It's been a while!
Few months have been passed but Faith Ann still living in South Africa with Ace Travis Tritts. Ilang buwan din ang inabot ng processing ng travel documents niya at ang iba niyang kasamahan sa medical mission. Laking pasasalamat nga nila dahil ang tulad ni Ace ang tumulong sa kanila. Nilubos-lubos na nga lamang nila ang gumambala rito. Dahil siguradong mas inabot ng siyam-siyam ang proseso ng kanilang papeles kung wala silang back up.
"HEY, Faith Ann. Are you still there?" Tinig na nagmula sa kabilang linya ang pumukaw sa malalimang niyang pag-iisip.
"I-im sorry, Mommy."
Ang tanging namutawi sa labi niya. Sa tulong ng makabagong teknolohiya ay muli siyang nakabili ng laptop. Para sa tulad niyang anak mayaman at nasa kalinga ng isang Ace Travis ay madali lamang ang makipag-usap sa mga magulang at makahingi ng tulong. Sa katunayan ay maari siyang mabuhay ng matiwasay kahit hindi siya magtrabaho. Dahil both sides sa mga magulang ay mayaman. Ngunit ayaw niya sa ganoong buhay. She's enjoying herself in doing what she wants specially in helping other people.
"So, tama ang hinala namin ng Mommy mo, anak? Umiibig ka sa lalaking tumulong sa inyo ng mga kasama mo? Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ka sumabay sa mga kasamahan mo?"
SA tanong na iyon ng ama ay mas nawalan siya ng maisagot. Dahil bukod sa hindi siya marunong magsinungaling ay totoo namang umiibig siya kay Ace Travis. At aminado siyang nahihirapan siyang mapalayo rito.
"Anak, nasa tamang edad ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali. Kaya't wala kang ibang maririnig mula sa amin ng Daddy mo. Basta kung gusto mong umuwi ay magsabi ka upang masabihan namin ang pinsan mong piloto."
"Opo, Mommy, Daddy. Wala po akong ibang maidahilan dahil guilty po ako. At mas lalong hindi ko ipagkaila ang totoo. I'm in love for the first time and I don't know how to leave him alone. Thank you for supporting me no matter what I say, Mom, Dad. I love you."
Magkakaila pa ba siya sa mga magulang? Sa palagay niya ay mas mabuting inamin niya sa mga ito ang tunay niyang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi. She's in love with her saviour, Ace Travis Tritts.
"We love you too, Hija. Just take care of yourself there."
Wala na talaga siyang masabi sa mga magulang. Napakasuwerte niya sa mga ito. Suportado siya sa lahat ng bagay.
SAMANTALANG naging kapansin-pansin ang pagbabago ni Ace. Ang ngiting hindi nasilayan sa mukha nito ay madalas nang nakikita. Ilang buwan na nga rin itong hindi sumasabak sa anumang gulo lalong-lalo na sa mga half-brothers at step-mother. At higit sa lahat ay ang espesyal na pagtrato sa babaeng ampon.
"Well, baka nais mo nang umamin, bro?" untag sa kaniya ng long time friend na pinauwi niya sa bansang Pilipinas dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga mortal na kaaway.
"Sa ngayon ay iyan lang muna, brod. Sa palagay ko ay umiibig ako sa kaniya. Kaso natatakot akong baka mabasted. You know me so well, bro. Everything is in my reach."
"Tsk! Tsk! My friend, walang mangyayari kung hanggang paningin ka lamang. At mas sigurado akong pagsisisihan mo kapag ipagpaliban mo pa ang pagtatapat sa kaniya. So if I were you, it's better late than never."
"Naman eh. Aba'y idinadaan mo ako sa reverse phycology mo eh. But by the way, yes I have plan. It's her third month here. Even her co-workers from that mission already left for London."
SA kanilang pagpapatuloy ay napunta kung saan-saan ang kanilang usapan. Pero sa huli ay payo rin ang natanggap ni Ace Travis sa kaibigan.
"Do it now or never, my dearest friend. Maaring ilang buwan ding walang problemang idinulot ng mga half-brothers mo ngunit mas maging nakapaghanda ka kaya't kailangan mo ang maging advance thinking."
"Thank you as well, my friend. Don't worry because like what I've said a while ago, time is what I'm looking for. I'm already in loved with that's undeniable fact. But I don't want her to take for granted."
"Nandiyan na tayo, my friend. Pero huwag mo nang ipagpaliban. It's either do it now or never because we don't know if your feelings and her are mutual. And I'm sorry for telling you this but it's unbelievable that those mad people have change for real. So, if I were you, just confess to her before everything become complicated once again. Remember, they did it already for so many times. And it only means that they can do it again easily."
SA pahayag na iyon ng kaibigan niyang nasa kabilang linya ay natigilan siya. Dahil totoong nanahimik ang mga half-brothers at step-mother niya sa mga nakaraang buwan. Ngunit dahil sa babaeng pumukaw sa puso at isipan niya ay nawala iyon sa kaniya. Kaya't sa kanilang pagpapatuloy sa usapan ay iyon ang laman ng isipan niya hanggang sa nagpaalam sila sa isa't isa.
'Never! I will k!ll anyone who will get on my way when it comes to Faith Ann! She's mine and mine alone!' Ngitngit ng isipan niya kaya't nagmistula siyang may kaharap na kaaway kahit laptop niya ang nasa harapan.
"WELCOME here once again, Anika. What can I do for you? Please take a sit and feel comfortable."
Masayang salubong ni Mr Tritts sa kaniyang nanny at naging ina na rin ng anak niyang panganay. Ito ang nagpalaki rito at umakong tunay na anak simula nang isinilang ng una niyang asawa.
"Maraming salamat, Sir---"
"Hey, Anika. Who told you to cal me that way? I'm just a bachelor when you came to my life. Even you serve me for so many decades now. You stayed with my son since his birth and that long that I'm telling you the you must address me. But why you are calling me Sir again?"
Sa pagtawag sa kaniya ng 'SIR' ay agad pinutol ni Mr Tritts ang akmang pananalita ng Ginang. Ayaw na ayaw pa naman niyang tinatawag siya sa ganoong paraan. Pakiramdam niya tuloy ay may nangyari na namang hindi nakarating sa kaniyang kaalaman.
"Sir, iyan ang tamang paraan at naaayon na pagtawag ko sa iyo. Dahil totoo namang amo kita. Kaya't hayaan mo na lamang akong tawagin ka sa paraang komfortable ako. By the way, Sir, I came here without notice because---"
Kaso bago pa iyon matapos ng butihing Yaya ay naputol na ng pinuno ng mga diyablo!
"BAKIT, Anika? Ano na naman ang isusumbong mo sa asawa ko? Aba'y, Hoy, Anika! Umayos-ayos ka kung ayaw mong maayos ang kalagayan!" malakas nitong sabi.
"Madam!"
"My love"
"Yes, ako nga. Kaya pala may kung ano'ng nagtulak sa akin upang pumarito dahil nandito ka, Anika! Kung ako sa iyo ay tigil-tigilan mo na ang paninira sa buhay ng may buhay. Nauunawaan mo na?!" muli ay wika ni Mrs Tritts.
"Wala naman akong ibang pakay dito kundi makausap si Sir. Kailanman ay hindi ako nag-isip ng masama laban sa kapwa ko. Hindi kagaya ng iba ay ayaw tigilan ang kapwang pursigido sa pagbabago. At handang isakripisyo ang buhay ng iba."
"SIR, mauna na po ako sa iyo. Sa susunod na lang tayo mag-usap. Dahil babalik na ako sa kabila. Siya nga pala, SIR, kaarawan ng anak mo bukas at sabi niya ay may dinner sa kanila. Sige po mauna na ako."
Hindi na niya hinintay na makasagot ang long time boss. Ang mahalaga ang nasabi na niya ang pakay. Ngunit may iba pa sana siyang sasabihin.
'Huwag magpakasigurado, Ada. Dahil talagang ipagtapat ko na kay Sir ang kahayupan mo.'
Umalis siya sa kumpanyang hindi man lang nakausap ng maayos ang kaniyang pakay.
"Honey---"
"Hubby love."
SABAYANG sambit ng mag-asawang Tritts. Ngunit sa bandang huli ay naging mabilis ang kilos ni Mrs Tritts. Malaman ang nais ipakahulugan ng Yaya nito. Kaya't hindi niya pinayagang makapagsalita ang asawa. Bagkus ay ginawa niya ang lahat upang maengganyo niya ito upang lumabas at mag-stroll.