Chapter 3

2621 Words
Abilene Pagod akong napaupo sa sala namin pagkauwi na pagkauwi namin ni Deo. Hinanda ko na ang sarili ko sa worst na itsura ng mansyon kanina pa. Sobrang dilim ng loob. Ang dating maliliwanag na mga chandelier ay tila nawalan ng buhay. "Ate, pasensiya ka na. Kailangan namin magtipid ng kuryente dahil wala naman po akong pera, naubos na ang laman ng bank account ko dahil sa huling pasweldo ko sa mga katulong," malungkot na saad ni Deo sa akin kaya napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang kalagayan namin na maging ang mga ari-arian ni Dad ay mawawala ng isang iglap lang. "I'm sorry ate," nakayukong sabi ni Deo sa akin. Wala akong ibang narinig mula sa bibig ni Deo mula pa kanina kundi ang paghingi niya ng tawad sa akin kahit na wala naman siyang kinalaman sa kamalasan ng pamilya namin. "Have you talked to your Mom?" I asked. Ang tinutukoy ko ay ang Ina niya na sumama sa ibang lalaki. Nahihiyang umiling si Deo at kanina pa siya nakayuko. Hindi gagana ang utak ko kapag pagod na pagod ang katawan ko, sa ngayon ay kailangan ko munang magpahinga bago ko harapin ang mga problemang iniwan ni Daddy sa amin ni Deo. "Mamaya na lang tayo mag-usap, Deo. Kailangan ko munang magpahinga," mahinang sabi ko bago ako dahan-dahan na tumayo sa kinauupuan ko kaso katatayo ko palang nang may inabot siya sa akin. "What is this?" I just want to bang my head against the wall if he shows me another problem. "Listahan ng mga utang ni Papa, baon na baon na po tayo sa utang." I trembled as I looked at the list. Bawat pangalan na nakikita ko ay halatang kilalang-kilala na tao. Alam kong kayang-kaya nilang gawing miserable ang buhay namin. What surprised me was to see Gioval's name. I couldn't breathe properly and felt my whole body was shaking. Gioval Guiverra. "Bakit nandito ang pangalan ng Kuya Gioval mo? Sinisingil..." huminga ako ng maayos bago magsalita ulit, "...i-imposibleng s-singilin niya ako." "Ibinigay 'yan ni Attorney sa akin noong isang araw, Ate." Kilala ni Deo si Gioval because he met Deo when we were still together, and the two of them became close since they get along well because they share the same hobby of watching action movies. "Their contacts are already written there," Deo whispered. "Naningil na ba sila?" pinagpapawisan kong tanong dahil sa kabang nararamdaman ko. Nakita kong umiling si Deo, "Iilan lang diyan ang mga naniningil ate." "Si Gioval ba..." tumigil ako saglit sa pagsasalita at napapikit, "...sinisingil tayo?" Napanatag ako nang umiling si Deo. Ibig lang sabihin no'n ay hindi kami ginigipit ni Gioval. "Mukha naman siyang walang pakialam, Ate," malungkot na sabi ni Deo kaya napakunot ang noo ko. "What do you mean by that?" Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Deo habang sinasabi 'yon sa akin. "We met when I visited Papa in jail. It seems that he really won't let Papa get his freedom or get bailed out... and I asked him for help," Deo admitted to me. "You asked him for help without telling me? Why? Hindi ka ba nahiya? Wala na siyang pakialam kung ano'ng nangyayari sa atin! Bakit ka humingi ng tulong sa kan'ya?! Deo naman, alam mo naman na ---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya at hindi hinayaan na matapos ang gusto kong sabihin. "Na naging kabit ka ng kapatid niya?" When he stated that, my eyes widened in surprise, and I could see that he was feeling the same way. Umiwas ako nang tingin kay Deo dahil pakiramdam ko ay napahiya ako dahil sa sinabi niya. "A-ate, I didn't me---" "Let's talk tomorrow. I'm going to rest. I'm too tired. You should get some rest too." I quickly left our living area and headed upstairs to my room. While I was on my way to my room, my eyes shifted to the hallway on the right wing of our mansion. My Dad's collection of extravagant paintings was gone from the place where I always saw them. I clutched the back of my neck as I felt tears fall from my eyes. I lay down on my bed and closed my eyes. "Kahit na ano'ng gawin ko, patuloy akong hahabulin ng nakaraan ko. Hindi na magbabago na naging kabit ako," mahina kong sabi habang nakatingin sa kisame ng kwarto. Hindi ako kailanman makakatakas sa mga pagkakamaling ginawa ko noon. I covered my face with my palms as the tears endlessly fell from my eyes. Dahil sa pag-iyak at dahil na rin siguro sa pagod ay naging mabigat ang mga talukap ng mga mata ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto kong makaharap ang ama ko upang ipaalam ang mga problemang iniwan niya sa amin ni Deo. --- I never thought I would face the man who ruined my life again. I promised myself I would never visit him again. But here I am, in front of the man who ruined my life. "What are you doing here? Sinama mo pa si Deo," malamig na tanong ng ama ko. "Papa, ayaw mo na ba sa akin? Noong dumalaw kasi ako ayaw mo akong makita hanggang wala si Mom. Gusto ko sanang ipaalam na si Mommy ay ---" "Pwede bang lumabas ka na muna Deo? Mag-uusap lang kami." Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil gusto kong ako ang magpamukha sa kan'ya na ang babaeng pinili niyang mahalin ay sumama sa ibang lalaki noong nawala na sa kan'ya ang lahat. When I saw that Deo had exited the room, I looked again at my father, whom I didn't recognize when I saw him earlier because of the weight he had lost. "Didn't you bring any delicious food? I'm getting tired of their bland food here." Binuksan niya ang lunchbox na dala-dala namin. Nakita ko ang dismayadong pagmumukha niya. Napairap na lang ako. "Ano ba naman 'yan, Abilene? Papatayin mo ba ako sa dal---" "I hope you just die already." Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Daddy dahil sa sinabi ko. Masama naman talaga ang ugali ko at malamang namana ko 'yon sa kan'ya. "I hope you were the one who died that day. Sana lang talaga ay ikaw na lang ang namatay at hindi si Mom---" My cheeks went numb because Dad slapped me. I bit my lower lip so hard that I could taste my own blood. I calmly looked at his angry face. Galit na galit siyang nakatitig sa akin na para bang gusto niya akong patayin ngayon. "Baka nakakalimutan mo na ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito! Hoy Abilene, gumawa ka ng paraan para makalabas ako rito. Huh?! Wala kang utang na loo---" "I'm here to inform you that the new owner will take over the mansion. All your cars are gone, and all your businesses are in bankruptcy state. Your few shares have been sold by your business partners," I said coldly while looking at the lunchbox. "What?! How did that happen?! Ibinenta niyo?!" "Why are you asking me? Ask yourself." Napaupo na lang siya dahil sa sinabi ko at magsasalita pa sana ako nang sigawan na niya ako. "Ano'ng ginagawa mo?! Gumawa ka ng paraan! Gawan mo ng paraan para makalabas ako rito! Si Attorney! Putang-ina, hindi ako nararapat dito, Abilene! Nasaan na ba ang tita mo?! Ilabas niyo ako rito!" nagwawala na si Dad kaya naman naalerto ang mga nagbabantay na mga pulis. "'Yong babaeng pinakasalan mo, nasa ibang bisig na." Bigla siyang natahimik dahil sa sinabi ko. Umiling-iling pa siya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "ano'ng pakiramdam na gamitin lang kasi may pera? Ano'ng pakiramdam ng niloloko? Lahat ginawa ko sa 'yo para kahit papaano pahalagahan mo ako, Daddy! Anak mo ako, Daddy." I let my head hang low as tears fell from my eyes. I didn't want to be weak in front of him, but I couldn't stop crying. "Gusto mong mailabas kita rito? Saan ako kukuha ng pera? Saan ako kukuha ng tao? Lahat ng tao na kilala kong makakatulong sa atin ay niloko mo," mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Gusto kong ipamukha sa kan'ya ang lahat. "How can I get you out of here? Maging kabit na naman ako?" Napatakip na lang ako ng mukha gamit ang mga palad ko dahil sa sama ng loob. "Daddy, can you see me? I'm your daughter, now I can't start my own life because my past is still haunting me," I cried out loud. They say a girl's first true love is her father, and no one in this world can love a girl more than her father. I hope that's what Dad made me feel. But he did nothing but hurt me and use me for his evil schemes. "I'm here because I just want you to know about the mess you made. Ang ganda pa nga ng buhay mo rito sa kulungan. Akalain mo 'yon, kakain ka ng walang problema, iinom ng walang iniisip, maliligo ng hindi nanghihinayang at natutulog na walang dinadamdam." Tumayo ako at pinakatitigan siyang mabuti. "Mabubulok ka na rito, Dad. Sa tingin mo hahayaan ka nila Gioval na makalabas dito sa dami ng kasalanang ginawa mo sa pamilya niya? Tuluyan ko na sana siyang iiwan nang marinig kong magsalita siya, "Hindi ako naniniwala na iniwan ako ni Daniella." "Huwag kang mag-alala. Ipapadala ko sa 'yo ang wedding invitation nila o kaya ang annulment papers niyo." Tuluyan na akong umalis, gusto ko na lang lumayo sa lugar na 'to. I was about to approach Deo when I saw Gioval getting out of his car so I quickly pulled Deo so we could hide. I was overwhelmed with emotion until I saw him. The man who I deeply hurt by cheating on him with another man. What is he doing here? "Ate, bakit nagtatago tayo?" tanong bigla ni Deo sa akin. Nagtatago kami sa gilid ng presinto at nagpapasalamat naman ako dahil hindi malikot ang mga tingin ni Gioval kaya hindi kami nakita. "Shh! Don't make a noise," I murmured. Deo was quiet and didn't know what was going on. When I saw that Gioval had already entered the precinct, I breathed a sigh of relief and turned to Deo. "Let's go home," I said softly as Deo stared at me and looked at my wound on the side of my lip. "Ayos ka lang ba ate?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako at tumalikod na sa kan'ya at naglakad papalayo para makahanap ng taxi na masasakyan kaso nagsalita si Deo. "Sorry Ate sa sinabi ko kagabi. Hindi ko po sinasadya," malungkot na sabi ni Deo kaya napapikit ako habang nakatalikod sa kan'ya. "Next time, if you don't have any idea about the story, never speak of it, that will only hurt other's feelings," I whispered. "Sorry po." "Let's hurry back home... marami pa tayong aasikasuhin sa mansyon," I whispered. Nakapag-isip ako kanina habang papunta kami ni Deo rito na pansamantalang bitawan na muna ang mansyon. Ayaw ko lang na maging dahilan pa 'yon kung bakit magigipit kami ng may ari pero hindi naman ako susuko na kausapin ang nagmamay-ari ngayon ng mansyon. Kailangan ko lang talagang magkapagdesisyon na. Mahirap sa akin ang binitiwan kong desisyon pero alam kong mas mahihirapan kami ni Deo kapag ipipilit namin ang mga bagay na imposible naming ipanalo. "Where are we going to stay?" "My savings are not that big, Deo, it just enough to be able to build a boutique here. Manatili na muna tayo sa condo ko pansamantala," mahinang sabi ko, ang importante lang ngayon sa akin ay kasama ko si Deo at may masisilungan kaming dalawa. Nang tuluyan akong nakaupo sa taxi ay agad kong tinawagan ang numero ni Monique. "Hello, Abi. Kamusta?" agad na tanong ni Monique sa kabilang linya. "Maghanap ka ng magandang location para upahan natin," mahina at kalmado kong sabi kay Monique. Kailangan kong kumita ng pera kahit na nandito ako sa Pilipinas. "You're not going back to Canada?" she asked me. "Sometimes you're really stupid. What about the ones I built and used in Canada? I'll probably be back." "Sinong magma-manage ng clothing line mo rito?" tanong niya pa sa akin. Dahil sa takot ko, na baka dahil sirang-sira na ang pangalan ng pamilya namin dahil sa ginawa ni Dad ay mas mabuting hindi na muna ako ang pansamantalang mamamahala sa binabalak kong business dito sa Pilipinas. "Ikaw," mahinang sabi ko at napapikit. "Because you don't want Gioval to know you're here," she said softly, making me frown. Isa rin 'yong dahilan pero wala akong balak na aminin 'yon kay Monique. "Ano'ng pakialam mo?" pabalang kong tanong sa kan'ya dahil sa inis na nararamdaman ko. "Babalitaan kita agad, Abilene. Ako na ang bahala." I hung up the call and looked at Deo when I saw him looking at me. "Have you talked to your mom? She can't just leave us like that and let us deal with this mess while she's enjoying herself," I said flatly. I saw Deo look away from me and shake his head. I know that he is also having a hard time because his mother left him in my care even though we are not actually related by blood. I know that he thinks that I don't want to be with him and his one of my burdens. "Hihinto na lang muna ako sa pag-aaral, ate. Kaya ko naman na pong magtrabaho na muna para makatulong..." bigla siyang napatigil sa pagsasalita at umiwas ng tingin sa akin bago bumulong, "...huwag mo lang akong ibabalik kay Mommy." "I have savings, just leave all the problems to me," I whispered and looked out the window to see what we were passing by. Hindi ko lang talaga inaasahan na iiwan niya si Dad ngayon na kailangan na kailangan ni Dad ng tulong mula sa kan'ya. Maging si Deo na sarili niyang anak ay iniwan niya rin para sumama sa ibang lalaki. "Ipagpapatuloy mo pa rin ang pag-aaral mo, hindi ka magtatrabaho dahil obligasyon ko 'yon. Tayong dalawa na lang ang makakapitan ng isa't-isa," madamdaming sabi ko. "Thank you ate, salamat talaga at ikaw ang naging ate ko." I laughed at what he said but I knew that he was annoyed at me when we were younger because I didn't pay attention to him. What can I do? Dad forgot about me when they came into Dad's life. He forgot about his own daughter. Deo leaned his head on my shoulder, I couldn't help but smile because of what he was doing so I closed my eyes. As long as Deo is by my side, it's going to be fine, because he's my only family now. "Mahal kita ate," malambing na sabi niya sa akin. Ginulo ko ang buhok niya dahil sa sinabi niya sa akin, pero labis-labis ang sayang nararamdaman ko. "Nagkita na ba kayo ni Kuya Gioval, ate?" "Wala naman kaming dapat pag-usapan kaya bakit pa kami magkikita? Parehas na kaming masaya sa mga pinili naming buhay, Deo." "Hindi ka naman mukhang masaya, Ate Abi." Napapikit ako sa sinabi niya pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko. "Then I have to be happy for myself." "Don't worry, I'll protect you from him. I know he's mad at you, I can see it in his eyes that he doesn't want to talk to me anymore." Malamang galit si Gioval sa akin maging sa pamilya ko. Baka hanggang ngayon ay sinusumpa niya ako. "I can protect myself, Deo. Focus on your studies." "I'm sleepy, Ate." He laughed and pressed himself closer to me. If I have Deo by my side, why would I be sad? I'm not alone anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD