CHAPTER ELEVEN

1052 Words
"Sa susunod ay huwag kayong gagawa ng hakbang na hindi ko nalalaman. Maliwanag ba?!" Mahina man ngunit halos lumuwa naman ang mata dahil sa diin. "Yes, Mommy---" "But, Mommy---" Magkapanabay man ngunit agad ding pinutol ni Mrs Tritts ang pagsang-ayon at pagsalungat sana ng mga anak. "Kapag sinabi ko ay walang puwedeng sumalungat sa inyong dalawa! Mga inutil! Dahil sa inyo ay kamuntikang mabulilyaso ang lahat! Ngayon ay gusto n'yo pang sirain ang plano ko!" singhal at pamumutol niya sa anak na hindi magkasundo. "Mommy, sang-ayon ako sa plano mo pero hindi ibig sabihin ay baliwalain ko ang akin. Aba'y---" "Shut up, Ashram! Just zipper your mouth if you have nothing to say. Ikaw na nga itong numero-unong palpak at ikaw pa itong gustong sumalungat! Kung nakontrol mo sana ang mga tauhan mo ay hindi aabot sa ganitong pagkakataon. Hawak n'yo ni Fudail ang private armies ngunit tinalo kayo ng demonyojg iyon!" Muli ay pamumutol ng Ginang. Kaya naman ay muling natahimik ang binata. Dahil bukod sa nakakatakot na ang hitsura nito ay tama rin ang pahayag. Ngunit hindi siya papayag na makawala na naman ang mortal enemies niya. "Susundin ko po ang bawat utos mo, Mommy. Kaya't huwag ka ng magalit. Makasama iyan sa kalusugan mo. At isa pa ay baka biglang sumulpot na naman si daddy." Inunahan na ni Fudail ang ina. Dahil sa tuwing nagagalit ito ay mas nakakatakot ang mukha. "Very good! Now that you both agreed to support me, listen carefully. Bantayan ninyo ang bawat kilos ni Ace. Wala kayong dapat palampasin. Hayaan natin siyang mag-isip na naiwalglit na natin ang lahat. In other words, let him think that we let our guard's down. At nais ko ring ipaalala sa inyong huwag n'yo siyang maliitin. Dahil kilala n'yo na rin kung gaano kabilis ang kilos nito. Don't take my words lightly if you want to live on," pahayag ng Ginang. HINDI na sumagot ang magkapatid kahit pa nais pa sanang sumalungat no Ashram. Subalit umiling-iling na lamang si Fudail dahil kitang-kita kung paano kumibot ang labi ng kapatid tanda lamang na gusto pa nitong sumagot. "MUKHANG balisa ka na naman, anak. May problema ka ba?" tanong ni Yaya Anika sa binatang halatang may iniisip na naman. Kaso imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang tinuran nito. "Naranasan mo na ba ang umibig, Yaya? Iyong gustong-gusto mong kasama araw-araw ang itinitibok ng iyong puso?" anito. "Umiibig na ba ang binata ko? Well, sa tanong mo ay hindi. Dahil buong buhay ko ay ibinuhos ko sa pag-alaga sa iyong ama hanggang sa napadpad siya rito sa South Africa kung saan sila nagkakilala ng mommy mo hanggang sa dumating ka," pahayag niya. Subalit sa isipan niya ay mayroong namumuong hinala. Dahil simula ng araw na dumating ang banyaga sa buhay nila ay madalas niya itong nahuhuling nakatingin dito. Iyon nga lang ay sa malayuan. Kapag kinakausap naman ay ibang-iba ang kislap ng mga mata nito. "Sa palagay ko ay oo ang sagot sa tanong mo, Yaya. Ngunit hindi ako sigurado kung ganoon din siya sa akin. At isa pa ay natatakot akong baka basted lamang ako sa kaniya," anitong muli. Kaya naman ay napangiti siya. Kumpirmadong umiibig na nga ito. Hindi nga lang maamin-amin kung sino. Subalit kahit hindi nito aminin ay alam na niya kung sino ito. Ganoon pa man ay idinaan niya sa maayos na paraan. "Anak, kung mahal mo siya ay mas magandang kausapin mo ang taong nakapukaw sa thirty years old mong puso. Dahil baka pagsisisihan mo balang-araw kung hindi mo maipaalam dito ang tunay mong nararamdaman," aniyang muli. HINDI sumagot si Ace Travis. Dahil nagmistula siyang batang walang maapuhap na maidugtong sa naunang binitiwang salita. Hanggang sa nagpaalam ang Yaya niya ay wala siyang nasabi. "Someday, I'll confess to you, Miss Hererra. I'll make sure that you will be mine. But for now, I'll have you in my dreams," bulong niya saka iginala ang paningin sa guest room kung saan naroon ang dalagang iniibig. SA paglipas ng mga araw. Dahil na rin sa tulong ni Ace ay naipaalam na rin ni Faith Ann sa mga magulang ang nangyari sa kanila. Dahil din sa saviour niya ay nakarating siya embassy. Dahil iyon din ang ipinayo ng mga magulang. Kailangan niyang makapag- lost passport upang makagawa ng panibago. "Tiisin mo na muna, anak. Dahil kahit private plane ang pupunta riyan ay kailangan pa rin natin ang passport," pahayag nga ng ina. "Opo, Mommy. Mabait naman po ang tumulong sa amin ng mga kasamahan ko. Kaso hindi naman kami makakilos tungkol sa medisina dahil pare-parehas kaming walang gamit," sagot niya. "Anak, ang pagtulong sa kapwa ay hindi lang nakabase sa medisina. Magawa n'yo iyan sa iba't ibang paraan," sabi naman ng ama niyang nasa tabi ng ina. Tama naman ito. Ngunit sa loob ng ilang linggong paninirahan niya sa tahanan ng binatang saviour ay mayroon siyang napansin sa sarili. Umiibig siya rito. Ngunit natatakot din siya. Bukod sa nalaman mula sa Yaya nito at sa araw-araw na nakikita ay wala na siyang kaalam-alam tungkol dito. "NATATAKOT ka ba, anak?" Nagulat siya isang araw dahil sa tanong na iyon ng Yaya ng binatang si Ace Travis. "Po? Saan po ako natatakot?" tuloy ay balik-tanong niya. "Anak, maaaring hindi ako nagkaroon ng love life noong kabataan ko. Subalit alam ko ang salitang pag-ibig. Kako natatakot ka katotohanang hindi mahirap mahalin ang alaga ko," pahayag nito. Kaya't napatingin siya rito. Subalit ang maaliwalas nitong mukha ang sumalubong. Dahil dito ay nagbaba siya nang paningin. Sukol na sukol siya nito. "Ako na ang nagsasabing huwag kang mag-alala dahil wala kang dapat ikatakot. Kung ano man ang nakikita mo o ano ang ipinapamalas niya ay paniwalaan mo. Dahil kailanman ay wala siyang iniuwi rito na babae bukod sa iyo. Kahit madalas siyang tumutulong sa mga tao," saad nito. Hanggang sa nakaalis ito dahil may gagawin pa raw ay wala siyang nasabi. Dahil speechless talaga siya. 'No, I'm more afraid of myself than loving him. He's our saviour but I don't know more anything else about him,' bulong niya sa kawalan. Until one day that her fear attacks once again! Ang takot na naramdaman niya noong hinarang sila ng mga taong bundok ay damang-dama niyang muli. Dahil sa biglang paghablot ng isang nilalang sa kaniya at pilit dinala sa loob ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD