napawi ang ngiti niya nang maalala ang pabor nito sa kanya.
"Oo nga pala, bakit naisipan mong magpanggap ako? Ako pa talaga ang nakuha mo, ha? Kung hindi lang kita sinakyan sa trip mo ay iisipin kong recruiter ka ng isang talent," natatawang aniya habang naiiling. Nakita niya naman ang pagkagusot ng mukha nito.
"That's a very bad impression for me that I ever heard." Napapasipol pa ito na mukhang disappointed. Hindi niya mahulaan kung ano ang propesyon nito. Kung sa modelling ito ay dapat kilala na niya dahil doon ang kanyang mundo sa industriyang iyon. Ayaw niya naman itong tanungin tungkol sa propesyon nito dahil baka isipin ng lalaking ito na interesado siya rito. She's not the type of girl who make a first move. In fact, she's hard to get when intering into a relationship. She just testing men if they're worth for her. Ayaw niya namang pumasok sa relasyon na naglalaro lang that's why Geoffrey was her first heartache dahil ito lang ang naging seryoso at matagal niyang karelasyon.
"That b*stard!"
"Come again?"
Nabalik naman sa kasalukuyan ang isip ni Donessa. Hindi niya namalayang naisatinig niya pala ang pagkainis sa dating kasintahan. Wala naman na siyang nararamdamang pagmamahal kay Geoffrey pero hindi pa rin siya maka-get over sa pride niya'ng nasaktan. She is Donessa Salvatore and she is precious to her clan in case they don't know.
"I'm sorry. May naalala lang ako. Anyways, what shall we do now?" sa halip ay tinanong niya ito tungkol naman sa gagawin nila umanong pagpapanggap.
"Ah, that? This is it! See that lady approaching towards us?" anito at may itinuturong babae na hindi maipinta ang mukha. Matangkad ang babae, maputi at para ring modelo ang pangangatawan. Revealing ang suot nito na halatang liberated na tao. Pero ang mukha nito ay average lang. Gumanda lang sa make up na nilagay na kasingkapal yata ng alikabok ng isang bahay na dinaanan ng sandstorm. Tumango siya sa tinuturo ni Dwight.
"Phew! Matinik talaga 'yang babaeng 'yan. Wala naman akong ginawa para habulin niya ako at hindi ko rin naman siya pinapaasa. Nginitian ko lang 'yan nagayuma na. We will act now as a sweet couple, can you do that?" anito saka kaagad siyang inalalayan paupo sa upuan niya. Ito na ang lumipat ng mesa at sa kaharap na upuan niya naman ito umupo ngayon.
Napataas ang isang kilay ni Donessa. Mapapasubo siya sa isang bagay na lubhang delikado. Paano kung makilala siya ng babae at baka namalayan na lang niya, nasa dokumentaryo na ang kanyang pangalan habang sinisiraan. May pagkabaliw rin 'tong kasama niya at hindi nag-iisip.
"I can. Pero hindi ko masyadong ipapakita ang mukha ko. Tatalikod na lang ako sa banda niya at ayusin mo nang maitaboy mo bago niya pa ako masabunutan. Kapag ako napahamak, humanda ka sa aking siraulo ka. Mapapasubo ako sa kalokohan mo na kung tutuusin 'di naman kita kaano-ano—"
"Oo na, dami namang sinasabi. Chill ka lang. Palapit na siya," paalala nito at biglang hinawakan nito ang kamay niya. It may sound cliché but her hands were already at the top of the table. Kaya naman pala mabilis na sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito dahil umaayon ang nangyayari. Bahagya pa siya'ng nagtaka nang magsalita si Dwight.
"Done! Thanks to your cool act," anito at binuntutan ng mapanuksong tawa.
'Iyon na ba 'yun?'
Anong effort ang nagawa niya gayong nakaupo lamang siya sa harap nito habang hinahayaan itong paglaruan ang mga kamay niya na nasa ibabaw ng mesa?
'Wow! Parang wala lang, ah! Gusto lang yata ng lalaking ito na mahawakan ang mga kamay ko.'