CHAPTER EIGHT

1010 Words
"Ayan 'di nakababa ka rin. Sorry na kung natakot kita, Miss. Pero kahit kabayo lang iyang si Ashton napapagod din siya. Iyan ang dahilan kung bakit pansamantala muna tayong tumigil dito. Kailangan din niya ang tubig para maiuwi niya tayo sa bahay lalo at ilang oras pa ang tatakbuhin niya." Demonyo man siya sa paningin ng iba pero hindi pa naman siya ganoon kasama upang patulan ang babaeng halatang walang kalaban-laban. Kung may nais man siyang komprontahin sa oras na iyon ay ang mag-iina at mortal niyang kaaway. HINDI naman galit si Faith Ann sa lalaking tumulong sa kaniy. Pero talagang nagkatrauma siya sa nangyari. Idagdag pa ang pagsakay niya sa kabayo sa unang pagkakataon na para bang hangin sa tulin kung tumakbo. Hindi lang niya makuha-kuha ang damdaming sumagot dito. Lalo at halos mahubaran siya dahil punit naman ang kasuutan niyang pangloob at ang tanging doctor's coat lang ang matino niyang suot. Ang buhok nga niyang maayos ang pagkatali ay sabog-sabog na. "Hmm, sorry kung nagalit kita. Dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Mga lawyers sa aming bansa ngunit sa awa ng Diyos ay hindi ko pa naranasan ang ganito. Idagdag pa ang kabayong iyan. Kailanman ay hindi ako nakasakay ng kabayo. Ako pala si Faith Ann Sandoval Hererra. Half Filipino and half London'er. Ikaw ano ang pangalan mo?" pahayag ng dalaga kasabay nang pagtanong sa pangalan nito. "Travis Ace Tritts ang buo kong pangalan. Subalit Ace ang tawag ng karamihan sa akin. Ang demonyo sa lupa pero hindi ako masamang demonyo dahil kung masama akong tao ay pinabayaan ko na kayo ng mga kasamahan mo. Heto isuot mo muna itong coat ko kanina ka pa hatak nang hatak sa suot mo. Hindi naman kita bubusuhan." Naipilig pa ng binata ang ulo habang iniabot ang coat niyang punong-puno ng bala at armas. DAHIL sa sinabi ng binata ay tuluyan na niyang hindi pinansin ang mga armas sa mga bulsa ng coat. Pero hindi nakaligtas sa kaniya ang mukha nito na halatang naguguluhan kaya't hindi rin siya nakatiis na hindi ito tinanong. "May problema ka ba, Ace? Kasi parang balisa ka eh," aniya saka naupo sa tabi nito. Nagmistula tuloy silang matagal nang magkakilala dahil sa kasalukuyan nilang sitwasyon. Magkatabing nakaupo sa ilalim ng punong-kahoy. Pansamantala lang naman ang pagtigil nila dahil kailangang mamahinga ang kabayo. Kaso! "Hey! Ikaw na--- Umalis ka nga sa tabi ko!" Sa gulat ay napalakas ang boses niya. Aba'y sino ang hindi magugulat samantalang bigla na lamang siyang dinilaan ng sinakyan nilang kabayo. Sipain sana niya kaso baka ibalik sa kaniya. "No huwag kang matakot dahil lambing lang niya iyan sa iyo. Mabait iyang alaga ko. Kaya siya naglalambing sa iyo dahil ganyan din ang ginagawa sa akin. Alam mo bang ikaw pa lang ang unang pinasakay niyan bukod sa akin? Ilang beses na nila iyang ninakaw sa kuwadra pero laging bumabalik sa akin. Himala nga dahil gusto ka niyang lambingin samantalang hindi niya iyan gawain sa ibang tao ako lang ang nilalambing niya." Mainitin ang ulo niya. Oo, aminado siyang maiksi ang pasensiya niya at bihirang makita ang ngiti sa labi. Subalit sa pagkakataong iyon ay kusang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Inosenting-inosenti ang babaeng kaharap kumpara sa mga kakilala niya. Kulang na lamang ay maghubad sa kaniyang harapan. "Sigurado ka ba riyan? Baka mamaya niyan eh sipain ako eh," anitong halatang takot na takot pa rin. Hindi na siya sumagot bagkus ay hinarap ang alagang si Ashton. "Sit, Ashton sit. Huwag mo namang takukin si Ann. Gusto mo siya?" tanong niya. Kumbaga humagikhik ang kabayo dahil napa-wehehe na ito ang nilambing-lambing. "Sabi ko naman sa iyo, Ann. Gusto ka niya kaya't huwag ka ng matakot sa kaniya. Halika ka rito sa tabi niya." Baling niya rito pero umiling-iling ito. "Kausapin mo kasi para mawala ang takot mo sa kanya," aniyang muli. Halatang hinamig pa ang sarili upang sumagot. "HUWAG mo akong takutin ha. Kasi ito ang kauna-unahan kong pagsakay sa tulad mo." Nanginginig na saad ni Faith Ann. Parang tao ang kabayo na agad siyang pinaghahagkan at kulang na lang ay pati sa labi niya. Aso alam pa niyang ganoon sila kalambing kaso naiiba ang kabayong pagmamay-ari ng saviour niya. Nakakausap nila ito kahit na hindi nakakapagsalita ng salita ng tao. Para itong asong naturuan ng pananalita lalo at parang gusto nitong magpakarga sa kanya kaso kabayo nga eh! "Yakapin mo raw, Ann. Iyan ang ibig niyang sabihin." Muli ay singit ni Ace. Kaya naman hindi na siya nag-atubling gawin ito, iniyakap niya ang braso sa ulo nito saka idinikit ang mukha dito. "Okay ka na, Ashton? Kailangang makauwi na tayo dahil baka nag-aalala na sina Mizzam at Muro." Ilang sandali pa ay hinaplos-haplos nito ang alagang kabayo. "Okay, good boy," muli nitong sabi nang sumagot ito sa salitang hayop kaya't agad sumampa sa likod nito. Tumingin ito sa kanya kaya't agad na rin siyang tumayo at inabot ang palad nito na umalalay sa kanyang pagsampa din kay Ashton. Ilang sandali pa ay tahimik na nilang nilakbay ang disyerto na ayon dito ay dalawang oras bago sila makarating sa tahanan nito. 'Diyos ko, iligtas mo po kami sa ano man sakuna. At sana ay hindi na maulit ang aksidenteng ito.' Taimtim niyang panalangin SAMANTALANG agad-agad ding nakarating sa mag-iinang Tritts ang kaganapan. Kaya't labis-labis ang galit na lumukob sa pagkatao ni Mrs Tritts. Halos lahat na nang nahahawakan ay nababasag. "Mommy, relax and calm yourself. Marami pa namang pagkakataon upang muling magsagawa ng panibagong plano laban sa hayop na iyon," saad ni Fudail. "Tama naman si Fudail, Mommy. Ikaw din ang inaalala namin. Baka ang kalusugan mo ang mapasama." Segunda ni Ashram sa kapatid. Ngunit kahit ano'ng gawin nilang pagpakalma sa kanilang ina ay wala ng saysay. Dahil bigla itong humarap sa kanila habang nakapamaywang. "Lumayas kayong lahat sa harapan ko mga inutil! Wala kayong silbi!" Mga ilan lamang sa nanulas sa labi nito. Subalit halos wala namang nais manulas sa labi nang biglang sumulpot sa kanilang tahanan ang taong dahilan kung bakit galit na galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD