CHAPTER TWELVE

1062 Words
"What a f*ck! Ano ba ang ginagawa kasi ng babaeng ito sa labas?" Ngitngit ni Ace nang nakita ang dalagang doktora na panay ang palag. Kaya't bago pa ito maisakay ng dalawang lalaking dumukot ay nakalapit na siya. "Bitiwan n'yo siya kung gusto n'yong makalabas na buhay sa lugar na ito!" aniya sa boses na nakakatakot. Kaso imbes na makinig sila ay nakangisi pang humarap sa kaniya saka walang pag-aalinlangang nilamas ang dibdib ng dalaga. "Ano, laban ka? Aba'y mukhang gusto mong mauna sa amin ah." "Hindi na tinatanong iyan, brod. Ikaw gusto mo bang mauna ako kaysa sa iyo?" Palitan ng dalawa. Kaya't mas nandilim na naman ang isipan niya. "Tapos na kayo? May maidagdag pa ba ang mga asong tulad n'yo?" saad niya saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga ito. Kaso imbes na pakinggan siya ng dalawa ay nagtawanan pa at muli ay akmang padadapuin muli ang palad sa dalagang mukhang pinaamoy na ng gayuma. Dahil mula sa pagpalag ay wari'y naka-drugang hinahanap-hanap ang kasunod. Subalit hindi na siya pumayag. Sunod-sunod ang pinakawalan niyang sipa lalong-lalo na ang baril na hawak-hawak ng mga ito. "Sa susunod ay piliin ninyo ang kinakalaban n'yo! Dahil oras na magsanggang muli ang landas natin ay hindi lang iyan ang aabutin ninyo!" sigaw niya saka binuhat ang dalagang wala sa sarili. Kaso! "Hindi na kailangan iyan! Dahil wala ng susunod! Ang taong tulad mong pakialamero ay nawawala sa mundo!" Dinig niyang sigaw ng isa sa dumukot sa dalaga. At bago pa siya makagawa ng hakbang ay naramdaman na niya ang kirot sa kaniyang likod. Ngunit hindi siya pumayag na muling may pakawalang bala ang mga ito. Kahit napaluhod siya dulot nang sakit mula sa kaniyang likod ay hindi naging sagabal iyon upang hindi siya nakaganti. Dalawang bala ang pinakawalan niya ng sunod-sunod. Tig-isa ang mga ito. "Boss! Boss! What happen?" Sa nanlalabo niyang paningin ay kitang-kita niya ang isang unipormadong police. "T-take those madmen to the headquarters. And these woman too, please help me to bring her to my home," nautal niyang sambit dulot ng sakit sa likuran niya. "Boss, eh naisip mo na ang ibang tao pero hindi mo nan lang maisali ang iyong sarili. Don't worry, boss, dahil ikaw na lamang ang naiwan dito. Kaya't halika ka na upang madala ka na rin namin sa pagamutan," muli ay wika ng police. Hindi na sumagot si Ace Travis dahil aminado siyang masakit ang likod niyang tinamaan ng bala. Ang tangi niyang natatandaan ay mukhang kahit kailanman ay hindi niya makalimutan. At bago pa man mawala ng tuluyan ang malay niya ay nagawa pa niyang sumumpa. 'I promise you, people. Ito na ang huli kamalasang magawa n'yo sa akin! Dahil ipinapasigurado kong sa impeyerno na ang bagsak ninyo oras na maulit pa ito!' Mga katagang tumatak sa isipan niya bago siya tuluyang nawalan ng malay tao. "HEY! Ano ba ang nangyari at mukhang wala kayo sa sarili? May ginawa na naman kayong lingid sa kaalaman ko, ano?" tanong ni Mrs Tritts sa dalawang anak na panay ang tawa. "Relax, Mommy. Dahil sigurado akong matutuwa ka sa ibabalita namin," nakangising sagot ni Fudail. "Tama si Fudail, Mommy. Kaya't dapat congratulations ang isalubong mo sa amin." Pagsang-ayon pa ni Ashram. Kaya naman ay napataas ang kilay ng Ginang. Silang mag-iina lang ang madalas nasa mansion dahil ang asawa niya ay mas naglalagi sa mga business trips at meetings. Sa loob ng isang buwan ay masuwerte na kung makapiling nila ito ng buong isang buwan. "Hmmm, sige nga. Sabihin n'yo kung ano ang good news. Siguraduhin n'yo lang na maganda iyan." Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga ito. "Nasa pagamutan ang demony*ng iyon dahil binaril nang dumakip sa ampon niya." Sa pahayag na iyon ng panganay niyang anak ay agad-agad siyang napatingin dito. "Gaano kayo kasigurado sa bagay na iyan? Baka naman guni-guni n'yo lang iyan?" saad niyang bakas ang pagdududa. "Mommy, kung gusto mo ay puntahan natin sa pagamutan---" "Baliw ka ba? Aba'y pa natin siya puntahan? Ang sabihin mo mag-isip ng paraan upang tuluyan siyang mawala sa buhay nating lahat!" Hindi na pinatapos ng Ginang ang pagdepensa ng anak sa sarili. Dahil sigurado siyang hindi papalpak ang report ng dalawa pagdating sa taong kinaiinisan nila. "Tama ka, Mommy. Kaya't huwag ka ng magalit. At simulan ko na po. May karapatan ka pong maglabas-masok sa pagamutang pinagdalhan sa hayop kaya't malaki ang tsansa mong makahanap ng nurse na maari nating bayaran para magsagawa ng plano," pahayag nito. "Bravo! Bravo! Well, may silbi rin pala kayong dalawa. Matapos n'yo akong pagurin ng sunod-sunod na kapalpakan. Sige, at tawagan ko ang Yaya niya upang alamin kung saang hospital nila dinala. But remember, you two must do your part too." She is clapping her hands while walking back and forth infront of her children. "HUWAG ka nang umiyak, anak. Hindi lang ito ang unang pagkakataong nabaril si Ace dulot nang pagtulong sa kapwa. Sigurado akong maka-survive siya." Pang-aalo ni Yaya Anika sa dalagang panay ang pag-iyak. "Pero kitang-kita ko po siyang nawalan ng malay dahil sa akin. Hindi ko po mapapatawad ang aking sarili oras na hindi siya makaligtas dulot nang balang bumaon sa kaniyang likod," pahayag ni Faith Ann sa pagitan nang pag-iyak. Kaso! "Miss, ako na ang nagsasabing huwag kang mag-alala dahil hindi pa mamatay ang taong iyon. Baka hindi mo pa alam? Mahirap mamatay ang masamang damong tulad ni Ace. Kaya't itigil mo na ang pag-iyak mo. Tsk! Tsk! Wala pa namang namamatay eh!" Tinig na nagmula sa kanilang likuran. Kaya't dali-dali silang lumingon. "Madam Ada! Paano mo nalamang nandito ang alaga ko?" dali-daling saad ni Yaya Anika. "Wala ka roon, Anika! Alalahanin mong ako ang step-mother niya kaya't karapatan kong malaman kung ano ang nangyayari sa kaniya. Unless na ayaw mong ipaalam sa akin?" taas-kilay pang saad ng Ginang. "Nagtanong lang ako, Madam Ada. Wala akong ibang intensiyon sa aking pagtatanong. Ganoon pa man ay ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan." Paghingi ng paumanhin ni Yaya Anika. "Okay, since that you asked I will forgive you. Now, tell me what did the doctor said about him," muli ay wika ni Mrs Tritts. Ipagtanggol sana ni Faith Ann ang butihing Yaya ng taong pinagkautangan niya ng buhay subalit palihim siya nitong hinawakan. Kaya't hindi na siya nagsalita pa. Ngunit sa kaloob-looban niya ay nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang pagtrato ng step-mother ng binata sa Yaya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD