CHAPTER NINE

1319 Words
"Kayo na nga ang may kasalanan kayo pa ang may ganang magalit! Mga taong walang magawa sa buhay!" Kulang ang galit upang ilarawan si Ace sa oras na iyon. Patunay lamang ang pamumula ng mukha. "Watch your language, you brat!" ganting-sigaw ng Ginang. "Ikaw ang umayos, Mrs Tritts! Dahil sa kakitiran ng utak ninyo ng mga anak mo ay maraming buhay ang nawasak!" "Bastos ka talaga, Ace! Mrs Tritts lang ang tawag mo sa akin samantalang step-mother mo ako. Makikita mo, pagsisisihan mo ang araw na---" Pero dahil sa galit ay hindi na iyon pinansin at mas hindi pinatapos ni Ace ang Ginang. Pinutol niya ang pananalita nito. "Bastos na kung bastos! Diyan ka naman magaling, Mrs Tritts! Kung maaari ko lang sanang piliin kung sino ang maging magulang ay matagal nang ginawa! Pero tama ka, step-mother LANG kita hindi mismong ina! Wala naman sanang problema sa bagay na iyan dahil hindi lang naman ikaw ang nagkaroon ng step-son. Ngunit masyado kang ganid! Kaya nga mas bastos pa sa pinakabastos ang mga anak mo kaysa sa iyo! "Step away from me! Never think of laying your finger to me. Or else you will regret your action!" Mula sa kaharap na step-mother ay malamig niyang binalingan ang chief of security sa mansion nila. Kaso nakinig nga ito subalit ang chief of private armies naman ng ama ang lumapit at akmang hahawakan siya. "I warned you, people! Try to lay a tip if your finger to me and you will see!" Nag-aapoy ang mga mata niyang lumingon dito. Kaso! "Ano'ng kaguluhan na naman ito, Ace Travis? Sa tuwing dumarating ako mula sa business trips ay kaguluhan ang isinasalubong mo. Hanggang ngayon pa ba ay inaaway mo ang ina mo?!" Boses na nanggaling sa kanilang likuran. "Papa!" "Honey!" "Big boss!" Sabayang sambit ng mga nandoon maliban kay Ace na hindi maipinta ang mukha. "Huwag kang bastos, Ace! Kinakausap kita kaya't huwag kang tumalikod. Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ibig sabihin nito!" Dinig niyang saad ng kaniyang ama kaya't bahagya siyang tumigil. Subalit hindi siya nag-abalang lumingon upang makaharap ito. "Buksan mo ang iyong mga mata. Iyan ang sagot ko sa lahat nang sinabi mo. Huwag kang magbulag-bulagan. Dahil baka isang araw ay wala nang natira sa iyo. Tandaan mo iyan!" Hindi na rin niya napigilan ang sariling huwag pagtaasan ng boses ang ama. Dahil kahit hindi nito sabihin ay halatang kinakampihan na naman ang mag-iinang nagmistula nang kuhol. Sa kadahilanang kabaliktaran na mula sa nakalipas na oras. "Pigilan n'yo siya! Palalo na ang taong iyan!" "Subukan ninyong gawin iyan tingnan natin kung saan kayo pupulutin!" "Ano ba?! Sino ang amo ninyo, ako o si Ace?" "Kako, subukan n'yong lumapit sa akin at buhay n'yo ang kapalit!" Nagpalitan ng salita ang mag-amang Ace Travis at Howard Jones. Kaya naman ay napanganga an pinagsamang private armies at securities ng mansion. Hindi nila alam kung sino ang susundin. Ang amo nilang matanda na nagpapasahod sa kanila o ang panganay na anak na kilalang demonyo sa lupa. Wala itong pinapatawad. Kahit nga ama at mga half-brothers at step-mother ay balewala lang dito. Ang hindi nila maunawaan ay takot silang lahat sa bata nilang amo. "Punyet*! Ako ang nagpapasahod sa---" Marahil dahil sa galit at pagod mula sa pagtravel ay nanikip ang dibdib ni Mr Tritts. Kaya naman ay hindi na natapos ang sinasabi. "Help! Help! All of you, what are you looking for? Take your master to the hospital now!" sigaw ni Mrs Tritts. Kaya naman ay napalingon ng wala sa oras si Ace. Ngunit sinamantala iyon nina Fudail at Ashram. "Salot ka talaga, Ace! See? Ano ang bunga ng kabastusan mo? Oras na may mangyaring masama kay Papa ay ikaw ang unang-una kong sisingilin!" "Ano pa ang ginagawa mo! Lumayas ka rito! Huwag na huwag kang magpakita rito oras na may masamang mangyari kay Papa. Lumayas ka!" Maaanghang na salita mula sa mga ito. Kaya naman imbes na lapitan niya ang ama ay muling umusbong ang galit sa kaniyang dibdib. "Tsk! Tsk! Kayong dalawa---ah, mali pala ang pagkasabi ko. Kayong mag-iina ang salot sa lipunan! Huwag n'yong ipasa sa akin. Mga pakitang tao lang naman kayo. Wari'y nalunok n'yo nga ang inyong---shut up! Ito ang tandaan ninyo! Walang ibang may kasalanan oras na bumagsak ang kalusugan ni Daddy! Imbes na dalhin n'yo siya sa hospital for further check up ay inuuna n'yo pa ako!" "Ikaw naman, Daddy. Buksan mo ang iyong mga mata kung ayaw mong mawala sa iyo ang lahat ng pinaghirapan mo!" Kabastusan na kung kabastusan ngunit umalis na siya at hindi na lumingon pang muli. Dahil sa katunayan ay awang-awa siya sa kaniyang ama. SAMANTALA, dahil sa takot ay lumipas ang maghapon na nagkukulong si Faith Ann sa silid na ipinaukupa sa kaniya ng saviour nila ng mga kasamahan sa medical mission. "Saglit lang po," saad niya nang may kumatok sa pintuan. Dahil sa pag-aakalang ito ang dumating ay ibinalot niya sa katawan ang bathrobe na ginamit niya nang umagang iyon sa pagligo. Sa katunayan ay wala rin naman siyang pagpipilian kundi ang mga damit na ibinigay ng Yaya umano nito. "Oh, Hija. Aba'y bakit balot na balot ka? Napakainit ngayon ang panahon ngunit ang kapal ng suot mo." Salubong sa kaniya nang napagbuksan na walang iba kundi si Yaya Anika. Hindi siya agad nakasagot dahil inaya niya itong pumasok at pinaupo sa sofa. "Eh, akala ko po kasi---" Kaso ang pangangatwiran sana niya ay hindi na natapos dahil siya na rin ang tumigil. Nakahiyaan na niya ang umamin. "Hija, kung iniisip mong si Ace ang kumatok ay kalimutan mo na. Dahil bihira ring nandito ang alaga ko. Kahit nandito ay mas madalas sa kuwadra nagtatambay kung wala silang lakad ng mga kaibigan at tauhan niya," pahayag ni Yaya Anika. "S-sorry po, Yaya. Ah, siya po pala, may sasabihin ka po ba?" tanong niya. Dahil pinapasok nga niya ito ngunit hindi pa naitanong kung ano ang sadya nito sa kaniya. "Mayroon, Hija. Nakalimutan ko lang kasi dahil sa nakabalot ka. Pasensiya na rin sa nasabi ko. Kaya pala ako pumarito dahil nais kitang yayain sa labas. Huwag kang mag-alala dahil tinanong ko na ang mga kasamahan mo. Ang sabi nila ay ikaw na lang daw. Bibili tayo ng mga pamalit ninyo," pahayag nito. "Po? Eh, wala po akong pera. Alam mo naman po---" "Alam ko, Hija. Nauunawaan ko ang nais mong sabihin sa akin. Alaga ko simula pa noong sanggol si Ace kaya't wala itong inilihim sa akin. Kaya ko kayo inaayang lumabas ay upang mapawi ang takot ninyo at higit sa lahat ay makapamili kayo ng gamit. Huwag kang mag-alala dahil pera rin niya ang gagamitin natin. Iniwan niya sa akin kaninang umaga ang isa niyang ATM card." Pamumutol ni Yaya Anika sa dalaga. Hindi naman sa unang pagkakataon na tumulong ang alaga niya ngunit sa oras na iyon lamang nangyaring iniuwi ang mga biktima. Wala pa itong maliwanag na pahayag kaya't hanggang haka-haka lang muna siya. "Ay, Yaya. Nakakahiya na po. Nalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa medical mission. Ang pagligtas po niya sa aming lahat-lahat, ang pagpatira rito ay sobra-sobra na po. At ngayon ay nais pa niya kaming ipag-shopping? Nakakahiya po." Napailing-iling tuloy si Faith Ann dahil talaga namang hindi siya makapaniwala. Sabi nito ay demonyo raw sa lupa ngunit mukhang kabaliktaran naman sa ikinikilos. Kaso mas nagtaka siya dahil napangiti ang Yaya nito. "Hija, makinig ka sa akin. Kagaya nang sinabi ko kanina ay kilala ko ang aking alaga. Kung ano man nakita mo o nasaksihan sa kaniya lalong-lalo na ang kabruskuhan ng boses ay huwag mong isapuso. Bukal sa kalooban niya ang pagtulong. Kaya't kung ako sa iyo ay huwag mo nang tanggihan," muli ay pahayag ng Yaya. KAYA naman ay wala na ring nagawa si Faith Ann. Sa isipan niya ay kakapalan na lamang niya ang sarili at lubos-lubusin ang paggambala rito. Makikitawag siya upang ipaalam sa mga magulang ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD