CHAPTER FOURTEEN

1264 Words
"Oh, ano'ng sabi ng anak mo?" "Hindi pa raw uuwi! Ewan ko sa babaeng iyon. Aba'y kahit suportado natin siya ngunit babae pa rin!" "Huwag ka ng magalit, honey. Dahil hindi iyan makakabuti sa iyong kalusugan." "Paanong hindi ako magagalit samantalang ilang buwan na siyang nandoon pero hindi man lang siya makaisip na umuwi! Aba'y matagal ng tapos ang travel documents niya!" "Ito na nga ba ang sinasabi ko noon pa, honey. Ngunit kahit ano pa ang gawin natin ay wala na tayong magawa kundi ang hintayin ang kaniyang pag-uwi." "Iyon na nga, honey. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala dahil babae siyang tao. Dapat nga ay ang lalaking iyon ang pumarito upang ligawan ng maayos ang anak natin. Trust is not the issue here, because I do trust our offsprings equally. Pero bilang babae ay gusto ko ring pangalaanan sana niya ang pagkababae." SA pahayag na iyon ng mahal niyang asawa ay natahimik ng ilang sandali si Adams. Tama ang asawa niya. Kahit kapwa sila lampas forties noong nagpakasal sila ay nakabuo pa ng dalawa at higit sa lahat ay birhen na birhen ito. "Ano kaya kung sina mommy ang kausapin natin na kakausap sa anak natin, hon? Sigurado naman akong makikinig ang anak nating sa kanya. Dahil kita mo namang mas pinanaig ang puso kaysa ang sundin tayo. Kaya't baka maaring pakiusapan natin si mommy." Suhestiyon niya. "Puwede naman, honey, kaso duda ako kay mommy dahil kilala mo naman siya kung gaano ka-open minded. I'm not saying na liberated siya pero malakas ang pakiramdam kong sasang-ayunan lang niya ang desisyon ni Faith Ann. Kaya't manalangin na lang tayong maisip rin niyang mas mabuting uuwi muna rito. Kung mahal siya ng kasintahan niya ay sigurado akong susunod iyon dito," pahayag ng Ginang. Kaya naman hindi na sumagot si Adam. Tama naman kasi ang asawa niya, kahit kanino pa sila magpapatulong kung wala ring papakinggan ang dalaga nila ay wala pa ring silbi. SA kabilang banda, sa isang sulok ng Paarl. Isang grupo ang nakamasid sa dalagang si Faith Ann Kasalukuyan itong nagdidilig sa mga bulaklak na panaka-nakang kinakausap pa. "Ano ngayon ang plano mo, Ivana? Huwag mong sabihing hanggang tingin ka na lang sa karibal mo?" Tinig ng nasa tabi ng dalaga. "Tsk! Sino ang may sabing hanggang sa tingin lang ako? Hindi naman tayo basta-basta manunugod ng walang dahilan," ismid nito. "Aba'y bilis-bilisan mo, lady boss. Ikaw din baka maunahan ka niya." "Huwag kayong maingay baka makahalata siya. Well, well ano kaya ang gagawin ko upang makapasok ako riyan?" "Kung ako sa iyo takutin mong umalis na rito sa Africa. Dahil kung dito lang sa Paarl aalis mahahanap at mahahanap iyan ni Ace. Kilala mo naman ang tusong iyon." Mga ilan lamang sa binitiwang salita ng mga tauhan ni Ivana. Kaya naman ay napangiti siya. Tama naman kasi ang mga ito. Walang ibang nagmamay-ari sa lalaking matagal na niyang pinapangarap. Dahil siya lamang ang may-ari nito. She can eliminate anyone who will go on her way. "Well, tama kayo riyan. Mayroon ba kayong dala-dalang ballpen at papel? Kung mayroon ay akin na at dahil gagawa ako ng banta laban sa ambisyosang iyan," aniya habang nakatanaw pa rin sa babaeng nasa harapan ng bahay ng mahal niyang si Ace. Kaso napataas ang kilay niya dahil napaismid ang kasama. "Para saan ang ismid na iyan? Huwag mong sabihing bigla kang lumiko? Kayong lahat ang nagsuhestiyong takutin ko siya tapos bigla kayong umismid," taas-kilay niyang tanong. "Ang slow mo ngayon, Ivana. Lumang paraan na ang pagbabanta. Tama kami ang nag-suggest na takutin mo siya pero mas magandang tuluyan mo na siyang paalisin dito sa Africa. Sa madaling salita mas maganda kung epa-deport mo na siya para makauwi na siya sa bansang pinagmulan niya. Ngunit wala akong balak alamin kung saang lupalop ng bansa. Huwag iyong pabanta-banta ka pa riyan. Sa tingin mo ba ay epektibo ang banta? No, Ivana, baka mas makapag-ingat pa iyan kapag nagkataon na bantaan mo," nakailing nitong sagot. This time, napangiti siya. Tama naman kasi ito. Ang ipadeport ito ang pinakamabilis na paraan upang mawala sa landas at mapasakaniya ang taong pinakamamahal. "Baka gusto mong alamin kung taga saan siya, Ivana? According to my source isa siya sa mga biktima ng kidnapping ilang buwan na ang nakakaraan at si Ace ang nagligtas sa kaniya. May mga kasamahan siyang nailigtas ng demonyo ngunit naiwan siya. Huwag mo nang itanong kung paano namin iyan nalaman dahil ganyan kami makapag-research. Ang aalamin mo na lang ay kung ano ang buong pangalan niya upang mas madali ang isasampa mong deportation." Kung ang demonyo ang magtrabaho ay gagawin ang lahat para sa tagumpay. Kagaya ng mga kasamahan ni Ivana, iisa lang din kalaban nila kaya't napagkasunduan nilang magkaisa. "Well, well, let's go for now. Upang magawa ko ang suhestiyon ninyo. At dahil maganda nag-report at sinabi ninyo sa akin ngayon may bunos kayong lahat. Heto ang pera para sa inyo upang makahasa naman kayong lahat but make sure walang sabit para wala tayong problema. Magapakasarap kayo huwag ang pakasawaan ng bala ang katawan ninyo." Abot hanggang taenga ang ngiti ni Ivana sabay abot sa isang bungkos ng pera. Nang naiabot na ni Ivana ang pera sa mga tauhan ay binalingan niya ang isa pa niyang kasama. Ito na lamang ang maghatid sa kaniya pabalik sa bahay niya. Pero bago sila lumakad ay muling binalingan ng dalaga si Faith Ann na kausap ang mga halaman. "Sige lang, miss. Magpakasawa ka sa ngayon dahil bilang na ang masasaya mong araw. May mas maganda akong plano para sa iyo," aniyang muli sa isipan bago sumampa sa kabayong naghihintay sa kanila. WALA namang nag-uutos sa kaniya upang gumawa ng gawing bahay pero naboboring din naman kasi siyang walang ginagawa kaya't siya na rin ang nagkusang taga-dilig ng halaman. Ang iba ay siya rin ang nagtanim, pampalipas oras niya. Minsan sinubukan niyang nagluto kaso puro talsik ng mantika, napaso pa siya kaya't binawalan na siya ng binata. Upon thinking of him, bigla siyang napatigil. Kung hindi pa nabasa ang paa niya ay hindi niya naalalang hawak niya ang hose. Pinatay muna niya ito saka muling tumayo. "Hmmm nasaan kaya ang, love ko? Hindi ko pa nakikita simula kaninang umaga. May pinuntahan kaya siya? Pero nagpapaalam naman kapag may pinupuntahan na hindi ako kasama ah. Di kaya't may problema siya?" bulong niya. Kaso! Nagulat siya dahil bigla na lamang nagsalita ang binatang hinahanap. Iyon pala ay nasa tabi-tabi lamang ito at pinagmamasdan siya. "Nandito ako, babes. Miss mo ako agad ano?" Niyakap siya nito sa likod. "Babes ha, bakit bigla ka na lamang sumusulpot? Paano kung nagkataong may sakit ako sa puso? Akala ko nga wala ka sa bahay dahil simula kaninang almusal ay hindi kita nakita. Kaming dalawa lang ni nanay Anika ang nagtanghalian. Saan ka ba galing aba'y hapon na ah." Napahawak tuloy siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Sino ba ang hindi magugulat eh hinahanap pa lang ng paningin nasa tabi na pala niya. IGINAYA naman ito ni Ace sa isang semenatadong upuan na ipinasadya niya upang may maupuan ang may gustong maupo sa garden. "Sorry, babes ko, kung nagulat kita. Salamat at wala kang sakit sa puso ay mali mayroon pala ito ay ang ibigin ako. Hindi na kita isinama, babes. Dahil sa headquarters kami nagtungo ni Ashton," anito. "Bakit hindi mo ako isinama, babes ko?" 'Now or never!' ani Ace sa isipan saka bahagya itong hinila pabalik sa kaniya. But! Sa mismong kandungan niya ito napaupo. Napaupo ito sa kandungab niya at sa biglang tingin ay nagyayakapan sila lalo at inilapit niya ang mukha rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD