"Pare, ayaw ko mang pauwiin ka pero mas ayaw ko namang may mangyaring masama sa iyo. Kaya't sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo nang umuwi sa Pilipinas."
"Sa lagay na iyan ay wala na akong magagawa, Pare? Alam kong walang kaso sa iyo ang pera at maari mong bayaran sa iyong ama ang kontrata ko. Pero ang kaso ay mag-aaway na naman kayong mag-ama."
"Walang natutuwa sa kalagayan naming mag-ama, Pare. Noon pa man ay malaki na ang disgusto niya sa akin. Ngunit kako ama ko pa rin siya kaya't hinayaan ko. Pero sa kasalukuyan ay mas nanganganib ang buhay mo. Kaya't ako na ang nagsasabing kailangan mo nang lisanin ang lugar na ito."
Masaya siyang nandoon ang kaibigan niya. Dahil sa ilang linggo nitong paninirahan sa bahay niya ay naging makulay ang buhay niya. Ngunit sa pagdalaw niya sa mining site niya gamit ang mahal niyang kabayo na si Ashton ay inatake na naman siya ng mag-iina. Itinaon pa na wala ang amang kapwa niya negosyante. Ang masaklap ay kaliwa't kanan na nga ang ipinagbibintang sa kaniya. Lahat na yata ng krimen ay nakaturo sa tulad niyang demonyo sa imahe ng mga tao.
"Sa layo nang narating ng iyong isipan ay wala na akong magagawa kundi ang sumang-ayon sa iyo, Pare. Sige, kayong mag-ama ang mag-usap. Kung ano man ang resulta ay huwag mo sanang ilihim sa akin. We are living in modern and high technology so you can reach me anytime either your phone and your computer."
"Don't worry, my friend, gagawin ko iyan. Si Yaya ang maghahatid sa iyo dahil hindi siya magalaw-galaw ng mga hay*p. I'm hoping that everything will be alright in the future so that I can fulfill my promise to visit you in your country."
"Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan mo, Pare. And thanks for that as well."
Hindi na sumagot si Ace Travis. Bagkus ay tinulungan niya itong makapag-impake. May mahalaga at delikado siyang gagawin at ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang idinadamay niya ang mga mahal niya sa buhay.
MAKALIPAS ng ilang sandali.
"Boss! Sa palagay ko ay umatake na naman sila."
Salubong sa kaniya ng head ng special forces na kaniyang binuo. Registered at legal ang elite team niya dahil kahit siya ay lisensiyadong military. Iyon nga lang ay mas ninais niyang nagtatag ng Elite Special Forces.
"Yes, Marquez. Kaya ako parito dahil nasaksihan ko kung paano nila kinidnap ang mga taong kung hindi ako nagkakamali ay medical team. By the way, ilang tao ang maipahiram mo para sa akin ngayon din?"
"You can have it all, boss. Pero depende sa iyo kung ilan silang isasama. At ikaw din kung isa ako sa kanila."
"I trust you, Marquez. Dahil kahit bihira akong pumarito ngunit well mannered kayong lahat. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas gusto kong maiwan ka at ihanda para sa emergency ang mga tao natin. Just give me those top ten elites. Dahil sigurado akong nakabantay ang mga iyon sa biktima."
"Okay, boss. Sa palagay ko ay hindi simpleng kidnapping ito. Kaya't gawin maiwan na kita rito upang ihanda sila."
Sinagot na lamang siya bilang tugon. Kahit gusto niyang isama ang karamihan sa mga elite members niya ay hindi maaari. Dahil imbes na matulungan at mailigtas ang mga ito ay mas mapahamak pa. Batay sa kaniyang nasaksihan ay tama ang tauhan niya. Maaaring ang mga half-brothers at step-mother niya ang nasa likod ng mga karahasang ibinabato sa kaniya ngunit batay sa kilos ng kalalakihang nasa likod ng kidnapping ay mukhang out of his imagination iyon.
"THOSE people are not from the city. The way they cried for mercy, grace and how they speak, I'm so much sure that they are from the European country. But why those madmen abducted them?" bulong niya habang ihinahanda ang sarili para sa napipintong laban.
Subalit sino nga ba ang sasagot sa kaniya samantalang siya lang naman ang nandoon. Hindi rin nagtagal ay muling kumatok sa opisina niya ang tauhan. Kaya't pansamantala siyang natigil sa pag-aanalisa sa krimeng nasaksihan.
"ALMIGHTY GOD in heaven please save us from those people who abducted us. Set us free for to to continue our reason while we are in this country. Don't let them succeed with their devilish plans against us."
Taimtim na panalangin ni Faith Ann. Hindi naman siya Santa pero hindi ibig sabihin ay wala siyang kaalam-alam tungkol sa pagdarasal. Dahil sa katunayan ay debosyonada siyang membro ng sagrado katoliko. Kahit ang mga ninuno niya ay ganoon din. Ganoon pa man ay talagang takot na takot siya dahil sa hitsura ng mga humarang sa kanila. Kaso narinig pala nito ang inusal niyang panalangin.
"Miss beautiful, walang ibang makakatulong sa iyo rito. Dahil ang boss namin ang diyos dito," nakangisi nitong sambit.
"Parusahan ka sana ng MAYKAPAL sa iyong kapangahasan!" Bihag siya kaya't hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob upang sigawan ito.
Kaso ang hay*p na sira-ulo ay napahalakhak lamang. Kaya naman ay nanindig ang mga balahino niya. Subalit mas nagtayuan ang mga ito nang bigla nitong pinisil ang dibdib niya.
"Don't touch me, jerk!" Sa kabiglaan kahit nakatali mga palad ay naitulak pa niya ito.
"Sabi ko naman sa iyo, babae. Ang boss namin ang Diyos kaya't ako bilang tauhan niya ay ako ang masusunod. Binigyan niya kami ng pahintulot upang gawin ang aming ninanais. Kung gusto mong makaalis dito at makapunta sa gusto mong puntahan ay mas mabuting manahimik at sumang-ayun ka na lamang sa nais ko dahil nasa akin ang susi upang makaalis ka rito."
Nakangisi nga ito sa kaniya habang nagsasalita ngunit patuloy pa rin sa rin sa paghimas sa kaniyang dibdib. Nais tuloy niyang pagsisisihan ang hindi pakikinig sa mga pinsang nasa military na mag-aral siya kahit self-defence.
"I said don't touch me, bastard! Go away you f*ck!n' idiot!"
Hindi na nga niya napigilan ang sariling huwag mapamura. Dahil sa kilos pa lamang ng lalaking ayaw papigil sa kamanyakan ay wala itong balak paawat.
"Well, well, iyan ang masarap, miss beautiful. Dahil kung puro bukaka lang din at hihintayin ang pagpasok ko ay nakakawalang-gana. Kaya't maiwan muna kita dahil ako ay magpapalakas muna para madala kita sa langit ng natiwasay," nakangisi nitong sagot.
Buong akala niya ay aalis na ito ngunit napaigik siya dahil damang-dama niya ang hapdi nang pagdakma nito sa kaniyang kaselan.
"Damn you!" muli niyang mura dahil sa sakit na dulot ng hadpi.
Subalit ano nga ba ang laban niya sa taong halatang naka-druga at malayang kumilos samantalang siya ay nakagapos. Kaso humalakhak lamang ito saka muling lumapit sa kaniya at paulit-ulit na pinisil-pisil ang kaselan niya sa kabila nang pagpalag niya.
"I love that, miss beautiful. Sigurado akong masasarapan ka sa pagpapligaya ko sa iyo dahil ngayon pa lang ay napapaungol ka na." Tumawa pa ito nang nakalolokang tawa bagi siya tuluyang iniwan sa silid na pinagdalhan sa kaniya.
"Have mercy on us, Almighty God in heaven. Please let those men in uniform to rescue us. Wala naman kaming ibang ninanais kundi ang makatulong sa kapwa." Muli ay taimtim niyang panalangin.
SAMANTALA kagaya nang plano nila ay tumigil sila sa Pretoria. Dahil hintayin nila ang tuluyang pagbaba ni inang araw. Dahil offensive ang plano nila.
"Pare, huwag mo sanang masamain ang aking sasabihin. Ngunit nanahimik ka ng ilang buwan ngunit ngayon ay kailangan natin lumusob sa mga kidnappers. Kapag makarating ito sa mag-iina ay siguradong mapapasama ka na naman," alanganing saad ni Mizzam na agad ding sinundan ni Muru.
"Tama si Mizzam, Pare. Sa aming nakakakilala sa iyo ay walang problema ngunit sa mga taong mapanghusga ay siguradong katakot-takot na panglilibak na naman ang iyong haharapin," anito.
SA tinuran ng dalawa niyang kaibigan ay napabuntunghininga si Ace Travis. May punto naman kasi ang mga ito. Ngunit para sa kaniya ay mas madaling iwaglit ang panglalait ng mga mapanghusgang tao kaysa ang konsensiya niya.
"Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan, Pare. Dahil iyon ang alam nilang gawin. Mas mabuting kumilos tayo upang iligtas ang mga bihag bago pa sila magawan ng masama. I'm a devil in the eyes of those madmen but I still have a conscience," pahayag niya.
"Sabagay tama ka, bro. Kagaya nang sinabi namin kanina ay siguradong ikaw na naman ang pagbalingan nila. Kaya't mas mabuti pang may magawa tayo para sa ikabubuti ng mga bihag.
Ang tanong ay ang mga bihag mismo. Ikaw na ang nagsabing siguradong ikaw ang pagbalingan. Kapag maitakas natin ang mga bihag, ano ang susunod? Remember what your step-mother did before? Kung paano niya pinasama ang imahe mo sa mga tao? May maganda kang hangarin ngunit ang ibang tao ay pinapasama ka," mahaba-habang pahayag ni Mizzam.
Dahil dito ay natahimik ang binata, wala siyang maapuhap na sabihin lalo at pawang katotohanan ang mga binitiwang salita. Pero buo ang desisyon niya. Hindi rin siya makakatulog sa pag-iisip sa nasaksihan oras na wala siyang magagawa upang matulungan sila. Ngunit ayaw din niyang may masabi ang mga ito sa kaniya dahil sa pananahimik kaya't nagsalita siyang muli.
"Hindi naman ako galit mga kapatid dahil bawat isa sa inyo ay may punto. Lahat kayo ay tama pero para sa akin hindi na baling masama ako sa imahe ng mga tao basta ang importante ay hindi ko pinabayaan ang tungkulin ko bilang tao. Kilala n'yo naman ako at hindi ako makakatulog kapag may nasaksihan akong pangyayari na wala man lang akong gagawin upang makatulong. Nasa inyo na kung tutuloy kayo o hindi basta ako gagawin ko ang makakaya ko upang maitakas ko sila lalo na ang mga kababaihan. Nandiyan ang mga elites," paliwanag na lamang niya saka tumayo at muling sumampa kay Ashton.
"Oh, saan ka pupunta bro?" Napatayo rin si Mizzam dahil sa biglaang pagtayo ng kaibigan.
"Madilim na, Pare. Baka mas magdilim ang isipan ng mga demonyo laban sa mga kaawa-awang bihag. Hindi ko sila kilala pero kitang-kita ko ang takot sa kanilang mukha kaya't bago pa man sila magawan ng masama ay uunahan ko na sila.
Magsibalik na kayo sa Pretoria, Mizzam. Tumawag kayo ng sasakyan o 'di naman ay gamitin n'yo pabalik dito ang sasakyan doon upang may magamit sila. Kami na ang bahala sa mga hay*p!" Mula sa malumanay na pananalita ay muling napariin dahil sa pagkaalala sa mga walang magawa sa buhay.
Hindi na niya nakita ang pag-iling ng mga kasama at mas lalong hindi niya narinig ang mga binitawa nilang salita.
"Masyado iyang maprinsipyo si pareng Ace. Hindi na niya inisip ang sariling kapakanan. Ang nasa kaniya ay basta makatulong lang siya sa ibang tao ay okay na."
"Iyan ang dahilan kung bakit mas pinili naming maging special force kaysa mismong military. Dahil sa prinsipyong ipinaglalaban."