Chapter 2

1202 Words
Nababagot na si Donessa sa kahihintay sa boyfriend niyang si Geoffrey pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumadating sa bar na pinuntahan niya sa isang street doon sa Italy. Makailang beses na niyang tinawagan ito sa kanyang cellphone pero hindi naman sinasagot ng boyfriend niya. Usapan nila na roon sila magkikita at kailanman ay hindi pa ito nahuhuli sa oras pero ngayon ay kalahating oras na itong late. “D*mn him!” inis na inisang lagok niya ang alak na in-order niya. Ilang ulit pa niyang sinubukang tawagan ito pero gano’n pa rin. Hindi pa rin sinasagot. Kinutuban na siya kahit alam niya sa sarili niya na wala siyang nagawang mali. Lately kasi ay napapansin niyang panay busy ang alibi sa kanya ng boyfriend niya. Kapag nagkikita naman sila ay tahimik lang ito at kikibo lang sa kanya kung ‘di pa niya kausapin para iparamdam ang presensiya niya. Ayaw niyang isipin na nawawala ang value niya hindi lang bilang babae kung ‘di pati na ang pagiging kilalang personalidad niya. Mayamaya ay bigla itong nagtext na hintayin pa ito ng ilang minuto. Matiyaga siyang naghintay, tutal naroon na rin naman siya. ‘This is not so me. D*mn you, Geoffrey!’ hiyaw niya sa kanyang isip. Makakatikim ng galit niya ang lalaki sa ginawa nitong pagpapahintay sa kanya. Siya si Donessa Salvatore na kilalang fashion at ramp model pero heto siya ngayon at malapit nang malango sa alak dahil sa isang lalaki. Such a shame! Bahagya pa siyang nagulat nang may tumabi sa kanya. Paglingon niya ay si Geoffrey iyon na parang aburido ang mukha at lukot. “Narito ka na pala. Ba’t ‘di mo sinabi—” “Stop nagging, ‘Ness. Not now,” naiiritang saad nito na kaagad ininom ang alak na nasa baso niya. “Give me one hard drink,” anito sa bartender. Hinarap niya ito at namaywang. “At bakit hindi, Geoffrey? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin?” aniya na nagpakunot-noo rito nang tingnan siya. “I just told you to stop nagging me. Lalo lang umiinit ang ulo ko!” anito na tumaas na ang boses. Nagulat siya sa pagsigaw nito. Ngayon lang ito nagtaas ng boses sa kanya. Dalawang taon na silang magkasintahan at maayos naman ang lahat. Kapwa Pilipino niya ang boyfriend pero isa itong Chef sa isang restaurant dito sa New Jersey. “Sinisigawan mo ako? So, ako ang dahilan kung bakit mainit ang ulo mo ngayon, Geoffrey?” mahina ngunit may diin ang boses na tanong niya rito. Kapag ganoon na siya ay seryoso na siya at galit. Minsan lang siya nagagalit dahil mahinahon siyang tao. Mukhang natauhan naman ito at naging malambot ang mukha. Bigla namang tumunog ang cellphone nito sa bulsa kaya nalipat doon ang atensyon nito. Seryoso itong nagtitipa sa cellphone nito. Sa inis niya ay marahas niya iyong hinablot at binasa ang mga messages. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang text ng nagngangalang ‘Darling’. Mabilis naman itong naagaw sa kaniya ng nobyo. Nanginginig ang mga kamay na nasampal niya ito. Hindi niya mapigilan sa pag-uunahan ang mga luha bugso ng nararamdamang sakit sa dibdib. “Sino ‘yang darling na kausap mo ngayon?” garalgal ang boses na tanong niya rito. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Akma siya nitong hahawakan pero umurong siya at muling nagtandibdi “Are you cheating on me? D*mn you! How dare you?” sigaw niya sa harap nito. Wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang iskandalosa. Wala namang makakikilala sa kanya dahil hindi mas’yadong crowded ang lugar at nasa sulok na bahagi sila ng bar. Gusto niya lang malaman kung bakit ganito na sa kanya si Geoffrey. “L-Let me explain, Ness. It’s not what you think,” mahinahong saad nito na akma siyang hahawakan ulit. “Don’t! Mukhang hinihintay ka na ng darling mo sa soft matress niya,” sarkastikong saad niya rito. Mas lalo siyang nasaktan nang tumayo ito at hindi na muli pang nagsalita. Atubili pa itong naglakad palayo pero kaagad ring lumisan nang mabilis. I don’t care! Gusto niyang isigaw pero hindi niya magawa. Gusto niya itong habulin at yakapin. Tanungin kung totoo ba at kung bakit nagawa nito iyon? “Bakit, Geoffrey? Am I not enough?” tanong niya sa kawalan. Nasasaktan hindi lang ang puso niya kung ‘di maging ang kanyang pride. Mabilis na tumakbo siya palabas ng bar na hilam sa luha ang mga mata. Muntik pa siyang matumba sa lakas ng impact nang may makabangga siya. Hindi niya na kasi nakikita nang malinaw ang daraanan niya dahil sa nanlalabo ang paningin niya. “Miss, are you okay?” tanong ng nakabangga niya. Kahit hilam sa luha ang kanyang mga mata ay nakikita niya pa rin kung gaano kaguwapo ang kanyang kaharap. Ipinilig niya ang ulo at mabilis na kumalas sa pagkakahapit nito sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa tabi ng daan para maghanap ng masasakyan. Mabuti na lang at may namataan na siyang masasakyan. Pinara niya ang taxi na nakita niyang padaan. “Pare-pareho lang sila. Iba-iba lang ang mukha pero iisang kampon lang ang pinagmulan. Mga manloloko!” hiyaw niya sa isip. Akmang sasakay na siya nang muli ay may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay ang lalaki na nakabunggo niya ang nakita niyang humahangos papalapit sa kanya para pigilan siya. Nagmamadali ito sa paglapit kaya napahinto siya. “Naiwan mo ang ID mo,” anito at ibinigay sa kanya ang isa sa mga ID niya. Kinuha niya naman iyon sa kamay nito at mabilis na sumakay sa taxi. Ayaw niyang makipag-usap pa sa kung sinong estranghero. Nakita pa niya sa rearview mirror ang mga tingin nito sa kanyang sinasakyan. Para bang nanghihinayang. Typical womanizer. “Bahala ka riyan!” naiinis na hiyaw niya sa isipan. Hindi na siya nakapagpasalamat dito. Napahinga siya nang malalim at in-off ang kanyang cellphone. Gusto niya munang umiyak at magmukmok sa unit niya. Napakasakit na mahuli mo ang boyfriend mo na may naghihintay na ibang babae. Ano ba ako sa kanya? Kulang pa ba ako? May mali ba sa akin? Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Para siyang lutang at palagay niya ay manhid ang puso niya. Ngayon lang siya nakaranas ng panloloko. She’s being always a good girlfriend. Gusto niya sanang umiyak nang umiyak pero wala ng lumabas na mga luha. Nakatunganga lang siya sa kawalan. Hindi ka kawalan sa akin, Geoffrey. Marami ang nagkakandarapa sa atensyon ko. How dare you! Galit siya dahil nasaktan siya. Pero ang mas nasaktan sa kanya ay ang kanyang pride. Nakapagtataka dahil dalawang taon silang magkasintahan at totoong minahal niya si Geoffrey pero parang wala na siyang mailuluha. Masakit kasi niloko siya samantalang siya ay hindi iyon ginawa. She is a one-man type of lady, loyal, and ready to commit for her beloved. Baka nagtiyaga na lang siya sa relasyong wala ng patutunguhan. Maybe Geoffrey finds it boring. A Salvatore never seeks an attention. My name stands out in the crowd so why would I waste time on him? As they say, don’t be a woman that needs a man. Be a woman a man needs. Hindi kita kailangan, Geoffrey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD