CHAPTER SEVEN

1045 Words
"May problema ka ba, wifey? Para kang balisa." "I am troubled but I don't have a problem. Hindi ko Lang maunawaan ang aking pakiramdam." "Sa lagay na iyan ay naiisip mo ang mga anak natin. Dahil sa katunayan ay nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring tawag si Faith Ann. Even our son, George is not in town." Sa pahayag na iyon ng Ginoo ay napahingang malalim si Ginang Gracelyn. They are living in London where they met each other many years ago. And God blessed them with two children. One boy who became a lawyer as his mother and a lady who succeeded her father's footsteps, a general surgeon. "Marahil nga ay sila ang iniisip ko, hubby. Dahil dati-rati namang agad tinatawag si Faith Ann kapag nasa medical mission. Kahit pa walang internet ngunit ginagamit ang personal call. It's been two days since she left our home. Samantalang si George ay mukhang isinubsob na naman ang sarili sa meeting." "Let's pray for their success wherever they might be right now, wifey. Ang kaligtasan nila ang tangi kong hangad para sa kanila." HINDI na sumagot ang Ginang bagkus ay tumango-tango na lamang siya. As a mother's instincts, she can feel that there's something wrong with her children. She just can't insist because she doesn't have a proof. "NASAAN na kaya si pareng Ace?" "Hindi ko na napansin, bro. Akala ko nga kanina nasa likuran lang natin kaso nandito na tayo sa bahay niya kaso wala pa siya." Kaso bago pa man sila makapagsalitang muli ay lumabas na ang Yaya ng kaibigan nila. "Oh mga anak saan kayo galing? Diyos na mahabagin ano'ng nangyari sa inyo? Sino sila?" sunod-sunod nitong tanong sa kanila. "Napalaban lang po Anika. Hindi sa ganoon pero..." Tuloy ay hindi alam ni Mizam kung paano ipagtatapat dito ang tungkol sa engkuwentrong kinasangkutan nilang magkakaibigan at tauhan nito sa Elites Special Forces. "Umayos ka, Mizzam. Matagal-tagal na rin kayong nanahimik kaya't huwag kang magbiro ng ganyan. Hala, magsipasok kayo upang magamot sila," anitong muli. "Sige po, Anik. Pero totoo ang sinasabi ni Mizzam. Sa katunayan rescued lang namin sila. Hindi namin sila kilala. Tama po napalaban kami dahil sa pagtulong sa kanila. Sila na nga lang po ang naabutan naming buhay kaso biktima na rin sila nag panggagahasa." Sinalo na lamang din ni Muru ang kaibigan. "Ano? Akala ko ba ay kinalimutan n'yo na ang tungkol sa mga ganyang bagay? Naku kung kailan akala ko ay tahimik na kayong lahat eh. Sa lagay na iyan nasaan si Ace? Iyan ba ang dahilan kung bakit ipinahatid niya ang banyagang kaibigan? Ah, ako ang nahihilo sa inyong lahat." Natampal ng Yaya ang noo dahil sa nalaman mula sa mga kaibigan ng mag-among Ashton at Ace. Siya ang tumayong Nanay nito kaya't alam niya ang pasikot-sikot sa buhay nito. Kahit malagay sa panganib ang buhay basta makatulong sa kapwa. Pero Ito ang demonyo sa imahe ng lahat. SA tanong nito ay nagkatinginan silang lahat. Dahil nandoon naman na ang lahat kasama ang mga elites. Tama silang lahat dahil buong grupo nakabalik ng siyudad kaso ang humikayat sa kanila upang lumaban at iligtas ang mga biktima ay siyang nawawala. "Tinatanong ko kayo, Mizzam, Muru. Aba'y nandito na kayong lahat pero nasaan si Ace? Sagutin n'yo ako! Nasaan ang alaga ko?!" hiristekal nang tanong ni Anika dahil hindi makita ang alaga. Hindi siya ang nagluwal nito ngunit siya ang nagpalaki rito. Kaya't hindi siya masisisi ng lahat kung ganoon na lamang siya mag-react. "Anika, pasensiya ka na pero buong akala namin ay nakasunod siya sa amin. Dahil nang napatay na namin ang lahat ng mga demonyo ay agad kaming umalis doon kasama ang mga iyan(sabay turo sa mga nailigtas na biktima). Kahit si Ace may sakay siyang babaeng sa unang tingin pa lamang ay isang doktora. Nawala sa aming isipan ang muli silang lingunin kaya't ngayon lang kami nakahalatang wala pala sila. Sorry, Anika," paliwanag ni Mizzam. Nauunawaan naman nila ito. Ito ang tumayong ina ng kaibigan at katrops nila. Bago pa man mabuo ang grupo nila ay nakikita na nila ito sa tahanan ng mga Tritts. "Huwag kang mag-alala, Nana. Dahil kilala mo naman si Ace. Tama demonyo siya sa imahe ng mga tao pero ikaw na mismo ang nakakakilala sa kaniya. Alam niya ang ginagawa niya sa katunayan siya ang humikayat sa amin upang iligtas nila. Baka may dinaanan lang sila kaya't nahuli na ng husto," hindi rin nakatiis ang isa sa taga-Elites Special Forces na hindi ipahayag ang saloobin. Lalong-lalo at napahawak ang Yaya ng boss nila. "Tama po sila, Anika. Kaya't huwag ka ng mag-alala dahil baka mamaya-maya lamang ay nandito na iyon." Sang-ayon na rin ni Muru. Malakas naman kasi ang kutob nilang buhay na buhay ito. Ito pa bang napakadulas ang bala upang ito mapapahamak? Sa simpleng black coat nito ay armas na pala ang laman. Negosyante sa paningin ng mga ito tao. A ruthless businessman but he is also the founder and owner of Elite Special Forces. SAMANTALA, makaraan ng ilang sandaling pagtakbo ni Ashton ay tinapik ito ni Ace upang tumigil. Agad din naman itong sumunod kaya't sinamantala na rin ng binata ang bumaba mula sa kabayo upang makapagpahinga din ito. "Miss, halika na muna." Pukaw niya sa babaeng halatang takot na takot. Hindi naman siya santo pero aliw na aliw siyang nakikita ito sa kainosentehan. "Huwag kang mag-alala dahil malayo na tayo sa kanila. Halika na muna rito sa baba upang makapahinga muna tayo," aniyang muli dahil halatang nanginginig ito. Hindi na nga niya alam kung saan pa ito natatakot samantalang nakalayo na sila sa mga humahabol sa kanila. "Look, alam kong natatakot ka pero wala along balak gawan ka ng masama. Dahil kung mayroon hindi ko na isinugal ang kaligtasan namin ng mga kasama ko, ng mga tauhan ko. Pero kung gusto mong palayasin ko ngayon si Ashton para madagdagan ang takot mo ay gagawin ko kapag ayaw mong bumaba riyan." Hindi na naitago ng binata ang inis dahil ilang beses na niya itong sinasabihan kaso wala yatang balak bumaba kay Ashton. Kaso lihim din siyang nakosensiya nang nakita sa mukha nito ang takot. Sa huli niyang tinuran ay mas bumalatay ang takot sa mukha nito pero tahimik din nitong iniabot ang palad sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD