CHAPTER TEN

1402 Words
"WHAT a f*ck! Kitang-kita na nga ang ebidensiya laban sa kanila ay nakuha pa nilang magsinungaling! Damnit!" Napasabunot si Ace sa sarili. "Boss, alam kong aburido ka rin sa erpat mo. Kaya't ang masasabi ko ay kailangan mong gumawa ng hakbang," saad ng katiwala niya. "Kilala ba kita, Darius? Aba'y mukhang may pumasok na masamang espirito sa iyo ay." Napakunoot-noo tuloy siyang tumingin dito. "Boss, alam kong nauunawaan mo ang ibig kong sabihin. Kung maari nga lang utusan si Ashton upang pagsisipain ang mga kalaban mo ay ako ang mag-uutos rito. Kaso ilan lang naman kasi ang susundin nito. Kaya't kung mamarapatin mo ang aking suhestiyon ay gagawin ko," anitong muli. "Hmmm, talagang masamang espirito nga ang sumanib sa iyo. Okay, what it is? What's that suggestions of your? Bilisan mo at may gagawin pa ako," aniya. "Kung hindi sila madaan sa paspasan ay buhusan mo ng langis ang apoy. Tingnan mo lang kung hindi sila mismo ang madulas. Pero ang tanong, paano ang Daddy mo," pahayag nito. SA tinuran nito ay natigilan siya. Kaso mukhang inisip nitong sasakalin niya ito. Dahil itinaas ang mga palad na para bang kriminal na nasukol. "Tsk! Tsk! Makapag-suggest ay wagas na wagas. Kung gusto kitang idespatsa ay noon pa. Pero ako ang demonyo sa lupa. Diyablo nga ang tawag sa akin. But by the way, napaisip ako sa iyong suhestiyon. Since na nasa atin ang alas sa pagkakataong ito ay may naisip na akong paraan kung paano ko sila buhusan ng langis." Napataas ang kilay niya saka napatingin dito. "Tama iyan, boss. Kaya't huwag ka nang magpatumpik-tumpik. Dahil maaring mag-backfire ang lahat at baka sa iyo na naman nila ibato ang kalasanan," seryoso na rin nitong tugon. Kilala naman niya ito. Iyon nga lang ay nakatrip yata at idinaan pa sa pabirong paraa. "In the battlefield there are so many tactics in defeating their opponents. Ganoon din sa larangan ng negosyo, para-paraan lamang kung paano ito mapalago. Well, I got it, Darius. Kaya't tara sa conference room---" KASO! Ang plano nilang pagkaroon ng meeting ay hindi na nangyari. Dahil binulabog sila nang tawag. Ngunit mas kumulo ang kalooban niya ay ang dahilan kung bakit napatawag ang napakahalagang tao sa buhay niya. And that reason enough for him to clinched his teeth and clasped his palms. AFTER sometimes... "Ano sa palagay mo, Boss?" "Magaling silang magplano, Marquez. Dahil agad nilang nagawan ng paraan ang butas. But I will not let go again!" "Mas magaling ka, boss. Maniwala ka sa akin. Kayang-kaya mo silang hilain pababa. Ngunit nais ko ring itanong kung ano ang plano mo," anito. Kaya naman ay napaisip siya. Tama naman kasi ito. May sarili siyang pera kaya't maari niyang gamitin iyon. Nalabanan nga niya ang ama kahit pa sabihing hindi niya ito sinaktan physically. "Thinking of your father?" dinig niyang tanong nito. "Sinungaling ako kapag sasabihin kong hindi. After all he is my father. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang mga lintik na iyon ay kumukulo ang dugo ko sa kanilang lahat. Knowing the fact that he is just closing his eyes before them. Subalit kapag ako ay... F*ck!" Sa kaisipang palaging pinapanigan ng kaniyang ama ang mga mortal niyang kaaway ay muling kumulo ang dugo niya. "Boss, I'm with you for long time already. At sa tagal kong iyon sa iyo ay masasabi kong kayang-kaya mo silang labanan. How? Simple lang iyan, boss. Base on your previous actions, alam mo na kung ano ang gagawin mo. Your unpredictable moves will lead you to success once again. And I will dare to say that you are dealing with your step-mother and half-brothers." Pahayag nito kaya't muli siyang natigilan. 'Unpredictable Move'. Tama nga naman ito. Isinasangguni niya sa mga tauhan ang lahat dahil kahit siya ang boss ay hindi lang naman siya ang nagpapatakbo sa Elite Special Forces. But afterall the decisions are depending to him. "Well, sa pagkakataong ito ay oras ang kailangan natin, Marquez. Hayaan mo silang maging kampante dahil natalo kuno nila ako. We'll be advancing once again when they let their guard down." Mula sa pagiging seryoso ay unti-unting sumilay ang ngiting bumalatay sa mukha niya. Ngiting tagumpay. "That's it, boss. Sa ngayon ay hayaan natin sila. That's our decisive tactics." Pagsang-ayon nito. Tumango-tango na lamang siya bilang pagsang-ayon sa tinuran nito. At sa isipan ay unti-unti na rin niyang nabubuo ang planong isasagawa sa mga susunod na araw. LATER that night. "Faith Ann, right?" Tinig na nagmula sa kaniyang likuran kaya't dali-dali siyang lumingon. "I-ikaw pala. Y-yes, ako nga." Nautal-utal tuloy siya. "Huwag kang kabahan dahil hindi nangangain ng tao. Ngunit kakain ako kapag kinakailangan," anitong hindi matukoy kung nang-aasar ba o ano. "Eh..." Dulot nang hiya ay wala siyang maapuhap na maidugtong sa sinabi. "Halika, Ann. I remember I'm calling you that way yesterday. And I'm sorry if I didn't get a chance to have a word with you a while ago." "Okay lang naman, A-ace. Siya nga pala maraming salamat sa pagtulong mo sa amin ng mga kasamahan ko. Since that we bothered you already, I'll go all the way now." SA tinurang iyon ng dalaga ay muling sumiphayo sa isipan ng binata ang malagim na nangyari sa mga ito. Ayon din sa imbestigasyon nila ay medical mission ang mga ito galing London. "Miss Ann, kagaya nang sinabi ko sa iyo ay ako ang demonyo sa lupa. Ngunit hindi ako ang uri ng demonyo na pumapatay ng mga taong walang kalaban-laban. By the way, I'm not threatening you. Nagpapakatotoo lang ako. May nais lang akong itanong." "Ann na lang, Ace. Huwag mo nang lagyan ng Miss. Sa palagay ko naman ay hindi totoo iyang sinasabi mong demonyo ka. Dahil walang demonyo ang tumutulong sa mga nilalang. Ah, bago ko makalimutan. Ano pala ang itatanong mo?" "Akala mo lang iyon, Ann. Well, dahil sa pagharang ng mga taong-bundok sa inyo noong isang araw, wala ba kayong naiwang gamit? Not the way you think because I can provide anything to help you out but I'm referring your travel documents, did those bastards burn it all?" Dahil sa tanong na iyon ng binata ay napahingang malalim si Faith Ann. Tanging doctor's coat na nga lamang niya ang naiwan dahil kinuha ng mga hayop ang lahat-lahat ng kanilang gamit. At ngayong nabanggit muli ng saviour nila ang travel documents ay hindi niya namalayang muling bumalatay sa kaniyang mukha ang takot. "Ann, alam kong hindi madali ang naranasan ninyo ng mga kasama mo. Okay, huwag mo nang sagutin dahil sa reaksyon mo pa lamang ay alam ko na ang sagot. Since that I started, I will do it all the way. It's a shame that they did that you you who are willing to help our countrymen. Sa bilang ninyong dumayo rito sa Africa ay sampo na lang kayong naiwan. Kausapin mo sila bukas at paghandain. Pasasamahin ko kayong lahat kay Anika sa Embassy upang ayusin ang travel documents ninyo. Nauunawaan ko ang pinagdadanan n'yo ngayon kaya't inuunahan na kita, ako na ang bahala sa gastusin ninyo." Mahaba-habang pahayag ni Ace Travis. Bukal iyon sa kalooban niya. Ngunit hindi rin niya alam kung bakit ganoon siya kapursigidong tulungan sila. Kaso! Ang hindi napaghandaan ni Ace ay biglang yumakap ang dalaga sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay may ibang taong dumikit ang katawan sa kaniya. Dahil bukod sa Yaya niyang nilalambing ay strikto siya. Kaso ang boltaheng dumaloy sa kaniya ay aminado siyang ibang-iba. "H-hmmm, I-im sorry, Ace. Natutuwa lang ako kaya't napayakap ako sa iyo. At maraming-maraming salamat sa pagtulong mo sa akin, kaming lahat na kasali sa medical mission. Habang-buhay ko itong tatanawing utang na loob sa iyo." Namumula man at nahiya dahil sa biglaan niyang pagglyakap sa binata ay nagawa pa ring nagpasalamat ni Faith Ann. "Kahit sinong matinong tao ay gagawin ang ginawa ko. Kaya't wala kang dapat ipagpasalamat at ihingi ng paumanhin. At isa pa ay nasabi ko na ring tungkulin ko ito bilang nilalang, ang tumulong sa kapwa." Nais tuloy matawa ng binata dahil kung gaano ito kabilis yumakap sa kaniya ay ganoon naman namumula ang mukha. Ayaw nga lamang niyang ma-offend ito kaya't sinarili na lamang niya. SA kanilang pagpapatuloy ay marami na silang napag-usapan. Ngunit dahil lumalalim na ang gabi ay hindi rin sila nagtagal. Makalipas ng ilang sandali. Kung tinahak ng dalaga ang silid ay iba si Ace. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni Asthon. Iyon nga lang ay iba na naman ang nadatnan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD