"Hey, brat! What the hell you think you're doing right now?!" Sa gulat ay iyon ang unang nanulas sa labi ni Mrs Tritts o ang step-mother ni Ace Travis.
"Ako ang dapat magtanong sa bagay na iyan sa iyo, b***h! Okay, fine! Go ahead! Right now, go and tell to my father everything! Kung gusto ninyong mag-iina ay samahan ko pa kayo sa opisina niya!" sigaw ng binata.
"Wala ka na talagang hiya, Ace. Kahit ang Mommy namin ay binabastos mo na---"
"Shut up, Fudail! Kung mayroong bastos sa ating apat dito ay kayong mag-iina. Dahil hindi na kayo nakontento sa panlalaglag sa akin kay Daddy. Gusto n'yo pang idamay ang private totur ko! Who the f*ck you are to do so? Wala kayong karapatang gawin iyan kahit sino sa mga malapit sa akin. Dahil oras na gawin n'yo iyan ay hindi lang kayo ang mawawala sa mundo!"
Malakas na pamumutol ni Ace Travis sa kaniyang half-brother.
Talagang kumukulo ang dugo niya sa mag-iina. Simula't sapol ay wala na silang naidulot na maganda sa buhay niya. Kung hindi siya sinisiraan sa kaniyang ama ay sa mamayan naman. At ngayong nasa bansa nila ang long time friend at nakilala niya noong nag-aral siya sa America ay gusto pang idamay ng tatlo.
Kaso!
"Huwag kang mambintang, Ace! Talagang isusumbong kita sa Daddy mo. Dahil wala kang galang sa akin. I'm your step-mother but you never respect me like what you are doing now. Well, wait and see. Tingnan natin kung makaapak ka pa sa rito mansion oras na makausap ko ang Daddy mo."
Tinaasan naman ng kilay ni Mrs Tritts ang siyuman saka nagpaikot-ikot sa kinatatayuan ng unang anak ng asawa.
"Sabi ko namang kahit ngayon na. Ah, litches like you and your sons need to be lectured. Wala kayong manners. Hindi makakaapak dito sa mansion ikamo? Huh! Akala mo ay natatakot ako? Huwag kayong umasa dahil kayo na ring mag-iina ang nagturo sa akin kung paano makisabay sa agos ng buhay matapos n'yo akong siraan sa mga tao. Try hard and more convincing gossips because I don't care as well. Pero ito ang ipinapasigurado ko sa inyong lahat, oras na mayroong mangyari sa kaibigan ko ay hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko!"
Wala siyang oras sa mga tulad ng mga itong makasarili. Kaya't kahit may kukunin sana siya sa sarili niyang silid sa kanilang mansion ay hindi na siya umakyat. Bagkus ay inisa-isa niyang tinitigan ang mga ito. Mga tinging kulang na lamang ay mamatay sila.
'I don't care by the way if all of you will die! Kayo ang tinik sa lalamunan ko. Puro sakit sa ulo ang dulot ninyong mag-iina!' Ace Travis blubbered as he walks away from them.
SAMANTALA agad-agad na binalingan ni Mrs Tritts ang dalawang anak nang nawala na sa kanilang paningin ang mortal nilang kaaway.
"Hindi ba't kabilin-bilinan kong huwag n'yong hayaang makalabas-masok ang hayop na iyon dito sa mansion? Aba'y kung sinunod ninyo ako ay hindi niya narinig ang usapan natin!" mariin niyang sabi.
"Mommy, kailanman ay hindi namin iyan makakalimutan. Dahil kahit anuman po ang gawin natin ay siya pa rin ang panganay na anak ni Daddy. Kaya nga nakakalabas-masok pa rin siya rito," sansala ni Missam sa inang nangangalaiti.
"Sa pag-aakala mo ba ay nakalimutan ko ang bagay na iyan? Huwag kang sagot nang sagot kung wala rin namang saysay. Kung gusto ninyong patuloy kayong bigyang halaga ng inyong ama ay huwag n'yo siyang bigyan ng sakit sa ulo. Make sure to tighten all the monitors inside and out of the mansion. Hindi siya maaring makalapit sa Daddy ninyo. Nauunawaan n'yo ba ang ibig kong sabihin?" muli ay patanong na pahayag ng Ginang.
"Yes, Mom. Don't worry so much about everything specially to that bastard. Remember, he never win against us over Daddy. Meaning, whatever we might tell him he will surely believe. And at this point, Daddy will frantically neglect him." Pagsang-ayon ni Fudail sa ina.
Dahil totoo namang kahit anuman ang sinasabi nila sa ama ay pinaniniwalaan nito. Kahihiyan at sakit sa ulo kung ituring nito ang panganay nilang kapatid. Kaya't tiwala siyang ganoon din sa pagkakataong iyon.
Samantalang hindi na sumagot ang Ginang bagkus ay iniwan ang dalawang anak. Sang-ayon din naman siya sa mga ito at siya na lamang ang kakausap sa asawa niya pagdating nito.
'Stupid jerk! Well, bagay lamang sa iyo iyang demonyo ka. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mong hayop ka!' Ngitngit niya habang papakyat sa ikalawang palapag ng mansion.
May tatlong elevator naman sa buong bahay ngunit mas gusto niya ang gumamit ng hagdan at sa ikalawang palapag lang naman ang pupuntahan niya.
THREE DAYS later in London, dahil na rin sa medical mission ay maagang naghanda si Faith Ann ng araw na iyon.
"Nakahanda na ba ang lahat ng dadalhin mo, anak?" tanong ni Ginang Gracelyn sa anak na dalaga.
"Yes, Mommy. Nasa sasakyan na rin po ang lahat ng gamit ko," tugon ng dalaga.
"Very good, Hija. Go ahead and don't forget anything about your things. Lalong-lalo na ang mga medical equipments mo." Tumango-tangong pagsang-ayon ng Ginang.
Hindi na sumagot si Faith Ann ngunit tumango-tango rin siya. Inayos at pinasadahan ang sarili sa huling pagkakataon. Sabay din silang pumanaog ng ina ngunit sa pagbaba naman nila ay ang ama ang nadatnan sa sala.
"Good morning, Daddy. Aba'y mukhang naguyo ka po ni Mommy ah," aniya saka nagbigay-galang.
"No, not at all, Hija. Talagang sinadya kong gumising ng maaga. Dahil nais kong ibigay sa iyo ang kontribusyon ng gobyerno para sa medical mission ninyo. Here take these envelope. I don't know how much it cost but base on the thickness, it's quite possible to finance your whole team." Iniabot naman ng Ginoo ang hawak-hawak na sobre.
Kaya naman ay napangiti ang dalagang si Faith Ann. Masuwerte siya dahil hindi lang pamilya niya ang nakasuporta sa bawat medical mission nila. Madalas silang nagsasagawa ng misyon sa Africa at ganoon din sila sinusuportahan ng pamilya at gobyerno. Kahit nga ang kapatid ng abuela niyang nag-asawa sa Mexico. Lagi itong may pabaon sa team niya. Idagdag pa ang boxes na punong-puno rin.
"Paki-abot na lamang po ang taos-puso kong pasasalamat, Daddy. At mauna na po ako sa inyo ni Daddy dahil sigurado akong nasa airport na po ang mga kasama ko." Nagbigay-galang siya sa mga magulang bago dinampot ang shoulder bag at hand carry luggage. Dahil ang malalaki niyang gamit ay nasa malaking sasakyan na rin.
Ihinatid naman ng mag-asawang Gracelyn at Adam ang kanilang anak sa labas ng mansion. Hinintay pa nga nila itong nawala sa paningin nila bago sila muling pumasok sa loob. They are all wishing the best and safety of their daughter.
SA kabilang banda, dumiretso nang uwi si Ace Travis. Ngunit dahil sa inis na lumulukob sa kaibutuwiran ng pagkatao niya ay agad din siyang nagtungo sa bar ng bahay.
"Damn them all! Why did the heavens let those bastards live in these world?!" Ace Travis carelessly whispered.
Rage layered by rage. A rage was ignited and curves deep inside of him towards those filthy bastards.
"F*ck! If only Dad listen to me. I am afraid that he will lose everything to those devil if he will continue to--- Damnit all!" Inisang lagok tuloy niya ang laman ng wine glass.
Muli niyang sinalinan ang baso at iinumin na sana kaso inagaw ng kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya.
"Akala ko ba ay gusto mong maging fluent sa Tagalog, my friend. Pero mukhang nakalimutan mo na ang naitanong mo sa akin kagabi. By the way, can I take these wine?" anito saka ininum ang laman ng baso na hindi hinintay ang sagot niya.
Kaya naman ay napatingin siya rito. Alam niyang nasa bahay niya ito ngunit wala siyang kamalay-malay na nasaksihan pala nito ang pagdating niyang salubong ang kilay at madilim ang mukha.
"Kanina ka pa ba, bro?" tanong na lamang niya.
"Yes, bro. Actually kaninang pagpasok mo pa lang ay nakita na kita. Sinundan kita at kagaya nang hinala ko ay nandito ka. What's makes you so upset, bro?" sagot nito.
SA tinuran nito ay napahinga siya ng malalim. Gustong-gusto niyang kasama ang kaibigan niya ngunit dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay mukhang kailangan niyang pauwiin ito sa bansa nito. Kaysa naman ito ang pagbalingan ng mga hayop.
"As usual, bro. Those filthy jerks pestered me again. Actually---"
Kaso hindi niya natapos ang pananalita dahil pinutol nito. Ito na rin ang tumapos sa nais sana niyang sabihin.
"Gusto mo akong pauwin sa bansa dahil natatakot kang ako ang balingan ng kapatid mo. Iyan ang nais mong sabihin 'diba? Kung iyan nag nasa isipan mo ay kalimutan mo na, bro. Uuwi ako pero hindi pa sa ngayon. Dahil bukod sa binayaran ako ng Daddy mo para sa tutorial ay papunta rin ako sa South para sa ibang transaction," anito.
"Sa kabila ng panganib na maaring idulot ng mga hayop na iyon ay iyan pa ang iniisip mo? For pete's sake, Noel Frank!" Napaupo nang matuwid si Ace Travis dahil sa narinig mula sa kaibigan.
"Well, maaring mapanganib silang tatlo pero hindi naman nila hawak ang buong Africa upang malaman kung saan ako pupunta. Don't worry my friend. Alam ko namang hindi mo ako pababayaan. Kaya't sa ngayon ay mag-inuman na lang tayo," muli ay wika ni Noel Frank.
So it be!